LOGINLimang taon ang mabilis na lumipas.
Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.
“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.
“Sige, ‘ma. Babalik ako ng Pilipinas at isasalba ang kumpanya natin. Ngunit may isa lamang akong kondisyon, ayokong malaman ng publiko ang tungkol sa anak ko. Lalong lalo na ni Ethan.”
Pagkababa palang namin ay agad na sumalubong sa amin ang maingay at magulong maynila, mahigpit kong hawak ang kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Liam. Tiningnan ko si Liam habang iniikot ang paningin sa paligid, manghang-mangha ito sa dami ng tao…medyo madalang ko kasi itong mailabas sa mga pampublikong lugar sa Canada noon. Kaya naman bago lang para dito ang siksikang siyudad.
Abala akong inaayos ang mga maleta namin ni Liam nang may marinig akong pamilyas na boses mula sa aming likuran, natigilan ako at bumilis ang tibok ng aking puso.
"Celine? Ikaw ba talaga ‘yan?"
Dahan-dahan akong humarap kay Ethan. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa itsura nito ngayon, ngunit naroon pa rin ang dominanteng presensya nito. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ako nito, saka dahan-dahang bumaba ang tingin nito sa batang lalaking hawak ko sa aking kamay.
“Ethan,” malamig kong bati dito. Muling bumalika ng tingin sa akin ni Ethan, sumilay ang masayang ngiti sa mga labi nito na ipinagtaka ko.
“Ikaw nga…” Nagtangka itong lumapit sa akin, ngunit mabilis na humarap si Liam sa gitna namin. Nakataas ang maliliit nitong mga braso na animo ay nakikipagpatintero kay Ethan
Natigilan si Ethan. Tinitigan nito ang batang nasa harap nito at bumakas ang gulat sa mukha nito. Hindi na ako nagtataka sa reaksyon nito, kamukhang-kamukha nito si Liam. Mula sa hugis ng mukha, kulay ng mata hanggang sa hulma ng panga nila.
“Sino ang batang ito, Celine?” Nagtatakang tanong ni Ethan, may kakaibang nginig sa boses nito.
“Anak ko, Ethan.” Diretsong sagot ko.
“Anak mo?” Bumakas ang pagkalito sa boses nito. Inilapit pa nito ang tingin kay Liam saka lumipat sa akin. “Ilang taon na siya? Sa tingin ko ay nasa apat o limang taong gulang, hindi ba? Paano kang nagkaanak kung tatlong taon tayong nagsama…sino ang ama niyan? Kailan mo pa ako niloloko?”
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
“Ano pa bang pakialam mo, Ethan? Limang taon na simula nang mag-hiwalay tayo, sa tingin mo ba ay hindi kita kayang palitan ng gano’n kadali? Sino ka ba sa akala mo?”
“Imposible…Sagutin mo ako ng maayos, Celine, sino ang ama ng batang ‘yan?” Pasigaw na tanong pa ni Ethan. Nag-iigting ang panga nito sa galit, ngunit bakit parang may takot at pagsisisi sa mga mata nito? “Kailangan kong malaman kung paano kang nagkaanak at sino ang ama ng batang yan? Tatlong taon tayong kasal, Celine, at bago ka umalis ay nakunan ka, hindi ba? Kaya paanong may apat na taong batang…”
“Huwag ka ngang magpatawa, Ethan. Unang-unang wala ka nang karapatan para tanungin ako ng ganyan, at sino ka naman sa akala mo para hingin ang paliwanag ko?”
Natigilan si Ethan. Tila nawalan ng dugo ang mukha nito at napayuko.
“Mommy, let’s just leave this guy. I’m hungry, and I don’t like the way he talks to you.” Hinila ni Liam ang laylayan ng damit ko habang matalim ang tinging ipinupukol nito kay Ethan.
