Home / Romance / The Husband I Never Knew / CHAPTER 3 A Favor From Grace

Share

CHAPTER 3 A Favor From Grace

Author: Hannah Faye
last update publish date: 2026-06-13 10:13:57

Tatlong araw na ang lumipas mula nang makipagkita ako kina Gabriel at Sofia para sa wedding planning meeting nila.

At sa loob ng tatlong araw na iyon, sinubukan kong ilubog ang sarili ko sa trabaho.

Unfortunately, hindi ganoon kadaling takasan ang sariling isip.

Sa tuwing may ilang minutong pahinga ako, kusang bumabalik sa alaala ko ang engagement ring sa daliri ni Sofia, ang paraan ng paghawak ni Gabriel sa kamay nito, at ang katotohanang ilang buwan na lang ay ikakasal na sila.

Nakakainis.

Akala ko matagal na akong naka-move on.

Akala ko wala na siyang epekto sa akin.

Pero mukhang may mga bagay talagang hindi basta nawawala kahit gaano karaming taon ang lumipas.

“Sera!”

Napatingin ako sa pintuan ng opisina nang biglang pumasok si Grace na parang may emergency.

May hawak siyang folder at may pamilyar na ngiti sa mukha.

Iyong ngiting nagsasabing may balak na naman siyang ipagawa sa akin.

“Ano na naman ’yan?” tanong ko.

“Favor.”

Agad akong umiling.

“No.”

Hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko nang wala akong mapapala.

“Hindi mo pa nga alam kung ano.”

“No.”

“Sera.”

“No.”

“Libre kong lunch.”

Napaisip ako nang bahagya.

“Go on.”

Napairap siya.

“Samahan mo akong kumuha ng CENOMAR.”

Napakunot-noo ako.

“CENOMAR?”

“Oo. Requirement sa kasal,” sagot niya.

Doon ko lang naalala kung gaano na pala kalapit ang wedding nila ng fiancé niyang si Vlad.

“Wait. Three months na lang bago ang kasal ninyo, ’di ba?”

Agad siyang napangiti.

At iyong ngiti niya ang isa sa mga bagay na nagpapatunay kung gaano siya kasaya.

“Exactly!”

Napatawa ako.

“Parang kailan lang umiiyak ka dahil nasa ibang bansa siya.”

“Nakakainis ka talaga.”

“Pero totoo naman.”

Tumawa siya bago muling umayos ng upo.

“Hindi kasi makakauwi si Vlad para asikasuhin ang ibang documents, kaya ako muna ang gumagawa ng lahat.”

Tumango ako.

Habang nagsasalita siya tungkol sa wedding preparations nila, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kasigurado sa buhay na gusto niya.

Hindi lang sa kasal.

Kundi sa lalaking pinili niyang makasama.

At kung magiging totoo ako sa sarili ko, iyon ang bagay na minsan kong kinaiinggitan.

Hindi ang wedding dress.

Hindi ang engagement ring.

Hindi kahit ang mismong kasal.

Kundi ang certainty.

Iyong pakiramdam na may taong sigurado sa'yo.

Iyong pakiramdam na kahit anong mangyari, may taong pipili sa'yo araw-araw.

“Sera?”

Napakurap ako.

“Hm?”

“Naiinggit ka ba?”

Napairap ako.

“Feelingera.”

Tumawa siya.

“Konti lang?”

“Grace.”

“Mamatay?”

Napangiti ako at napailing.

“Maybe a little.”

Natahimik siya sandali bago tumango.

“Darating din ’yan.”

Hindi ako sumagot.

Hindi dahil hindi ako naniniwala.

Kundi dahil hindi ko alam kung naniniwala pa ba ako.

Minsan kasi, kapag nasaktan ka nang sobra, nagiging maingat ka na sa mga bagay na dati ay madali mong pinapangarap.

Biglang tumayo si Grace.

“At dahil nandun na rin tayo, kumuha ka na rin ng CENOMAR mo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Ano'ng gagawin ko sa CENOMAR?”

“Malay mo. Baka may secret husband ka.”

Sabay kaming nagtawanan.

Kung alam lang namin kung gaano magiging ironic ang biro niyang iyon.

“Ayaw ko.”

“Please?”

“No.”

“Please?”

“No.”

“Libre kong samgyup.”

