Mag-log inCELINE’S POINT OF VIEW
Ilang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.
Muling bumukas ang p***o at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.
“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.
“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,” mahinang wika ko. Ni tapunan ng tingin ay hindi ko magawa.
“Celine, alam kong hindi mada—-”
“Huwag mo akong bigyan ng paliwanag na alam nating parehong wala ng kwento ngayon, Ethan!” Malakas na sigaw ko, nanghihina ang buong katawan ko ngunit mas lamang ang galit ko ngayon. Kasalan niya ang lahat, maging ang pagkawala ng anak ko. “Ikaw ang pumatay sa anak natin! Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang baby! Ngayon masaya ka na? Nakakaramdam ka man lang ba ng kaunting guilt dyan sa puso mo o mas iniisip mo pa rin ang kapakanan ni Veronica?!”
Huminga ng malalim si Ethan. Saglit na bumakas ang gulat sa mukha nito sa ginawa niyang pagsigaw, ngunit mabilis din itong nakabawi.
“I’m sorry, Celine. Akala ko ay nagsisinungaling ka at gumagawa lang ng kwento para hindi kita iwan. HIndi ko naman alam na totoo palang buntis ka. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon…sana ay naniwala nalang ako sa ‘yo.”
Natawa ako ng mapait.
“Naniwala? Sigurado akong kung babalik man ang oras ngayon, Ethan, si Veronica pa rin ang paniniwalaan mo. Sino ba naman ako at ang anak mo sa buhay mo ‘di ba? Tatlong taon tayong nagsama at kahit kailan hindi pa ako nagsinungaling sa ‘yo, nakakatawang sa pinaka-importanteng parte dapat ng buhay natin ay pinagdudahan mo ako.”
"Siguro nga tama ka, Celine. Kasalanan ko ang lahat at hindi ko na maitatama pa ang mga nangyari. Kaya nga narito ako para tapusin na ang koneksyon natin.”
Ipinatong ni Ethan sa harap niya ang isang folder, hindi pa man binubuksan ni Celine iyon ay may ideya na siya sa nilalaman ng kapirasong papel na nandun.
“Wala ka talagang puso, Ethan. Kamamatay lang ng anak ko, nakaratay pa ako sa hospital…and yet…annulment paper? Ganyan mo na ba kagustong maging asawa si Veronica? Kating-kati ka na bang lumaya para matupad mo na ang matagal mong pangarap?”
“Ito nalang ang nakikita kong paraan para sa ikabubuti nating dalawa, Celine. Sa tingin mo ba magiging maayos pa ang pagsasama natin ngayong wala na ang anak natin? Sigurado akong sa oras na ‘to ay galit na galit ka sa akin, kaya pirmahan mo nalang ‘yan. Nandyan na rin ang pirma ko.”
“Huwag mo akong patawanin, Ethan. Gagamitin mo pa ang bata para lang sa personal na interest mo, alam ko namang ang totoong dahilan kaya ka nag-file ng agarang annulment ay si Veronica.”
“Kahit ano pang sabihin ko ngayon ay alam kong hindi mo paniniwalaan, kaya nga ito ang mas makabubuti sa atin, Celine. Please, huwag mo nang pahirapan ang mga sarili natin.”
Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang aking cellphone. Dinial ko ang number ng family lawyer namin.
“Attorney Melendez,” bungad ko nang sumagot ang lawyer namin sa tawad. “Puntahan mo ako ngayon dito sa hospital, dalhin mo ang waiver form.”
“Celine? Anong waiver—-”
“Gusto kong alisin sa pangalan ko lahat ng ari-arian at perang ibinibigay ni Ethan sa akin kapalit ng annulment namin!” Halos sigaw kong wika. “Ayokong tumanggap ng kahit isang sentimo sa lalaking pumatay sa anak ko!”
“Nababaliw ka na ba, Celine?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Ethan, hinawakan nito ang kamay ko para agawin ang cellphone na hawak ko pero malakas kong iwinaksi ang kamay nito.
