Home / Romance / The Husband I Never Knew / CHAPTER 5 Husband Unknown

Share

CHAPTER 5 Husband Unknown

Author: Hannah Faye
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-13 10:31:14

Lucien Monteverde.

Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.

Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.

Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.

Hindi dahil may typo.

Kundi dahil imposible lang talagang tanggapin.

Sa lahat ng tao sa mundo, bakit isang Lucien Monteverde pa?

"Girl."

Napatingin ako kay Grace nang agawin niya ang dokumento sa kamay ko.

"Wait. Wait. Wait."

Paulit-ulit niyang binasa ang pangalan.

Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan.

At pagkatapos ay binalikan ulit ang papel.

"Lucien Monteverde?" ulit niya.

Tumango ako.

Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala.

Sa totoo lang, ako rin.

"Please tell me hindi ikaw 'to," sabi niya.

"Ako rin ang tanong."

"Girl..."

"Grace..."

"Asawa mo ang isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa."

Napapikit ako.

Ayoko nang marinig iyon.

Ayoko nang pag-isipan.

Pero kahit anong gawin ko, hindi mabubura ang pangalan sa dokumentong hawak namin.

Nandoon iyon.

Malinaw.

Legal.

At opisyal.

Hindi na ito simpleng misunderstanding.

May record.

May marriage certificate.

May registry number.

May petsa.

May pirma.

Lahat ng bagay na nagpapatunay na totoong nangyari iyon.

Ang problema, wala akong maalala.

"Alam mo Grace, wala itong sense," bulong ko.

"Exactly," sagot ni Grace. "Kaya kailangan nating alamin."

Matapos ang ilang minuto ng pagtatanong sa PSA staff, wala rin kaming ibang nakuha maliban sa kumpirmasyon na valid ang record.

Hindi raw iyon mukhang clerical error.

At lalo raw hindi iyon mukhang duplicate identity issue.

Paglabas namin ng PSA office, pakiramdam ko ay may sampung kilo na nakapatong sa ulo ko.

Hindi ko na alam kung saan magsisimula.

Mas may bibigat pa pala sa pinagdaan ko, simula bumalik ex ko para sa kasal niya. Kung ako tatanungin ngayon, mas pipiliin ko nalang talaga mag asikaso ng kasal ng ex ko. Kesa sa mga nalalaman ko ngayon.

"Coffee."

Napatingin ako kay Grace.

"Ano?"

"Kailangan natin ng kape."

"Kailangan ko ng bagong buhay."

"Coffee muna."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong tumutol.

Ilang minuto lang ay nasa loob na kami ng pinakamalapit na coffee shop.

Pagkaupo namin, agad niyang inilabas ang laptop niya.

Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.

"Research."

"Grace."

"Inaalam ko kung sino ang asawa mo."

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

Mabilis siyang nag-type sa search bar.

At halos agad ding lumabas ang resulta.

Lucien Monteverde.

Chairman and CEO of Monteverde Holdings.

Sunod-sunod ang articles.

Business magazines.

International conferences.

Interviews.

Awards.

Forbes features.

Luxury developments.

Parang walang katapusan.

Habang pababa nang pababa si Grace sa mga search results, lalo akong natutulala.

Parang hindi tao ang tinitingnan namin.

Parang buong industriya.

"Okay," sabi ni Grace. "Hindi ko na alam kung gaano siya kayaman."

Napailing ako.

"Hindi iyon ang importante."

"Importante iyon."

"Grace."

"May private island."

Napakurap ako.

"Ano?"

"Private island."

Nakatitig siya sa screen na parang may nakita siyang himala.

"May private island talaga siya."

Napahawak ako sa noo.

Hindi ko alam kung alin ang mas problema.

Ang misteryosong kasal ko.

O ang best friend kong mas interesado sa bank account ng asawa ko kaysa sa marriage mystery.

"Girl," sabi niya habang nakanganga pa rin sa laptop. "Kung ako ikaw, hindi muna ako magpapanic."

Tinignan ko siya nang masama.

"Talaga?"

"Oo."

"May asawa akong hindi ko kilala."

"Pero may private island siya."

Tinampal ko ang braso niya.

Napatawa siya nang malakas.

Pero mabilis ding nawala ang ngiti niya nang mapansin ang mukha ko.

"Sera."

"Hm?"

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako muli sa screen.

Sa pagkakataong iyon, lumabas ang isang malaking larawan ni Lucien Monteverde mula sa isang business magazine cover.

Tahimik lang akong nakatingin.

Matangkad.

Matalim ang mga mata.

Maayos ang pananamit.

At may seryosong ekspresyon na parang bihirang ngumiti.

Mukha siyang taong sanay masunod.

Mukha siyang taong kontrolado ang lahat ng bagay sa paligid niya.

At higit sa lahat, mukha siyang lalaking imposibleng makasal sa isang taong gaya ko nang hindi ko nalalaman.

Pero habang mas matagal akong nakatingin sa litrato niya, may kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalik.

Parang may bahagi ng isip ko na gustong maalala ang isang bagay.

