LOGINOpisina ni Alessandro, Verande Tower — Gabing Iyon
Hinawakan ko ang papel nang mahigpit, ang aking mga mata'y sumugod agad sa sulat-kamay ni Don Emilio, bawat titik nito'y malumanay ngunit malinaw pa rin sa kabila ng taning ng panahon.
"Kay Alessandro. Kung nabasa mo na ang sulat na ito, ibig sabihin natagpuan mo na ang larawan, at natanong mo na kung sino ang batang babaeng kasama mo roon. Ang pangalan niya ay Isabela — anak ni Anna Villareal."
Napahinga ako ng malalim
"Anna Villareal," bulong ko, ang boses ko'y halos hindi marinig sa aking sariling pandinig. "Iyon ang pangalan ng nanay ko, Alessandro."
"Alam ko." Tumingin siya sa akin, ang kanyang mukha'y puno ng parehong gulat na nadarama ko. "Kung tama ang nasa sulat na ito--"
"Ibig sabihin, may kapatid ako." Napaupo ako, hindi na kaya ng aking mga tuhod. "May kapatid akong hindi ko kilala, na buhay noong 1998, kasama ang iyong pamilya."
Umupo si Alessandro sa tabi ko, hinawakan ang aking kamay, ang kanyang mga daliri'y nanginginig kasing lakas ng sa akin. Sa loob ng ilang segundo, wala kaming nasabi — pinapayagan lang namin ang bigat ng katotohanan na dumaraan sa amin nang dahan-dahan.
"Bakit hindi ko alam ito?"tanong ko sa aking sarili. "Kung totoo may kapatid akong babae, bakit hindi ito sinabi ni Nanay? Bakit hindi ko siya nakita kahit isang beses sa buong buhay ko?"
"Marahil hindi lang si Nanay mo ang may dahilan para itago ito." Binasa ulit ni Alessandro ng natitirang bahagi ng sulat, ang kanyang noo'y kunot sa konsentrasyon. "May karagdagang linya dito. ."
Binasa niya ito nang malakas, ang kanyang boses ay unti-unting nagiging mahina sa bawat pangungusap:
"Hindi ko maipapaliwanag ang lahat dito, anak, dahil kahit ako, hindi ko lubusang alam ang buong katotohanan. Ang tanging alam ko, may nangyaring hindi maganda noong maliit pa si Isabela -- isang bagay na kinailangang itago para sa kaligtasan ng lahat. Hinanap kita, Mira, hindi lang dahil sa utang na loob. Hinanap din kita dahil baka ikaw ang tanging susi para malaman kung ano talaga ang nangyari sa kapatid mo."
Tumingin ako kay Alessandro, ang aking isip ay nalilito sa dami ng tanong na biglang bumuhos. "Ibig sabihin, buhay pa siya? O--"
"Hindi sinasabi ng sulat kung buhay pa siya o hindi," mabagal na sabi ni Alessandro "Sinasabi lang na 'nangyari ang isang bagay na hindi maganda.' Iyon lang."
Tumayo ako, naglakad papunta sa bintana, tinitingnan ang mga ilaw ng lungsod sa ibaba, sinusubukang ipagpatuloy ang paghinga sa gitna ng lahat ng ito. "Kung nasaan man siya ngayon, buhay man o hindi, kailangan kong malaman. Hindi ko na kayang mamuhay na hindi alam."
Lumapit si Alessandro sa akin, tumayo sa likod ko, ang kanyang mga kamay ay banayad na dumapo sa aking mga balikat. "Hahanapin natin siya, Mira. Magkasama."
"Paano? Wala tayong ibang alam kundi ang pangalan niya."
"May isang paraan," sabi niya, ang kanyang boses ay unti-unting nagiging determinado. "May pribadong tanggapan ako na kayang mag-imbestiga nang tahimik, walang pangalan ng kumpanya, walang bakas na maaaring humantong pabalik sa atin. Kung buhay si Isabela, kung may kahit anong talaan ng kanyang pangalan sa kahit anong ospital, paaralan, o ahensya sa buong bansa, mahahanap natin siya."
Tumalikod ako para harapin siya, ang aming mga mukha'y ilang pulgada na lang ang layo. "Bakit mo ito ginagawa para sa akin, Alessandro? Hindi mo naman kailangang gawin ito."
"Kailangan ko," sabi niya, simple, tapat. "Hindi dahil sa testamento ni Lolo. Kundi dahil ang lahat ng nangyayari sa'yo, nangyayari na rin sa akin. Ang pamilya mo, unti-unti nang nagiging pamilya ko rin."
Kumirot ang dibdib ko sa katapatan ng kanyang mga salita. Sa loob ng ilang linggo lamang, mula sa isang estranghero na hinila ako palabas ng isang lobby, naging isang taong, sa gitna ng lahat ng kaguluhan, ay ang tanging bagay na nagpapanatiling matatag sa akin.
