Share

Chapter 4: The Nightmare

It's been 10 years already, but the pain that had been lingering on Yanah's heart and soul was still fresh.

The image of them still hunt her sleep at night. Her father whose fear is evident while driving the car that they're in. The face of her crying mother while worrying about their safety. And the one that broke her heart the most was the memory of them lying on the cold bed of the morque, lifeless and covered with blood.

"Gabby." She heard a woman calling her name. "My baby, help mommy please."

Nagpalinga linga si Yanah sa paligid, ngunit ang tanging nakikita nya lamang ay kadiliman. 

"Gabby, help mommy please." Anang boses na napakapamilyar sa kanya.

Tumindig ang balahibo sa kanyang buong katawan. Maya maya pa ay naramdaman niyang nanigas na naman siya sa kanyang kinatatayuan.

Kahit anong pilit niyang gumalaw ay hindi niya magawa. Unti-unti na rin syang nahihirapang huminga. Ang kanyang pawis ay unti-unti na ring pumapatak at nadagdagan pa nito ang kanyang panlalamig.

Isang malamig na kamay ang naramdaman niyang humawak sa kanyang kaliwang balikat. At ng iginalaw niya ang kanyang mga mata upang silipin ito ay nakita niya ang mukha ng kanyang ina, may sugat ito sa noo kung saan ay dumadaloy ang maraming dugo.

"Anak, tulungan mo si mommy please, nahihirapan na ako anak." Sabi nito habang umiiyak. pinatong nito ang mukha sa kanyang balikat na lalong nagpatindi ng kanyang takot na nararamdaman.

Gumising si Yanah na pawis na pawis at hinihingal. Sobra sobrang panghihina ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon.

Another nightmare had visited her. Sa loob ng sampung taong pamamalagi niya sa ampunan ay pabalik balik ang bangungot na iyon. Minsan ay nakikita niya ang sarili na kasama ang mga magulang habang bumabangga ang sinasakyan ng mga itong kotse sa truck.

Minsan pa ay ang kanyang ama naman ang humihingi ng tulong sa kanya, puno din ng dugo ang mukha nito at umiiyak.

Nang dahil sa bangungot na iyon ay hindi na muli pang nakatulog si Yanah. Kaya naman ay hinintay na lamang niya ang oras at napagpasyahang magluto na ng maaga.

Ilang sandali pa ay gumising na rin ang mga madre at tinulungan siya sa paghahanda.

Pumasok naman ng kusina si Sister Jane at magtitimpla na sana ng kape. Ngunit ng mapansin nitong hindi maayos ang hitsura ni Yanah ay nag-aalala itong lumapit sa kanya.

"Oh anak, maitim na naman ang ilalim ng mata mo, sabihin mo nga sa akin, binangungot ka na naman ba?" Nagagambalang tanong sa kanya ni Sister Jane.

"Opo eh. Pero huwag po kayong mag-alala, maayos naman po ako, at maayos naman din po ang pakiramdam ko." Pagpapalubag loob niya sa matandang madre.

"Naku anak, ako nga ay huwag mong pinaglololoko. Tingnan mo nga iyang ilalim ng mata mo! Eh nangingitim, yan ba ang sinasabi mong maayos?" Panenermon nito sa kanya.

"Eh sister kasi, alam niyo naman pong hindi na ako nakakabalik ng tulog kapag binabangungot po ako." Pagsasabi niya ng totoo sa matanda.

"Ay naku ka talagang bata ka. Sinasabi ko naman kasi sayo na magpatingin ka sa psychiatrist ng magamot na yang bangungot mo na yan eh, bakit ba kasi hindi ka nakikinig na bata ka." Umupo ito sa pinakamalapit na upuan.

"Eh sister, sayang naman po kasi ang perang magagastos kung magpapatingin po ako. Ang mahal po kaya kahit isang session lang ng therapy, kaya wag na lang po. Alam ko naman po na naghihirap ngayon ang orphanage lalo na't dumadami ang mga batang iniiwan dito. Kaya huwag na lang po, kaya ko naman po ang sarili ko, isa pa ay sanay na rin po ako." Sagot niya sa matanda.

Huminga ng malalim si sister Jane, tanda ng pagtanggap nito sa kanyang mga dahilan.

"Patawarin mo ako anak ha, kung marami lang sana tayong pera eh di sana ay hindi ka nahihirapan ngayon." Nanghahapong ani Sister Jane.

