NAGULAT si Eleand nang makita sa screen ng cellphone ang tatlong missed calls galing sa panganay na kapatid na si Erone. Pati si Elida ay may isang missed call din. His phone was in a silent mode, and he was not checking that much. Akma niyang tatawagan si Elida nang marinig niya ang malakas na doorbell at katok sa pinto. Bumalik ba si Brandy at may nakalimutan?
Napailing na lang siya bago humakbang at buksan ang pinto. Napaangat ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang humahangos na mukha ni Elida.
“Hey, why in a hurry?” Natatawang wika niya. His sister looked wasted. Tila nanghihina itong humawak sa kanyang siko kaya bigla siyang nag-alala.
“Pack your things, bro. We need to catch the flight going to the Philippines right now.” Deretso itong pumasok sa loob ng bahay at tila nanghihinang naupo sa mahabang sofa.
“What's the matter?” Naguguluhang tanong niya.
“Hindi pa ba nasabi sa'yo ni Kuya ang nangyari?” Takang wika ni Elida na nakakunot ang noo.
“I wasn't able to answer his calls. What happened?” Lumapit siya sa kapatid. Sa klase ng ekspresyon ng mukha nito, parang gusto niyang kabahan. Elida had always been composed.
“Mom had a heart attack. She's in a coma right now.” Bumakas sa mukha ng babae ang labis na pag-aalala.
“Oh my god!” Naupo siya sa tabi ni Elida, “Is Mom okay?”
“She's not. Kailangan nating magmadali, ayokong isipin ang anumang masamang puwedeng mangyari. But we have to be ready.”
“I understand.” Napahilot siya sa sentido. Great, his wife just divorced him and now his mother was dying. Bakit naman nagsabay-sabay pa?
“Come on, hurry up!” There was urgency in her voice.
“Okay, okay! Wait up. Magbibihis lang ako.” Tumayo siya at nagmadaling pumasok sa kuwarto. Naiwan si Elida na sapo ang noo.
NAGMAMADALING tinungo ng magkapatid ang hospital na kinaroroonan ng kanilang ina nang makarating sila ng Pilipinas. They had a connecting flight from Manila to Naga. Kapwa nila hindi alintana ang pagod sa mahabang biyahe. Halos walang patid ang kanilang pagdadasal na sana walang masamang mangyari. Both of them were close to their mother. Kung papipiliin nga mas gusto nilang sa Pilipinas manatili para malapit lang sa magulang. Kaya lang marami silang ibang obligasyon sa California kaya doon sila nanatili.
Deretso silang pumasok sa silid na kinaroroonan ng kanilang ina. Gayun na lang ang kanilang pagkagulat nang makita ang ama na nakahawak sa kamay ng walang malay na asawa. Their father was controlling his sobs while kissing their mother's forehead.
“Mom? We're here, we’re back.” Nagmadaling lumapit si Elida.
“What is going on here?” Baling niya kay Erone at Ezekiel na tahimik na lumuluha.
“She's gone. She passed away an hour ago.” Mahinang wika ni Erone, “hindi na niya kayo nahintay.”
Bumuka ang kanyang bibig pero walang katagang lumabas. Nilapitan niya ang wala nang buhay na ina at hinawakan ang malamig nitong kamay.
“Go in peace, Mom. I know you'll be happy to where you are going.” Pabulong na wika niya. Pigil ang luhang nais kumawala sa kanyang mata.
“Mommy...” Walang tigil sa paghagulhol si Elida habang yakap ang kanilang ina. Tahimik naman ang kanilang ama na humahaplos sa likod ng nag-iisang anak na babae.
Tahimik silang nagluksa sa pagkawala ng ina. Pero alam nilang mas nahihirapan ang kanilang ama. She was his queen. Nakita niya ang pagmamahalan ng magulang kaya lumaki siyang naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. His parents were his proof that was why he believed that true love existed.
He had several flings before he met Brandy. Pero nang makilala niya ang babae, sigurado siyang ito ang para sa kanya. Kaya kahit medyo bata pa siya para mag-asawa ay hindi siya nag-alinlangan.
UMUWI muna si Eleand sa resort na pag-aari nila sa Caramoan isang linggo matapos maihatid sa huling hantungan ang kanilang ina. Nagpumilit na sumama si Elida kahit gusto niyang mapag-isa. Mabuti na sigurong kasama niya ang kapatid para kahit paano ay may makausap siya. Ilang araw lang silang mananatili sa Pilipinas. Kailangan nilang makabalik sa California dahil sa naiwang trabaho.
