Share

Quiet Unknown Call

last update Tanggal publikasi: 2026-05-25 12:05:35

“Mommy… sino po yun?”

Napahigpit agad ang hawak ni Claire sa cellphone habang nakatingin kay Noah na nakaupo pa rin sa hospital bed, bahagyang nakakunot ang noo dahil sa biglang tensyon sa kwarto.

“Wala yun baby.”

Mabilis niyang pinilit gawing normal ang boses kahit parang may nakabara sa lalamunan niya.

“Wrong number lang.”

Nagkibit balikat si Noah pero hindi agad naniwala ang itsura niya.

“Parang galit siya…”

Napasinghap si Claire sa loob niya.

Hindi galit.

Mas masahol pa.

May laman yung boses.

Yung uri ng boses na hindi basta tumatawag lang.

Yung uri ng boses na sanay mag utos at sinusunod.

“Baka nagkamali lang talaga,” ulit niya habang maingat na inaayos ang kumot sa anak.

Sa gilid ng kama, si Chloe ay tahimik lang na nakamasid. Halatang may gustong itanong pero pinipigilan.

Tumalikod si Claire para itago ang panginginig ng kamay niya.

Hindi niya kayang ipakita kay Noah kung gaano siya naapektuhan.

Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit ang simpleng unknown number ay parang biglang bumalik lahat ng multo sa dibdib niya.

Dahan dahan siyang lumapit sa bintana ng kwarto.

Sa labas, abala pa rin ang ospital. May mga dumadaan na nurse, may umiiyak sa hallway, may mga taong pilit lumalaban para sa buhay.

Pero sa loob niya…

Tahimik ang bagyo.

“Claire…”

Mahinang tawag ni Chloe.

“Hm?”

Lumapit ito sa kanya.

“Okay ka lang ba?”

Tumango siya agad.

“Oo naman.”

Pero hindi naniwala si Chloe.

“Kasi kanina ka pa nanginginig.”

Napatingin si Claire sa sariling kamay.

Totoo.

Parang hindi niya kontrolado.

Pinisil niya ang palad para pigilan.

“Pagod lang ako.”

Hindi na sumagot si Chloe.

Sa kabilang kama, gumalaw si Noah at muling nagsalita.

“Mommy…”

Lumapit agad si Claire.

“Ano baby?”

“Bakit parang natatakot ka?”

Natigilan siya.

Masyadong obserbante.

Masyadong malalim magtanong para sa batang may sakit.

“Hindi ako natatakot,” agad niyang sagot habang hinaplos ang buhok nito.

Ngumiti si Noah ng bahagya.

“Lagi mo po sinasabi yan.”

Napatahimik si Claire.

Kasi totoo.

Lagi niya sinasabi.

Kahit hindi totoo.

Kahit halos bumagsak na siya sa loob.

“Hindi mo kailangan mag alala ha,” sabi niya habang pinipilit maging steady ang boses.

“Okay?”

Tumango si Noah pero hindi nawala yung tingin niya na parang may alam siyang hindi sinasabi.

“Mommy…”

“Hm?”

“Kung may tumawag ulit…”

Huminto siya sandali.

“Pwede ko ba sagutin?”

Agad nanigas si Claire.

“Hindi.”

Diretso.

Mabilis.

Masyadong mabilis.

Nagulat si Noah.

“Bakit?”

Napakagat labi si Claire.

Kasi hindi niya alam paano ipapaliwanag na ang mga tawag na iyon ay hindi lang basta tawag.

Na sa kabilang linya ay isang lalaking hindi pa niya handang harapin.

“Basta… wag mo sasagutin kapag wala ako ha.”

Mahinang tumango si Noah.

“Okay po.”

Pero hindi pa rin nawala yung curiosity sa mata niya.

“Si Daddy ba yun?”

Parang tumigil ang mundo ni Claire.

“Ha?”

“Yung tumatawag kanina…”

Umiling siya agad.

“Hindi.”

“Sure?”

“Sure.”

Sinungaling.

