Share

Chapter 2: The Diary

Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat para sa annual thanksgiving ng Children Of God Orphanage. 

Ang pagdiriwang ay magsisimula eksakto alas diyes ng umaga kaya naman ay alas 5 pa lamang ng madaling araw ay gising na si Yanah. 

Suot ang isang simpleng puting tshirt, mahabang floral skirt, at apron ay sinimulan na niyang hiwain ang mga sangkap. Siya na rin ang magluluto ng mga ulam na ihahanda sa okasyon.

Siya rin kasi ang kusinera ng ampunan. Pinili niya noon na kumuha ng isang kurso sa pagluluto dahil na rin sa interes niya rito.

Pinlano na niya ang kanyang mga gagawin para makausap si maam Diana. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang diary ng kanyang ina sakali mang hindi siya paniwalaan nito.

She knows that she's risking her own life considering that maybe she's still in danger even after all those years. But she still want to try and trust her instinct. Marami syang gustong malaman at alam niyang maaaring masagot ang mga ito ng Ginang.

Kaya naman sinigurado niyang masasarap ang mga lulutuin niya sa araw na iyon. Niresearch pa niya kung anu-ano ang mga paborito nitong kainin.

Pasado alas 8 na nang matapos si Yanah sa pagluluto, kaya naman ay may dalawang oras pa sya para ihanda ang kanyang sarili. 

Ilang sandali pa ay dumating ang kanyang matalik na kaibigan.

"Yanah babe!!!". Nang narinig niya ang ingay ay alam na niya kaagad kung sino ito. 

"Babe! Andito ako sa taas!" Sigaw niya galing sa itaas ng hagdanan, saka pumasok ulit siya sa kanyang kwarto.

Agad namang pumasok si Scarlet sa kwarto niya ngunit agad ding natigilan nang makita ang suot niya. Isang nude colored puffed-sleeve maxi dress na halos umabot na sa talampakan niya ang haba.

Hindi napigilan ni Scarlet ang mapatili tanda ng pagkadisgusto niya sa suot ng kaibigan. 

" Babe!!! Seriously?? Bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit ganyan ang suot mo?" Eksaherada nitong sabi habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

"Babe naman! Hindi tayo pupuntang simbahan, bakit ganyan??" Dagdag pang litanya nito.

Tinawanan na lamang niya ang kaibigan. Salungat kasi sa suot niya ay napakasexy nito sa suot nitong black bodyfit dress na bagaman hanggang tuhod ang haba ay kitang kita naman ang malaking parte ng likod nito.

"Babe, pabayaan mo na nga ako. Alam mo namang ayaw ko ng mga damit na tulad ng mga sinusuot mo diba?" Pang uuto niya sa kaibigan. Alam kasi niya na ipipilit na naman nito ang mga damit na naaayon sa panlasa nito.

"Ay naku babe, bakit ba kasi ang manang mo. Tingnan mo nga yan! Sobrang ganda mo pero ang pangit ng taste mo pagdating sa pananamit! No offense babe ha? Pero ang sagwa talaga eh." Dagdag pang panlalait nito saka umupo sa upuang katapat nang kama kung saan siya nakaupo.

"Babe, pagbigyan mo na ko please? Dito lang kasi talaga ako komportable eh." Saka siya ngumiti rito ng pagkaganda ganda.

"Naku, kung hindi lang talaga kita mahal eh. Sige na nga." She thought she can finally breath not until the smile on Scarlet's became an evil grin.

"Oh, bakit ganyan ka ngumiti. Babe ha, ano pinaplano mo? Nakakatakot ka, kung alam mo lang." Pagsasabi niya rito ng totoo.

"Pababayaan kita dyan sa suot mo, pero hindi ka pwedeng tumanggi sa gagawin ko sa mukha mo." Saka lumaki ang ngiti ni scarlet sa kanya.

Wala nang nagawa si Yanah ng ilabas na ni Scarlet ang make up kit nitong hindi niya namalayang bitbit pala nito pagpasok.

"Alam ko kasing hindi ka papayag na ibahin kung ano man ang isusuot mo. Kaya nagdala na ako ng back-up plan ko. Hindi naman ako papayag na ako lang ang maganda ano." Pagpuri pa nito sa sarili na ikinatawa naman niya.

