Share

Bleeding Hands

last update publish date: 2026-05-25 12:02:46

“Clamp.”

Malamig ang boses ni Drake Valencia habang nakatutok ang matalim niyang tingin sa bukas na dibdib ng pasyente.

Tahimik ang buong operating room.

Lahat ng tao halos hindi makagalaw nang maayos kapag siya ang lead surgeon.

Hindi dahil masama siyang boss.

Kundi dahil nakakatakot siyang magalit.

“Doctor… bumabagsak po BP.”

Hindi man lang siya natinag.

“Suction.”

Agad sumunod ang nurse.

Patuloy lang gumagalaw ang mga kamay niya na parang programmed machine. Walang pag aalangan. Walang emosyon.

Ito ang dahilan bakit tinatawag siyang halimaw ng operating room.

Kapag si Drake Valencia humawak ng scalpel…

May mabubuhay.

O may masisira.

“Charge.”

Tahimik na ibinigay ng assistant ang defibrillator paddles.

Sa kabilang side ng glass window… nanginginig sa iyak ang pamilya ng pasyente habang nakatingin sa kanya na parang diyos.

Sanay na siya roon.

Mga taong desperado.

Mga matang nagmamakaawa.

Mga pamilyang handang lumuhod para lang iligtas niya mahal nila sa buhay.

Pero wala siyang nararamdaman.

Matagal na.

“Clear.”

Napatalon bahagya ang katawan ng pasyente.

Straight line pa rin.

Nagkatinginan ang staff.

May takot.

May kaba.

Pero si Drake…

Wala.

“Again.”

“Doctor…”

“Again.”

Mas mababa na boses niya ngayon.

Mas delikado.

Agad sumunod ang staff.

Sa operating room ni Drake… walang puwedeng sumuway.

Muling tumama ang kuryente sa katawan ng pasyente.

Biglang nag ingay monitor.

At doon lang bahagyang gumalaw panga ni Drake nang bumalik ang heartbeat.

Tahimik na napabuga ng hangin ang buong operating room.

“Close him up.”

Tinanggal ni Drake gloves niya habang mabilis na lumalapit ang assistant para punasan pawis sa noo niya.

Pero umiwas siya.

Ayaw niyang hinahawakan.

Ayaw niyang nilalapitan.

“Doctor Valencia!”

Paglabas niya ng operating room… agad siyang sinalubong ng umiiyak na pamilya ng pasyente.

“Thank you po… salamat po…”

Isang matandang babae pa ang halos lumuhod sa harap niya.

Pero hindi nagbago ekspresyon niya.

“Magpasalamat kayo sa maagang pagdala niyo sa ospital. Hindi sakin.”

Malamig.

Diretso.

Parang hindi siya kagagaling lang sa surgery na halos impossible.

Habang naglalakad siya sa hallway ng Valencia Medical Empire… lahat awtomatikong tumatabi.

Nurses.

Interns.

Doctors.

Parang may sariling mundo si Drake na walang puwedeng basta pasukin.

“Good evening doc.”

Tahimik lang siyang tumango.

Mataas ang kisame ng private hospital. Makinis sahig.

Mamamahaling paintings sa walls.

Lahat perpekto.

Lahat mamahalin.

Pero walang buhay.

Katulad niya.

Pagpasok niya sa private office niya… agad niyang niluwagan necktie habang diretsong umupo sa swivel chair.

Floor to ceiling glass ang nasa likod niya na tanaw ang buong city.

Maraming tao nangangarap marating ang buhay niya.

Bilyonaryo.

Successful.

Powerful.

Pero walang may alam gaano siya kapagod.

Hindi physically.

Kundi mentally.

Unti unti na siyang kinakain ng routine niya.

Surgery.

Meeting.

Conference.

Parang routine na lang na paulit- ulit.

Walang excitement.

Walang dahilan para umuwi nang maaga.

Wala naghihintay.

Maya maya ay may mahinang kumatok.

“Come in.”

Pumasok agad si Lucas Reyes habang may dalang tablet.

“Trending ka na naman.”

Hindi man lang siya tumingin.

“Wala akong pake.”

Napatawa si Lucas.

“Pare kahit kailan talaga wala kang emosyon.”

“May kailangan ka ba?”

Umupo si Lucas sa harap niya.

“Board meeting tomorrow. Gusto ka makita ng mom mo.”

Bahagyang tumigas panga ni Drake.

