Share

Chapter 5

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-10-12 14:11:22

"Ano?" Halos pabulong niyang tanong.

"C'mon Natalie... Stop acting like you don't hear me at all. My words were loud and clear. In order for you to be with my son, you have to marry me," nakangisi nitong wika.

Umawang ang kanyang mga labi habang nakatingin sa mukha ni Nyle. Kung ang iba, matutuwa at maglulupasay sa kilig pero siya hindi. Dahil sigurado siyang kaakibat ng alok nito ang pagdurusa niya.

Marahan na pinasadahan ni Nyle ang kanyang mukha gamit ang likod ng daliri nito. "Even if I hate you, you still could be useful to me," makahulugan nitong bigkas.

Mabilis niya iniiwas ang kanyang mukha mula sa kamay nito nang sa ganun, matigil ang pagdapo ng balat nito sa kanya.

"You're a monster!" May diin at nanginginig ang boses niyang bigkas.

"This monster can save the life of the person you cared the most, Natalie," anito bago tumayo.

Ngayon ay nakatingala na siya sa lalaki habang nakatunghay naman ito sa kanyang na para bang diyos na niluluhuran niya.

May hinugot si Nyle mula sa wallet nito at inihulog sa kanyang harapan ang isang calling card. "I will be giving you until tomorrow to decide. I can't wait that long. I'm impatient," anito at tinalikuran na siya.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakasalampak sa sahig habang paulit-ulit na nagrereplay sa kanyang isipan ang mga binitawang salita ni Nyle.

Nais niyang magalit at magwala. Kung pwede lang na saktan niya ang lalaki sa mga masasakit na salitang ibinabato nito sa kanya subalit sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon, nauuwi naman siya sa kaisipan tungkol sa kalagayan ni Nigel.

Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na tumayo at naglakad papasok sa silid ng kanyang anak. Bahagya pa siyang napapitlag nang makitang gising pa pala ito.

"Hey... Akala ko inaantok ka na kanina?" Masuyo niyang tanong.

"Hintay po kita Mama," sagot nito bago napasulyap sa kanyang likuran.

Agad naman niyang naintindihan ang naging kilos nito. Sigurado siyang hinahanap nito si Nyle lalo pa't nabanggit niyang ipapakilala niya dito ang lalaki.

"Nandito na si Mama. Magsleep ka na para gumaling ka na," nakangiti niyang bigkas.

Muli pa itong sumulyap sa nakasarang pintuan bago ito tumango at dahan-dahan na pumikit.

"Wag ka po alis Mama ha," bulong nito sa inaantok na tinig.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago masuyong hinawakan ang kamay ni Nigel. "Hindi aalis si Mama. Kahit anong mangyari, mananatili ako sa tabi mo, anak. Mahal na mahal ka ni Mama..."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang calling card na itinapon ni Nyle sa kanya. Halos mayupi na niya iyon dahil sa tindi ng pagkakahawak niya. Bakit ba parang pinaparusahan siya ni Nyle sa kasalanan na alam niyang hindi naman talaga niya sinadya?

Hindi siya nakatulog ng gabing iyon. Laman ng isipan niya ang tungkol sa sinabi ni Nyle sa kanya.

Kinabukasan habang tulog pa si Nigel, dahan-dahan niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinipa ang numero na nakasulat sa calling card. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakatitig sa screen ng kanyang cellphone bago niya nahanap ang lakas ng kanyang loob na pindutin ang call button.

"Hello, this is Janus from the office of the governor speaking. How may I help you?" Magalang na wika ng lalaki sa kabilang linya.

Janus...

Ang personal assistant ni Nyle.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Si Natalie Aurelio ito. May napag-usapan kami ni Governor Nyle Barcelona kahapon. Pakisabi nalang sa kanya pumapayag na ako sa alok niya," matapang niyang bigkas.

Nang maibaba niya ang tawag, saka palang siya nakaramdam ng pangangatog ng kanyang mga binti. In no time, she'll be tied to the man who hates her to the core.

At gaya ng inaasahan niya, dumating ang dalawa sa mga tauhan ni Nyle na siyang sumundo sa kanya sa ospital. Dinala siya ng mga ito sa isang private rest house kung saan naghihintay sa kanya ang lalaki.

"So, what made you say yes?" Tanong ni Nyle sa nakakalokong boses.

