Share

Chapter 11:

Aziria’s POV

"Tara na?" pagyayaya sa akin ni Israel nang mapalagay ang loob ko.

Tumigil na ako sa pag-iyak, medyo ayos na ang aking pakiramdam. Tumango ako sa kaniya.

"Subukan mo kayang ngumiti," aniya.

Hindi ko alam kung bakit niya inuutos iyon. Nakatingin siya sa aking labi kaya nakaramdam ako ng ilang. Napansin niya kaya umiwas siya ng tingin.

"Hindi uso iyon sa labi ko," pabiro kong sagot para tanggalin ang ilang sa amin.

Bigla siyang natawa na ikinakunot ng aking noo. "Okay. Fine. Let’s go."

Naglakad na kaming dalawa pabalik sa bahay ni Tyrone. Nasa malayo pa lang kami, tanaw na tanaw ko na sina Klyde, Trill, Keeno at Tyrone na halatang hinihintay kaming dalawa ng kasama ko.

Inalalayan ako ni Israel maglakad patungo sa aking kotse nang bigla akong hawakan ni Keeno. Natigilan ako ngunit hindi ko siya pinansin, hindi ko rin tinapunan ng tingin.

"Aziria." He’s begging.

Mismong kaibigan niya na ang humarang sa akin at tinanggal ang kamay ni Keeno mula sa aking braso.

"Bro, she ne
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status