LOGINSuccessful wedding planner si Seraphina Reyes. Sanay siyang gawing perpekto ang mga love story ng ibang tao, kahit matagal nang hindi perpekto ang sarili niyang buhay. Akala niya ay maayos na ang lahat—hanggang sa isang simpleng pagkuha ng dokumento sa PSA ang tuluyang gumulo sa mundo niya. Ayon sa records, kasal na siya. At ang mas nakakagulat? Ang nakarehistrong asawa niya ay si Lucien Monteverde, isang billionaire CEO na kilala sa buong bansa. Ang problema? Hindi niya ito maalala. Determinado na hanapin ang katotohanan, sinubukan ni Sera na alamin kung paano siya napakasal sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya matandaang nakilala. Ngunit habang unti-unti niyang binubuksan ang mga lihim ng nakaraan, mas marami pang misteryo ang lumalabas. Mga nawawalang alaala. Mga nakatagong dokumento. At mga taong handang gawin ang lahat upang manatiling nakabaon ang katotohanan. Sa pagitan ng mga sikreto, kasinungalingan, at alaalang pilit bumabalik, matutuklasan ni Sera na may mga pag-ibig na hindi basta nawawala—kahit pa burahin ng panahon ang bawat alaala nito. Ngunit kapag nabunyag na ang buong katotohanan, handa pa rin ba silang piliin ang isa't isa? O may dahilan ang tadhana kung bakit nakalimutan nila ang kanilang mga ala-ala.
View More“Congrats, guys! Another successful wedding event!”
Masaya kong pinalakpakan ang buong team habang unti-unti nang nililigpit ng lahat ang mga dekorasyon sa reception area. Punong-puno pa rin ng masasayang bisita ang ballroom. May mga abala sa pagkuha ng litrato kasama ang bagong kasal, may mga napapaiyak pa rin dahil sa emosyonal na wedding vows, at mayroon ding tila ayaw pang umuwi kahit tapos na ang programa. Isa na naman itong matagumpay na kasal. Isa na naman itong magandang kuwento ng pag-ibig na natapos sa isang masayang simula. Bilang wedding planner, iyon ang pinakapaborito kong bahagi ng trabaho. Walang makakatumbas sa pakiramdam na makita ang dalawang taong nagmamahalan na magsisimula ng bagong yugto ng buhay nila. “Naku, Sera!” natatawang sabi ni Princess habang inililigpit ang checklist niya. “Ang daming humanga sa skills mo. Tingnan mo, sunod-sunod na naman ang inquiries natin.” Napatingin ako sa laptop na nakabukas sa registration table at hindi ko napigilang mapangiti. Tama nga siya. Sunod-sunod ang pumapasok na mensahe. Mga bagong kliyente. Venue consultations. Wedding packages. Destination wedding requests. Halos hindi na matapos ang notifications. “More clients, more money!” masayang sigaw ng isa kong staff. Nagtawanan kaming lahat. “Hays,” sabi ko habang iniinat ang likod ko. “Pwede bang magpahinga muna tayo kahit isang linggo?” “Boss, impossible ’yan.” “June season na.” “At alam mo namang bawal magkasakit kapag wedding season.” “Tulog is a luxury.” Mas lalo silang nagtawanan. Napailing na lamang ako habang nakangiti. Totoo naman ang mga sinasabi nila. Kapag ganitong panahon, halos wala na kaming personal na buhay. Minsan mas kabisado ko pa ang anniversary dates ng mga kliyente kaysa sa sarili kong schedule. Pero wala akong reklamo. Ito ang pinangarap ko. Ilang taon ko ring pinaghirapan ang lahat ng ito. Mula sa pagiging assistant coordinator na tagabuhat ng mga kahon at dekorasyon hanggang sa magkaroon ng sarili kong kumpanya. Hindi naging madali ang lahat. Maraming beses akong umuwi nang umiiyak dahil sa pagod. Maraming beses akong nagduda kung kaya ko bang magtagumpay sa industriyang ito. Pero bawat sakripisyo ay naging sulit. Ngayon, may sarili na akong event company. May sarili akong opisina. May sariling team. At unti-unti ko nang naaabot ang mga pangarap na minsan ko lamang pinapangarap. Habang pinagmamasdan ko ang newlyweds na nagsasayaw sa gitna ng ballroom, hindi ko napigilang mapangiti. Mahal ko ang trabahong ito. Mahal ko ang bawat detalye. Mula sa pagpili ng tamang bulaklak hanggang sa pagtiyak na perpekto ang ilaw sa reception. Para sa iba, simpleng dekorasyon lamang ang mga iyon. Ngunit para sa akin, bawat detalye ay bahagi ng isang kuwento. At lumaki akong naniniwala sa mga kuwento ng pag-ibig. Dahil iyon ang itinuro sa akin nina Mommy at Daddy. Hanggang ngayon, sila pa rin ang pinakamagandang halimbawa ng pagmamahalan na nakita ko. Kapag ikinukuwento ni Mommy kung paano siya niligawan ni Daddy, parang bumabalik siya sa pagiging teenager. Namumula pa rin ang mga pisngi niya sa tuwing naaalala ang mga simpleng bagay na ginawa ni Daddy para mapasaya siya. At si Daddy? Parang hindi pa rin nagsasawang mahalin si Mommy kahit ilang dekada na silang magkasama. Siguro dahil