Napaisip ako.

Mahal ko ang samgyup.

Pero hindi ako ganoon kadaling mabili.

“Still no.”

Bigla siyang ngumiti.

“Libre kitang ticket ng F4.”

Natigilan ako.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos ng ilang segundo.

“Fine.”

“YES!”

Parang batang nanalo sa raffle si Grace habang nagdiriwang sa gitna ng opisina.

---

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa PSA office.

At gaya ng inaasahan, mahaba na agad ang pila.

May mga bagong engaged couples.

May mga mag-asawang may kasamang anak.

May mga bagong graduate na kumukuha ng requirements.

At mayroon ding mga senior citizens na tahimik na naghihintay ng kanilang turn.

Pakiramdam ko kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay naroon.

“Ang hirap pala maging adult,” bulong ko.

Natawa si Grace.

“Welcome to reality.”

Habang naghihintay kami, napansin ko ang isang engaged couple na nasa kabilang pila.

Magkahawak-kamay sila habang masayang nagtatawanan.

Mukhang wala silang pakialam sa haba ng pila.

“Tingnan mo sila,” sabi ko.

Napalingon siya.

“Ano naman?”

“Mukha silang masaya.”

“Mukha rin silang walang pera.”

“GRACE!”

Tumawa siya nang malakas.

“I'm just being honest.”

Napailing na lang ako.

Habang lumilipas ang oras, mas lalo kong napagmasdan ang mga tao sa paligid.

May mga nagpaplano ng kasal.

May mga nag-aasikaso para sa pamilya.

May mga abalang bumubuo ng kinabukasan nila.

At sa kung anong dahilan, napaisip ako tungkol sa sarili ko.

May negosyo ako.

May pangarap.

May career na mahal ko.

Pero pagdating sa personal na buhay?

Pakiramdam ko matagal na itong naka-pause.

Hindi ko alam kung darating pa ba ang araw na ako naman ang magpaplano para sa sarili kong kasal.

Iyong ako naman ang makikipag-meeting sa coordinator.

Ako naman ang pipili ng venue.

Ako naman ang magsusuot ng wedding gown.

“Naniniwala ka pa ba sa forever?”

Napalingon ako kay Grace.

“Random naman niyan.”

“Answer the question.”

Napaisip ako.

Noong bata pa ako, mabilis akong sasagot ng oo.

Noong kami pa ni Gabriel, wala rin akong pag-aalinlangan.

Ngayon?

Hindi na ganoon kasimple.

“Maybe,” sagot ko.

Tumango siya.

“Good answer.”

Bago pa ako makapagtanong kung bakit, tinawag na ang pangalan niya.

Mabilis niyang nakuha ang dokumento niya at bumalik sa kinauupuan namin.

Nakangiti siya habang kumakaway sa papel.

“Congratulations.”

“Ano?”

“Officially confirmed. Wala akong ibang asawa.”

Tinapik niya ang balikat ko.

“Your turn.”

Napairap ako.

“Baliw.”

Tumayo ako at lumapit sa counter.

Simple lang naman ang kukunin ko.

Isang dokumento.

Ilang minuto.

Pagkatapos ay kakain kami ng samgyup at babalik sa opisina.

At malamang, maiisip ko na naman ang nalalapit na kasal ng ex ko.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pumayag akong akuin ang wedding nila.

Marami naman akong pwedeng i-assign na coordinator.

Pero heto ako.

Mukhang kusang inilalagay ang sarili sa sitwasyong nagpapahirap sa akin.

Habang nag-iisip ako, napansin kong medyo matagal nang nakatingin sa monitor ang staff sa harap ko.

“May problema po ba?” tanong ko.

Hindi siya agad sumagot.

Patuloy lamang siyang tumitingin sa screen.

“Miss?”

Napatingin siya sa akin.

“Miss Seraphina Reyes?”

“Yes?”

May kakaibang ekspresyon sa mukha niya.

Parang naguguluhan.

Parang may mali siyang nakita.

“Miss Reyes...”

Bigla akong kinabahan.

“Yes?”

Muli siyang tumingin sa monitor bago bumalik ang tingin sa akin.

Pagkatapos ay huminga siya nang malalim.

“According to our records...”

Napakunot-noo ako.

At nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi, pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin.

“You are already married.”