Ayaw niya sa topic na iyon.

“Ako bahala.”

Tumikhim si Lucas bago napatingin sa TV sa office.

“By the way… grabe raw operation mo. Impossible case daw yun.”

Tahimik lang si Drake habang nakatitig sa madilim na bintana.

Impossible.

Funny.

Lahat sila tinatawag siyang miracle surgeon.

Pero hindi niya man lang nagawang iligtas kapatid niya noon.

Hanggang ngayon dala dala pa rin niya iyon.

Yung gabing wala siyang nagawa kundi panoorin mawala si Amelia sa hospital bed.

Doon nagsimula obsession niya sa pagiging pinakamahusay.

Kasi ayaw na niyang mawalan ulit.

“Hoy.”

Napakurap siya nang ihagis ni Lucas ang bottled water sa mesa.

“Natulala ka.”

“Pagod lang.”

“Magpahinga ka minsan.”

Tahimik siyang natawa.

Hindi niya alam paano.

Biglang nag vibrate ang cellphone niya sa mesa.

UNKNOWN NUMBER.

Iritado niya iyong sinagot.

“What.”

“D…Drake?”

Nanigas siya.

Boses ng babae.

Matagal na panahon na…

Pero kabisado pa rin niya.

Parang may malamig na kamay agad na humawak sa leeg niya.

“Wrong number.”

Mabilis niyang pinatay tawag.

Tahimik ang buong office.

Nakatitig lang si Lucas sa kanya.

“Who was that?”

“Wala.”

Pero hindi na nakinig ang utak niya.

Kasi bumalik na naman.

Yung boses.

Yung babaeng limang taon niyang hindi mahanap.

Claire.

Mahigpit niyang napisil cellphone.

Hindi posible.

Bakit ngayon?

At bakit pagkatapos ng lahat…

Buhay pa rin siya sa isip niya?

“Pare…”

Naputol iniisip niya nang muling mag ring cellphone niya.

Same number.

Masama tingin ni Drake habang sinasagot iyon.

“Ano?”

Tahimik muna kabilang line.

May mahinang iyak.

At saka…

“Pasensya na po…”

Hindi si Claire.

Matandang babae.

“Wrong number lang pala…”

Napapikit si Drake.

Hindi niya alam bakit may kung anong biglang bumagsak sa dibdib niya.

Disappointment?

Inis?

O galit dahil isang boses lang ng babae…

Nagulo agad siya.

Mabilis niyang pinatay tawag at ibinato cellphone sa mesa.

“Shit.”

Napataas kilay si Lucas.

“Okay ka lang?”

Tumayo agad si Drake at tinanggal coat niya.

“Cancel my dinner meeting.”

“Why?”

Malamig siyang napatingin dito.

“Hindi ako gutom.”

Pero hindi pagkain problema niya.

Kundi yung multong pilit bumabalik sa utak niya.

Isang babaeng basta na lang nawala matapos sirain lahat ng kontrol niya.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam bakit siya iniwan.

At mas lalong hindi niya matanggap…

Na ni minsan hindi niya siya nakalimutan.

Biglang bumukas ang TV sa office dahil sa scheduled hospital news feature.

Lumabas ang mukha niya sa screen.

“Doctor Drake Valencia once again performs a groundbreaking surgery…”

Umiling lang siya.

Wala siyang interes makita sarili niya.

Pero bago niya pa mapatay ang TV…

May ipinakitang live footage mula charity ward ng public hospital partner nila.

Sandali lang iyon.

Saglit na video.

Mga pasyente.

Nurses.

Mga batang may sakit.

Pero nanigas siya nang makita sng isang pamilyar na babae sa gilid ng screen.

Mahabang buhok.

Payat.

Mukhang pagod.

At may batang katabi.

Mabilis nawala footage.

Pero sapat na iyon para bumilis tibok ng puso niya.

Biglang tumayo si Drake.

“Lucas…”

“Ano?”

Hindi inaalis ni Drake tingin sa TV kahit tapos na ang clip.

Malamig ang boses niya.

“Hanapin mo yung babaeng nasa charity footage.”

Nagulat si Lucas.

“Sino?”

Mahigpit ang panga ni Drake habang may kakaibang dilim sa mga mata niya.

