登入—-Lucien's POV—-Hindi ako makagalaw.Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng kakapasok lang.**Unknown Number**> *Stop digging, Lucien.*Sa ibaba nito ay may isang attachment.Isang litrato.Nanginginig ang daliri kong pinindot iyon.Unti-unting nag-load ang larawan hanggang sa tuluyan itong luminaw sa screen.Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Seraphina.Suot niya pa rin ang damit na suot niya kanina sa resort. Nakatingin siya sa malayo habang may hawak na sunflower sa kamay. Hindi niya alam na kinukunan siya ng litrato.Hindi ito kuha mula sa social media at Hindi rin ito lumang larawan.Fresh at Recent lang ito.Kuhang-kuha lang ilang oras ang nakalipas.Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.Kung may nakakuha ng litrato niya ngayon lang...Ibig sabihin, may taong malapit sa amin.May taong alam kung nasaan kami.At mas malala...may taong matagal nang nagmamasid."Damn it..."Napamura ako sa ilalim ng hininga bago
Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako agad nakapagsalita.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Lucien.*"Isabella... is my aunt."*Parang hindi iyon akma sa lahat ng nalalaman namin.Kung siya ang babaeng nasa litrato...Kung siya ang babaeng palaging nakamasid sa amin...Kung siya ang tinutukoy sa liham na nagsasabing, *"She found us."*Bakit siya ang tiyahin ni Lucien?At bakit tila siya ang sentro ng lahat ng misteryong bumabalot sa amin?"Lucien..." mahina kong tawag.Nakahawak pa rin siya sa sentido niya. Mabigat ang paghinga niya, at bakas sa mukha niya ang sakit na dulot ng alaalang pilit bumabalik."I'm fine," mahinang sabi niya, kahit halatang kabaligtaran ang totoo.Hindi ko siya pinaniwalaan.Kitang-kita kong nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak sa litrato.Parang kahit siya ay natatakot sa mga alaalang unti-unting nagbabalik.Lumapit ang caretaker sa amin.May pag-aalala sa kanyang mga mata."Umuwi na muna kayo," mahinahon niyang
Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato.Tahimik pa rin ang loob ng lumang cottage, ngunit ang katahimikang iyon ay tila mas mabigat kaysa kanina. Ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana ay marahang nagpapagalaw sa mga lumang kurtina, kasabay ng mahinang paglangitngit ng sahig sa tuwing may gagalaw sa amin.Nasa larawan kaming dalawa ni Lucien.Masaya.Nakangiti.Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatayo sa gitna ng isang malawak na sunflower field.Kung kami lang sana ang nasa litrato, marahil ay napangiti pa ako.Marahil ay naniwala akong may pagkakataon pa kaming mabuo muli ang mga alaalang nawala.Pero hindi.Dahil may isa pang tao roon.Isang babae.Nakatayo siya ilang hakbang sa likuran namin.Hindi siya nakangiti.Hindi rin siya galit.Tahimik lang siyang nakatingin... ngunit sapat na ang ekspresyon niyang iyon upang magdulot ng kakaibang lamig sa buo kong katawan.Hindi ko siya kilala.Sigurado ako.Ngunit sa tuwing tititigan ko ang mukha niya, may
Katahimikan.Iyon ang bumalot sa amin ni Lucien habang magkatabing naglalakad palabas ng resort. Tanging mahinang paghampas ng hangin sa mga puno at ang tunog ng aming mga yabag sa lumang daanan ang pumupuno sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, ngunit pakiramdam ko ay pareho kaming nilalamon ng iisang tanong.Ano ba talaga ang naghihintay sa amin?Sa bawat hakbang na inilalapit ako sa Cottage 7, lalo ring bumibigat ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan, pero ngayon ay tila may hindi maipaliwanag na takot na unti-unting kumakapit sa buong katawan ko.Gusto kong malaman ang totoo.Pero paano kung mas masakit ang katotohanan kaysa sa pagkawala ng alaala?Paano kung may dahilan kung bakit nakalimutan namin ang lahat?"Let's go," mahinang sabi ni Lucien nang hindi man lang lumilingon. "We don't have time to waste."Tumango lang ako at tahimik na sumunod.Hindi ko alam kung siya man ay kinakabahan, pero halatang mas mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya ka
Hindi ko agad naituloy ang paghinga matapos mabasa ang unang linya ng sulat. Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang silid habang nakatitig ako sa lumang papel na hawak namin ni Lucien. "If you're reading this... then something went terribly wrong." Ilang segundo kaming walang imik. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang nilalaman ng sulat o ang katotohanang kami mismo ang nagsulat nito. Dahan-dahan akong napatingin kay Lucien. Mukha siyang kasing gulo ng nararamdaman ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa papel, para bang umaasa siyang may kusang babalik na alaala kapag mas matagal niya itong tiningnan. "Wala kang naaalala?" tanong ko. Umiling siya. "Nothing." Napabuntong-hininga ako. "Ako rin." Muli kong ibinalik ang tingin sa sulat at ipinagpatuloy ang pagbabasa. “To our future selves, If you're reading this, then something went terribly wrong. Which means one of us forgot. Or maybe both of us did. If that happened, don't panic. Everything you're feel
Hindi ako makatulog.Mahigit isang oras na yata akong nakahiga sa kama, pero gising na gising pa rin ang isip ko. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto, tahimik na ang buong resort, at tanging tunog ng alon mula sa malayo ang naririnig ko.Pero imbes na makatulog, mas lalo lang akong nag-iisip.Nasa tabi ko ang envelope na ibinigay ng resort owner kanina. Kasama nito ang litrato namin ni Lucien at ang sulat na hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabasa.To my Sunshine,If I ever forget you...Find me again.— LucienIlang beses ko na itong nabasa, pero pareho pa rin ang epekto nito sa akin.Parang may humihila sa puso ko.Parang may bahagi ng sarili kong gustong umiyak kahit hindi ko alam kung bakit.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tutuusin, ilang araw pa lang naman mula nang malaman kong may asawa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong klaseng lungkot para sa isang lalaking hindi ko maalala.Pero sa tuwing tinitingnan ko ang litrato namin, paki
Lucien Monteverde.Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.Hindi dahil may typo.Kundi dahil imposible lang ta
"What do you mean I'm married?!"Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang makipagkita ako kina Gabriel at Sofia para sa wedding planning meeting nila.At sa loob ng tatlong araw na iyon, sinubukan kong ilubog ang sarili ko sa trabaho.Unfortunately, hindi ganoon kadaling takasan ang sariling isip.Sa tuwing may ilang minutong pahinga
“Ay, anak ng—!”Muntik ko nang matapon ang hawak kong kape nang makita ko ang schedule na nasa screen ng cellphone ni Grace.Agad kong inilapag ang tasa sa mesa bago pa ito tumumba at madamay ang mga proposal, contracts, at wedding layouts na halos magdamag kong inayos.“Ano ba, girl? Okay ka lang







