Share

The Plan

Hindi ako natutuwa sa pagkanta-kanta ni Joker habang lulan kami ng sasakyan, parehas kami nasa backseat habang nagmamaneho si Mang Nardo. Sa pagkakaalala ko’y si Mang Nardo ang isa sa personal driver ng pamilya namin na nakatalaga para sa aming magkakapatid. Araw-araw ay sabay-sabay kami sa pagpasok ng mga half-siblings ko ngunit nakapagtataka ngayon kung bakit hindi sila lulan ng kotse na ‘to. 

So, kung totoo man ang mga pangyayari na ‘toy napunta ako sa past life ko? O baka narito talaga ako tapos ay panaginip lang lahat ng nangyari sa tinuturing kong present time? Possible rin ang gano’n.

Patuloy ang pagtugtog ng musika na kung hindi ako nagkakamali ay kanta ng Cueshe na Ulan. Hindi rin magkamayaw si Joker sa pagsunod sa liriko no’n.

“Sa’n ba tayo pupunta?” mahinahon kong tanong sa kaniya.

Napatda si Joker sa tanong ko, kaya naman tumalima siya sa pagkakaayos ng upo’t hinarap ako. “Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo. Saan ba tayo palaging pumupunta kapag ganitong araw, ‘di ba sa University.” 

University? Sa BU?

“BUcian tayo, pre, remember?” conyo niyang sagot sa akin.

Bahagya kong hinilot ang ang sintido ko sa stress na nadarama, unti-unti ko nang napapagtanto na totoo nga ang mga ganapang ito. 

“Ano’ng petsa na?”

“February 7, pre one week bago ang Valentines kaya naman kabisaduhin mo na ang tula na pinagawa mo kung ayaw mong hindi mapapayag si Alice na maging date mo sa Valentines day,” ani Joker na siyang nakapagpatunganga sa akin.

“Heto na ‘yon, umpisahan mo na para makuha mo nang tama ang bawat linya, okay?” aniya pa pagkatapos ay muling bumalik sa malakas niyang pagkanta.

Tinignan ko ang papel na inabot niya sa akin.

         “Lihim ng Pagmamahal Sa’yo.” Pamilyar ang katagang ‘to sa akin.

“2006 ba ngayon?” maya-maya’y tanong ko habang nakatuon pa rin ang mga mata sa papel. Natatandaan ko ang tula na ‘to, oo, pinagawa ko nga ito kay Joker. At ito’y para pabilibin si Alice at maaya siyang manood ng sine sa February 14. Ang tulang ito ang naging daan sa pagkakalapit namin ni Alice.

“Tumpak, pre, nakabalik ka na ba sa katinuan mo? Umayos ka na’t tigilan ang pagkakaroon mo ng amnesia.” 

Simula ng magkaharap kami sa bahay ay naging marami ang tanong ko sa kaniya. Naitanong ko pa nga ang tungkol sa kung saan na siya nanirahan matapos nang nawalan kami ng komunikasyon. Na hindi naman niya nasagot dahil after graduation ‘yon nangyari at ngayon ay nasa ikalawang taon pa lang kami sa Kolehiyo. 

2006 ang taon na nagsimula ang pagiging miserable ng buhay ko. Naging tuta akong sunud-sunuran sa madrasta ko matapos mamatay ang Papa. Naging magkasintahan kami ni Alice na dapat ay hindi na lang nangyari dahil sa kataksilan niya. Namatay nga si Papa bago dumating ang Pasko nitong taon. Naging anino na lang ako dito ni Harold. At marami pang ibang bagay na naganap sa buhay kong labis kong pinagsisisihan. At kung sino man na may kapangyarihan ang nagbalik sa ‘kin sa panahon na ‘tong labis ko siyang pasasalamatan. 

May pagkakataon na ’kong maayos ang buhay ko. Ang una ko na dapat gawin ay ang paglayo sa presensiya ni Alice. Hindi ko kailangang kabisaduhin ang tula na ‘to dahil walang pagsuyo na magaganap. Hindi ko hahayaan na maging mag-asawa kami sa hinaharap.

Kinuyom ko ang papel na nasusulatan ng tula, galit ang pumupuno sa puso ko ngayon. Uunahan ko na sila sa pagtatangka sa buhay ko.

“Hoy! Ano ‘yan, ba’t mo nilukot pinaghirapan ko ‘yan pre,” tarantang wika ni Joker. Kinuha nito ang papel sa ‘kin at inayos mula sa pagkakalukot niyon. Inihip-ihipan niya pa ‘yon na akala mo naman ay maaayos sa hininga niya. 

“Hindi ko na kailangan niyan, iba ang goal na gusto kong makamit ngayon,” sabi ko na puno ng determinasyon sa balak na gawin. 

“Huh? Ano naman ‘yon?” maang na tanong ni Joker, may pag-isod pa siya sa tabi kong pilit akong pinapasalita.

“Teka lang, ‘wag mong sabihin na aalamin mo na lang talaga  kung sino ang pasikretong nag-iiwan ng sulat sa locker mo. Aba! Parang babagsak tayo riyan, pre. Out ako sa plano na ‘yan.” Hindi na sana ‘ko makikinig pa sa mga sinasabi ni Joker kung hindi lang niya nabanggit ang tungkol sa bagay na ‘yon. 

