Share

Tiny Broken Wish

last update publish date: 2026-05-25 12:04:24

“Mommy… may gusto akong sabihin?”

Napahinto si Claire sa pag-aayos ng kumot sa hospital bed. Nakaupo siya sa gilid habang hinahaplos ang buhok ni Noah na bahagyang basa pa ng pawis.

“Hmm? Ano yun baby?”

Nakangiti si Noah pero halatang pagod pa rin ang katawan niya. May oxygen tube pa rin sa gilid ng ilong niya, pero pilit niyang binabawi ang normal na itsura ng bata na parang walang sakit.

“Mama… huwag ka magagalit ha?”

Napakunot noo si Claire.

“Ano na naman yan?”

Naglaro ng konti ang daliri ni Noah sa kumot bago siya nagsalita.

“Gusto ko po kasi… makilala si Daddy.”

Parang may biglang humigpit sa dibdib ni Claire.

Hindi siya sumagot agad.

Hindi dahil hindi niya alam sasabihin.

Kundi dahil alam niya na darating ang tanong na ito.

Matagal na.

“Baby…”

Mahina niyang tawag.

Pero si Noah hindi tumigil.

“Lagi ko po kasi siya naiisip.”

Napahawak si Claire sa kamay ng anak niya.

“Bakit mo naman naisip yan?”

Nagkibit balikat si Noah.

“Kasi lahat ng classmates ko may Daddy.”

Tahimik ang kwarto.

Tanging tunog ng machine ang sumasagot sa katahimikan nila.

“Yung iba sinasama sila sa school.”

“Yung iba binibilhan ng toys.”

“Yung iba pinapagalitan ng Daddy nila.”

Napapikit si Claire.

Ang bigat.

Parang bawat salita ng anak niya ay maliit na kutsilyo na unti unting dumudurog sa kanya.

“Pero ako wala…”

Mahinang sabi ni Noah.

“Bakit wala ako?”

Hindi agad nakasagot si Claire.

Kasi kahit siya…

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang isang bagay na pilit niyang tinakasan.

“Baby…”

“Hindi ba ako deserve magkaroon?”

Agad siyang napailing.

“Hindi ganon.”

“Eh bakit wala?”

Napakagat labi si Claire.

Gusto niyang sabihin na hindi ganun kasimple ang mundo.

Na hindi lahat ng bata kumpleto ang pamilya.

Na hindi lahat ng ama nananatili.

Pero alam niyang kahit anong paliwanag…

Hindi pa rin mawawala yung kulang.

Umupo siya ng mas malapit at hinawakan ang mukha ni Noah.

“Makinig ka sa Mommy ha.”

Tumango si Noah.

“Wala kang kasalanan.”

Nagbago ekspresyon ng bata.

“Eh bakit wala siya?”

Sandaling katahimikan.

At sa katahimikan na iyon…

Parang bumalik lahat ng alaala na pilit niyang kinukulong.

Isang gabi.

Isang lalaking hindi niya dapat inibig.

Isang desisyon na nagbago ng buong buhay niya.

“Hindi lahat ng tao… kaya manatili.”

Mahina niyang sagot.

Napatingin si Noah sa kanya.

“Iniwan niya tayo?”

Napapikit si Claire.

“Hindi siya nag stay.”

“Bakit?”

Hindi niya alam.

O ayaw lang niyang aminin na kahit siya…

Hindi rin sigurado.

Kasi hindi niya binigyan ng pagkakataon si Drake para magpaliwanag.

Siya ang umalis.

Siya ang naglihim ng lahat.

“Baby…”

Hinawakan niya kamay ni Noah nang mas mahigpit.

“Hindi mo kailangan si Daddy para maging buo ka.”

Pero si Noah…

Hindi sumagot.

Tahimik lang siyang nakatingin sa kisame.

“Gusto ko lang po makita siya.”

Mahinang sabi niya.

“Isang beses lang.”

Parang sumikip ang dibdib ni Claire.

“Bakit?”

Dahan dahan lumingon si Noah sa kanya.

“Kasi…”

Huminto siya sandali.

At sa murang boses…

“Baka pag nakita niya ako… hindi na siya umalis ulit.”

