LOGINCELINE’S POINT OF VIEW
“Sandali.”
Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.
“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?
Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.
“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”
Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.
“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang pagsasama namin ni Veronica.”
“Isa nga lang talaga akong replacement ni Veronica para sa ‘yo…” bulong ko, parang sinasakal ang dibdib ko sa sobrang kirot. “Lahat ng pinagsamahan natin, parang hangin lang na dumaan sa buhay natin…ni minsan ba naging totoo lahat ng sinabi mo sa akin? Yung mga pangako mo no—”
“Wala na ang lahat ng yun, Celine. Hindi naman lahat ng pangako ay natutupad talaga, kasalanan mo na yun kung dahil naniwala ka agad sa mga sinabi ko. Huwag ka ng lumaban, sa una palang alam mo naman ang posisyon mo sa buhay ko ‘di ba?” Mabilis na putol nito sa mga sinasabi ko, ni katiting na awa ay walang mababakas sa mukha nito.
“Tatlong taon na ibinuhos ko ang buhay ko sa isang walang isang salita na lalaki, sana pala noon palang nalaman ko na ang totoong kulay mo. Awang awa pa naman ako sa ‘yo noon, yun pala ay deserve mo rin ang lahat ng nangyari sa ‘yo.” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko, akala ko tapos na akong umiyak kanina. Akala ko wala ng mas isasakit pa sa mga nakita at nalaman ko, pero mayroon pa rin pala…hindi pa rin pala ito tapos sa pananakit sa akin.
“Wala akong hiningi sa ‘yo, Celine. Noong iniwan ako ni Veronica, halos mawala ako sa sarili ko…pero kahit kailan ay hindi ako lumapit sa ‘yo para humingi ng tulong. Ikaw ang kusang nag-alok sa akin ng isang kasunduan, alam mo noong umpisa palang na malaki ang risk para sa ‘yo ang kasunduang yun pero mas pinili mo ang ikakaayos ko. Kasalanan ko ba yun, Celine? It is your fault you gave up your own career for me.”
Naalala ko ang mga sinayang at isinuko ko para kay Ethan, biglang umahon ang matinding takot sa dibdib ko. Paano akong magsisimula ulit kung tinalikuran ko na ang mga bagay na minsang naging buhay ko? Sino pa ang ibang tatanggap sa akin? Umiling ako.
“Hindi…mahal na mahal kita, Ethan. Huwag mo namang kalimutan ang tatlong taon na pagsasama natin oh. Hindi mo ako pwedeng iwan.” Hinawakan ko ang braso nito, halos magmakaawa na dito.
“Celine! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?! Wala kanang puwang sa buhay ko!” Sigaw ni Ethan, halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Ngunit paulit-ulit akong umiling.
“Hindi mo ako pwedeng iwan! Hindi mo kami pwedeng iwan ng anak mo!”
Natigilan si Ethan.
“A-ano? Ha! Huwag mo akong paikutin sa pagpapanggap na buntis ka, ilang taon na nating sinubukan pero hindi tayo makabuo, Celine. Tapos ngayon sasabihin mong buntis ka?” Tumawa ng malakas si Ethan at marahas na binawi ang kamay nito. “Kung totoong buntis ka, patunayan mo, Celine.”
Natatarantang hinanap ni Celine ang resulta ng test niya kaninang umaga, nasa loob lang ng bag niya iyon pero bigla nalang hindi niya ito mahanap.
“S-sigurado akong nandito lang yun, i-imposibleng mawala yun.” Mahihina kong anas habang panay pa rin ang pagkalkal sa bag ko.
“Tama na, Celine. Pagod na akong makinig sa ‘yo, umalis ka nalang.”
“H-Hindi, Ethan. H-Hinahanap ko la—”
“Huwag kang magpalinlang sa kanya, Ethan. Kabisado ko na ang galawa ng mga ganyang babae, palalabasin nilang buntis sila para huwag silang iwan ng lalaki. Gagamitin nila yun para makuha ang gusto nila, pero sa huli ay lalabas na panlilinlang pala nila ang lahat ng yun.” Bumaba si Veronica mula sa ikalawang palapag, tumingin ito sa akin nang makalapit ito sa amin ni Ethan. “Ganyan ka na ba ka-desperada na makuha si Ethan, Celine? Magkaroon ka naman kahit kaunting pride para sa sarili mo.”
“Ako pa ang dapat mahiya? Mag-asawa kami ni Ethan, Veronica. Alam mong kasal na kami pero bumalik ka pa rin para guluhin ang nananahimik naming pagsasama! Kung tutuusin ikaw ang dapat mahiya dito, kasi kahit ano pang gawin mo isa ka lang kabit!”
Naalog ang sistema ko nang makaramdam ng malakas na sampal sa pisngi, naramdam ko nalang na umikot ang paningin ko at nang makabawi ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig. Ngunit hindi ang sakit ng pagbagsak ang ininda ko kundi sa parte ng tiyan ko.
Bumakas ang gulat sa mukha nina Ethan at Veronica nang makita ang dugong lumabas mula sa kanya.
“A-Ang anak ko…” Natatakot na bulalas ko.
Narinig ko ang malakas na pagmumura ni Ethan bago ako nilapitan.
“Totoong buntis ka nga?” Tanong nito na hindi ko na nagawang sagutin, mas nakatuon ang buong atensyon ko sa pag-aalala na baka mawala sa akin ang anak ko.
“Ethan…maawa ka, maawa ka sa akin ng anak ko! Dalhin mo kami sa hospital please…please.”
Tinitigan ako ni Ethan. Maya maya ay maingat akong binuhat nito at nagmamadaling dinala sa sasakyan nito. Panay ang mura nito hanggang sa maipasok ako nito sa sasakyan.
“Kumalma ka lang, Celine. Ililigtas natin ang bata,” bulong nito. Pumikit ako ng mariin, tila narinig ko ang Ethan na dati kong minahal. Malayo sa Ethan na pilit akong pinagtatabuyan kanina, pwede pa rin kayang maayos ang pagsasama nila kung maililigtas ang bata?
CELINE’S POINT OF VIEWLimang taon ang mabilis na lumipas.Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.“Sige,
CELINE’S POINT OF VIEWMakalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.“Sigurad
CELINE’S POINT OF VIEWIlang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.Muling bumukas ang pinto at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,”
CELINE’S POINT OF VIEW“Sandali.”Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang p
CELINE’S POINT OF VIEW“B-Buntis ako…” hindi pa rin makapaniwalang bulong ko. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko kaya’t naisipan kong magpa-check up, ngunit ikinagulat ko ang sinabi ng doktor sa akin.I’m six weeks pregnant.Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya, marahan kong hinaplos ang flat na flat kong tiyan. Ni walang palatandaan na may bata akong dinadala dito. Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking mga mata. Nakangiting pumasok ako ng bahay, mabilis kong tinungo ang study room ni Ethan. Doon ito naglalagi tuwing umaga, gusto kong dito unang ibalita ang good news na nalaman ko. Sigurado akong matutuwa ito…Pagpihit ko ng doorknob at pagbukas ng pinto, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko.“E-Ethan? Ano ang ibig sabihi ni—”Natigilan ako. Biglang parang nawalan ng hangin ang lalamunan ko. Nakaupo si Ethan sa swivel chair na madalas nitong inuupuan sa maghapon, habang sa kandungan nito ay nakaupo ang isang maganda at sexy na babaeng kilalang-kilala