Pero kailangan.

Tumikhim si Chloe sa likod.

“Claire…”

Tumingin siya.

“May sasabihin ako.”

“Later na,” putol agad niya.

Ayaw niya ng dagdag na usapan.

Ayaw niya ng dagdag na tanong.

Ayaw niya ng kahit anong magbubukas ulit ng nakaraan.

Lumapit siya kay Noah at hinawakan ang kamay nito.

“Matulog ka muna ha. Kailangan mo magpahinga.”

Tumango si Noah pero bago pumikit…

“Mommy…”

“Hm?”

“Pag gumaling ako…”

Huminto siya.

“Ano yun?”

Mahinang ngumiti si Noah.

“Gusto ko maghanap ng Daddy.”

Parang may dumaan na matalim na hangin sa dibdib ni Claire.

Hindi siya sumagot agad.

Kasi kahit gusto niyang tanggihan…

Alam niyang darating talaga ang araw na iyon.

At hindi niya alam kung handa na siya.

“Matulog ka na,” mahinang sabi niya habang pinipilit ikubli ang sakit.

Unti unting pumikit si Noah.

Pero kahit tulog na…

Naiwan sa hangin ang sinabi niya.

Parang sugat na hindi agad maghihilom.

Sa labas ng kwarto, tumayo si Chloe at lumapit kay Claire.

“Hindi mo pwedeng itago habang buhay yan.”

Hindi siya sumagot.

“Claire…”

“Please,” mahina niyang putol.

“Hindi ngayon.”

Tumahimik si Chloe.

Pero sa sandaling iyon…

Muling nag vibrate ang cellphone ni Claire sa bulsa niya.

Unknown number ulit.

Mas mahaba ang vibration ngayon.

Mas insistente.

Hindi niya tiningnan.

Hindi niya sinagot.

Pinatay niya agad screen.

“Hindi mo ba sasagutin?” tanong ni Chloe.

“Hindi.”

“Paano kung important?”

“Walang importante.”

Pero hindi totoo yun.

Kasi kahit hindi niya tinitingnan…

Alam niyang iisa lang ang puwedeng tumatawag ng ganito.

At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon…

Hindi na siya sigurado kung kaya pa niyang tumakbo.

Sa loob ng kwarto, biglang nagmulat ulit si Noah.

“Mommy…”

Agad siyang lumapit.

“O bakit?”

Mahinang boses.

“Nanaginip ulit ako…”

“Ano yun baby?”

Ngumiti si Noah kahit inaantok.

“Siya ulit, yung lalaking naka puti…”

Nanlamig si Claire.

“Doktor daw siya…”

Tahimik siya.

Hindi humihinga ng maayos.

“Hinahanap niya daw po tayo…”

Dahan dahan humigpit ang hawak ni Claire sa kamay ng anak.

“Huwag mo na aalalahanin yun,” pilit niyang sabi.

Pero bago pumikit ulit si Noah…

Isang huling bulong ang lumabas sa labi niya.

“Mommy… parang kilala ko siya…”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Heartbeat Between Us   Blinded By The Spotlights (Claire POV)

    "Huwag kayong hahawak sa kaniya, pakiusap, lumayo kayo sa anak ko!" ang halos mapatid-vocal-cord kong sigaw habang pilit kong itinutulak ang mga dambuhalang security guards na nakaharang sa gilid ng hagdanan ng main stage."Ma'am, bawal po ang bawat walang awtorisadong tao rito sa taas, please lang po mag-cooperate kayo para hindi maging chaotic ang live broadcast," ang pabalang na sagot ng isang lalaking may hawak na headset habang pilit akong hinaharangan sa aking daraanan."Wala akong pakialam sa broadcast ninyo, ang anak ko ang nasa gitna ng entablado na yan at kailangan niya ako ngayon din!" ang nanginginig kong hiyaw habang ang aking single mother instincts ay tuluyang sumasabog sa tindi ng panic, nararamdaman ko ang bawat patak ng pawis at luha na sumisira sa mamahaling emerald green silk gown na ipinihanda sa akin ni Drake.Inilibot ko ang aking paningin sa buong grand ballroom na ngayon ay mukhang isang malaking pugad ng mga mapanghusgang buwaya. Ang naglalakihang LED screen