Naputol ang paghinga ni Claire.

Hindi niya alam kung paano tatanggapin yung sakit na iyon.

Yung inosenteng pag asa ng bata na hindi alam ang buong katotohanan.

“Baby…”

“Promise ko po hindi ako magpapabigat.”

Agad napailing si Claire.

“Hindi ka pabigat.”

“Gusto ko lang po malaman kung sino siya.”

Tahimik si Claire.

Hindi niya kayang sabihin ang totoo.

Na ang lalaking hinahanap ng anak niya…

Ay isang taong hindi niya sigurado kung kaya pang makita ulit.

Isang lalaking maaaring magbago ng lahat kapag nalaman ang katotohanan.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

“Claire…”

Si Chloe.

May dala itong maliit na paper bag.

“Dinalhan kita ng pagkain.”

Ngumiti si Claire kahit pilit.

“Salamat.”

Pero nakatingin si Chloe kay Noah.

“Okay ka na baby?”

Tumango si Noah.

“May question po ako.”

Napatingin si Chloe.

“Ano yun?

“Normal po ba na wala kang Daddy?”

Natigilan si Chloe.

Napatingin siya kay Claire.

Pero si Claire…

Hindi makatingin pabalik.

“Baby…” mahinang sabi ni Chloe.

“May mga pamilya na hindi perfect.”

“Pero bakit ako?”

Tahimik.

Walang makasagot.

Kahit si Chloe.

Biglang nag ring cellphone ni Claire.

Unknown number ulit.

Nanigas siya.

Tinitigan lang niya yun.

Hindi sumagot agad.

“Mommy?” tanong ni Noah.

Huminga siya nang malalim.

At pinindot ang sagot.

“Hello?”

Tahimik.

Isang sandali lang.

At saka…

“Claire Dela Cruz.”

Nanlamig buong katawan niya.

Hindi niya kailangan kilalanin ang boses.

Kasi kahit limang taon na…

Hindi pa rin niya nakakalimutan.

“Wag ka na tumawag ulit,” agad niyang sabi.

Pero hindi siya pinansin.

“May anak ka.”

Parang bumagsak mundo niya.

“Wala kang pakialam.”

“May heart condition siya.”

Nanigas si Claire.

Parang huminto lahat.

Paano niya nalaman?

“Sinong nagsabi sayo?”

Tahimik.

At sa kabilang linya…

“Nasaan siya.”

Hindi tanong.

Utang na loob.

Parang utos.

“Wag mo pakialaman buhay namin.”

“Claire.”

Mas malamig na boses.

Mas mabigat.

“Nasaan kayo?”

Napatingin si Claire kay Noah na nakatingin sa kanya ngayon.

Parang naramdaman ng bata ang tensyon.

“Mommy…”

Pinatay niya tawag.

Mabilis.

Masyadong mabilis.

Nanginginig ang kamay niya habang tinatago cellphone.

“Claire…” mahinang sabi ni Chloe.

Pero si Claire…

Hindi na nakapagsalita.

Kasi sa utak niya…

Isang pangalan lang ang sumisigaw.

Drake.

At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon…

Alam niyang hindi na siya pwedeng tumakbo.

Dahan dahan lumingon si Noah sa kanya.

“Mommy…”

“Hm?”

“Sino po yun?”

Napapikit si Claire habang pilit pinipigilan luha niya.

“Wala yun baby.”

Pero alam niyang hindi totoo yun.

Kasi sa labas ng kwarto…

May paparating na bagay na matagal na niyang kinakatakutan.

At sa huling tingin ni Noah sa kanya…

“Mommy… pwede ko na po ba siyang makita?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heartbeat Between Us   The Blueprint of Forever (Claire & Drake Dual POV) Claire POV