doon kaya naniniwala pa rin ako sa forever. Naniniwala pa rin akong may taong para sa bawat isa. O baka gusto ko lang talagang maniwala. “Boss, picture!” Napabalik ako sa kasalukuyan at agad na ngumiti habang tumatabi sa buong team para sa group photo. Matapos ang ilang litrato, isa-isa nang nagpaalam ang mga tao. Unti-unting lumuwag ang venue. Humina ang musika. At nawala ang ingay na kanina lamang ay pumupuno sa buong ballroom. Sa wakas ay nakaupo rin ako. Napasandal ako sa upuan at napatingin sa malamig ko nang kape. Pagod ang buong katawan ko, ngunit masaya ang puso ko. Isa na naman kasing event ang matagumpay na natapos. Ngunit gaya ng dati, may isang tanong na kusang sumasagi sa isip ko tuwing matatapos ang isang wedding. Kailan kaya ako? Napailing ako at bahagyang natawa sa sarili. Hindi naman ako desperadong mag-asawa. Hindi rin ako nagmamadali. Masaya ako sa buhay ko. Masaya ako sa career ko. Pero minsan, hindi ko rin maiwasang mapaisip. Nakakapagod din palang maging saksi sa masasayang ending ng ibang tao habang ikaw ay nananatiling mag-isa. Lalo na kapag minsan mo nang inakala na natagpuan mo na ang taong makakasama mo habambuhay. Ngunit nagkamali ka. Mabilis kong itinaboy ang alaalang iyon. Ayokong sirain ang magandang araw na ito. Matagal ko nang ipinangako sa sarili kong hindi ko na babalikan ang nakaraan. At lalong hindi ko na iisipin ang lalaking minsang naging sentro ng mundo ko. Tapos na iyon. Matagal na. O iyon ang pilit kong pinaniniwalaan. “Sera!” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses ni Grace. Nakita ko siyang mabilis na naglalakad papunta sa akin habang halatang hinihingal. “Anong nangyari sa’yo?” natatawa kong tanong. Hindi siya sumagot. Sa halip ay hinablot niya agad ang kape sa kamay ko at uminom. “Hoy! Kape ko ’yan!” “Girl,” sabi niya habang humihingal pa rin. “May problema tayo.” Napairap ako. Sa limang taon naming magkaibigan, alam kong hindi dapat agad maniwala kapag sinabi niyang may problema. Madalas drama lang ang ibig niyang sabihin. “Ano na naman?” “Yung client na ime-meet mo bukas.” Natigilan siya. Para bang hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin. Napakunot-noo ako. “Bakit? Anong meron?” Bago pa siya makasagot, pareho kaming napalingon sa direksyon ng entrance nang marinig ang pagbukas ng pinto. At sa sandaling makita ko kung sino ang bagong dating, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi maaari. Hindi siya. Pero siya nga. Gabriel Fernandez. Ang lalaking minsang minahal ko. Ang lalaking nangakong hindi ako iiwan. At ang lalaking unang sumira ng puso ko. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli ko siyang makita. Akala ko handa na ako. Akala ko wala na siyang epekto sa akin. Ngunit sa isang iglap, bumalik ang lahat ng alaalang pilit kong ibinaon sa limot. Mas matangkad siya ngayon. Mas mature. Mas pormal ang pananamit. At taglay pa rin niya ang kumpiyansang minsang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit lalo akong natigilan. Hindi siya nag-iisa. May isang babae sa tabi niya. Maganda. Eleganteng elegante. At halatang masaya. Ngumiti ito sa akin nang makita ako at agad kong napansin ang paraan ng pagkakahawak nito sa kamay ni Gabriel. Natural. Komportable. Parang matagal na nilang ginagawa iyon. At doon ko naramdaman ang hindi ko inaasahang kirot sa dibdib. “Sera Reyes.” Mababa at pamilyar ang boses niya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin lamang sa kanya bago ko naalalang kailangan kong kumilos. Kailangan kong huminga. Kailangan kong magpanggap na wala akong nararamdaman. Isa akong propesyonal. At higit sa lahat, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. “I need you to meet someone,” sabi niya. Ngumiti ang babaeng kasama niya at magalang na iniabot ang kamay nito. “Hi. I'm Sofia.” Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito kahit pakiramdam ko ay unti-unting pinipiga ang puso ko. “This is Sofia,” dagdag ni Gabriel habang muling hinawakan ang kamay ng babae. At hindi ko alam kung bakit, pero mas masakit iyong simpleng kilos kaysa sa inaakala ko. “Congratulations,” pilit kong sabi. Ngumiti si Sofia. “Thank you.” May ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Gabriel. “Sera, we need the best wedding planner in the city.” May kung anong masamang kutob na gumapang sa dibdib ko. At nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi, alam kong tama ang kutob ko. “We want you to organize our wedding.” Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Sa loob ng ilang segundo, gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihing humanap sila ng iba. Gusto kong tumalikod at umalis. Ngunit hindi na ako ang dating Sera na madaling masaktan. Isa na akong businesswoman. Isa akong professional. At hindi ko hahayaang makita nila ang kahit katiting na sakit na nararamdaman ko. Kaya ngumiti ako. Matatag. Kalma. At walang bakas ng anumang emosyon. “Of course,” sabi ko habang iniaabot ang kamay ko. “Congratulations to both of you.” Ngunit habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, hindi ko maalis ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Parang ito pa lamang ang simula. Parang may paparating na babago sa buong buhay ko. At wala akong ideya na sa mga susunod na araw, mas matinding sorpresa ang naghihintay sa akin. Dahil ang pagbabalik ni Gabriel Fernandez ay simula pa lamang ng isang misteryong matagal nang nakatago sa nakaraan.Lucien Monteverde.Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.Hindi dahil may typo.Kundi dahil imposible lang talagang tanggapin.Sa lahat ng tao sa mundo, bakit isang Lucien Monteverde pa?"Girl."Napatingin ako kay Grace nang agawin niya ang dokumento sa kamay ko."Wait. Wait. Wait."Paulit-ulit niyang binasa ang pangalan.Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan.At pagkatapos ay binalikan ulit ang papel."Lucien Monteverde?" ulit niya.Tumango ako.Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala.Sa totoo lang, ako rin."Please tell me hindi ikaw 'to," sabi niya."Ako rin ang tanong.""Girl...""Grace...""Asawa mo ang isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa."Napapikit ako.Ayoko nang marinig iyon.Ayoko nang pag-isipan.Pero kahit anong gawin ko, hindi mabubura ang pangalan sa dokumentong hawak namin.Nando
"What do you mean I'm married?!"Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.Pero sa totoo lang, wala akong pakialam.Dahil imposible ang sinasabi nila."Ma'am," mahinahong sagot ng babae sa counter, "according to our records, you have been married for three years."Pakiramdam ko ay may bumagsak na malaking bato sa ulo ko."Three years?!"Napaatras ako ng isang hakbang.Hindi ko alam kung matatawa ako o magwawala.Tatlong taon na akong kasal?Paano mangyayari iyon kung wala naman akong maalalang wedding?Wala akong maalalang proposal.Wala akong maalalang boyfriend.Hindi ko alam kung saan ginanap ang kasal at sino ang mga pumunta sa kasal?Hindi ko man lang nakita yung sarili ko, sa ayos na gusto ko. At higit sa lahat, wala akong maalalang asawa."Miss, baka may ma
Tatlong araw na ang lumipas mula nang makipagkita ako kina Gabriel at Sofia para sa wedding planning meeting nila.At sa loob ng tatlong araw na iyon, sinubukan kong ilubog ang sarili ko sa trabaho.Unfortunately, hindi ganoon kadaling takasan ang sariling isip.Sa tuwing may ilang minutong pahinga ako, kusang bumabalik sa alaala ko ang engagement ring sa daliri ni Sofia, ang paraan ng paghawak ni Gabriel sa kamay nito, at ang katotohanang ilang buwan na lang ay ikakasal na sila.Nakakainis.Akala ko matagal na akong naka-move on.Akala ko wala na siyang epekto sa akin.Pero mukhang may mga bagay talagang hindi basta nawawala kahit gaano karaming taon ang lumipas.“Sera!”Napatingin ako sa pintuan ng opisina nang biglang pumasok si Grace na parang may emergency.May hawak siyang folder at may pamilyar na ngiti sa mukha.Iyong ngiting nagsasabing may balak na naman siyang ipagawa sa akin.“Ano na naman ’yan?” tanong ko.“Favor.”Agad akong umiling.“No.”Hindi pa man siya nagsasalita a
“Ay, anak ng—!”Muntik ko nang matapon ang hawak kong kape nang makita ko ang schedule na nasa screen ng cellphone ni Grace.Agad kong inilapag ang tasa sa mesa bago pa ito tumumba at madamay ang mga proposal, contracts, at wedding layouts na halos magdamag kong inayos.“Ano ba, girl? Okay ka lang ba?” tanong ni Grace habang nakataas ang isang kilay.Nakakairita talaga ang mukha niya kapag alam niyang tama siya.“Bakit ka ba nandito sa condo ko nang ganitong kaaga?” reklamo ko habang hinihimas ang sentido ko. “At sino bang nag-imbita sa’yo?”Hindi siya sumagot. Sa halip, muli niyang itinapat sa akin ang cellphone niya.Napabuntong-hininga ako.Meeting ScheduleMr. Gabriel FernandezMs. Sofia VillanuevaAgad akong napasubsob sa mesa.“This is a nightmare.”Malakas ang tawa ni Grace.“Three days pa lang mula noong nagkita kayo ulit, pero parang gusto mo nang lumipat ng bansa.”“Actually, gusto ko.”“OA.”Hindi ko siya pinansin.Tatlong araw na ang lumipas mula nang biglang bumalik sa bu






Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.