Share

Chapter 294: Elegance

Penulis: Yazellaxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-06 19:19:56

Tahimik na sumunod si Raven kay Cailyn. Siya ang pumupulot ng mga bulaklak habang si Cailyn ang nagpuputol. Habang pinagmamasdan niya ang lungkot sa mukha ng babae, napabuntong-hininga siya at biglang nagsalita.

"Nakakalakad na siya."

Napalingon si Cailyn. Hindi man niya binanggit ang pangalan, alam niyang si David ang tinutukoy nito.

Biglang nanlambot ang loob ni Cailyn. May gusto sana siyang itanong, pero kinagat na lang niya ang dila niya. Wala nang saysay. Nakapagdesisyon na siya. Kung ano pa mang concern ang ipakita niya ngayon, baka lalo lang makasakit kay David.

"Wag mo na siyang alalahanin, Cailyn," dagdag pa ni Raven. "Mabubuhay siya. Makaka-recover siya."

Tahimik na tumango si Cailyn, pero namasa ang mga mata. "Salamat." Sincere ang tono niya.

Hindi na nakatiis si Raven. "Cailyn, balak mo na ba talagang balikan si Austin?"

Ramdam naman na ng lahat. Halatang-halata. Pero gusto lang marinig ni Raven mismo mula sa kanya.

Ngumiti si Cailyn, pero imbes na direktang sagutin, tinan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 295: Awkward Tension

    Pagkabukas ng pinto, ang unang bumungad kay Cailyn ay si Austin, nakasandal sa doorframe — nakalaylay ang isang mahabang paa, may nakakalokong ngiti sa labi, at parang nang-aakit lang ng slight.Hindi siya pinansin ni Cailyn. Diretso lang ang lakad, parang walang lalaki sa daan.Pero bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Austin sa pulso gamit ang mainit at matigas na palad, saka siya hinila papasok sa dibdib nito.Walang gulat. Walang panic.Tiningnan lang siya ni Cailyn nang direkta.Tahimik. Pero matalim.Ibinaon ni Austin ang noo niya sa noo ni Cailyn.Napasinghap siya, saka pabulong na sinabing,"Ang ganda-ganda mo, Cailyn."Cailyn: "Bitaw."Tahimik pero may utos. As in, huwag kang tatanggi.Pero si Austin, halos malusaw na.Halos lumalabas ang init sa katawan niya.Parang lahat ng buhok ni Cailyn, pati pilikmata, tempting.Grabe. Itong babaeng ‘to, pati hangin sa paligid niya seductive.Dumikit pa lalo si Austin. Hinagod ang ilong niya sa pisngi ni Cailyn.Husky ang boses, nag

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 294: Elegance

    Tahimik na sumunod si Raven kay Cailyn. Siya ang pumupulot ng mga bulaklak habang si Cailyn ang nagpuputol. Habang pinagmamasdan niya ang lungkot sa mukha ng babae, napabuntong-hininga siya at biglang nagsalita."Nakakalakad na siya."Napalingon si Cailyn. Hindi man niya binanggit ang pangalan, alam niyang si David ang tinutukoy nito.Biglang nanlambot ang loob ni Cailyn. May gusto sana siyang itanong, pero kinagat na lang niya ang dila niya. Wala nang saysay. Nakapagdesisyon na siya. Kung ano pa mang concern ang ipakita niya ngayon, baka lalo lang makasakit kay David."Wag mo na siyang alalahanin, Cailyn," dagdag pa ni Raven. "Mabubuhay siya. Makaka-recover siya."Tahimik na tumango si Cailyn, pero namasa ang mga mata. "Salamat." Sincere ang tono niya.Hindi na nakatiis si Raven. "Cailyn, balak mo na ba talagang balikan si Austin?"Ramdam naman na ng lahat. Halatang-halata. Pero gusto lang marinig ni Raven mismo mula sa kanya.Ngumiti si Cailyn, pero imbes na direktang sagutin, tinan

