"I'm calling on behalf of Mr. Lucien Monteverde."Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Marahil dahil sa nakaraang dalawang araw, wala na akong ibang iniisip kundi ang pangalan na iyon. Lucien Monteverde. Isang pangalan na hindi ko kilala.Pero ayon sa marriage certificate na nasa mesa namin, siya raw ang asawa ko.Sa kabilang side ng sofa, halos mahulog na si Grace sa kinauupuan niya."Ano? Si Lucien? Speaker mo! Speaker!"Agad ko siyang tinulak palayo. "Grace, tumahimik ka nga."Narinig ko ang mahinang pag-ubo ng lalaki sa kabilang linya bago siya muling nagsalita."I'm Atty. Vincent Cruz, legal counsel of Mr. Lucien Monteverde."Mas lalo akong napaupo nang maayos.Lawyer.Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas naging seryoso ang sitwasyon nang marinig ko iyon.Kanina, parang misteryo lang ang lahat.Ngayon, pakiramdam ko totoong-totoo na. "Good morning, Attorney," sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili."Good m
Read more