Share

Chapter 56

Huminga nang malalim si Eiress at mataman siyang tumingin sa matanda. “Magiging tapat ako sa ’yo, dad. Nagpunta ako rito hindi para bumalik. Narito lang ako para magpaalam sa ’yo. I’m sorry, pero mas nagustuhan ko ang simpleng buhay nang umalis ako sa puder mo. Babalik ako sa buhay na iyon at sana ay hayaan mo akong umalis. Tahimik na ang buhay ko at para sa ikatatahimik din ng buhay nating pareho, pinapatawad na kita sa lahat ng mga ginawa mo. Kakalimutan ko na lang ang mga pighating naranasan ko para sa buhay na gusto ko.”

Ngumiti naman si Luciano. “Tama si Red. Malaki na talaga ang pinagbago mo. Hindi na matigas ang puso mo tulad ng dati. Mabilis ka ng magpatawad at natutuwa akong makita ang kakaibang kislap sa mga mata mo. Nakakalungkot lang dahil mas pinipili mo pa rin lumayo kaysa makasama kami ng mommy mo.”

“Pinipili ko lang kung saan ako mas magiging masaya, dad. I’m sorry dahil hindi iyon sa piling mo,” matapat niyang sabi.

“Alam ko, anak, at nagsisisi ako sa mga ginawa ko pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Kaaway si red
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Kuh, may karibal ka na naman Eiress...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status