“Hi Julian, kumusta?” Napatda ako sa napakapamilyar na boses na ‘yon. Hindi ko akalain na lalapit siya’t papansinin ako. Siguro’y nadissapoint siya dahil hindi ko ginawa ang paghabol-habol sa kaniya simula kaninang umaga.
“Hi,” napakatipid kong sagot sa kaniya. Sinulyapan ko lang siya ng mabilis bago ibinalik ang paningin ko sa paglalakad.
“Ahm, hindi mo ba ‘ko sasabayan sa pag-uwi?” mamaya’y tanong niya pa, medyo kumukulot pa ang boses nito na animo’y nahihiya sa pagtatanong niyang ‘yon.
Ang totoo’y hindi naman galing si Alice sa marangyang pamilya na gaya ko. Ang alam ko’y isang government employee ang papa niya habang ang ina ay nagta-trabaho bilang isang public servant. Kumbaga nasa average ang income ng pamilya niya kada buwan na sumasapat naman basta ba’t hindi siya magluluho. Apat silang magkakapatid at pangalawa siya, kaya naman siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa buhay. Ang panganay kasi niyang kapatid ay nag-asawa na.
Kaya rin siguro sinunod niya lahat ng gusto ni Harold, tutal ay hindi na rin naman siya magiging lugi kung ako ang makakatuluyan niya. Sa mana na makukuha ko’y mabilis niyang mararating ang ginhawa.
“May dapat pa ‘kong asikasuhin ngayon, kaya mo naman sigurong makauwi kahit wala ako.” Naging malamig ang pakikitungo ko sa kaniya, hindi kasi maalis-alis sa isipan ko ang tungkol ang kataksilan niya sa ‘kin. Sa totoo lang ay gusto ko siyang komprontahin at tanungin kung minahal niya ba talaga ako. Ang kaso’y hindi pa siya ang Alice na matured at napakasalan ko kaya hindi niya pa ako mabibigyan ng konkretong kasagutan.
“Ah, gano’n ba? Importante ba ang gagawin mo? Puwede ba ‘kong sumama?” Heto na naman siya sa kumikinang niyang mga mata, ito ang angelic aura na labis na nakapagpahulog ng loob ko noon.
“Hindi na, umuwi ka na.” Ayoko ng distraction sa mga plano ko. Kahit papaano kasi’y malaki ang pinagsamahan namin bilang mag-asawa sa future life ko, hindi rin maipagkakaila na may kaunting simpatya pa rin akong nararamdaman sa kaniya.
“Pero kasi-”
“Please, makinig ka na lang sa ‘kin,” tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Naging gloomy ang mukha nito at punong-puno ng pagtataka.
Ano, hindi mo inaasahan na hindi ako madadala sa mga acting mo?
“May problema ba? Akala ko ba’y may pagkakaintindihan tayo?”
Napasinghap ako. Gagawin talaga lahat para lumabas na mahina at kaawa-awa sa harapan ko. Ngayon ako nagagalit sa sarili na kung bakit sobra akong naging tanga noon sa kaniya.
“Mayro’n pero ‘wag kang mag-alala aayusin ko ang problema, sige na umuwi ka na.” pagtutulak ko pa sa kaniya bago pa ‘ko tuluyang mawalan ng respeto sa kaniya.
Ilang pagtango ang naisagot ni Alice sa naging responce ko sa kaniya. “Sige, pero bukas ba makakapag-usap tayo?”
Hindi ko inaasahan ang tanong niyang ‘yon. Kahit kailan ay hindi pa nag-insists sa akin si Alice nang oras. Halos ako ang laging nagmamakaawa para lang makalabas o makapag-usap kami, pero ano ‘to ngayon?
Bahagyang nangunot ang noo ko, mukhang may kakaiba sa kilos niyang ‘to ngayon.
“Titignan ko,” kalmado ko na sagot.
“Sige kung gano’n, see you tomorrow.”
Ngayo’y iginuhit na naman niya ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi, sinundan ko muna siya ng tingin habang papalayong kumakaway sa ‘kin.
Wala akong lakas upang suklian iyon ng positibo na sagot kaya nang makalayo si Alice ay dumiretso na rin ako sa parking kung saan ay alam kong naghihintay ang driver ng sasakyang susundo sa ‘kin.
“Pasensiya na po Mang Nardo kung nahuli ako,” naging bungad ko sa matanda na nakatayo sa labas ng sasakyan habang naghihintay. “Tara na po?” ani ko bago subuking bukas ang backseat door ng sasakyan. Ngunit natigilan ako ng pigilan ako ni Mang Nardo, tapos ay ang front door seat ang binuksan niya para sa akin.
Naningkit ang mga mata ko sa ikinilos niya subalit kalaunan din ay naintindihan ko kung bakit.