May kung anong pamilyar.

May kung anong kulang.

Napahawak ako sa sentido ko.

Biglang sumakit ang ulo ko.

Hindi naman sobrang sakit.

Pero sapat para mapapikit ako.

"Sera?"

Narinig kong tawag ni Grace.

Ngunit sa loob ng ilang segundo, parang may mabilis na larawang dumaan sa isip ko.

Isang kamay.

Mainit na hawak.

Hangin mula sa dagat.

At isang malalim na boses.

"Trust me."

Napamulat agad ako.

Nawala rin agad ang eksena.

Parang panaginip na hindi ko maabot.

"Sera!"

Mas malakas na ang tawag ni Grace.

Napakurap ako at bumalik sa kasalukuyan.

Nakahawak na siya sa balikat ko.

"Pumutla ka."

"Ayos lang ako."

Hindi siya mukhang kumbinsido.

Sa totoo lang, ako rin hindi.

Dahil hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang may pumasok na alaala sa isip ko.

At mas lalong hindi ko maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay may koneksyon iyon sa lalaking nasa screen.

Tahimik akong napatingin muli sa larawan ni Lucien.

Sa pagkakataong ito, isang bagong article ang lumabas sa ibaba.

Napansin ko agad ang headline.

Asia's Most Eligible Bachelor Returns to the Philippines After Two Years Abroad.

Napakunot-noo ako.

"Bachelor?" bulong ko.

Napatingin si Grace.

"Ano?"

Tinuro ko ang headline.

Kung bachelor siya, bakit may marriage record kami?

At kung may marriage record kami, bakit tila wala siyang alam tungkol sa akin?

Masyadong maraming tanong.

At wala ni isa ang may sagot.

Tahimik akong nakatitig sa litrato niya habang umiikot sa isip ko ang lahat ng posibilidad.

Hindi ko siya kilala.

O iyon ang akala ko.

Pero habang mas tinitingnan ko ang mukha niya, mas lumalakas ang pakiramdam na may mahalagang bahagi ng nakaraan ko ang nawawala.

At sa unang pagkakataon mula nang makita ko ang marriage record, isang bagong tanong ang sumagi sa isip ko.

Hindi na kung totoo bang asawa ko si Lucien Monteverde.

Kundi kung bakit pakiramdam ko ay may nakalimutan akong bahagi ng buhay ko na konektado sa kanya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 18: Stop Digging

    —-Lucien's POV—-Hindi ako makagalaw.Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng kakapasok lang.**Unknown Number**> *Stop digging, Lucien.*Sa ibaba nito ay may isang attachment.Isang litrato.Nanginginig ang daliri kong pinindot iyon.Unti-unting nag-load ang larawan hanggang sa tuluyan itong luminaw sa screen.Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Seraphina.Suot niya pa rin ang damit na suot niya kanina sa resort. Nakatingin siya sa malayo habang may hawak na sunflower sa kamay. Hindi niya alam na kinukunan siya ng litrato.Hindi ito kuha mula sa social media at Hindi rin ito lumang larawan.Fresh at Recent lang ito.Kuhang-kuha lang ilang oras ang nakalipas.Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.Kung may nakakuha ng litrato niya ngayon lang...Ibig sabihin, may taong malapit sa amin.May taong alam kung nasaan kami.At mas malala...may taong matagal nang nagmamasid."Damn it..."Napamura ako sa ilalim ng hininga bago

  • The Husband I Never Knew   Chapter 17: Shadows of the Past

    Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako agad nakapagsalita.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Lucien.*"Isabella... is my aunt."*Parang hindi iyon akma sa lahat ng nalalaman namin.Kung siya ang babaeng nasa litrato...Kung siya ang babaeng palaging nakamasid sa amin...Kung siya ang tinutukoy sa liham na nagsasabing, *"She found us."*Bakit siya ang tiyahin ni Lucien?At bakit tila siya ang sentro ng lahat ng misteryong bumabalot sa amin?"Lucien..." mahina kong tawag.Nakahawak pa rin siya sa sentido niya. Mabigat ang paghinga niya, at bakas sa mukha niya ang sakit na dulot ng alaalang pilit bumabalik."I'm fine," mahinang sabi niya, kahit halatang kabaligtaran ang totoo.Hindi ko siya pinaniwalaan.Kitang-kita kong nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak sa litrato.Parang kahit siya ay natatakot sa mga alaalang unti-unting nagbabalik.Lumapit ang caretaker sa amin.May pag-aalala sa kanyang mga mata."Umuwi na muna kayo," mahinahon niyang

