Share

Chapter 16

Zigzag na tumakbo si Eiress sa gitna ng kapatagan. Walang pwedeng pag-kublihan para maiwasan niya ang mga bala mula sa kalaban. Kahit nakalabas na siya sa lumang warehouse na pinagdalhan sa kanya ni Britany, hindi pa rin maawat ang mga humahabol sa kanya. Duguan na siya pero pilit niyang pinapatatag ang sarili. Kailangan niyang hanapin si Liam bago pa ito tuluyang ilayo sa kanya.

"Argh! Bullsh't!" Reklamo niya ng nadaplisan sa hita.

Hindi iyon naging sagabal para tumigil siya sa pagtakbo. Kailangan lang niyang makarating sa natatanaw na kagubatan. Mas maayos siyang makakagalaw doon lalo pa't wala siyang hawak na kahit anong armas.

Habol ang hininga ni Eiress ng tumigil sa pagtakbo. Nakakubli siya sa katawan ng malaking puno. Pinakiramdaman niya ang paglapit ng mga kalaban sa kanyang pwesto. Nang sigurado na siya sa tamang layo ng kalaban sa kanya, mabilis siyang kumilos. Lumabas siya sa pinagtataguan at sinugod ang pinakamalapit na kalaban. Yumuko siya ng magawa pa nitong magpapu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status