Saka ko lang naalala na may secret admirer nga pala ako simula no’ng first year College namin hanggang ngayong ikalawang taon. Parati akong nakakatanggap ng sikretong sulat mula kay ‘Azi’ o di kaya’y tula galing sa kaniya. No’ng una’y sinubukan kong hanapin kung sino ‘yon pero bigo akong malaman sa napakalawak niyang time management na kahit magbantay na ako hanngang alas dose ng hatinggabi ay hindi ko siya mahuli-huli. 

Natigil lang naman ang paghahanap kong ‘yon ng makilala ko si Alice dahil na rin sa common friends namin ni Harold. Simula no’n ay hindi na nawala ang mga mata ko sa kanya, well, ngayon napagtanto ko na kung bakit. Dahil gusto niya rin talaga na lumapit sa ‘kin at planuhin na kuhain ang loob ko, na nagawa niya naman. 

Siguro kung mas pinagtuunan ko ng pansin ang admirer ko na ‘yon ay mas iba ang naging takbo ng buhay ko. 

Mas magiging masaya kaya ako?

Magiging tapat kaya siya sa ‘kin?

O baka kagaya lang din siya ni Alice na gagamitin ang pagiging Kordal ko para sa sariling kapakanan.

No’ng gabi ng ika-tatlumput limang taong gulang ko’y nalaman ko na rin mula sa bibig ni Harold ang katotohanan. Una pa lamang ay plano na nila na bitagin ako sa pamamgitan ni Alice, noon pa lang ay may relasyon na sila. At dahil sa pera ay sinunod ni Alice ang lahat ng ipagawa sa kaniya ni Harold kahit na mali na iyon. Kasama ang tungkol sa akin, nais ni Harold na maging miserable ang buhay ko, makuha lahat ng mana ng ama namin at mapatalsik ako sa kanilang pamilya. Na sadyang napakawalang kwenta na excuse para sa ‘kin.

Hinarap ko si Joker at nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. Kailangan kong gawin ‘to para sa magiging kapakanan ko, at isa pa’y gusto ko rin na isalba ang pagkakaibigan namin. Hindi ako papayag na manipulahin ng kung sino, utusan kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko.

“Hahanapin ko kung sino man ang nagbibigay ng oras para pag-aksayahan ako ng panahon niya, sunod no’n ay aayain ko siyang magpakasal sa ‘kin.”

Nakarating kami sa University ng matiwasay, kagaya pa rin ng dati ang sitwasyon, lahat ay umaayon sa kung ano ang naaalala ko. Hindi na masiyadong accurate ang mga alaala ko dahil kung iisipin ay para bang labing pitong taon na ang lumipas kung ako ay nasa 2023, nakalimutan ko na ang ilang detalye sa bawat araw na nangyari. Pero kapag importanteng bagay o sitwasyon ay mabilis ko naman ‘yong maalala. 

Dumaan kami sa Canteen ni Joker upang bumili ng tubig at kay Joker naman ay pang snack daw niya. Ako ang nagbayad dahil ‘yon naman ang parati kong ginagawa. Hindi na sana ako papayag na maupo pa sa loob ng Canteen kung hindi lang din sa pamimilit ng kaibigan ko. Actually, ay may isang oras pa naman talaga kami para sa susunod na klase, ngunit mas gusto ko sanang mas maging makabuluhan ang sobrang oras na ‘to. Gaya na lang ng paghahanap sa taong gusto kong makilala.

BSBA Major in Finacial Management ang pinakuhang kurso sa ‘kin ni Papa kahit na ang gusto ko talaga ay ang maging isang Piloto. Ni hindi ko nagawang tumanggi pa dahil ang sabi niya’y balang-araw ay ako rin ang hahawak ng kumaniya niya bilang ako ang panganay. Naalala ko na labis ang pagtutol ng madrasta ko sa kursong ‘yon at pinagtutulakan ako sa BS in Avation. Halatang ayaw niyang maungusan ko ang anak niya, kaya naman ng mamatay si papa ay nagkaroon siya ng pagkakataon sa nais niya. Pinipilit niya ako ng ibang kurso na hindi ko sinunod. Siguro’y kaya niya pinadala si Harold sa ibang bansa noong ikatlong taon namin sa Collega ay upang mas lumamang ang kasanayan nito, na nangyari nga naman.

Napapailing ako sa mga alaala na sumasagi sa utak ko, napaka Unfair ng panahon para sa ‘kin no’n, halos lahat ng malas ay nasalo ko na ata. 

“Huy, Pre, sina Alice ‘yon ‘di ba?” pagsiko sa ‘kin ni Joker habang nilalantakan niya ang chichirya na nabili.

Sinulyapan ko ang itinuro niya. Tama, si Alice nga ‘yon na mas batang version. Tunay naman kasi talaga na maganda siya’t halos pantasya ng mga kalalakihan sa Unibersidad. Tila anghel ang mallit nitong mukha at biluging mga mata, isa pang nagpapatingkad sa kaniya’y ang maputi nitong balat.

Isa ngang Diyosa ang kinabaliwan ko noon.

“Lapitan mo na,” panunudyo pa ng kaibigan ko.

Ngunit hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Joker at iniyuko na lang ang ulo sa isang libro na kanina’y sinubukan kong buklatin. Naalala ko bigla ang senaryo na ‘to, dapat ay lalapit ako sa kaniya’t makikipagngitian, tapos ay aalukin niya kami na sumabay sa lamesang okupado nila. Maraming beses niya ‘kong hinuli sa mga tawa at bubbly niyang ugali, kaya  nga mas lalo pa akong naghabol sa kaniya noon.

Pero hindi na niya ako mauuto ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status