May ibang nakaokupa sa backseat. Napasinghap ako’t napabuga ng hangin, parati niyang ginagawa ang ganito. Mauna o mahuli man ako ay kailangang siya ang parating masunod sa seating arrangement pagdating sa sasakyan.
Wala na naman akong nagawa’t sumunod sa pag-upo sa front seat. Hindi ko ginawang sulyapan ang lalaking kinamumuhian ko ngayon dahil tiyak na magyayabang lang naman siya’t mang-iinsulto.
“Hi, kuya Julian.”
Hindi ko na kailngan pang sulyapan si Terra mula sa tabi ni Harold dahil ito na mismo ang lumapit sa akin. “Akala ko hindi ka makakasabay sa ‘min sa pag-uwi, eh. Mabuti na lang at naitext kita,’ dugtong niya pa.
“Oo, may importante kasi akong kailangang gawin kaya nagmamadali akong makauwi agad. Salamat sa pagpaalala sa ‘kin,” mabait na sagot ko sa kapatid na babae. Walang dahilan para hindi ko pakitunguhan ng mbauti si Terra gayong ito lang naman din ang isang tao na nakakaintindi sa akin hanngang sa hinaharap.
“Ano’t hindi mo isinabay ang girlfriend mo ngayon? May lovers quarell ba kayo?” bakas sa boses ni Harold ang pang-iinis kaya dinedma ko na lang din siya.
“Ayaw mo man lang bang i-share sa ‘min?”
Nanatili akong mahinahon kahit na umuusok sa galing ang kaloob-looban ko. Ginalaw ko ang aking ulo patungo sa kaliwa’t kanan, senyales ng iritasyon na nararamdaman ko.
“Huwag ka ngang magsimula ng gulo, kuya Harold,” pagsaway ni Terra sa kaniyang buong kapatid.
“Bakit? Wala naman akong masamang intensiyon sa tanong ko. Sasagutin niya lang din naman ng maayos, tapos ang usapan. Ang kaso’y masyado atang lumalaki ang ulo ng isa mo pang kapatid. Ano porket kinakatagpo siya ng University Queen?”
Sinabayan ni Harold ng isang pagak na tawa ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Tsk!
Ako lumalaki ang ulo? Bakit sino ba ang nagpaplano na mapalapit ako sa babaeng siya naman talaga ang may gusto mula umpisa?
Sinulyapan ko na siya mula sa rearview mirror, nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. Medyo naiirita ako sa awang pag-angat ng labi niya, halata kung gaano siya sa ka-traydor tignan.
“Bakit kaya hindi na lang ikaw ang manuyo sa kaniya, Harold? Tutal naman katulad niya ang tipo mo, ‘di ba?” natural kong sagot sa kaniya.
Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa winika ko. Kahit kailan ay hindi ko hinayaan ang sarili na tumaliwas sa nais nilang mag-ina o di kayang sumagot sa mga walang kwenta niyang sinasabi patungkol sa ‘kin. Ngunit dahil sa ibang Julian ang kaharap niya at makakaharap pa niya sa mga susunod na araw ay mararanasan nila kung paano magkaroon ng dila at mata ang isang Julian Kordal.
“Ano’ng sabi mo!?” Dumagundong ang boses ni Harold sa loob ng sasakyan na siyang nakapagpatili kay Terra. Nagkaroon din ng kaunting pagewang sa sasakyan dahil sa biglaang pagpreno ni Mang Nardo.
“Gusto mo na ulitin ko pa sa ‘yo? Masarap ba pakinggan sa tainga na marinig na may magsabing. . . kayo namang dalawa ang mas bagay at hindi kami. Mas bagay kayo Harold, parehas kayong kaawa-awang nilalang na dumudikit sa kung sino ang mas malakas. Kaya hindi kita pipigilan, sa totoo lang ay matutuwa pa ‘ko. May tsansang hindi maging miserable ang buhay ko.” Binigyan ko pa siya ng isang nakakalokong ngiti, pinipigilan ko ang ibang emosyon na dumaloy mula sa aking mukha. Ayokong masira ang palabas na ‘to ng dahil lang sa lukso ng dugo sa ugat ko.
Gusto ko na silang balewalain, apakan at durugin.
“Napakabastos mo talaga!’ Histerikal na anito sa ‘kin. Halos maputol na ang ugat niya sa leeg sa pilit na pilit na pagsigaw. Nang dahil sa masikip na espasyo ng kotse ay hindi niya ko magaawang abutin mula sa front seat.
Kuyom niya ang kamao’t nagsisimulang mamuo ang pawis sa noo.
“Kuya, tama na!” pagpipigil ni Terra sa nagwawala niyang kapatid.
Halata naman kung gaano kabahag ang buntot niya.
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