Share

Chapter 44:

Aziria's POV

Nakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog.

Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel.

"May guro."

Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!

Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status