“Yung babaeng limang taon nang nawawala…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
nirvana
Parang thrilling yung hint of dominant personality ni Drake
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Heartbeat Between Us   The Blueprint of Forever (Claire & Drake Dual POV) Claire POV

    "Mommy, pakiusap tingnan mo si Daddy sa may deck ng yate, literal na mukha na naman siyang masungit na tech CEO dahil seryosong-seryoso ang tingin niya sa kanyang iPad habang hawak ang feeding bottle ni Emma," ang humihikbing tawa ni Noah habang marahan niyang inaayos ang kanyang sun hat dito sa gitna ng aming pribadong cruise sa El Nido."Hayaan mo na ang Daddy mo, anak, dahil alam mo naman na literal na perfectionist ang isang Drake Valencia pagdating sa schedule ng gatas ng prinsesa niya," ang nakangiti kong sagot habang inilalagay ang huling piraso ng chocolate-coated pistachio mochi sa aming munting table, nararamdaman ang matinding emosonal na resonance ng buong paligid."Grabe, pero ang totoo niyan Mommy, nakikita ko na literal na natutunaw ang puso niya kapag hinahawakan ni Emma ang daliri niya... wala na ang pagiging robot surgeon," ang dugtong ng aking napakatalinong panganay habang ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pamilyar na Valencia charisma at labis na kapanataga

  • The Heartbeat Between Us   Sunset Ever After (Claire & Drake Dual POV) Claire POV

    "Tumingin ka sa akin, aking reyna... dahil literal na wala nang mas gaganda pa sa tanawin na ito kung saan hawak ko ang buong mundo ko sa aking mga bisig," ang malalim at baritonong bulong ni Drake habang dahan-dahan niyang isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg, ang kanyang mainit na hininga ay nagpadala ng isang napakalubhang swooning sensation sa aking buong sistema."Hubby, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako dahil literal na napakaperpekto ng lahat... mula sa mga araw na nagtatrabaho ako sa pabrika hanggang sa makarating tayo sa gintong dalampasigang ito," ang nakangiti ngunit emosyonal kong sagot habang isinasandal ko ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat, ninanamnam ang matinding emosonal na resonance na bumabalot sa aming dalawa."Hindi ito panaginip, Claire... dahil ang kapangyarihan ng pagmamahal mo ang nagtayo ng paraisong ito, at hinding-hindi ko hahayaang magkaroon pa ng kahit isang anino ng lungkot sa buhay natin," ang seryosong dugtong ng aking bilyonaryong

  • The Heartbeat Between Us   The Billionaire Legacy Speech (Drake POV)

    "Ipakita mo sa buong medikal na komunidad kung paano binago ng isang munting anghel ang buong sistema mo, Hubby, kaya pakiusap ayusin mo ang suot mong silver necktie dahil literal na tinatawag na ang pangalan mo sa engrandeng podium ng National Medical Association gala," ang malambing ngunit seryosong bulong ni Claire habang marahan niyang itinutuwid ang kuwelyo ng aking customized Armani suit, ang kanyang magagandang mata ay nagniningning sa labis na karangalan habang nakatitig sa akin dito sa backstage ng Grand Ballroom."Claire, literal na bale-wala ang lifetime achievement award na ito kung hindi kita kasama sa ilalim ng mga spotlight ngayon, dahil ikaw at ang mga anak natin ang aking tunay na prestihiyo," ang baritonong tugon ko habang hinuhuli ko ang kanyang baywang upang ilapit ang kanyang katawan sa akin, ninanamnam ang pamilyar na possessive warm sensation na pumapawi sa lahat ng aking propesyonal na kaba bago humarap sa high-society crowd."Grabe, napaka-supportive naman ng

  • The Heartbeat Between Us   Sweetest Family Expansion (Claire POV)

    "Dahan-dahan lang ang paggalaw mo, Claire... literal na baka mabinat ka matapos ang nangyaring high-stress elevator scenario kanina," ang may panginginig ngunit puno ng proteksyong bulong ni Drake habang maingat niyang iniaayos ang tatlong luxury pillows sa likod ko dito sa loob ng VIP recovery suite."Hubby, literal na maayos na ang pakiramdam ko dahil parang nawala ang lahat ng sakit nang makita ko ang mukha ng anak natin," ang nakangiti kong sagot habang ang aking mga mata ay nakatitig sa munting sanggol na mahimbing na natutulog sa aking tabi, ang kanyang malarosas na balat ay napakakinis."You did so well, my queen... ang buong medical empire ko ay walang kuwenta kumpara sa tapang na ipinakita mo sa gitna ng kadiliman kanina," ang seryosong dugtong ng bilyonaryong surgeon habang hinahalikan niya ang aking kanang kamay nang may matinding emosyonal na resonance na tila doon niya inilalabas ang lahat ng natitirang kaba."Salamat dahil naging matibay na sandalan kita, Drake... kung h

