Share

Chapter 55

Paglabas ng ospital ni Eiress, nagpalipas muna siya ng isang araw bago nagtungo sa Canixer kasama si Aline at Trigger. Si Trigger ang nagmaneho ng sasakyan habang katabi nito si Aline sa unahan. Tahimik lang naman si Eiress sa back seat. Iniisip niya kung bakit hindi nagpapakita si Lord Scion sa kaniya kahit nakabalik na siya sa hacienda. Ang pinagtataka pa niya ay nanatili siya sa bahay ni Trigger at hindi sa bahay ng mga manggagawa sa likod ng mansiyon.

“—Eiress!”

“H-Huh? May sinasabi ka ba, Aline?” tanong niya sa kaibigan.

“Sabi ko nagtatampo si Liam dahil hindi natin siya sinama ngayon. Ang haba-haba ng nguso niya nang umalis tayo kanina. Bakit hindi mo ba siya sinama? Ayaw mo bang ipakilala si Liam sa mga magulang mo?”

“Ipapakilala ko rin si Liam sa kanila, pero sa ngayon ako muna ang pupunta sa mga magulang ko. Baka mabigla sila kapag pinakilala ko agad si Liam,” sagot na lang niya.

Ang totoo ay hindi pa talaga siya panatag na makaharap ang daddy niya. Iniiwas lang niya si Liam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status