"Salamat," bulong ko, at hinawakan ang kanyang mukha . "Hindi ko akalaing may taong hahawak sa akin nang ganito, sa gitna ng lahat ng ito."
"Palagi kitang hahawakan," sabi niya at idiniin ang kanyang noo sa akin, "kahit ano pa ang matuklasan natin tungkol kay Isabela, tungkol sa ating mga pamilya, tungkol sa kahit ano pa."
Nanatili kami roon nang ilang sandali, magkayakap sa gitna ng malamig na opisina, ang buong mundo sa labas ay tila huminto lamang para sa aming dalawa.
Ngunit habang unti-unti kong nararamdaman ang katahimikan, may bumungad sa akin sa isip -- isang bagay na hindi ko pa naitanong hanggang ngayon.
"Alessandro," bulong ko, "kung totoong kilala ni Lolo Emilio si Isabela, at kung totoong kilala niya rin si Nanay noon -- ibig sabihin, malapit na malapit siya sa pamilya namin bago pa man tayo isinilang. Bakit hindi na lang niya sinagip si Tatay noong nangyari ang lahat sa tulay? Kung malapit sila, bakit hinayaan niya kaming maghirap nang labing-anim na taon?"
Tumigil si Alessandro. Sa unang pagkakataon sa buong gabing iyon, hindi niya alam ang isasagot.
"Hindi ko alam," aminado niya sa wakas. "Ngunit iyan din ang susunod nating tatanungin." Humugot siya ng malalim na hininga, ang kanyang tingin ay lumayo saglit, tila naaalala ang lolo niyang kilala lamang niya bilang isang matandang lalaking mahal na mahal siya. "Kilala ko si Lolo bilang isang taong hindi basta-basta nagpapabaya sa mga taong mahalaga sa kanya. Kung totoong hinayaan niya kayong maghirap, ibig sabihin lang non ay may malaking bagay ang pumigil sa kanya -- mas malaki, sa palagay ko, kaysa sa kahit anong maiisip natin ngayon."
"O baka," sabi ko, mahina, "hindi lang basta pumigil sa kanya. Baka may pinoprotektahan siyang iba, kahit ibig sabihin nito'y kailangan niyang isakripisyo ang pamilya ko."
Ang posibilidad na iyon ay nagpakalma ng sa buong silid.
Habang tumitingin kami sa lumang larawan na nasa ibabaw ng kanyang mesa, alam naming dalawa na hindi ito simpleng paghahanap ng isang taong nawawala. Ito ay paghahanap ng katotohanan na maaaring baguhin ang lahat ng inaakala naming alam tungkol sa aming mga pamilya -- at, marahil, tungkol sa isa't isa.
Opisina ni Alessandro, Verande Tower — KinaumagahanHindi kami natulog.Alas-sais ng umaga, nakaupo pa rin kami sa parehong opisina, ang mesa'y puno na ng mga naka-print na dokumento -- mga lumang listahan ng ospital, mga talaan ng adopsyon, kahit anong maaaring humantong sa pangalang Isabela."Wala," bulong ko, itinabi ang ika-sampung folder na binuksan ko. "Wala akong makita kahit isang Isabela na may kaugnayan kay Anna Villareal sa kahit anong opisyal na talaan.""Subukan mo ito." Iniabot sa akin ni Alessandro ang kanyang tablet.. "Hiniling kong tingnan ng aking tauhan ang mga talaan ng ospital sa Nueva Ecija, hindi lang sa Maynila. Dahil k ung ipinanganak siya bago pa umalis ang pamilya mo roon--"Tumigil ako sa pagbasa. Doon, sa ikatlong pahina, isang pangalan: Isabela Reyes, ipinanganak 1997, San Jose General Hospital, Nueva Ecija. Ina: Anna dela Cruz."Alessandro." Ang boses ko'y halos hindi lumabas. "Nakita ko."Lumapit siya agad, binasa ang screen sa ibabaw ng aking balikat.
