Home / Romance / The Husband I Never Knew / CHAPTER 4: Impossible

Share

CHAPTER 4: Impossible

Author: Hannah Faye
last update publish date: 2026-06-13 10:23:51

"What do you mean I'm married?!"

Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.

Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.

Pero sa totoo lang, wala akong pakialam.

Dahil imposible ang sinasabi nila.

"Ma'am," mahinahong sagot ng babae sa counter, "according to our records, you have been married for three years."

Pakiramdam ko ay may bumagsak na malaking bato sa ulo ko.

"Three years?!"

Napaatras ako ng isang hakbang.

Hindi ko alam kung matatawa ako o magwawala.

Tatlong taon na akong kasal?

Paano mangyayari iyon kung wala naman akong maalalang wedding?

Wala akong maalalang proposal.

Wala akong maalalang boyfriend.

Hindi ko alam kung saan ginanap ang kasal at sino ang mga pumunta sa kasal?

Hindi ko man lang nakita yung sarili ko, sa ayos na gusto ko.

At higit sa lahat, wala akong maalalang asawa.

"Miss, baka may mali lang sa system ninyo," sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Baka may kapangalan lang ako."

"O baka may gumamit ng identity ko?" dagdag ko.

Umiling ang babae.

"Tama po ang lahat ng impormasyon sa record."

Lalong sumakit ang ulo ko.

"Pero wala nga akong boyfriend!"

Hindi ko na napigilan ang frustration sa boses ko.

"At lalong wala akong asawa!"

Lumapit si Grace sa tabi ko.

Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Girl, anong nangyayari?"

Agad ko siyang nilingon.

"Sinasabi nilang kasal daw ako!"

"Ano?"

"Exactly!"

Nagkatinginan kami.

Pareho kaming mukhang naloloka.

"Ma'am," muling sabi ng babae, "hindi po kami nagbibiro."

Napahawak ako sa noo.

Pakiramdam ko ay may hidden camera sa paligid at anumang oras ay may lalabas na host para sabihing prank lang ang lahat.

Pero mukhang seryoso silang lahat.

At iyon ang mas nakakatakot.

Biglang sumingit si Grace.

"Wait lang po. Kumpirmado ba talaga? baka po may error sa system niyo"

Tumango ang babae.

"Yes, ma'am."

Napatingin sa akin si Grace.

"Kasal ka na pala? Hindi mo man lang ako kinuhang Maid of honor"

Tinignan ko siya nang masama.

"Alam mo namang imposible iyon."

"Actually, oo."

Tumango pa siya.

Pagkatapos ay humarap sa babae.

"Kasi itong best friend ko, matagal nang walang boyfriend."

"GRACE."

"At wala ring sexy life."

"GRACE."

"At lalong wala ring—"

Mabilis ko siyang binatukan.

Napahawak siya sa ulo.

"Ano? Totoo naman!"

Napailing na lang ang staff.

Mukhang gusto na niyang matapos ang eksenang ginagawa namin.

Paulit-ulit pa ring umiikot sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.

Already married.

Hindi iyon dapat posible.

Masyado akong busy sa negosyo ko para magkaroon ng lihim na asawa.

Minsan nga nakakalimutan kong kumain dahil sa trabaho.

Tapos sasabihin nilang may asawa ako?

Hindi ko na talaga alam kung matatawa ako o maiinis.

"Alam mo, Grace," sabi ko habang tumatalikod, "tara na."

"Ano?"

"Umuwi na tayo."

Nagsimula na akong maglakad palabas.

Pakiramdam ko ay pinapanood ako ng buong PSA office.

Mas gusto ko na lang asikasuhin ang kasal ng ex ko.

At sa totoo lang, gusto ko na lang umuwi at matulog.

Baka paggising ko, normal na ulit ang buhay ko.

Pero bago pa ako makalayo, hinila ako ni Grace sa braso.

"Sandali."

"Ano na naman?"

Humarap siya sa akin.

Seryoso na ang mukha niya ngayon.

"Never nagkamali ang PSA."

Napakurap ako.

"Hindi ka nakakatulong."

"Ang sinasabi ko, baka kailangan nating alamin kung bakit lumabas iyon."

Napabuntong-hininga ako.

Ayokong aminin pero may punto siya.

Dahil kahit gaano pa ito ka-imposible, may record pa rin na lumalabas sa system.

At hindi iyon basta mawawala.

"Malay mo," sabi niya.

"Ano na naman?"

"Malay mo gwapo."

Napairap ako.

"Grace."

"Malay mo mayaman."

"Grace."

"Malay mo CEO."

"GRACE ANN!"

Tumawa siya nang malakas.

"Edi wow. Biglang may secret husband kang billionaire."

Tinampal ko ang braso niya.

"Nababaliw ka na."

"Ako pa?"

Tinuro niya ako.

"Ikaw itong may misteryosong asawa."

Napahawak ako sa noo.

Sa loob lamang ng isang linggo, bumalik ang ex ko sa buhay ko, naging wedding planner ako ng kasal niya, at ngayon ay nalaman kong may asawa raw ako.

