Share

Chapter 67: The Truth

Author: Yazellaxx
last update Last Updated: 2025-02-19 10:58:02

Pagdating ni Austin sa ospital, sakto namang nagising si Helen.

Bagamat takot siyang mamatay, ang desperasyong dala ng pag-iisip na "tuluyan na siyang iiwan ni Austin" ay nagtulak sa kanya upang laslasin ang kanyang pulso—isang desisyong walang awa kahit sa sarili niya.

Malalim ang hiwa sa kanyang pulso.

Kailangan niyang ipakita kay Austin na hindi ito palabas.

Kailangan niyang gamitin ang awa at konsensya ni Austin upang bumalik ito sa kanya at mahalin siyang muli, tulad ng dati.

Hindi niya kayang mawala si Austin.

Hindi siya pwedeng mawalan ng Austin.

Dahil kapag nawala si Austin, wala na rin siyang natitira.

Wala nang marangya at walang-kapangambahang buhay, wala nang pagkataong hinahangaan ng lahat. Kung babalik siya sa dati niyang buhay bilang si Lena, mas pipiliin na lang niyang mamatay.

Dahil kung mamamatay siya ngayon, kahit papaano, magdadalamhati pa rin si Austin.

Magkakaroon ito ng guilt dahil sa kanya.

Pero nang idilat niya ang kanyang mga mata at makita ang puting kisame
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 154: Self-Destruction

    “Sir Mario, matanda ka na talaga’t nalilito ka na yata!” Sigaw ni Dahlia habang pula sa galit.“Oo nga! Sino ba si Cailyn ha? Anong karapatan niya para umupo sa posisyong ’yan?” Sabat naman ni Carlos, na kanina pa tahimik pero ngayon ay napuno na rin.“Sige, paalisin na ’yang magkapatid na ’yan mula sa pamilya Sevilla.” Utos ni Raven, seryoso at walang patumpik-tumpik.Agad pumasok ang mga bodyguard na nakaabang sa pintuan.“Kami ng kapatid ko ay mga board members ng Rux! Bakit niyo kami pinaaalis?!” Sigaw ni Dahlia habang desperadong nakatingin sa mga tao sa paligid.“Bakit daw?” Tumingin si Raven sa kanilang tatlo, si Andrew, si Dahlia, at si Carlos na para bang may malalim siyang alam.“Kasi si Cailyn, siya ang totoong boss ng Rux. Oo, boss namin siya. Boss ko. Boss ng tatay ko.”Isa-isa, malinaw, at parang kulog ang bawat salitang binitawan ni Raven.Tahimik ang buong kwarto. Pero sa loob ng utak ng lahat? Gulo. Parang may sabay-sabay na pagsabog sa loob. Lahat, tulala.“HA?! Si C

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 153: Shattered

    “Hindi, hindi, hindi—hindi ‘yan si Cailyn. Imposibleng siya ‘yon. Baka namalik-mata lang siya.”Hindi makapaniwala si Dahlia sa nakita. Napapikit pa siya sandali, hoping na pagmulat niya, magbabago ang nakikita niya.Pero hindi. Dumiretso na si Cailyn, kasabay ni Mario, papasok sa conference room. Umupo sila sa pinaka-unahan.Lahat ay napatigil. Yung iba, napakunot-noo. Yung iba, napalunok. Pero si Cailyn? Kalma lang. Tahimik pero matapang ang tingin. Parang sinasabi ng mga mata niya: “Alam ko kung anong ginagawa ko.”May isa agad na tumayo. Sumunod ang karamihan. Lahat, except sa mag-aamang Song—nakaupo lang. Hindi makapaniwala, parang na-freeze."Ikaw… hindi ka ba 'yung… 'yung babaeng itinapon ng pamilya Buenaventura? Si Cai… anong apelyido mo nga?"Nakapikit ang noo ni Andrew habang pilit inaalala ang pangalan niya.Agad namang lalapit si Raven, halatang naiinis. Pero pinigilan siya ni Cailyn, saka ngumiti nang bahagya bilang pag-kalma.Saka siya humarap kay Andrew. Sa gitna ng mga