    "Mommy, pakiusap tingnan mo si Daddy sa may deck ng yate, literal na mukha na naman siyang masungit na tech CEO dahil seryosong-seryoso ang tingin niya sa kanyang iPad habang hawak ang feeding bottle ni Emma," ang humihikbing tawa ni Noah habang marahan niyang inaayos ang kanyang sun hat dito sa gitna ng aming pribadong cruise sa El Nido."Hayaan mo na ang Daddy mo, anak, dahil alam mo naman na literal na perfectionist ang isang Drake Valencia pagdating sa schedule ng gatas ng prinsesa niya," ang nakangiti kong sagot habang inilalagay ang huling piraso ng chocolate-coated pistachio mochi sa aming munting table, nararamdaman ang matinding emosonal na resonance ng buong paligid."Grabe, pero ang totoo niyan Mommy, nakikita ko na literal na natutunaw ang puso niya kapag hinahawakan ni Emma ang daliri niya... wala na ang pagiging robot surgeon," ang dugtong ng aking napakatalinong panganay habang ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pamilyar na Valencia charisma at labis na kapanataga

  • The Heartbeat Between Us   Sunset Ever After (Claire & Drake Dual POV) Claire POV

    "Tumingin ka sa akin, aking reyna... dahil literal na wala nang mas gaganda pa sa tanawin na ito kung saan hawak ko ang buong mundo ko sa aking mga bisig," ang malalim at baritonong bulong ni Drake habang dahan-dahan niyang isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg, ang kanyang mainit na hininga ay nagpadala ng isang napakalubhang swooning sensation sa aking buong sistema."Hubby, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako dahil literal na napakaperpekto ng lahat... mula sa mga araw na nagtatrabaho ako sa pabrika hanggang sa makarating tayo sa gintong dalampasigang ito," ang nakangiti ngunit emosyonal kong sagot habang isinasandal ko ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat, ninanamnam ang matinding emosonal na resonance na bumabalot sa aming dalawa."Hindi ito panaginip, Claire... dahil ang kapangyarihan ng pagmamahal mo ang nagtayo ng paraisong ito, at hinding-hindi ko hahayaang magkaroon pa ng kahit isang anino ng lungkot sa buhay natin," ang seryosong dugtong ng aking bilyonaryong

  • The Heartbeat Between Us   The Billionaire Legacy Speech (Drake POV)

    "Ipakita mo sa buong medikal na komunidad kung paano binago ng isang munting anghel ang buong sistema mo, Hubby, kaya pakiusap ayusin mo ang suot mong silver necktie dahil literal na tinatawag na ang pangalan mo sa engrandeng podium ng National Medical Association gala," ang malambing ngunit seryosong bulong ni Claire habang marahan niyang itinutuwid ang kuwelyo ng aking customized Armani suit, ang kanyang magagandang mata ay nagniningning sa labis na karangalan habang nakatitig sa akin dito sa backstage ng Grand Ballroom."Claire, literal na bale-wala ang lifetime achievement award na ito kung hindi kita kasama sa ilalim ng mga spotlight ngayon, dahil ikaw at ang mga anak natin ang aking tunay na prestihiyo," ang baritonong tugon ko habang hinuhuli ko ang kanyang baywang upang ilapit ang kanyang katawan sa akin, ninanamnam ang pamilyar na possessive warm sensation na pumapawi sa lahat ng aking propesyonal na kaba bago humarap sa high-society crowd."Grabe, napaka-supportive naman ng

  • The Heartbeat Between Us   Sweetest Family Expansion (Claire POV)

    "Dahan-dahan lang ang paggalaw mo, Claire... literal na baka mabinat ka matapos ang nangyaring high-stress elevator scenario kanina," ang may panginginig ngunit puno ng proteksyong bulong ni Drake habang maingat niyang iniaayos ang tatlong luxury pillows sa likod ko dito sa loob ng VIP recovery suite."Hubby, literal na maayos na ang pakiramdam ko dahil parang nawala ang lahat ng sakit nang makita ko ang mukha ng anak natin," ang nakangiti kong sagot habang ang aking mga mata ay nakatitig sa munting sanggol na mahimbing na natutulog sa aking tabi, ang kanyang malarosas na balat ay napakakinis."You did so well, my queen... ang buong medical empire ko ay walang kuwenta kumpara sa tapang na ipinakita mo sa gitna ng kadiliman kanina," ang seryosong dugtong ng bilyonaryong surgeon habang hinahalikan niya ang aking kanang kamay nang may matinding emosyonal na resonance na tila doon niya inilalabas ang lahat ng natitirang kaba."Salamat dahil naging matibay na sandalan kita, Drake... kung h

