Share

Chapter 15

Suminghap ng hangin si Eiress ng maramdaman ang bumuhos na tubig sa kanyang mukha.

"Akala ko mahirap kang gisingin, hindi pala."

Unti-unti niyang inangat ang tingin ng marinig ang boses ng isang babae.

"Sarya?" Gulat niyang sabi ng makita ang nakangisi nitong mukha. Hawak nito ang isang maliit na timba. Hindi na niya kailangan alamin kung saan nito ginamit ang timba. Malamang ito ang bumuhos ng tubig sa kanya.

Nilibot ni Eiress ang tingin sa paligid. Nakatayo siya sa gitna ng isang silid. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa taas habang nakatali rin ang kanyang mga paa sa baba.

"Nasaan si Liam?" Seryoso niyang tanong dito ng maalala ang anak.

"Si Liam? Sa palagay ko, ligtas naman siya." Nakangisi nitong sagot.

Nag-init ang ulo ni Eiress. Sinubukan niyang lapitan ang babae pero napigilan siya ng gapos.

Malakas na tumawa si Sarya ng makitang nagwawala siya.

"Kahit anong gawin mo, hindi ka makakaalis dito."

"Bakit mo ito ginagawa, Sarya? Walang kasalanan sa'yo si Liam!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status