Mukhang ginagawang reality show ng tadhana ang buhay ko.

"Fine."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Grace.

"That's my girl."

"Babalik tayo doon," sabi ko. "Pero kapag kalokohan ito, ikaw ang manlilibre ng samgyup."

"Deal."

Muli kaming lumapit sa counter.

Sa puntong iyon, pakiramdam ko kilala na kami ng lahat ng empleyado sa PSA.

"Ma'am," magalang na sabi ni Grace, "pwede po ba naming malaman kung sino ang nakalagay na spouse niya?"

Tahimik na tumango ang babae.

May pinindot siya sa computer bago kumuha ng ilang dokumento.

Narinig namin ang tunog ng printer.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, lalo akong kinabahan.

Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko.

Baka may clerical error.

Baka may identity theft.

Baka kung ano mang problema sa system.

Pero sigurado akong may paliwanag.

Kailangan may paliwanag.

Ilang segundo pa ang lumipas bago kinuha ng babae ang lumabas na papel.

Napansin kong bahagya siyang natigilan habang binabasa iyon.

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

At muling tumingin sa dokumento.

Napakunot-noo ako.

"Bakit po?"

Wala siyang agad na sagot.

Sa wakas ay iniabot niya sa akin ang papel.

Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap iyon.

Napatingin si Grace sa balikat ko para makiusyoso.

"Ano'ng pangalan?" tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot.

Dahil sa sandaling mabasa ko ang nakasulat sa dokumento, para akong natulala.

Hindi iyon pamilyar na pangalan.

Hindi rin ordinaryong pangalan.

At lalong hindi pangalan ng kung sinong random na tao.

Napasinghap si Grace.

"Wait..."

Muli kong binasa ang pangalan para siguraduhing hindi ako nagkakamali.

Pero ganoon pa rin ang nakasulat.

Lucien Monteverde.

Nanlaki ang mga mata ko.

Kahit ang empleyado sa harap namin ay tila nagulat pa rin sa record na hawak niya.

Dahil ang pangalang iyon ay hindi basta-bastang pangalan.

Lucien Monteverde.

Isa sa mga pinakakilalang pangalan sa bansa.

Isang lalaking madalas makita sa business magazines.

Isang lalaking halos imposibleng hindi makilala.

At ayon sa marriage record na hawak ko ngayon...

Siya ang asawa ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 18: Stop Digging

    —-Lucien's POV—-Hindi ako makagalaw.Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng kakapasok lang.**Unknown Number**> *Stop digging, Lucien.*Sa ibaba nito ay may isang attachment.Isang litrato.Nanginginig ang daliri kong pinindot iyon.Unti-unting nag-load ang larawan hanggang sa tuluyan itong luminaw sa screen.Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Seraphina.Suot niya pa rin ang damit na suot niya kanina sa resort. Nakatingin siya sa malayo habang may hawak na sunflower sa kamay. Hindi niya alam na kinukunan siya ng litrato.Hindi ito kuha mula sa social media at Hindi rin ito lumang larawan.Fresh at Recent lang ito.Kuhang-kuha lang ilang oras ang nakalipas.Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.Kung may nakakuha ng litrato niya ngayon lang...Ibig sabihin, may taong malapit sa amin.May taong alam kung nasaan kami.At mas malala...may taong matagal nang nagmamasid."Damn it..."Napamura ako sa ilalim ng hininga bago

  • The Husband I Never Knew   Chapter 17: Shadows of the Past

    Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako agad nakapagsalita.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Lucien.*"Isabella... is my aunt."*Parang hindi iyon akma sa lahat ng nalalaman namin.Kung siya ang babaeng nasa litrato...Kung siya ang babaeng palaging nakamasid sa amin...Kung siya ang tinutukoy sa liham na nagsasabing, *"She found us."*Bakit siya ang tiyahin ni Lucien?At bakit tila siya ang sentro ng lahat ng misteryong bumabalot sa amin?"Lucien..." mahina kong tawag.Nakahawak pa rin siya sa sentido niya. Mabigat ang paghinga niya, at bakas sa mukha niya ang sakit na dulot ng alaalang pilit bumabalik."I'm fine," mahinang sabi niya, kahit halatang kabaligtaran ang totoo.Hindi ko siya pinaniwalaan.Kitang-kita kong nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak sa litrato.Parang kahit siya ay natatakot sa mga alaalang unti-unting nagbabalik.Lumapit ang caretaker sa amin.May pag-aalala sa kanyang mga mata."Umuwi na muna kayo," mahinahon niyang