Napatitig lang ako sa kanya.

Hindi agad nag-register sa isip ko ang mga salitang iyon.

“Ano?”

Mahina lang ang boses ko.

Halos pabulong.

“I'm sorry, Miss,” sabi ng staff. “Pero iyon po ang lumalabas sa system.”

Nanginginig ang mga daliri ko habang nakahawak sa counter.

Hindi ako kasal.

Sigurado ako roon.

Wala pa akong pinipirmahang marriage certificate.

Wala akong wedding ceremony na naaalala.

Wala akong asawang kilala.

Kaya paano nangyari iyon?

At kung totoo ang nasa record...

Sino ang lalaking pinakasalan ko?

At bakit wala akong kahit isang alaala tungkol dito?

Habang nakatitig ako sa monitor na hindi ko naman makita, isang malamig na takot ang unti-unting gumapang sa buong katawan ko.

Dahil sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay may bahagi ng buhay ko na hindi ko kilala.

At mas nakakatakot iyon kaysa sa pagbabalik ni Gabriel sa buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 18: Stop Digging

    —-Lucien's POV—-Hindi ako makagalaw.Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng kakapasok lang.**Unknown Number**> *Stop digging, Lucien.*Sa ibaba nito ay may isang attachment.Isang litrato.Nanginginig ang daliri kong pinindot iyon.Unti-unting nag-load ang larawan hanggang sa tuluyan itong luminaw sa screen.Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Seraphina.Suot niya pa rin ang damit na suot niya kanina sa resort. Nakatingin siya sa malayo habang may hawak na sunflower sa kamay. Hindi niya alam na kinukunan siya ng litrato.Hindi ito kuha mula sa social media at Hindi rin ito lumang larawan.Fresh at Recent lang ito.Kuhang-kuha lang ilang oras ang nakalipas.Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.Kung may nakakuha ng litrato niya ngayon lang...Ibig sabihin, may taong malapit sa amin.May taong alam kung nasaan kami.At mas malala...may taong matagal nang nagmamasid."Damn it..."Napamura ako sa ilalim ng hininga bago

  • The Husband I Never Knew   Chapter 17: Shadows of the Past

    Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako agad nakapagsalita.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Lucien.*"Isabella... is my aunt."*Parang hindi iyon akma sa lahat ng nalalaman namin.Kung siya ang babaeng nasa litrato...Kung siya ang babaeng palaging nakamasid sa amin...Kung siya ang tinutukoy sa liham na nagsasabing, *"She found us."*Bakit siya ang tiyahin ni Lucien?At bakit tila siya ang sentro ng lahat ng misteryong bumabalot sa amin?"Lucien..." mahina kong tawag.Nakahawak pa rin siya sa sentido niya. Mabigat ang paghinga niya, at bakas sa mukha niya ang sakit na dulot ng alaalang pilit bumabalik."I'm fine," mahinang sabi niya, kahit halatang kabaligtaran ang totoo.Hindi ko siya pinaniwalaan.Kitang-kita kong nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak sa litrato.Parang kahit siya ay natatakot sa mga alaalang unti-unting nagbabalik.Lumapit ang caretaker sa amin.May pag-aalala sa kanyang mga mata."Umuwi na muna kayo," mahinahon niyang

  • The Husband I Never Knew   Chapter 16: The Woman in the Photograph

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato.Tahimik pa rin ang loob ng lumang cottage, ngunit ang katahimikang iyon ay tila mas mabigat kaysa kanina. Ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana ay marahang nagpapagalaw sa mga lumang kurtina, kasabay ng mahinang paglangitngit ng sahig sa tuwing may gagalaw sa amin.Nasa larawan kaming dalawa ni Lucien.Masaya.Nakangiti.Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatayo sa gitna ng isang malawak na sunflower field.Kung kami lang sana ang nasa litrato, marahil ay napangiti pa ako.Marahil ay naniwala akong may pagkakataon pa kaming mabuo muli ang mga alaalang nawala.Pero hindi.Dahil may isa pang tao roon.Isang babae.Nakatayo siya ilang hakbang sa likuran namin.Hindi siya nakangiti.Hindi rin siya galit.Tahimik lang siyang nakatingin... ngunit sapat na ang ekspresyon niyang iyon upang magdulot ng kakaibang lamig sa buo kong katawan.Hindi ko siya kilala.Sigurado ako.Ngunit sa tuwing tititigan ko ang mukha niya, may