"Sister naman, sobrang laki na po ng utang na loob ko sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ay baka nasa kalsada po ako ngayon at namamalimos lamang para may makain. Kaya wag na po kayong mag-alala, kaya ko na po talaga ang sarili ko." Nakangiting sabi niya sa babaeng itinuring niyang ina sa loob ng sampung taon.

Matapos mag-agahan ay bumalik na sa kanyang silid si Yanah. Napaisip siya sa kalagayan ng orphanage.

Bagaman marami ang nag dodonate dito ay nahihirapan pa rin sila, isa na rin sa dahilan ay lalong dumarami ang mga batang kinukupkop nila. Karamihan kasi sa mga batang naroon ay mga batang kalye.

Ang iba ay ulila na sa mga magulang na gaya niya. Ang iba naman ay pinabayaan na ng kanilang mga magulang.

Kaya naman ay pinangako niya sa kanyang sarili na magsusumikap siya ng sa ganun ay matulungan niya ang ampunan balang araw.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Yanah ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Babe, I've heard from Sister Jane. Binangungot ka na naman?" Pumasok si Scarlet sa kwarto niya saka tiningnan ang kanyang hitsura.

Sa lahat ng mga naging kaibigan ni Yanah ay si Scarlet lamang ang tanging pinagkatiwalaan niyang sabihan ng totoong pagkatao niya. Bukod pa sa ito lang din naman ang naging totoong kaibigan niya.

"Oo eh." Bumuntong hininga sya. "Hindi ko kasi makalimutan lahat ng nangyari babe eh. Hanggang ngayon ay kinikimkim ko pa rin ang galit para sa lolo ko." Pagsasabi niya ng totoo sa kaibigan.

"Babe naman kasi eh. Di ba nga sabi ko sayo magpatingin ka na sa psychiatrist. May kakilala ako babe, matutulungan ka niya, promise. Tsaka wag mo na alalahanin yung bayad, sagot ko na rin yun." Pangungumbinsi sa kanya ni Scarlet.

"Babe naman eh, di ba napag-usapan na natin to? Di ba nasabi ko na sayo dati pa na ayaw kong tumatanggap ng kahit na anong tulong galing sayo lalo't malaki ang magagastos mo? Ok lang kung maliliit na mga bagay lang babe eh, pero alam kong malaki ang magagastos nun, ayokong isipin ng iba na pinagsasamantalahan ko ang pakikipagkaibigan ko sayo. Ayokong isipin nila na kinaibigan lang kita dahil sa pera mo, naiintindihan mo naman yun diba?" Scarlet sighed as a sign of defeat. 

Kahit noon pa mang nag-aaral pa silang dalawa mula highschool hanggang kolehiya ay palaging ganun na lamang ang tingin ng mga tao kay Yanah, na porke mayaman si Scarlet ay pera lang ang dahilan ng pakikipagkaibigan ni Yanah sa kanya. 

Kaya naman ay iniiwasan niyang tumanggap ng mga mamahaling bagay mula kay Scarlet, mapatulong man ito o regalo.

"Naku ka naman talagang babae ka oh, pinapasakit mo lagi yung ulo ko. Hindi naman kasi big deal sa akin yun eh, tsaka isa pa hindi naman ganun yung iniisip ko tungkol sayo babe, pera lang naman yun eh, ang mas importante sa akin eh yung kalusugan mo." May tunog na pag-aalala na sabi ng kanyang kaibigan.

"Kaya mahal na mahal kita eh." Sabi ni Yanah saka buong pusong ngumiti sa kaibigan. "Pero sana maintindihan mo din ako babe, alam mo naman yung mga pinaghuhugutan ko diba? Tsaka ok pa naman ako eh, maayos pa ako. Tsaka ko na lang siguro tatanggapin yang tulong na yan kung kailangang kailangan ko na".

Scarlet took a deep breath. Knowing how stubborn her bestfriend is, she just accepted her defeat.

"Sige na nga lang, pero pag di mo na talaga kaya babe ah, andito lang ako. Pero sa ngayon, samahan mo na lang muna akong mag shopping, tsaka bibili tayo ng paborito mong milktea, libre ko. Wag mo tatanggihan yan ah, maliit na bagay lang yan." Scarlet said with sarcasm.

"Oo na, sige na. Maliligo lang muna ako tsaka magbibihis, pagkatapos nun alis na tayo." Sabi ni Yanah habang papunta na siyang CR para maligo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status