  • The Husband I Never Knew   Chapter 16: The Woman in the Photograph

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato.Tahimik pa rin ang loob ng lumang cottage, ngunit ang katahimikang iyon ay tila mas mabigat kaysa kanina. Ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana ay marahang nagpapagalaw sa mga lumang kurtina, kasabay ng mahinang paglangitngit ng sahig sa tuwing may gagalaw sa amin.Nasa larawan kaming dalawa ni Lucien.Masaya.Nakangiti.Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatayo sa gitna ng isang malawak na sunflower field.Kung kami lang sana ang nasa litrato, marahil ay napangiti pa ako.Marahil ay naniwala akong may pagkakataon pa kaming mabuo muli ang mga alaalang nawala.Pero hindi.Dahil may isa pang tao roon.Isang babae.Nakatayo siya ilang hakbang sa likuran namin.Hindi siya nakangiti.Hindi rin siya galit.Tahimik lang siyang nakatingin... ngunit sapat na ang ekspresyon niyang iyon upang magdulot ng kakaibang lamig sa buo kong katawan.Hindi ko siya kilala.Sigurado ako.Ngunit sa tuwing tititigan ko ang mukha niya, may

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 15: THE TIME CAPSULE

    Katahimikan.Iyon ang bumalot sa amin ni Lucien habang magkatabing naglalakad palabas ng resort. Tanging mahinang paghampas ng hangin sa mga puno at ang tunog ng aming mga yabag sa lumang daanan ang pumupuno sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, ngunit pakiramdam ko ay pareho kaming nilalamon ng iisang tanong.Ano ba talaga ang naghihintay sa amin?Sa bawat hakbang na inilalapit ako sa Cottage 7, lalo ring bumibigat ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan, pero ngayon ay tila may hindi maipaliwanag na takot na unti-unting kumakapit sa buong katawan ko.Gusto kong malaman ang totoo.Pero paano kung mas masakit ang katotohanan kaysa sa pagkawala ng alaala?Paano kung may dahilan kung bakit nakalimutan namin ang lahat?"Let's go," mahinang sabi ni Lucien nang hindi man lang lumilingon. "We don't have time to waste."Tumango lang ako at tahimik na sumunod.Hindi ko alam kung siya man ay kinakabahan, pero halatang mas mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya ka

  • The Husband I Never Knew    Chapter 14: The Letter We Left Behind

    Hindi ko agad naituloy ang paghinga matapos mabasa ang unang linya ng sulat. Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang silid habang nakatitig ako sa lumang papel na hawak namin ni Lucien. "If you're reading this... then something went terribly wrong." Ilang segundo kaming walang imik. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang nilalaman ng sulat o ang katotohanang kami mismo ang nagsulat nito. Dahan-dahan akong napatingin kay Lucien. Mukha siyang kasing gulo ng nararamdaman ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa papel, para bang umaasa siyang may kusang babalik na alaala kapag mas matagal niya itong tiningnan. "Wala kang naaalala?" tanong ko. Umiling siya. "Nothing." Napabuntong-hininga ako. "Ako rin." Muli kong ibinalik ang tingin sa sulat at ipinagpatuloy ang pagbabasa. “To our future selves, If you're reading this, then something went terribly wrong. Which means one of us forgot. Or maybe both of us did. If that happened, don't panic. Everything you're feel

  • The Husband I Never Knew   Chapter 13: The Pieces of Us

    Hindi ako makatulog.Mahigit isang oras na yata akong nakahiga sa kama, pero gising na gising pa rin ang isip ko. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto, tahimik na ang buong resort, at tanging tunog ng alon mula sa malayo ang naririnig ko.Pero imbes na makatulog, mas lalo lang akong nag-iisip.Nasa tabi ko ang envelope na ibinigay ng resort owner kanina. Kasama nito ang litrato namin ni Lucien at ang sulat na hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabasa.To my Sunshine,If I ever forget you...Find me again.— LucienIlang beses ko na itong nabasa, pero pareho pa rin ang epekto nito sa akin.Parang may humihila sa puso ko.Parang may bahagi ng sarili kong gustong umiyak kahit hindi ko alam kung bakit.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tutuusin, ilang araw pa lang naman mula nang malaman kong may asawa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong klaseng lungkot para sa isang lalaking hindi ko maalala.Pero sa tuwing tinitingnan ko ang litrato namin, paki

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 5 Husband Unknown

    Lucien Monteverde.Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.Hindi dahil may typo.Kundi dahil imposible lang ta

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 3 A Favor From Grace

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang makipagkita ako kina Gabriel at Sofia para sa wedding planning meeting nila.At sa loob ng tatlong araw na iyon, sinubukan kong ilubog ang sarili ko sa trabaho.Unfortunately, hindi ganoon kadaling takasan ang sariling isip.Sa tuwing may ilang minutong pahinga

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 2 Professional Smile

    “Ay, anak ng—!”Muntik ko nang matapon ang hawak kong kape nang makita ko ang schedule na nasa screen ng cellphone ni Grace.Agad kong inilapag ang tasa sa mesa bago pa ito tumumba at madamay ang mga proposal, contracts, at wedding layouts na halos magdamag kong inayos.“Ano ba, girl? Okay ka lang

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 1 The Groom From Her Past

    “Congrats, guys! Another successful wedding event!”Masaya kong pinalakpakan ang buong team habang unti-unti nang nililigpit ng lahat ang mga dekorasyon sa reception area. Punong-puno pa rin ng masasayang bisita ang ballroom. May mga abala sa pagkuha ng litrato kasama ang bagong kasal, may mga napa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status