“Huwag na huwag mo akong hawakan, Ethan! Nandidiri ako sa ‘yo, napakadumi mong tao at pati na rin ang kabit mo! Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakait ang hinihingi mong kalayaan. Ibibigay ko sa ‘yo ang gusto mo nang walang hinihinging kahit sentimo mula sa ‘yo. Hindi ko kailangan ng perang nagmula sa isang basurang tao.”
“Naiintindihan mo ba ang sitwasyon mo, Celine? Malaking pera ang tinatanggihan mo, mas pipiliin mo pa ba ang pride kaysa sa ikabubuti ng buhay mo?”
“Sa iyo na ang pera mo, Ethan. Hindi ko kailangang manlimos sa ‘yo para lang makabangon ulit, palibhasa simula umpisa ay sarili mo lang ang pinagtaunan mo ng atensyon…wala kang ideya sa kakayahan ko. Makinig ka sa akin, Ethan, kahit kailan ay hindi ko kailangan ng pera mo o kahit anong awa mula sa ‘yo.”
Walang pagdadalawang isip na kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng folder ni Ethan, hindi ko na sinayang ang oras ko para basahin ang dokumento at walang habas na pinirmahan yun.
“Oh heto!” Marahas na itinapon ko sa mukha ni Ethan ang dokumento. “Malaya ka na sa akin, Ethan. Sana lang ay maging masaya kayo ni Veronica habang iniisip na kayo ang pumatay sa anak ko!”
Tinitigan ni Ethan ang papel na pinirmahan ni Celine, hindi ito makapaniwala na gano’n ko lang kadaling pinirmahan ang annulment paper namin. Ang akala siguro nito ay magmamakaawa pa rin ako, pero hinding-hindi na mangyayari yun.
“Simula sa araw na ito ay ituturing na kitang patay, Ethan. Babalik sa ‘yo ang papel na hawak mo sa mga susunod na araw o linggo para sa kaunting pagbabago na inutos ko kay Attorney Melendez. Just remember, Ethan, kapag dumating ang araw na kailanganin mo ulit ako…kahit lumuhod o lumuha ka pa ng dugo ay hindi na kita tatanggapin pa.”
Hindi na sumagot si Ethan. Tahimik itong umalis dala ang annulment paper na hawak nito, pagsara ng p***o ay doon ko tuluyang niyakap ang aking sarili. Napawalanghiya nila…
CELINE’S POINT OF VIEWLimang taon ang mabilis na lumipas.Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.“Sige,
CELINE’S POINT OF VIEWMakalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.“Sigurad
CELINE’S POINT OF VIEWIlang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.Muling bumukas ang pinto at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,”
CELINE’S POINT OF VIEW“Sandali.”Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang p
CELINE’S POINT OF VIEW“B-Buntis ako…” hindi pa rin makapaniwalang bulong ko. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko kaya’t naisipan kong magpa-check up, ngunit ikinagulat ko ang sinabi ng doktor sa akin.I’m six weeks pregnant.Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya, marahan kong hinaplos ang flat na flat kong tiyan. Ni walang palatandaan na may bata akong dinadala dito. Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking mga mata. Nakangiting pumasok ako ng bahay, mabilis kong tinungo ang study room ni Ethan. Doon ito naglalagi tuwing umaga, gusto kong dito unang ibalita ang good news na nalaman ko. Sigurado akong matutuwa ito…Pagpihit ko ng doorknob at pagbukas ng pinto, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko.“E-Ethan? Ano ang ibig sabihi ni—”Natigilan ako. Biglang parang nawalan ng hangin ang lalamunan ko. Nakaupo si Ethan sa swivel chair na madalas nitong inuupuan sa maghapon, habang sa kandungan nito ay nakaupo ang isang maganda at sexy na babaeng kilalang-kilala