Opisina ni Alessandro, Verande Tower — Gabing IyonHinawakan ko ang papel nang mahigpit, ang aking mga mata'y sumugod agad sa sulat-kamay ni Don Emilio, bawat titik nito'y malumanay ngunit malinaw pa rin sa kabila ng taning ng panahon."Kay Alessandro. Kung nabasa mo na ang sulat na ito, ibig sabihin natagpuan mo na ang larawan, at natanong mo na kung sino ang batang babaeng kasama mo roon. Ang pangalan niya ay Isabela — anak ni Anna Villareal."Napahinga ako ng malalim"Anna Villareal," bulong ko, ang boses ko'y halos hindi marinig sa aking sariling pandinig. "Iyon ang pangalan ng nanay ko, Alessandro.""Alam ko." Tumingin siya sa akin, ang kanyang mukha'y puno ng parehong gulat na nadarama ko. "Kung tama ang nasa sulat na ito--""Ibig sabihin, may kapatid ako." Napaupo ako, hindi na kaya ng aking mga tuhod. "May kapatid akong hindi ko kilala, na buhay noong 1998, kasama ang iyong pamilya."Umupo si Alessandro sa tabi ko, hinawakan ang aking kamay, ang kanyang mga daliri'y nangingini
Paupahan ni Mira — Gabing Iyon, Ilang Minuto Matapos ang MensaheHindi na namin naipagpatuloy ang katahimikan naming dalawa.Matapos mabasa ni Alessandro ang mensahe, agad niya akong hinawakan sa kamay."Kailangan nating makita iyon," sabi niya, ramdam ko ang katatagan sa kanyang boses kahit alam kong nag-aalala siya."Anong laman ng mensahe? Hindi mo pa sinasabi sa akin nang buo."Ibinigay niya sa akin ang kanyang telepono. Binasa ko mismo ang mga salita -- isang karagdagang bahagi ng testamento ni Don Emilio, na may kinalaman sa isang larawan sa loob ng personal na drawer nito, isang larawan ng isang batang babae."Nasaan ang larawang ito?" tanong ko."Sa opisina. Doon ko ito unang nakita, ilang buwan bago pa ako makipagkita sa'yo." Tumigil siya, ang kanyang mukha'y nagbago habang inaalala. "Hindi ko na ito muling hinipo simula noon. Nakatago ito sa isang lumang kahon, kasama ng ibang bagay ni Lolo.""Kung gayon, bakit hindi mo pa ito nabuksan hanggang ngayon?""Kasi noong una kong
Sa Paupahan ni Mira — Gabi ng Parehong ArawDumating siya sandaling matapos lumubog ang araw na tulad ng ipinangako niya.Hindi kami nakatulog nang gabing iyon.Nanatili kami sa maliit kong balkonahe. Habang ang lungsod sa ibaba'y unti-unting natutulog, kami naman ay parehong gising, magkahawak-kamay, hinihintay kung ano pa ang susunod na problema at katotohanan ang darating na makakapag-pabagabag sa amin.""Sabihin mo na sa akin ang lahat, Alessandro," sabi ko sa gitna ng aming katahimikan, hindi na kaya ng aking mga tuhod ang patuloy na katahimikan."Ngayon na. Wala nang lihim."Umupo siya nang mas malapit sa akin, kasunod ay paghinga ng malalim, tulad ng isang taong sa wakas ay pinapalaya ang isang bigat na matagal na niyang binubuhat."Namatay si Lolo Emilio dalawang taon lang ang nakalipas,""Bago siya pumanaw, ipinatawag niya ako at ibinunyag ang lahat --- ang tungkol sa tulay, sa pagtatago ni Tito Renato, sa kamatayan ni Papa na hindi talaga aksidente."Tumigil siya, mahirap h
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon."Matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa buildini ko."Umikot ang mga salitang iyon sa isip ko nang paulit-ulit, kasabay ng larawan ng lumang bahay namin sa kanyang telepono. Bago ko pa masagot, may tumawag sa kanya tungkol sa isang proyekto sa Batangas, at kailangan niyang umalis, iniwan akong may mas maraming tanong kaysa dati.Kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko: hinanap ko ang katotohanan mismo.Naghanap ako gamit ang aking telepono ng lumang balita tungkol sa proyekto ng Verande Group malapit sa aming dating tirahan sa Nueva Ecija. Halos hatinggabi na nang makita ko ang unang resulta … isang lumang talaan mula sa isang lokal na peryodiko, may petsang labing-anim na taon na ang nakalipas."TULAY SA BRGY. VILLAREAL, GUMUHO. TATLO ANG NASAWI."Nanlamig ang buong katawan ko sa pagbasa ng pangalan ng barangay na may ilang minutong lakad lamang mula sa dating bahay namin.Binasa ko ang buong artikulo: sub-standard mat
(Makalipas ang tatlong linggo)Hindi ko na pilit tinanong ang tungkol sa larawan.Tatlong linggo na akong nagtatrabaho bilang personal secretary ni Alessandro Verande, at sa tatlong linggong iyon, natutunan kong mayroon siyang paraan ng pag-iwas sa mga tanong na hindi siya komportableng pag-usapan, at babaguhin lang niya ang paksa nang napaka-natural, halos hindi mo mapapansin hangga't hindi mo na-realize na wala ka pa ring sagot.Ngunit hindi ko ito kinalimutan. Lalo na tuwing hahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg, pakiramdam ko'y may mata siyang laging naka masid rito."Villareal." Boses niya mula sa likod ko, sa loob ng aklatan ng bahay niya sa Forbes Park --- kakaunti lang ang alam kong empleyado ang pumapasok dito. "Naibigay mo na ba 'yung quarterly report ng Cebu branch?""Opo. Nasa mesa n'yo na." Itinigil ko ang pagsasaayos ng mga dokumento at lumingon.Pero may napansin akong kakaiba sa mga numero.” Yung inilaan para sa pondo sa community relations na halos trip







