LOGINVianne Ledesma's POV Maaga akong dumating sa opisina at naupo sa aking table, handang harapin ang araw. Dumating si Marta dala ang tablet na may schedule ko for tgis week at inilapag ito sa harap ko. "Eto ang schedule mo sa mga susunod na araw, Vianne. Bukas ng umaga, may malaking investor meeting tayo sa headquarters, aattend ang mga major shareholders at ilang bagong investors galing ibang bansa. Kailangan mong i-report ang quarterly report at ang mga susunod na project ng kumpanya. Sa hapon naman, may meeting ka with your lawyer, pag-uusapan niyo nang maayos ang official statement para sa annulment at kung paano ito ilalabas sa publiko nang malinaw, para hindi na makapagkalat pa ng kung ano-ano ang media. Sa makalawa, may board meeting tayo, tapos..." Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, bigla akong nahilo. Napahawak ako sa gilid ng table at napapikit ako ng saglit. Sinubukan kong palipasin lang. Siguro kulang lang ako sa tulog o masyadong maraming iniisip lately. Pero hindi p
Vianne Ledesma's POV Nakaupo kami ni Stanley sa loob ng sasakyan, hindi pa umaalis agad. Tahimik ang paligid, pero hindi ako kinakabahan. Sa halip, magaan ang pakiramdam ko, parang nabawasan ang mabigat na pasan ko nang matagal na panahon. Humarap ako sa kanya at napangiti nang mahina. "Alam mo ba, hindi ko in-expect na magagawa ko 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na sinampal ko si Toby." Ngumiti si Stanley. "At kamusta naman ang pakiramdam?" Huminga ako nang malalim, seryoso ang tingin ko sa kanya. "Masaya. Sobrang saya ko, Stanley. For the first time, mula noong lumabas ang balita tungkol sa kanila, pakiramdam ko kahit paano nakabawi ako. Hindi ko inisip kung may nakakita ba sa amin. Hindi ko inisip kung ano ang sasabihin ng media. Wala akong inisip kundi iparamdam sa kaniya ang kahihiyang dinala niya sa pamilya ko. Gusto kong maramdaman niya na nasaktan niya ako nang sobra, at deserve niyang maramdaman kahit katiting lang ng sakit na ibinigay niya sa akin."
Vianne Ledesma's POVHindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Napahinto ako at lumingon. Si Toby. Punong-puno ng desperation at pagsisisi ang mukha niya."Vianne, please… mag-usap naman tayo," pakiusap niya, malalim ang boses. Mahigpit ang hawak niya sa akin, na parang ayaw niya akong pakawalan. "Puwede bang… puwede bang ayusin pa natin 'to? Please, Vianne. Huwag mo namang gawin sa ’kin ‘to. Mahal pa rin kita. Never nagbago ’yon. Hindi ka ba nanghihinayang sa ilang taon? Pagsubok lang ’to, Vianne. Bakit sumuko ka agad?”Dahan-dahan pero mariin kong hinawi ang kamay niya mula sa braso ko. Umurong ako nang isang hakbang palayo sa kanya. Mabilis kong itinago ang sakit at galit na nararamdaman ko. Hindi niya puwedeng makita na naaapektuhan pa rin ako. Hindi siya pwedeng malaman na kahit ngayon, may parte pa rin sa akin na nasasaktan tuwing nakikita ko siya. Pero hindi naman enough na reason iyon para mag-stay pa rin ako. Tumingin ako sa kanya
Vianne Ledesma's POVNapatingin ako sa babaeng naka-gold fitted na gown. Si Ariana Villareal ang mistress ng asawa ko. Sumandal siya sa lababo, nakataas ang kilay, at may panunuyang ngiti."It’s nice to finally meet you, Vianne," simula niya habang dahan-dahang lumalapit. “Are you expecting me to say the same thing?” Tumaas ang kilay ko habang pinapanood ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Hindi ako umatras. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng powder at pinapanatiling kalmado lang ang lahat ng galaw ko. Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin."May kailangan ka ba?" tanong ko, walang halong galit, sadyang direkta lang. "Kung tungkol 'yan kay Toby, sa'yo na 'yan. Wala na akong pakialam." Tumawa siya nang mahina, pero hindi ito umabot sa mga mata niya."Good, at least malinaw ang lahat. Aayusin lang din niya ang mga kailangang ayusin sa paghihiwalay n’yo para makapagpakasal na rin kami." Ibinalik ko ang powder sa bag at hinarap ko siya nang diretso. Tinitigan ko siya mula ulo h
Vianne Ledesma's POV Bumaba ako ng sasakyan at agad kong napansin ang mga ilaw ng kamera. Agad na tumayo sa tabi ko ang mga bodyguard ko kung sakaling may magtangkang lumapit sa akin. “Ms. Ledesma, gawa po ba sa sikat na designer na si Acky Samaneigo ang suot n’yong elegant na dress ngayong gabi?” Tanong ng isa. “Yes po.” Matipid kong tanong. “Ms. Ledesma, puwede po ba namin kayong matanong—” “Pasensya na po, hindi po mag-e-entertain ng mga tanong si Ms. Ledesma.” Sabi ng isa sa mga bodyguard ko. “This way, Ma’am.” Turo ng isang staff sa entrance. Malaki ang impluwensya ni Mr. Sandoval, kaya in-expect ko na talaga na may media. Unti-unting gumuhit sa mga labi ko ang ngiti ng makita ko ang isang lalaking matipuno, gwapo at matangkad. “It’s nice seeing you tonight,” bati ni Stanley bago bumaba ng bahagya para casual na b****o. Agad kong naramdaman ang kanyang kamay sa likod ng waist ko. “Hi, I didn’t know you’re coming.” Nagkibit-balikat siya. “Well, I heard you’re coming, kaya
Vianne Ledesma's POVPagpasok ko pa lang sa lobby ng Ledesma Group, agad kong nararamdaman yung mga tingin, yung mga bulungan. At biglaang pagtahimik ng mga tao nang makita nila akong naglalakad papasok.Ngumiti ako nang bahagya. Itinaas ko ang aking noo. Naglakad ako nang diretso, parang walang anumang nangyari. Parang hindi ako ang pinag-uusapan ng buong bansa. Parang hindi ako ang asawang niloko sa harap ng lahat.Sa bawat desk na dadaanan ko, nakayuko ang mga empleyado. Mabilis na nagta-type, kunwari busy, pero alam kong nakatingin sila sa akin mula sa gilid ng kanilang mga mata. Nagtataka sila. Siguro akala nila magagalit ako sa mundo, ilulugmok ang sarili hanggang sa hindi na makausap tulad ng dati.Pero pumasok ako, hinarap ko ang takot na mahusgahan.Pagdating ko sa office, nandoon na si Marta, ang secretary ko at matagal ko nang kaibigan. Inaayos niya ang mga files, pero nang makita niya ako, huminto siya at tinitigan ako. "Good morning, Vianne," bati niya, malambing pero ma