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 152: Hell in the Daylight

    Kahit may 5% shares si Dahlia sa Rux at isa siya sa mga director, hindi meeting ang habol niya ngayong araw.Ang totoo, pumunta siya para kay Raven.Alam naman niyang walang gusto sa kanya si Raven. Klarong-klaro ‘yon. Pero kahit gaano pa kahirap tanggapin, every chance she gets, sinusubukan pa rin niya. Wala na rin naman siyang dignidad na matitira pa, wasak na siya, so kahit ma-basted or ma-embarrass ulit.Samantala, si Andrew, kahit na medyo napikon nang i-remind siya ng anak niyang si Carlos na mali ang upuan niya, hindi na lang umimik. Bitbit ang kaunting pride, tumabi siya sa pinakaunang upuan sa kaliwang side ng rectangular table. Sumunod na umupo sa likod niya sina Carlos at Dahlia.Pagkakita ng secretary ni Mariel na kumpleto na ang mga directors, agad siyang tumakbo para mag-report.Tumingin sa relo si Mariel — 15 minutes pa bago mag-nine.“Pakiayos ng security, lagyan ng guards sa labas ng conference room,” utos niya, sabay lakad pababa kasama ang assistant niya. Susunduin

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 151: Confidence

    Habang pinapanood ni Austin na bumalik si Cailyn sa suite ni Mario, bahagyang kumislot 'yung gilid ng labi niya na parang ngiti, pero walang saya.Hindi raw tumuloy si Raven sa suite ni Cailyn? Ibig bang sabihin… wala talagang namamagitan sa kanila?Biglang may kumislap na pag-asa sa mata niya. Kahit sobrang liit, kumapit siya.Samantala, dahil nga may time difference pa rin, hindi pa rin inaantok si Cailyn. Past 1AM na pero nakaupo pa rin siya sa desk niya, binabago ang research paper niya.Grabe 'yung effort niya dito na ilang linggo niyang pinlano at inayos ‘to. At ngayon, kailangan niyang i-revise ‘yung ilang parts based sa notes ni Prof. David. Kailangan niyang maghanap ng stronger arguments para mas solid ‘yung stand niya.Habang busy siya sa laptop, biglang may mahinang katok sa pinto.Hindi niya pinansin noong una. Akala niya na-imagine lang niya.Tumigil siya saglit. Tahimik.Wala.Binalik niya ang focus niya sa pagta-type.Pero maya-maya lang— isang katok na naman...Huminto

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 150: Cheaper than Grass

    "Yes."Tumango si Felipe at umalis na para gawin ‘yung bilin. Pero si Austin, hindi pa rin umaalis.Tahimik siyang nakasandal sa pader, katapat lang ng suite ni Cailyn. Parang hindi lang pinto ang tinititigan niya—parang si Cailyn mismo ang nasa harap niya.Napansin siya ng bodyguard, pero dahil pareho lang naman silang naka-check-in sa presidential suite at hindi naman niya hinaharangan ang pinto, wala itong karapatang paalisin siya.Lately, naadik na ulit si Austin sa yosi.Tahimik niyang hinugot ang sigarilyo’t lighter sa bulsa, parang automatic na lang. Isinubo niya ang yosi at papatungan na sana ng apoy, pero... huminto siya.Napangiti ng konti. Pinatay ang lighter at ibinalik sa bulsa. Tapos, tinanggal din ang sigarilyo sa bibig.Ayaw kasi ni Cailyn sa amoy ng yosi.Tatlong taon silang kasal. Kahit minsan, hindi siya nagyosi noon. Ngayon, kahit hiwalay na sila... hindi pa rin niya magawang ituloy.Nakasandal siya, hawak-hawak lang yung yosing hindi niya sinindihan. Biglang pumas

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 149: No Feelings

    Pagkating ni Cailyn sa hotel, agad siyang tumawag kay Mariel.Alam ni Mariel na lumipad si Cailyn papuntang Canada, pero nang marinig niyang nasa hotel na ito, hindi na niya napigilan ‘yung excitement.“Miss Cailyn, pupunta na ko diyan para i-report yung updates ng Rux,” kontrolado man ang boses, ramdam pa rin ang tuwa ni Mariel.Ngumiti si Cailyn. “No rush. After work ka na lang pumunta. Sabay na rin tayo mag-dinner, kung wala kang lakad mamaya.”“Wala! Promise,” mabilis na sagot ni Mariel.First time niyang makikita in person ang big boss. Kahit pa may lakad siya, for sure, canceled agad.“Babangon agad ako pagkatapos ng work,” dagdag pa nito.“Okay. See you later.”Pagkababa ng tawag, tinignan ni Cailyn ang oras.Alas-singko y media ng hapon sa Jingbei. Kung walang traffic, in half an hour andito na si Mariel. Saktong-sakto, may oras pa siya para mag-shower at mag-ayos.First official meeting nila ni Mariel. Kahit siya ang boss, kailangan pa rin ng konting effort.Pagkatapos maligo

