LOGINOpisina ni Alessandro, Verande Tower — KinaumagahanHindi kami natulog.Alas-sais ng umaga, nakaupo pa rin kami sa parehong opisina, ang mesa'y puno na ng mga naka-print na dokumento -- mga lumang listahan ng ospital, mga talaan ng adopsyon, kahit anong maaaring humantong sa pangalang Isabela."Wala," bulong ko, itinabi ang ika-sampung folder na binuksan ko. "Wala akong makita kahit isang Isabela na may kaugnayan kay Anna Villareal sa kahit anong opisyal na talaan.""Subukan mo ito." Iniabot sa akin ni Alessandro ang kanyang tablet.. "Hiniling kong tingnan ng aking tauhan ang mga talaan ng ospital sa Nueva Ecija, hindi lang sa Maynila. Dahil k ung ipinanganak siya bago pa umalis ang pamilya mo roon--"Tumigil ako sa pagbasa. Doon, sa ikatlong pahina, isang pangalan: Isabela Reyes, ipinanganak 1997, San Jose General Hospital, Nueva Ecija. Ina: Anna dela Cruz."Alessandro." Ang boses ko'y halos hindi lumabas. "Nakita ko."Lumapit siya agad, binasa ang screen sa ibabaw ng aking balikat.
Opisina ni Alessandro, Verande Tower — Gabing IyonHinawakan ko ang papel nang mahigpit, ang aking mga mata'y sumugod agad sa sulat-kamay ni Don Emilio, bawat titik nito'y malumanay ngunit malinaw pa rin sa kabila ng taning ng panahon."Kay Alessandro. Kung nabasa mo na ang sulat na ito, ibig sabihin natagpuan mo na ang larawan, at natanong mo na kung sino ang batang babaeng kasama mo roon. Ang pangalan niya ay Isabela — anak ni Anna Villareal."Napahinga ako ng malalim"Anna Villareal," bulong ko, ang boses ko'y halos hindi marinig sa aking sariling pandinig. "Iyon ang pangalan ng nanay ko, Alessandro.""Alam ko." Tumingin siya sa akin, ang kanyang mukha'y puno ng parehong gulat na nadarama ko. "Kung tama ang nasa sulat na ito--""Ibig sabihin, may kapatid ako." Napaupo ako, hindi na kaya ng aking mga tuhod. "May kapatid akong hindi ko kilala, na buhay noong 1998, kasama ang iyong pamilya."Umupo si Alessandro sa tabi ko, hinawakan ang aking kamay, ang kanyang mga daliri'y nangingini
Paupahan ni Mira — Gabing Iyon, Ilang Minuto Matapos ang MensaheHindi na namin naipagpatuloy ang katahimikan naming dalawa.Matapos mabasa ni Alessandro ang mensahe, agad niya akong hinawakan sa kamay."Kailangan nating makita iyon," sabi niya, ramdam ko ang katatagan sa kanyang boses kahit alam kong nag-aalala siya."Anong laman ng mensahe? Hindi mo pa sinasabi sa akin nang buo."Ibinigay niya sa akin ang kanyang telepono. Binasa ko mismo ang mga salita -- isang karagdagang bahagi ng testamento ni Don Emilio, na may kinalaman sa isang larawan sa loob ng personal na drawer nito, isang larawan ng isang batang babae."Nasaan ang larawang ito?" tanong ko."Sa opisina. Doon ko ito unang nakita, ilang buwan bago pa ako makipagkita sa'yo." Tumigil siya, ang kanyang mukha'y nagbago habang inaalala. "Hindi ko na ito muling hinipo simula noon. Nakatago ito sa isang lumang kahon, kasama ng ibang bagay ni Lolo.""Kung gayon, bakit hindi mo pa ito nabuksan hanggang ngayon?""Kasi noong una kong
Sa Paupahan ni Mira — Gabi ng Parehong ArawDumating siya sandaling matapos lumubog ang araw na tulad ng ipinangako niya.Hindi kami nakatulog nang gabing iyon.Nanatili kami sa maliit kong balkonahe. Habang ang lungsod sa ibaba'y unti-unting natutulog, kami naman ay parehong gising, magkahawak-kamay, hinihintay kung ano pa ang susunod na problema at katotohanan ang darating na makakapag-pabagabag sa amin.""Sabihin mo na sa akin ang lahat, Alessandro," sabi ko sa gitna ng aming katahimikan, hindi na kaya ng aking mga tuhod ang patuloy na katahimikan."Ngayon na. Wala nang lihim."Umupo siya nang mas malapit sa akin, kasunod ay paghinga ng malalim, tulad ng isang taong sa wakas ay pinapalaya ang isang bigat na matagal na niyang binubuhat."Namatay si Lolo Emilio dalawang taon lang ang nakalipas,""Bago siya pumanaw, ipinatawag niya ako at ibinunyag ang lahat --- ang tungkol sa tulay, sa pagtatago ni Tito Renato, sa kamatayan ni Papa na hindi talaga aksidente."Tumigil siya, mahirap h
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon."Matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa buildini ko."Umikot ang mga salitang iyon sa isip ko nang paulit-ulit, kasabay ng larawan ng lumang bahay namin sa kanyang telepono. Bago ko pa masagot, may tumawag sa kanya tungkol sa isang proyekto sa Batangas, at kailangan niyang umalis, iniwan akong may mas maraming tanong kaysa dati.Kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko: hinanap ko ang katotohanan mismo.Naghanap ako gamit ang aking telepono ng lumang balita tungkol sa proyekto ng Verande Group malapit sa aming dating tirahan sa Nueva Ecija. Halos hatinggabi na nang makita ko ang unang resulta … isang lumang talaan mula sa isang lokal na peryodiko, may petsang labing-anim na taon na ang nakalipas."TULAY SA BRGY. VILLAREAL, GUMUHO. TATLO ANG NASAWI."Nanlamig ang buong katawan ko sa pagbasa ng pangalan ng barangay na may ilang minutong lakad lamang mula sa dating bahay namin.Binasa ko ang buong artikulo: sub-standard mat
(Makalipas ang tatlong linggo)Hindi ko na pilit tinanong ang tungkol sa larawan.Tatlong linggo na akong nagtatrabaho bilang personal secretary ni Alessandro Verande, at sa tatlong linggong iyon, natutunan kong mayroon siyang paraan ng pag-iwas sa mga tanong na hindi siya komportableng pag-usapan, at babaguhin lang niya ang paksa nang napaka-natural, halos hindi mo mapapansin hangga't hindi mo na-realize na wala ka pa ring sagot.Ngunit hindi ko ito kinalimutan. Lalo na tuwing hahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg, pakiramdam ko'y may mata siyang laging naka masid rito."Villareal." Boses niya mula sa likod ko, sa loob ng aklatan ng bahay niya sa Forbes Park --- kakaunti lang ang alam kong empleyado ang pumapasok dito. "Naibigay mo na ba 'yung quarterly report ng Cebu branch?""Opo. Nasa mesa n'yo na." Itinigil ko ang pagsasaayos ng mga dokumento at lumingon.Pero may napansin akong kakaiba sa mga numero.” Yung inilaan para sa pondo sa community relations na halos trip