"Alam mo naman ang rason kung bakit ako pumapayag sa gusto mo, hindi ba?" Matabang niyang bigkas.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa labi ng lalaki. "Oh, well, oo nga pala. Ayaw mo nga palang mawalay sa anak ko kaya pumapayag ka sa alok ko," sarkastiko nitong turan na para bang ipinapahiwatig nito na hindi totoo ang rason niya.

"Kung iniisip mo na kaya ako pumayag ay dahil may pansarili akong interes sayo, pwes nagkakamali ka, Nyle," malamig niyang turan.

Nagkibit balikat naman ang lalaki. "Sa'yo mismo nanggaling yan. Hindi sa akin."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. "Kailan ba tayo magsisimula nang makabalik na ako sa ospital?" Naiinip niyang tanong.

Umangat lang ang sulok ng labi ni Nyle bago nito inilabas ang ilang mga dokumento at iniharap sa kanya. "All I need is your signature. And I will take care of the rest."

Pinasadahan niya ng tingin ang mga papeles sa harapan niya. Sana ipinadala nalang iyon ng lalaki kaysa kinuha pa siya nito sa ospital.

"But before you sign the marriage application, let's be clear with our setup," dagdag pa nito.

Ibinaba niya ang hawak niyang mga papeles at sinalubong ang mga mata ni Nyle. "Okay. Sabihin mo lang."

"First of all, this marriage is confidential. Walang ibang makakaalam bukod sa ating dalawa at sa mga abogado ko," panimula nito.

Tumango naman siya. "Walang problema sa'kin yun."

Mas pabor pa nga kung iisipin.

"Next, we'll sign a prenuptial agreement nang sa ganun, wala kang habol sa pera ko."

"Hindi rin ako interesado sa pera mo," malamig niyang turan. "Si Nigel lang ang inaalala ko."

Napatango-tango naman si Nyle. "That's good to hear. I don't want to spend my money on you in the first place."

"Yun lang ba?" Naiinip niyang tanong at hindi na pinatulan pa ang mga patutsada ng lalaki.

"There's one more thing. Once you get married to me, you will fulfill your duty as my wife which includes séx."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. "Nababaliw ka na ba?!" Hindi niya mapigilan na asik.

Sumandal sa upuan nito si Nyle at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. "No. I'm pretty sane as of the moment. Isa pa, wag ka ng magulat pa. Nagawa mo nang makipagséx sa ibang lalaki habang tayo pa noon, ano bang kaibahan nun ngayon? Sanay ka sa ganyang gawain so I don't see any problem with it…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 7

    Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa sinabi ni Nyle. "That's a ridiculous demand, Nyle!" Kontra niya."That's a reasonable demand as your punishment for keeping my son away from me! I will let you taste how it feels like to be in my shoes!" May diin nitong bigkas."Nigel is still young! Hindi niya maiintindihan kung basta-basta nalang natin baguhin kung ano ang nakasanayan niyang itatawag sakin!""Then that's your problem! Not mine!" Kibit balikat nitong bigkas.Nakipagsukatan siya ng titig sa lalaki habang taas baba ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang galit para sa lalaki. "Sumusobra ka na talaga, Nyle!" May diin niyang bigkas.Sarkastiko naman itong ngumisi. "I'm just giving you the treatment you deserve Natalie. Sign the marriage application now so my lawyers could work on them immediately!" Naiinip nitong bigkas.Napatitig siya sa mga papeles sa harapan niya. Ilang beses siyang napalunok para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan bago dinampot ang sign pen na nasa kanya

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 6

    Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na sampalin si Nyle. Kita niya ang gulat sa mukha nito subalit mabilis iyong nawala at napalitan ng isang nakakalokong ngisi habang hinihilot nito ang nasaktang pisngi."Did I hit the nerve?" Anito sa nakakalokong boses."Kahit paman may kailangan ako sa'yo, wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" May diin niyang bigkas.Sarkastiko namang natawa si Nyle. "I won't say those words if I don't have a proof Natalie. And unfortunately, I know what kind of woman you are. Tsaka ayaw mo pa nun? Iisang lalaki lang ang gagamit sa'yo. Hindi paiba-iba. You'll have the lower risk of getting sick. You can consider this as favor from me. Don't you think so?"Malakas na ibinagsak niya sa mesa ang marriage application na hawak niya kasabay ng marahas niyang pagtayo. "Kung ganyan rin lang naman ang magiging kondisyon mo, mas mabuti pang wag na nating ituloy 'to!" Matapang niyang asik at marahas na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Nagsimula na siyang

