LOGINCELINE’S POINT OF VIEW
Makalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.
Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.
Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.
“Sigurado ka bang nakunan ka? Base sa mga sinabi mong symptoms na nararanasan mo recently ay sintomas yun ng pagbubuntis.” Seryosong saad ng doktor na tumitingin sa akin, inihahanda rin nito ang ultrasound machine para i-check ang case ko.
“Isang buwan na po ang nakalipas, doc. Sa akin mismo sinabi ng doktro sa Pilipinas na wala na po ang anak ko.” Muling nabalot ng lungkot ang dibdib ko nang maalala ang araw na gumuho ang mundo ko.
“I see. Siguraduhin pa rin natin kasi wala naman akong mahanap na ibang findings sa ‘yo na related sa mga symptoms mo.”
Pumikit ako nang maramdaman ang malamig na gel na ipinahid ng doktor sa tiyan ko, naalala ko noong unang beses na nalaman kong buntis ako. Ganitong-ganito rin ang ginawa sa akin.
“Oh my gosh…this is…”
Agad akong napadilat ng mata nang marinig ang bulalas ng doktor, may malawak na ngiti ito sa kanyang mga labi.
“B-bakit po, doc? Nagkaroon ba ng problema sa matris ko?” Bigla akong nakaramdam ng panic.
“Hindi, Celine. Makinig ka at tingnan itong mabuti.” Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng doktor sa ultrasound monitor. Habang sinisipat ko iyon ay unti-unting nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ko alam kung matatawag ba itong miracle pero buhay ang baby mo. Malusog na nasa sinapupunan mo pa rin.”
“S-sigurado ka ba dyan, Doc?” Napabalikwas ako ng upo at mas tinitigan pa ang ultrasound monitor. Parehong-pareho ng ultrasound result na nakita ko noon. “P-paanong…paano pong nangyari ‘to? Ang sabi sa akin ng doktor sa Pilipinas ay hindi na nila nailigtas ang bata! Nakita ng dalawang mata ko ang dami ng dugong lumabas sa akin ng araw na yun!”
“Relax, Celine.” Hinawakan ng doktor ang magkabila kong balikat para pakalmahin ako. “Kambal ang dinadala mo, at ang batang hindi nila nailigtas noon ay ang isa sa kambal. Habang ang isa ay naiwan sa loob at…himalang matibay pa rin ang kapit. Pakinggan mo ito.”
Pinatunog ng doktor ang machine at unti-unting nagtubig ang mata ko nang marinig ang tunog ng tibok ng puso.
.
Dub-dub. Dub-dub. Dub-dub.
Napatakip ako ng bibig ko habang patuloy na bumubuhos ang luha ko. Tila dahan-dahang nabuo ulit ang mundo ko sa nalaman, buhay pa ang anak ko. May natira pa sa aking isa at may kasama pa ako sa buhay. May pamilya pa ako.
“Buhay siya…buhay ang anak ko…” Humihikbing wika ko habang nakatitig pa rin sa monitor. Malinaw kong nakikita ang piguro ng batang nasa loob ng tiyan ko.
“Hindi ko alam kung anong nangyari sa ‘yo kaya ka nakunan, pero sa tingin ko ay binigyan ka ng pangalawang pagkakataon ng Diyos para maging ina. Siguro nakita nito ang pagdurusa at labis na pag-iyak mo.”
Napangiti na lamang ako sa sobrang tuwa. Himala man o ano ang tawag sa nangyari sa akin, nagpapasalamat ako dahil may rason na ulit ako para mabuhay at magpatuloy. Ang sakit at pait na narasanan ko sa Pilipinas ang siyang nagpahina sa akin, ngunit ang natitirang anak ko sa aking tiyan ang siyang magiging bagong lakas ko.
“Thank you, Lord…” bulong ko. Panay pa rin ang iyak at tawa ko. Wala na akong pakialam sa ibang nakakakita sa akin, basta masaya ako, sobrang saya ko. “Huwag kang mag-alala, anak…gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng magandang buhay. Po-protektahan kita sa lahat ng taong magtatangkang manakit sa ‘yo at hinding-hindi kita ipapaalam sa ama mo. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka nito gaya ng ginawa nito sa kapatid mo.”
Pag-alis ko ng hospital ay nagpahinga lang ako saglit, pagkatapos ay dumiretso ako ng mall para mamili ng mga gamit ng bata. Dahil hindi ko pa naman sigurado ang gender ng anak ko, dalawang pares na ang mga binili ko. Sobrang umahon ang excitement sa puso ko na parang hindi ako matatahimik hangga’t walang nakikitang gamit para sa baby ko. Siguro dahil akala ko noon wala na ito, kaya ngayong nalaman kong mayroon pa akong anak…gusto kong magkaroon sa bahay ng magpapatunay na totoo ang lahat at hindi lang isang panaginip.
“Magiging nanay na ako…buhay ang anak ko…” Parang baliw na paulit-ulit kong bulong habang namimili ng mga gamit ng bata. Wala akong pakialam sa gastos, basta gusto ko ng katibayan sa tuwing titingin ako sa bawat sulok ng bahay na mayroon akong hinihintay na bata.
May anak pa ako…
CELINE’S POINT OF VIEWLimang taon ang mabilis na lumipas.Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.“Sige,
CELINE’S POINT OF VIEWMakalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.“Sigurad
CELINE’S POINT OF VIEWIlang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.Muling bumukas ang pinto at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,”
CELINE’S POINT OF VIEW“Sandali.”Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang p
CELINE’S POINT OF VIEW“B-Buntis ako…” hindi pa rin makapaniwalang bulong ko. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko kaya’t naisipan kong magpa-check up, ngunit ikinagulat ko ang sinabi ng doktor sa akin.I’m six weeks pregnant.Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya, marahan kong hinaplos ang flat na flat kong tiyan. Ni walang palatandaan na may bata akong dinadala dito. Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking mga mata. Nakangiting pumasok ako ng bahay, mabilis kong tinungo ang study room ni Ethan. Doon ito naglalagi tuwing umaga, gusto kong dito unang ibalita ang good news na nalaman ko. Sigurado akong matutuwa ito…Pagpihit ko ng doorknob at pagbukas ng pinto, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko.“E-Ethan? Ano ang ibig sabihi ni—”Natigilan ako. Biglang parang nawalan ng hangin ang lalamunan ko. Nakaupo si Ethan sa swivel chair na madalas nitong inuupuan sa maghapon, habang sa kandungan nito ay nakaupo ang isang maganda at sexy na babaeng kilalang-kilala