“You’re right, Liam. Hindi na dapat ako nagsasayang ng oras sa mga kagaya ng lalaking ‘to. Let’s go.” Marahan kong hinila ang kamay ni Liam palayo kay Ethan.
“Sandali lang, Celine! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko at…at may sasabihin pa ako sa ‘yo!” Sigaw ni Ethan, pero nagbingi-bingihan lang ako at animo walang naririnig na nagpatuloy sa paglalakad.
“Sino ba ang lalaking yun, mommy?” Inosenteng tanong ni Liam nang nakasakay kami sa loob ng sasakyan, ipinasundo kami ng mga magulang ko. Nakatingin sa akin si Liam na walang kamuwan-muwang na ang lalaking nakaharap namin ay ang ama nito.
“Isang taong hindi naman mahalaga, Liam. Kung makikita mo man ito ulit ay iwasan mo, dahil hindi mabuti ang taong yun/” Nginitian ko si Liam habang hinahaplos ang buhok nito.
“Takot ka ba sa kanya, mommy? Don’t worry mommy, I will protect you.” Seryosong wika ng apat na taong anak ko. Nakangiting hinalikan ko ito sa noo. Kung alam lang nito na siya ang aking lakas kaya nagagawa kong lumaban ngayon at sagutin si Ethan.
Habang umaandar ang sasakyan, napatingin ako sa bintana at ninanamnam ang lugar na matagal ko ring hindi nakita. Dito ako pinanganak at nagkaisip, ngunit dito rin ako nakaranas ng saya at sakit. Isang lugar na kahit anong gawin ko ay hinding hindi ko na mabubura sa buhay ko, at ngayon ay narito ulit ako para magsimula ng panibagong laban.
“Malayo na ako sa dating,Celine. At sisiguraduhin kong hinding hindi na mauulit ang dati.” Bulong ko sa aking sarili.
“Did you say something, mommy?” Baling sa akin ni Liam na ang buong akala ko ay natutulog.
Umiling ako.
“Wala, anak. Kinakausap ko lang ang sarili ko, naalala ko kasi ang mga nakaraan ko sa lugar na ‘to.” Tapat na sagot ko sa aking anak.
“Tell me about it, mommy. I want to learn your past, how you and daddy met?”
Natigilan ako sa huling tanong ni Liam. Alam kong hindi malabong dumating ang araw na magtanong ito tungkol sa kanyang ama, ngunit hindi ko inaasahang ganito kaaga at sa pagtapak na pagtapak pa namin ng Pilipinas. Anong paliwanag ngayon ang sasabihin ko dito?
CELINE’S POINT OF VIEWLimang taon ang mabilis na lumipas.Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.“Sige,
CELINE’S POINT OF VIEWMakalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.“Sigurad
CELINE’S POINT OF VIEWIlang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.Muling bumukas ang pinto at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,”
CELINE’S POINT OF VIEW“Sandali.”Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang p
CELINE’S POINT OF VIEW“B-Buntis ako…” hindi pa rin makapaniwalang bulong ko. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko kaya’t naisipan kong magpa-check up, ngunit ikinagulat ko ang sinabi ng doktor sa akin.I’m six weeks pregnant.Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya, marahan kong hinaplos ang flat na flat kong tiyan. Ni walang palatandaan na may bata akong dinadala dito. Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking mga mata. Nakangiting pumasok ako ng bahay, mabilis kong tinungo ang study room ni Ethan. Doon ito naglalagi tuwing umaga, gusto kong dito unang ibalita ang good news na nalaman ko. Sigurado akong matutuwa ito…Pagpihit ko ng doorknob at pagbukas ng pinto, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko.“E-Ethan? Ano ang ibig sabihi ni—”Natigilan ako. Biglang parang nawalan ng hangin ang lalamunan ko. Nakaupo si Ethan sa swivel chair na madalas nitong inuupuan sa maghapon, habang sa kandungan nito ay nakaupo ang isang maganda at sexy na babaeng kilalang-kilala