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 5

    "Ano?" Halos pabulong niyang tanong."C'mon Natalie... Stop acting like you don't hear me at all. My words were loud and clear. In order for you to be with my son, you have to marry me," nakangisi nitong wika.Umawang ang kanyang mga labi habang nakatingin sa mukha ni Nyle. Kung ang iba, matutuwa at maglulupasay sa kilig pero siya hindi. Dahil sigurado siyang kaakibat ng alok nito ang pagdurusa niya.Marahan na pinasadahan ni Nyle ang kanyang mukha gamit ang likod ng daliri nito. "Even if I hate you, you still could be useful to me," makahulugan nitong bigkas.Mabilis niya iniiwas ang kanyang mukha mula sa kamay nito nang sa ganun, matigil ang pagdapo ng balat nito sa kanya."You're a monster!" May diin at nanginginig ang boses niyang bigkas."This monster can save the life of the person you cared the most, Natalie," anito bago tumayo.Ngayon ay nakatingala na siya sa lalaki habang nakatunghay naman ito sa kanyang na para bang diyos na niluluhuran niya.May hinugot si Nyle mula sa wal

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 4

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Natalie sa narinig. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitiwan ni Nyle.“Hindi mo puwedeng gawin iyon,” mahina ngunit mariin niyang sagot. “Ako ang nagpalaki sa kanya. Ako ang kasama niya sa bawat araw at kahit na ngayong nagkasakit siya. Hindi mo siya pwedeng basta nalang kunin sakin!” Halos maghisterikal na niyang bigkas.Umangat ang sulok ng labi nito kasabay ng isang nakakalokong ngisi. “Then perhaps you should have thought about that before you decided to keep him from me.”“Hindi ko siya itinago sa iyo!” mariin niyang pagtutol. “Hindi mo alam na buntis ako noon!”“Because you made sure I wouldn't find out!”Napailing nalang si Natalie. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paniniwala ng lalaki. Kahit anong sabihin niya, tila nakahanda na itong hatulan siya nang hindi man lang pinakikinggan ang kaniyang panig.“Please, Nyle. Huwag mong idamay si Nigel sa galit mo sa ak

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 3

    "Doc? Kumusta po ang anak ko? Ayos lang ba siya? Bakit siya nagkaroon ng seizure?" Significant na tanong ni Natalie nang makarating siya sa ospital.“Stable na ang kalagayan niya sa ngayon, Miss Aurelio. Pero sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung ano ang magiging takbo ng kanyang kondisyon hangga't hindi natin nakukuha ang resulta ng mga pagsusuri," paliwanag ng doctor."Please Doc, gawin niyo po ang lahat para gumaling ang anak ko," puno ng pagsusumamo niyang wika.“Gagawin namin ang lahat ng nararapat para sa kanya. Pero kailangan ko ring ipaalala sa inyo na ang leukemia niya ay nangangailangan ng tuloy-tuloy at agarang paggamot. Hindi natin puwedeng ipagpaliban ang kanyang cancer treatment.”Napayuko si Natalie. Alam na alam niya iyon. Iyon mismo ang dahilan kung bakit siya lumapit kay Nyle—dahil hindi na niya kayang sagutin ang mga gastusin para sa pagpapagamot ni Nigel.Pero sa naging takbo ng pag-uusap nila kanina, mukhang mahihirapan siya na kumbinsihin ang lalaki.Nang magpa

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 2

    “Maganda ang resulta ng trust rating mo ngayong buwan, Gov,” ani Janus, ang personal assistant ni Nyle, habang naglalakad sila sa hallway ng kapitolyo. Hawak nito ang tablet kung saan nakatala ang pinakabagong ulat tungkol sa gobernador.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nyle. “That's good to hear.”Akmang papasok na siya sa kaniyang opisina nang makarinig sila ng nagmamadaling mga yabag mula sa likuran. Unang lumingon si Janus, dahilan upang mapahinto rin si Nyle nang makita ang isa sa mga security personnel na papalapit sa kanila.“What is it?” tanong ni Janus.“Gov, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas. Sinabihan ko na po siyang hindi kayo puwedeng makausap ng walang appointment, pero ayaw pong umalis,” paliwanag ng security.“Ano raw ba ang sadya niya?” kunot-noong tanong ni Nyle.“May sakit daw po ang anak niya at kayo lang daw po ang makatutulong sa kaniya.”Napabuntong-hininga si Janus bago muling hinarap ang security. “May mga ahensya naman tayong puwedeng mag-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status