  • The Heartbeat Between Us   Sweetest Family Expansion (Claire POV)

    "Dahan-dahan lang ang paggalaw mo, Claire... literal na baka mabinat ka matapos ang nangyaring high-stress elevator scenario kanina," ang may panginginig ngunit puno ng proteksyong bulong ni Drake habang maingat niyang iniaayos ang tatlong luxury pillows sa likod ko dito sa loob ng VIP recovery suite."Hubby, literal na maayos na ang pakiramdam ko dahil parang nawala ang lahat ng sakit nang makita ko ang mukha ng anak natin," ang nakangiti kong sagot habang ang aking mga mata ay nakatitig sa munting sanggol na mahimbing na natutulog sa aking tabi, ang kanyang malarosas na balat ay napakakinis."You did so well, my queen... ang buong medical empire ko ay walang kuwenta kumpara sa tapang na ipinakita mo sa gitna ng kadiliman kanina," ang seryosong dugtong ng bilyonaryong surgeon habang hinahalikan niya ang aking kanang kamay nang may matinding emosyonal na resonance na tila doon niya inilalabas ang lahat ng natitirang kaba."Salamat dahil naging matibay na sandalan kita, Drake... kung h

  • The Heartbeat Between Us   Emergency Delivery In Dark (Drake POV)

    "Claire, pakiusap tumingin ka sa mga mata ko at huwag mong bibitiwan ang kamay ko dahil literal na ako ang magiging operating theater mo ngayon," ang mariin at may panginginig sa boses kong bungsod habang mabilis kong hinuhubad ang aking luxury coat upang ilatag ito sa malamig na sahig ng elevator, ang aking puso ay pumipintig sa pinakamataas na antas ng adrenaline."Drake, hindi ko na kayang pigilan... literal na nararamdaman ko na ang ulo ng baby natin at sobrang sakit na talaga ng katawan ko," ang emosyonal na pagsigaw ng aking asawa habang ang kanyang mukha ay basang-basa ng pawis at luha, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakabaon sa aking balikat upang kumuha ng lakas sa gitna ng kadiliman."Nandito ako, aking reyna... walang medikal na komplikasyon ang makakatalo sa akin dahil ililigtas ko kayong dalawa kahit gamit lang ang sarili kong mga kamay," ang seryoso kong dugtong habang mabilis kong niluluwagan ang kanyang kasuotan, ang aking perfectionist system ay nag-ooperate sa

  • The Heartbeat Between Us   The Return Of Vanessa Alarcon (Claire POV)

    “Drake... anong gagawin natin ngayon... paano kung tuluyan nilang harangin ang huling clearance ng anak ko at ilabas kami dito nang walang kahit anong proteksyon?” nanginginig kong tanong habang ang aking mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng white coat ni Drake, pinapanood ang marah

  • The Heartbeat Between Us   Quiet Unknown Call

    “Mommy… sino po yun?” Napahigpit agad ang hawak ni Claire sa cellphone habang nakatingin kay Noah na nakaupo pa rin sa hospital bed, bahagyang nakakunot ang noo dahil sa biglang tensyon sa kwarto. “Wala yun baby.” Mabilis niyang pinilit gawing normal ang boses kahit parang may nakabara sa lala

  • The Heartbeat Between Us   Ghost on Screen

    “Ma’am, pakibaba po ng volume.” Hindi agad gumalaw si Claire. Nakatayo lang siya sa gilid ng maliit na TV sa waiting area ng hospital habang nakatitig sa screen na parang biglang tumigil ang oras sa paligid niya. “Ma’am?” Muling tawag ng nurse. Pero wala pa rin. Kasi sa harap niya… Nan

  • The Heartbeat Between Us   Bleeding Hands

    “Clamp.” Malamig ang boses ni Drake Valencia habang nakatutok ang matalim niyang tingin sa bukas na dibdib ng pasyente. Tahimik ang buong operating room. Lahat ng tao halos hindi makagalaw nang maayos kapag siya ang lead surgeon. Hindi dahil masama siyang boss. Kundi dahil nakakatakot siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status