They went island hopping and hiking to ease their sadness. Maikli lang ang buhay ng tao. Kaya sa ayaw at sa gusto niya ay darating ang panahong lilisanin niya ang mundo. Naihanda na rin niya ang sarili sa pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay. Iniisip na lang niyang mas mabuti nang hindi na nahirapan ang kanyang ina at tuluyan itong namahinga.
Sabay silang bumalik sa bahay bandang hapon. Nagdesisyon silang mag-inuman ng kapatid para mas madaling makatulog. Elida took a sip of wine. Nakipag-kuwentuhan lang ito sa kanya habang patuloy siya sa paglagok ng alak. He chose to drink the most expensive wine in their mini bar. Sa roofdeck ng bahay sila nagkasundong mag-inuman. Napaganda kasi ng kabilugan ng buwan. It was the rare phenomenon—the super blood blue moon.
“Why don't you join me? Hindi naman nakakataba ang wine.” Napapailing na wika niya.
“No thanks, brother dear. Tanggap ko na ang nangyari kay Mommy. Ikaw ang inaalala ko, kaya kita sinamahan dito. Mom died, and Brandy left you.”
He smiled bitterly. “I’m okay.”
“Really? Then, will it be okay to know that Brandy is dating a famous hollywood actor?” Elida chuckled.
“I see.” Lumagok siya ng alak mula sa kopita, “Who?”
Nagkibit ng balikat ang kapatid. “I don't know yet. It was just a rumor I read earlier online, Brandy and that guy took a vacation together.”
“I don't care.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa kopita. Brandy lied to him. Nakipag-divorce ito sa kanya dahil sa ibang lalaki. Right, he was just another loser.
“Good. Oh, look at the moon! There it is—super blood blue moon indeed.” Tumingala si Elida. Maging siya ay napatingin sa napakalaking bilog na buwan na unti-unting namumula at kinakain ng dilim.
“Should I howl like a wolf?” He laughed as he playfully mimicked a wolf’s cry Bahagyang tumatalab na sa kanya ang espiritu ng alak.
“You're crazy! Wait, Kuya is calling.” Agad nitong sinagot ang tawag ng kanilang panganay. Nakailang lagok siya ng alak. Nagulat na lang siya nang makita ang panlalaki ng mata ni Elida dahil sa pagkagulat habang kausap si Erone sa kabilang linya. Muntik pa nitong mabitawan amg hawak na cellphone.
“What the hell is that?” Natatawang puna niya sa kapatid. Thanks to the brightness of the moon, Elida's face looked suddenly pale.
“Dad just had a cardiac arrest!” Nalulumo itong naupo sa kanyang tabi.
“What?!” Tila nawala ang lahat ng kalasingan sa kanyang katawan. Their mother just passed away, and now their father was in the same situation. This was just too much!
“Naitakbo siya sa hospital. I hope he is fine, hindi tayo makakapunta agad sa hospital dahil delikado ang daan dito lalo na sa gabi.”
“Who told you that we couldn’t go there?” Inubos niya ang alak na laman ng kopita at dali-daling tumayo. Pupuntahan niya ang ama sa hospital! Ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanilang ina na nahuli silang dumating. Siguradong hindi kinaya ng kanilang ama ang labis na lungkot sa pagkawala ng kanilang ina kaya bumigay ang puso nito.
“No! You can't drive. You're drunk!” Pigil ni Elida.
“I am not. You know I'm a skilled driver.” He winked. Bumababa siya mula sa roof deck at tarantang nakasunod si Elida.
“Eleand no! Don't do this, please. Alam mong delikado ang kalsada dito. And for heaven's sake, huwag mo nang dagdagan ang problema ng pamilya natin!”
“I can do this.” Ngumiti siya. Isinuot niya ang itim na leather jacket at tinungo ang sasakyan sa garahe. Nasa loob na siya ng driver's seat nang biglang pumasok sa loob ng kotse si Elida at naupo sa passenger's seat.
“Huwag kang padalos-dalos, go back to the house. Bumiyahe na lang tayo nang maaga bukas. It's almost midnight, and driving is really a bad idea. Lalo pa at sobrang lasing ka na.”
“Mamili ka, hihintayin na lang ba ulit natin na malagutan ng hininga si Daddy?” Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon.
“Oh god! Slow down!” Tarantang wika ni Elida. She was reaching for the seat belt. Hindi nito iyon naikabit kanina. Maging siya ay hindi nag-abalang ikabit iyon. He trusted his own driving skills.
“Will you shut up?” Iritadong wika niya. He needed to concentrate. Pero nararamdaman niya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mata.