  • The Heartbeat Between Us   Under Maximum Alert (Drake POV)

    "I-lockdown niyo ang buong hotel ngayon din, walang pwedeng lumabas kahit isang tao," ang galit at mariin kong utos sa aking chief of security sa pamamagitan ng aking earpiece habang nararamdaman ko ang pagkawala ng aking karaniwang kontrol sa sarili."Sir, naka-live stream po ang event ng Valencia Medical Empire, baka po magdulot ng matinding gulo sa mga high society guests kapag hinarangan natin ang mga exit," ang nag-aalitang sagot ng aking security head mula sa kabilang linya."Wala akong pakialam sa lintik na live stream na yan o sa sasabihin ng mga elitistang bisita, hanapin niyo ang anak ko kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho at mabulok sa kulungan bukas na bukas din!" ang pasigaw kong sagot habang tuluyang gumuho ang aking malamig at seryosong mukha bilang isang doktor.Humarap ako kay Claire at agad kong hinawakan ang kanyang magkabilang balikat upang hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig ng marangyang ballroom. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng luha habang ang kanyang

  • The Heartbeat Between Us   Vanishing Heartbeats (Claire POV)

    "Nasaan si Noah, nasaan ang anak ko... bakit mo iniwan ang pwesto mo?" ang hysterical kong sigaw habang dinadakma ko ang magkabilang balikat ng yaya na kasalukuyang nanginginig at may hawak na baso ng juice sa gilid ng VIP table."Ma'am Claire, kumuha lang po talaga ako ng maiinom para kay Noah dahil nauuhaw po siya... sabi niya po ay hihintayin niya ako rito sa tabi ng upuan," ang umiiyak na sagot ng yaya habang pilit niyang inililibot ang kanyang panpampublikong paningin sa naglalakihang siksikan ng mga tao sa loob ng grand ballroom."Hindi ko kailangan ng mga dahilan mo, sabihin mo sa akin kung saang direksyon siya huling pumunta kung ayaw mong ipatawag ko ang mga pulis!" ang pabalong kong hiyaw habang ang aking buong katawan ay nagsisimula nang mangatog sa matinding takot, ramdam ko ang mabilis na pag-overdrive ng aking single mother instincts.Hinarap ko ang malaking bulwagan kung saan ang mga ilaw at flash ng camera ay patuloy na sumasayaw sa mukha ng mga high soci

  • The Heartbeat Between Us   The Trapped Prey (Claire POV)

    "Huwag mo akong talikuran, Claire, dahil hindi pa tayo tapos mag-usap tungkol sa kung paano mo dinala ang anak mo sa pamilya ng mga Valencia," ang mariin at sarkastikong boses ni Vanessa ang bumasag sa musika habang hinihila niya ang braso ko palayo sa gilid ng dance floor."Bitawan mo ako, Vanessa, dahil wala akong oras para sa mga kung ano-anong paratang mo ngayong gabi," pabulong kong sagot habang pilit kong binabawi ang kamay ko, ramdam ko ang panlalamig ng aking mga daliri sa tindi ng kaba habang pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Akala mo ba talaga makukuha mo ang yaman ni Drake sa pamamagitan ng pag-arte na parang isang kawawang biktima mula sa probinsya?" ang nakakarimarim na bulong niya sa aking tainga, ang kanyang mukha ay punong-puno ng pambansang pambabastos na tila ba dumi ako sa kanyang harap.Lumingon ako sa paligid ng marangyang ballroom upang hanapin si Drake, subalit kasalukuyan siyang pinaliligiran ng mga board members at mga

  • The Heartbeat Between Us   The Perfect Illusion (Drake POV)