  • The Heartbeat Between Us   Sweetest Family Expansion (Claire POV)

    "Dahan-dahan lang ang paggalaw mo, Claire... literal na baka mabinat ka matapos ang nangyaring high-stress elevator scenario kanina," ang may panginginig ngunit puno ng proteksyong bulong ni Drake habang maingat niyang iniaayos ang tatlong luxury pillows sa likod ko dito sa loob ng VIP recovery suite."Hubby, literal na maayos na ang pakiramdam ko dahil parang nawala ang lahat ng sakit nang makita ko ang mukha ng anak natin," ang nakangiti kong sagot habang ang aking mga mata ay nakatitig sa munting sanggol na mahimbing na natutulog sa aking tabi, ang kanyang malarosas na balat ay napakakinis."You did so well, my queen... ang buong medical empire ko ay walang kuwenta kumpara sa tapang na ipinakita mo sa gitna ng kadiliman kanina," ang seryosong dugtong ng bilyonaryong surgeon habang hinahalikan niya ang aking kanang kamay nang may matinding emosyonal na resonance na tila doon niya inilalabas ang lahat ng natitirang kaba."Salamat dahil naging matibay na sandalan kita, Drake... kung h

  • The Heartbeat Between Us   Emergency Delivery In Dark (Drake POV)

    "Claire, pakiusap tumingin ka sa mga mata ko at huwag mong bibitiwan ang kamay ko dahil literal na ako ang magiging operating theater mo ngayon," ang mariin at may panginginig sa boses kong bungsod habang mabilis kong hinuhubad ang aking luxury coat upang ilatag ito sa malamig na sahig ng elevator, ang aking puso ay pumipintig sa pinakamataas na antas ng adrenaline."Drake, hindi ko na kayang pigilan... literal na nararamdaman ko na ang ulo ng baby natin at sobrang sakit na talaga ng katawan ko," ang emosyonal na pagsigaw ng aking asawa habang ang kanyang mukha ay basang-basa ng pawis at luha, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakabaon sa aking balikat upang kumuha ng lakas sa gitna ng kadiliman."Nandito ako, aking reyna... walang medikal na komplikasyon ang makakatalo sa akin dahil ililigtas ko kayong dalawa kahit gamit lang ang sarili kong mga kamay," ang seryoso kong dugtong habang mabilis kong niluluwagan ang kanyang kasuotan, ang aking perfectionist system ay nag-ooperate sa

  • The Heartbeat Between Us   The Return Of Vanessa Alarcon (Claire POV)

    “Drake... anong gagawin natin ngayon... paano kung tuluyan nilang harangin ang huling clearance ng anak ko at ilabas kami dito nang walang kahit anong proteksyon?” nanginginig kong tanong habang ang aking mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng white coat ni Drake, pinapanood ang marah

  • The Heartbeat Between Us   Quiet Unknown Call

    “Mommy… sino po yun?” Napahigpit agad ang hawak ni Claire sa cellphone habang nakatingin kay Noah na nakaupo pa rin sa hospital bed, bahagyang nakakunot ang noo dahil sa biglang tensyon sa kwarto. “Wala yun baby.” Mabilis niyang pinilit gawing normal ang boses kahit parang may nakabara sa lala

  • The Heartbeat Between Us   Tiny Broken Wish

    “Mommy… may gusto akong sabihin?” Napahinto si Claire sa pag-aayos ng kumot sa hospital bed. Nakaupo siya sa gilid habang hinahaplos ang buhok ni Noah na bahagyang basa pa ng pawis. “Hmm? Ano yun baby?” Nakangiti si Noah pero halatang pagod pa rin ang katawan niya. May oxygen tube pa rin sa gi

  • The Heartbeat Between Us   Ghost on Screen

    “Ma’am, pakibaba po ng volume.” Hindi agad gumalaw si Claire. Nakatayo lang siya sa gilid ng maliit na TV sa waiting area ng hospital habang nakatitig sa screen na parang biglang tumigil ang oras sa paligid niya. “Ma’am?” Muling tawag ng nurse. Pero wala pa rin. Kasi sa harap niya… Nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status