Matapos pa ang ilang sandali ay natapos na rin si Scarlet sa pag aayos sa kanya. Light make up lamang ang nilagay nito sa kanya ngunit hindi niya maipagkakaila na gumanda nga siya. 

Mas nadepina ang magandang hubog ng kanyang mukha, lalo na ang kanyang mga mapupungay na mga mata na mas napaganda pa dahil sa kanyang makakapal at mahahabang pilikmata.

"Beautiful right? I told you." Ngiting tagumpay na sabi ni Scarlet na tinanguan na lamang niya.

Matapos syang ayusan sa mukha ay ang buhok naman niya ang inayusan ng kaibigan. Scarlet tied her hair into a messy bun. Hinayaan naman nitong nakalantad ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang mukha na mas lalong nagpaganda sa kanyang ayos ngayon.

Nagkakatuwaan silang magkakaibigan ng biglang pumasok ang isa sa mga madreng kasama nya sa ampunan.

"Wow! Yanah ang ganda mo!" Papuri sa kanya ni Sister Tina na ikinangiti naman niya.

"Nga pala, pinapunta ako ni Sister Jane dito para sabihin sayo na dumating na ang mga bisita natin. Nariyan na rin si Maam Diana pero mamaya pa raw ang dating nung anak niya. Kaya pinapapunta na kayo roon at magsisimula na ang programa." Dagdag pang sabi nito.

Sabay silang tatlo na lumabas patungo sa venue ng programa at doon nga ay natanaw niya si maam Diana. 

Nakaupo ito sa pinakagitnang lamesa kasama sina sister Jane at ang iba pang mga bisita na parehong donor din ng ampunan. 

Bitbit ang diary ng kanyang ina na isinilid niya sa isang maliit na bag ay umupo siya kasama ni Scarlet sa kalapit na lamesa ng Ginang.

Abot-abot ang kabog ng kanyang puso lalo na ng tumingin siya sa ginang at nakitang nakatingin rin ito sa kanya. May halong pagtataka ang tingin nito sa kanya ngunit nawala rin ito at napalitan ng isang matamis na ngiti.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa. Nagsimula ito sa dasal, sumunod ay ang talumpati ni Sister Jane, ang tagapamahala ng bahay ampunan. Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga dumalo, ang mga donors ng ampunan lalo na si maam Diana na siyang may pinakamalaking donasyon.

Sinundan ito ng paghahandog ng mga batang kasama niya rin sa ampunan ng kanta.

Hanggang sa dumating na nga pagkakataong hinihintay ni Yanah. Maam Diana excused herself and went to the comfort room.

Ginamit naman itong pagkakataon ni Yanah upang sundan ang Ginang at kausapin. Nagulat pa ito ng makita syang naghihintay sa labas.

"Oh, hi. Are you going to use the Comfort room? Come, I'm already done, it's free now." Ngumiti ito sa kanya.

Akma na sana itong aalis nang pigilan niya ito.

"Maam, sandali lang po." Kinakabahan man ay naisatinig pa rin ng dalaga. 

"Yes dear, do you need anything?" Nagtataka man ay ngumiti parin ang ginang sa kanya.

"Gusto ko po sana kayong makausap, kahit saglit lang po sana." Lakas loob na sabi niya.

"Oh dear. Is it something important?" Tanong nito sa kanya. "Actually, you know what? You actually look so familiar. You really look like someone who's very dear to me. But she's dead a long time ago, maybe i just missed her that's why I see her in you." Malungkot na dagdag pa nito.

"Si Claire Legazpi po ba?" Tanong niya na lubhang ikinagulat naman nito.

"oh my God, how did you..??" Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay inilabas na agad niya ang diary na pinakainiingatan niya. Lalo naman itong nagulat ng makilala ang bagay na hawak hawak ng kausap.

"Oh my God, how on Earth did you actually have this?? This diary is Claire's." At the moment she took a hold of the diary, she became teary-eyed. 

"Maam Diana, I'm Gabriela Denise Legazpi de Alba. I am Claire Legazpi's one and only daughter." And at that, the woman in front of her started to cry and trapped her into a tight hug.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status