    "Isuot mo ito para sa akin, sinta," sabi ko habang dahan-dahang hinahaplos ang malambot na tela ng emerald green silk gown na ipinahanda ko para kay Claire.Inayos ko ang kwelyo ng aking tuxedo habang nakatitig sa salamin ng pribadong dressing room ng penthouse. Ramdam ko ang kaunting panginginig ng kanyang mga balikat nang lumapit ako sa kanyang likuran. Ipinatong ko ang aking mga palad sa kanyang baywang, dahan-dahang inilapit ang kanyang katawan sa akin hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang balat. Hindi ko napigilang idikit ang aking labi sa sensitibong bahagi ng kanyang leeg, nag-iiwan ng mga marahang halik na alam kong nagpapatakbo ng kuryente sa kanyang buong sistema."Drake, baka may makakita sa atin, baka hinihintay na tayo sa ibaba," pabulong niyang saway, bagamat hindi siya lumalayo sa aking mga paghawak."Hayaan mo silang maghintay, dahil ikaw ang nag-iisang reyna ng gabing ito at walang sinuman ang may karapatang magmadali sa iyo," tugon ko habang isi

  • The Heartbeat Between Us   Fierce Mother’s Final Stand (Claire POV)

    “Hindi mo ako matatakot gamit ang mga kasinungalingan mo, Cecilia... as in matagal na akong tapos sa pagiging sunod-sunoran sa inyong pamilya dahil ang tanging layunin ko lang ngayon ay protektahan si Noah mula sa inyong lahat,” ang sigaw ko habang nanginginig ang aking mga kamay sa tindi ng aking galit, ang aking boses ay umalingawngaw sa buong penthouse habang itinuturo ko ang pinto patungo sa labas.“Ang kapal ng mukha mong magsalita nang ganyan sa harap ko... as in wala kang laban sa kapangyarihan ng pamilya ko, at sisiguraduhin kong pagkatapos ng araw na ito, magsisisi ka sa bawat desisyon mong lumapit sa anak ko,” ang mapang-aping sagot ni Cecilia habang unt-unti siyang humahakbang patungo sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamuhi at paghamak sa aking pagkatao.“Sige, gawin mo ang lahat ng gusto mo, pero tandaan mo na hinding-hindi ko hahayaang hawakan ng kahit sino sa inyong mga Valencia ang anak ko... as in si Noah ay dugo at laman ko, at ang bawat patak ng

  • The Heartbeat Between Us   The Flaming Night (Claire POV)

    “Claire, please stay calm and grab the first aid kit plus a basin of cold water right now... as in sobrang taas ng lagnat ni Noah at kailangan natin itong mapababa agad,” ang utos ni Drake habang mabilis niyang kinakapa ang leeg ng aming anak na kasalukuyang nanginginig sa ilalim ng makapal na ku

  • The Heartbeat Between Us   Bleeding Hands

    “Clamp.” Malamig ang boses ni Drake Valencia habang nakatutok ang matalim niyang tingin sa bukas na dibdib ng pasyente. Tahimik ang buong operating room. Lahat ng tao halos hindi makagalaw nang maayos kapag siya ang lead surgeon. Hindi dahil masama siyang boss. Kundi dahil nakakatakot siya

  • The Heartbeat Between Us   Hollow Pocket

    “Ma… gutom na po ako.” Napamulat agad si Claire mula sa pagkakayuko niya sa gilid ng hospital bed. Pagod na pagod ang mata niya habang agad niyang nilingon si Noah na bagong gising. Madilim na sa labas ng charity ward at tanging mahinang ilaw lang mula sa hallway ang pumapasok sa kwarto. Pilit

  • The Heartbeat Between Us   Crimson Collapse

    “Ma’am… hindi po makahinga si Noah!” Parang huminto ang mundo ni Claire sa narinig niyang sigaw mula sa adviser ng anak. Nalaglag halos ang tray ng mga inorder na kape sa kamay niya habang nakatayo sa gitna ng café. Umiikot ang paligid niya. Nanginginig agad ang mga daliri niya bago niya mabilis

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status