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 15: THE TIME CAPSULE

    Katahimikan.Iyon ang bumalot sa amin ni Lucien habang magkatabing naglalakad palabas ng resort. Tanging mahinang paghampas ng hangin sa mga puno at ang tunog ng aming mga yabag sa lumang daanan ang pumupuno sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, ngunit pakiramdam ko ay pareho kaming nilalamon ng iisang tanong.Ano ba talaga ang naghihintay sa amin?Sa bawat hakbang na inilalapit ako sa Cottage 7, lalo ring bumibigat ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan, pero ngayon ay tila may hindi maipaliwanag na takot na unti-unting kumakapit sa buong katawan ko.Gusto kong malaman ang totoo.Pero paano kung mas masakit ang katotohanan kaysa sa pagkawala ng alaala?Paano kung may dahilan kung bakit nakalimutan namin ang lahat?"Let's go," mahinang sabi ni Lucien nang hindi man lang lumilingon. "We don't have time to waste."Tumango lang ako at tahimik na sumunod.Hindi ko alam kung siya man ay kinakabahan, pero halatang mas mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya ka

  • The Husband I Never Knew    Chapter 14: The Letter We Left Behind

    Hindi ko agad naituloy ang paghinga matapos mabasa ang unang linya ng sulat. Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang silid habang nakatitig ako sa lumang papel na hawak namin ni Lucien. "If you're reading this... then something went terribly wrong." Ilang segundo kaming walang imik. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang nilalaman ng sulat o ang katotohanang kami mismo ang nagsulat nito. Dahan-dahan akong napatingin kay Lucien. Mukha siyang kasing gulo ng nararamdaman ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa papel, para bang umaasa siyang may kusang babalik na alaala kapag mas matagal niya itong tiningnan. "Wala kang naaalala?" tanong ko. Umiling siya. "Nothing." Napabuntong-hininga ako. "Ako rin." Muli kong ibinalik ang tingin sa sulat at ipinagpatuloy ang pagbabasa. “To our future selves, If you're reading this, then something went terribly wrong. Which means one of us forgot. Or maybe both of us did. If that happened, don't panic. Everything you're feel

  • The Husband I Never Knew   Chapter 13: The Pieces of Us

    Hindi ako makatulog.Mahigit isang oras na yata akong nakahiga sa kama, pero gising na gising pa rin ang isip ko. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto, tahimik na ang buong resort, at tanging tunog ng alon mula sa malayo ang naririnig ko.Pero imbes na makatulog, mas lalo lang akong nag-iisip.Nasa tabi ko ang envelope na ibinigay ng resort owner kanina. Kasama nito ang litrato namin ni Lucien at ang sulat na hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabasa.To my Sunshine,If I ever forget you...Find me again.— LucienIlang beses ko na itong nabasa, pero pareho pa rin ang epekto nito sa akin.Parang may humihila sa puso ko.Parang may bahagi ng sarili kong gustong umiyak kahit hindi ko alam kung bakit.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tutuusin, ilang araw pa lang naman mula nang malaman kong may asawa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong klaseng lungkot para sa isang lalaking hindi ko maalala.Pero sa tuwing tinitingnan ko ang litrato namin, paki

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 5 Husband Unknown

    Lucien Monteverde.Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.Hindi dahil may typo.Kundi dahil imposible lang ta

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 4: Impossible

    "What do you mean I'm married?!"Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 2 Professional Smile

    “Ay, anak ng—!”Muntik ko nang matapon ang hawak kong kape nang makita ko ang schedule na nasa screen ng cellphone ni Grace.Agad kong inilapag ang tasa sa mesa bago pa ito tumumba at madamay ang mga proposal, contracts, at wedding layouts na halos magdamag kong inayos.“Ano ba, girl? Okay ka lang

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 1 The Groom From Her Past

    “Congrats, guys! Another successful wedding event!”Masaya kong pinalakpakan ang buong team habang unti-unti nang nililigpit ng lahat ang mga dekorasyon sa reception area. Punong-puno pa rin ng masasayang bisita ang ballroom. May mga abala sa pagkuha ng litrato kasama ang bagong kasal, may mga napa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status