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 293: Just to Thank Him

    Alam na ni Raven sa sarili niya: ngayong wala na si David, malaki talaga ang posibilidad na magkabalikan ulit sina Cailyn at Austin.Kahit sino pa kasi ang tumingin—perfect na si Austin ngayon. At higit sa lahat, siya ang tunay na ama nina Daniel at Daniella. Wala ni isa mang lalake ang kayang pumalit sa pagmamahal niya sa dalawang bata. Ganun din ‘yung paninindigan niya sa paghabol kay Cailyn.Sabihin na lang natin, sinong matinong babae ang ‘di matitinag sa ganun? Kahit gaano ka pa katapang, kahit gaano ka ka-prinsipyo—babae ka pa rin, at ina.Kaya kahit handa na si Raven sa posibilidad na ‘yon, iba pa rin pala ‘yung impact… ‘yung makita niya mismo, harapan. Magkasama. Parang pamilya.Kung siya nga e, gulat pa rin—paano pa si Yanyan?Eh si Cailyn pa mismo ang nagsabi sa kanya dati, buong kumpiyansa, na hinding-hindi na niya babalikan si Austin.Pero tingnan mo ngayon. Di pa nga lumilipas ang isang taon. Anim na buwan pa lang.At may David na siya dapat, ‘di ba?Kung nagkabalikan na

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 292: Scene

    “Cailyn… gusto mo rin naman ako, ‘di ba?”“Austin, tumahimik ka nga!” Naiirita na si Cailyn. “Umalis ka na!”“Hindi ako alis,” sagot ni Austin, parang batang nagtatampo.Tahimik na tinignan lang ni Austin ang likod ni Cailyn. Tapos, dahan-dahan siyang lumapit at niyakap ito mula sa likod. Inilapat niya ang ulo sa leeg ni Cailyn at banayad na hinalikan ito.Bigla namang umangat ang kamay ni Cailyn para sampalin siya — pero ngayon, nahuli agad ‘yun ni Austin. Hinawakan niya ang kamay nito, sabay hinarap si Cailyn.“Cailyn,” seryosong sabi niya habang parang tuta na nakatingin pataas, “okay lang akong paluin mo… kahit anong gusto mo, basta pagkatapos niyon… pwede bang konting lambing lang?”Tumaas ang kilay ni Cailyn, malamig ang tingin. “Bitawan mo ako.”Napansin ni Austin na galit na talaga si Cailyn, kaya kahit ayaw pa niya, napilitan siyang bumitaw.Wala na siyang pakialam sa lalaking parang dikit na dikit na band-aid sa buhay niya. Tumalikod si Cailyn at dumiretso kina Daniel at Dan

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 291: Admit It

    Tiningnan ni Cailyn ang kaklase niya. Paalis na sana siya nang biglang nagsalita si Austin,“Nagkakamali ka. Bodyguard ako ni Cailyn, hindi boyfriend.”Napatingin ang kaklase sa nagsalita. Kanina kasi, side view lang ni Austin ang nakita niya. Pero ngayon, harap-harapan na — at hindi niya napigilan mapatigil.Mas guwapo pa ito kaysa kay David, ang dati nilang professor. Pero hindi lang itsura ang panalo kay Austin. May aura siya ng isang lalaking matagal nang nasa taas — calm, composed, may dating. Halatang sanay sa power at authority. Kahit mukha siyang wala pang 30, yung maturity at confidence niya ramdam mo agad.Pero... bodyguard lang siya ni Cailyn? Napaka-injustice naman nun!Nagulat si Cailyn sa sinabi ni Austin. Lumingon siya rito. Nagtama ang mga mata nila, at sa titig pa lang ni Austin, may mga emosyon na agad siyang naramdaman — malalim, hindi maipaliwanag.“Cailyn… siya ba talaga ang bodyguard mo?” tanong ng kaklase, halatang hindi makapaniwala.Ngumiti lang si Cailyn, sab

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 290: I'll Die With a Smile

    Malutong ang tunog ng sampal ni Cailyn, at sa loob ng kotse, halos umalingawngaw ito.Napatingala si Austin, pero imbes na magalit—ngumiti siya. Masaya. Parang baliw.Hinawakan niya ang kamay ni Cailyn at dinala ito sa pisngi niya."Oo, ako na ang pinakawalang-kwentang tao sa mundo."Tapos, hawak pa rin ang kamay ng dalaga, pinalo niya ang sarili. Isa. Dalawa. Paulit-ulit."Cailyn, sige lang. Saktan mo ako hanggang gumaan ang loob mo."Natigilan si Cailyn, agad niyang binawi ang kamay."Austin, may sakit ka ba?!"Ngumiti lang siya, halos desperado ang tingin."Oo. Matagal na. Simula noong unang beses kitang makita… hanggang ngayon, wala na. Terminal case na. Walang lunas—kundi ikaw."At that moment, para siyang naging puppy dog version ni Austin. Yung dating cold and calculated na CEO, ngayon parang basang sisiw.Nagpilit si Cailyn na bawiin ang kamay niya, pero ayaw pa rin siyang bitawan."Austin, ang sakit na. Bitiwan mo ko!"Pero ang ginawa ni Austin, niyakap pa siya nang mahigpit.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status