  • The Husband I Never Knew   Chapter 16: The Woman in the Photograph

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato.Tahimik pa rin ang loob ng lumang cottage, ngunit ang katahimikang iyon ay tila mas mabigat kaysa kanina. Ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana ay marahang nagpapagalaw sa mga lumang kurtina, kasabay ng mahinang paglangitngit ng sahig sa tuwing may gagalaw sa amin.Nasa larawan kaming dalawa ni Lucien.Masaya.Nakangiti.Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatayo sa gitna ng isang malawak na sunflower field.Kung kami lang sana ang nasa litrato, marahil ay napangiti pa ako.Marahil ay naniwala akong may pagkakataon pa kaming mabuo muli ang mga alaalang nawala.Pero hindi.Dahil may isa pang tao roon.Isang babae.Nakatayo siya ilang hakbang sa likuran namin.Hindi siya nakangiti.Hindi rin siya galit.Tahimik lang siyang nakatingin... ngunit sapat na ang ekspresyon niyang iyon upang magdulot ng kakaibang lamig sa buo kong katawan.Hindi ko siya kilala.Sigurado ako.Ngunit sa tuwing tititigan ko ang mukha niya, may

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 15: THE TIME CAPSULE

    Katahimikan.Iyon ang bumalot sa amin ni Lucien habang magkatabing naglalakad palabas ng resort. Tanging mahinang paghampas ng hangin sa mga puno at ang tunog ng aming mga yabag sa lumang daanan ang pumupuno sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, ngunit pakiramdam ko ay pareho kaming nilalamon ng iisang tanong.Ano ba talaga ang naghihintay sa amin?Sa bawat hakbang na inilalapit ako sa Cottage 7, lalo ring bumibigat ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan, pero ngayon ay tila may hindi maipaliwanag na takot na unti-unting kumakapit sa buong katawan ko.Gusto kong malaman ang totoo.Pero paano kung mas masakit ang katotohanan kaysa sa pagkawala ng alaala?Paano kung may dahilan kung bakit nakalimutan namin ang lahat?"Let's go," mahinang sabi ni Lucien nang hindi man lang lumilingon. "We don't have time to waste."Tumango lang ako at tahimik na sumunod.Hindi ko alam kung siya man ay kinakabahan, pero halatang mas mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya ka

  • The Husband I Never Knew    Chapter 14: The Letter We Left Behind

    Hindi ko agad naituloy ang paghinga matapos mabasa ang unang linya ng sulat. Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang silid habang nakatitig ako sa lumang papel na hawak namin ni Lucien. "If you're reading this... then something went terribly wrong." Ilang segundo kaming walang imik. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang nilalaman ng sulat o ang katotohanang kami mismo ang nagsulat nito. Dahan-dahan akong napatingin kay Lucien. Mukha siyang kasing gulo ng nararamdaman ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa papel, para bang umaasa siyang may kusang babalik na alaala kapag mas matagal niya itong tiningnan. "Wala kang naaalala?" tanong ko. Umiling siya. "Nothing." Napabuntong-hininga ako. "Ako rin." Muli kong ibinalik ang tingin sa sulat at ipinagpatuloy ang pagbabasa. “To our future selves, If you're reading this, then something went terribly wrong. Which means one of us forgot. Or maybe both of us did. If that happened, don't panic. Everything you're feel

  • The Husband I Never Knew   Chapter 13: The Pieces of Us

    Hindi ako makatulog.Mahigit isang oras na yata akong nakahiga sa kama, pero gising na gising pa rin ang isip ko. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto, tahimik na ang buong resort, at tanging tunog ng alon mula sa malayo ang naririnig ko.Pero imbes na makatulog, mas lalo lang akong nag-iisip.Nasa tabi ko ang envelope na ibinigay ng resort owner kanina. Kasama nito ang litrato namin ni Lucien at ang sulat na hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabasa.To my Sunshine,If I ever forget you...Find me again.— LucienIlang beses ko na itong nabasa, pero pareho pa rin ang epekto nito sa akin.Parang may humihila sa puso ko.Parang may bahagi ng sarili kong gustong umiyak kahit hindi ko alam kung bakit.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tutuusin, ilang araw pa lang naman mula nang malaman kong may asawa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong klaseng lungkot para sa isang lalaking hindi ko maalala.Pero sa tuwing tinitingnan ko ang litrato namin, paki

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 4: Impossible

    "What do you mean I'm married?!"Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 3 A Favor From Grace

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang makipagkita ako kina Gabriel at Sofia para sa wedding planning meeting nila.At sa loob ng tatlong araw na iyon, sinubukan kong ilubog ang sarili ko sa trabaho.Unfortunately, hindi ganoon kadaling takasan ang sariling isip.Sa tuwing may ilang minutong pahinga

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 2 Professional Smile

    “Ay, anak ng—!”Muntik ko nang matapon ang hawak kong kape nang makita ko ang schedule na nasa screen ng cellphone ni Grace.Agad kong inilapag ang tasa sa mesa bago pa ito tumumba at madamay ang mga proposal, contracts, at wedding layouts na halos magdamag kong inayos.“Ano ba, girl? Okay ka lang

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 1 The Groom From Her Past

    “Congrats, guys! Another successful wedding event!”Masaya kong pinalakpakan ang buong team habang unti-unti nang nililigpit ng lahat ang mga dekorasyon sa reception area. Punong-puno pa rin ng masasayang bisita ang ballroom. May mga abala sa pagkuha ng litrato kasama ang bagong kasal, may mga napa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status