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 148: Intimited by Hearing

    City of CambridgeMatapos ang maayos na paglipat ni Yanyan mula London University of the Arts papuntang Harvard, hindi na siya nagdalawang-isip. The next day after makuha ang offer, lumipad na agad siya pa-Cambridge.At dahil precious na precious si Yanyan, sinamahan siya siyempre nina Mario at Yllana. Dahil hindi pa rin totally ready ang bagong bahay nila sa Cambridge, pansamantala silang tumuloy sa Weston Manor.At okay lang din kay Cailyn 'yon, mas maganda nga na may kasama sina Daniela at Daniella habang wala siya sa bahay."Uncle Mario, nakausap na ni Mariel ‘yung mag-ama ng Sevilla family tungkol sa clinical trial ng bagong gamot ng Rux, pero deadma pa rin sila. So, balak kong lumipad bukas pa-Jingbei para personal ko nang ayusin ‘to."Unfortunately, since lilipat na rin si Yanyan sa Harvard, kailangan nang umalis ni Cailyn sa Cambridge.Pagkatapos ng dinner, kinausap niya si Mario tungkol dito.Ngumiti lang si Mario, halatang alam na niya ang lahat, “Naayos ko na. Bukas, sabay

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 147: The Thief

    Trending Topic: “Bagong gamot ng Rux, may namatay?!?”Umalog ang buong internet nang kumalat ang balitang may namatay daw sa clinical trial ng bagong gamot ng Rux. As in, top trending talaga, puro netizens ang nag-uusap, may #JusticeForLola pa sa Twitter. Dahil sobrang ingay, pumasok na rin agad ang mga government agencies para imbestigahan. Tuloy, pansamantalang stop muna ang trial.Pero si Cailyn? Chill lang. Hindi siya nag-panic, hindi rin nagpaka-defensive sa media. She was waiting for Raven’s report.Kasi sa totoo lang, kung wala pang final say si Raven, wala siyang balak gumalaw.Buti na lang, mabilis gumalaw si Raven. After only one and a half days, may malinaw na siyang sagot.Apparently, 'yung matandang babae na namatay, nasa seventies na, and hindi siya directly ang pumirma para sumali sa trial. Yung anak at manugang niya ang pumayag. At guess what, ang naglapit ng pamilya sa trial? Si Andrew.Meron palang apo 'yung matanda na nakakulong ngayon, 16 years ang hatol dahil sa m

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 146: More Time Needed

    Cambridge CityKakatapos lang ng malaking klase ni Cailyn at paalis na sana siya papunta sa lab ni David para ipagpatuloy ang experiment nila kahapon. Pero bago pa siya makasakay sa kotse, tumawag si Mariel.“Cailyn, may nangyaring problema sa bagong gamot natin.”'Yun agad ang bungad ni Mariel, diretsong diresto. Hindi talaga siya mahilig sa paikut-ikot. Alam niyang mahal ang oras ni Cailyn, kaya kapag tumatawag siya o nag-uulat, wala nang paligoy-ligoy."Ano'ng nangyari?"Sumakay na si Cailyn, sinuot ang Bluetooth headset, binaba ang phone, sabay fasten ng seatbelt at start ng makina. Kalma lang ang itsura niya.Alam niya kung anong gamot ang tinutukoy ni Mariel — 'yung bagong gamot ng Rux, pang-prevent at panggamot ng cervical at breast cancer sa mga babae. Kakagawa lang nito last month at ngayon nasa clinical trial stage na.Pag pumatok 'to sa trial, mapapabilis ang approval at mabebenta na sa market. Malaking kita 'to para sa Rux. At ito rin ang unang gamot na ilalabas simula nan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status