Darn. Kailangan niyang mag-ingat. Halos tatlong oras pa ang bubunuin nila bago makarating sa hospital na kinaroroonan ng ama. He needed to be there—both of them, as soon as possible.
But he lost it when they were approaching a sharp curve. Hindi niya namaniobra ang manibela at tuloy-tuloy na dumausdos ang sasakyan sa matarik na bangin. Nanlaki pa ang mata niyang nang makitang tumilapon sa ere si Elida. She hadn’t locked her seatbelt yet. Hindi na niya nakita kung saan ito bumagsak dahil biglang nandilim ang kanyang paningin.
THERE was nothing but darkness. Iyon lang ang tanging nakikita ni Eleand—kadiliman. Maybe he died already. Sa lakas ba naman ng impact ng pagbagsak ng sasakyan ay imposibleng mabuhay pa siya.He was expecting a grim reaper looking at him right now. Malamang naghihintay na ito para sunduin siya. Kaya ilang sandaling nagtalo ang kanyang damdamin kung ibubukas pa niya ang kanyang mata. He wasn’t ready to die, but it seemed that his time has come. May magagawa pa ba siya? Death was inevitable anyway.Unti-unti niyang iminulat ang mata. At least he had anticipated what was going to happen. Kung susunduin na nga siya ni Kamatayan, hindi na siya tatangging sumama.Everything will be fine now. Bahagya pa siyang nagulat nang unti-unti siyang sinalubong ng liwanag. Unang tumambad sa kanyang mata ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.He heard somebody whispered. “Swasah…”
“WINZI, where have you been?” naiinis na tanong ni Ahldrin sa babaeng bagong dating.“May nakawalang Alundra, kailangan siyang mahuli bago pa man ito makapaminsala,” wika ni Winzi.“I can handle that.” ani Ahldrin, “Nahil, samahan mo ako.” Walang pasabing lumabas ang itim na pakpak mula sa likuran ng lalaki. Natutulalang tumitingin si Eleand sa dalawang kapwa binalot ng itim at berdeng liwanag sabay biglang nawala sa paningin niya.They are scaring me like hell! Ilang ulit siyang lihim na napalunok dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan niya sa sobrang takot. Gusto niyang biruin ang sarili na baka nasa shooting lang siya ng isang Hollywood movie na fantasy ang genre. Why those creatures had wings? Kung wala siya sa langit at hindi rin siya nasa Pilipinas, saang parte siya ng mundo napadpad?He flinched a bit when Winzi scrutinized him. Seryoso ang mukha nito a
MABILIS na sumusunod si Nahil sa himpapawid kasama si Ahldrin. Both of them were chasing the Alundra. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa seryosong mukha ng kasama. He was tracking the scent of the beast.Hindi na siya nagtaka dahil alam naman nilang lahat na ang lalaki ang pinakamagaling na tracker sa buong Erganiv. He was the General of the Land and Aerial Army of Noyuh. Sanay na sanay itong makipaglaban maging sa lupa man o sa himpapawid.“Hurry!” Ahldrin shouted.“All right,” bulong ni Nahil na nakangiti.Erganiv was magically created ten thousand years ago using ancient spells that caused a continental drift. Sinadya itong buuin para sa katahimikang inaasam ng mga diwata kaya hiniwalay ang Erganiv sa kontinenteng nasasakupan ng Alegerio. Ito ang napagdesisyonan ng mga malalakas na diwatang dugong bughaw na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha. Dahil napakalaking pinsala ang nilik
AGAD na yumuko si Ahldrin nang madatnan nila ni Nahil si Aserah na nakaupo sa trono. She wore her green off-shoulder gown embroidered with gold. Suot nito ang gintong korona na may malaking ruby sa harapan. Aserah was the Lady of Noyuh. Ito ang may pinakamataas na katungkulan sa buong Noyuh na siyang namamahala sa buong kaharian.“Naidispatsa na namin ang Alundra,” wika ni Ahldrin matapos magbigay galang.Tumayo si Aserah mula sa trono. “Mabuti.”“Nakapagtataka lang kung paano nakatakas ang halimaw mula sa kulungan,” sabat ni Nahil. She was her second in command and he was third. Wala naman sa kanyang problema kung anong posisyon ang ibigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Aserah dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa nasasakupan nito.He originally came from Gwiazda. Siya ang bunsong anak ni Lord Lavino, na siyang namamahala sa kaharian ng gabi at bituin. Pero pinili niyang iwan ang
RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room h
"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt. Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit. “Elida!” he screamed. Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid. Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina. I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand stair
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to