“Hoy pare! Ano’t naisipan mong magyaya para uminom?” takang-taka na bungad ni Joker sa kaibigan na kararating pa lang habang may bitbit na plastic na may lamang energy drink at ilang snacks. Ang utos ni Julian ay beer ang bilhin niya ngunit iba naman ang nadala nito sa kaniya.
“Pampalipas oras pero ba’t ‘yan ang binili mo?”
Napatingin muna si Joker sa bitbit niya bago sa kaniyang kaibigan, tapos ay napakamot ito sa kaniyang ulo sabay sabing hindi niya nadala ang identification card niya kaya hindi siya napagbigyan ng alak sa convinience store na binilhan.
“Ayos na nga ‘yan,” ani Julian. Umisod siya sa pagkakaupo sa malamig na sementadong sahig, nakaharap sa dagat habang bahagya itong umahampas sa may gilid ng bay. Medyo malamig ang dalang hangin na dumadaan sa dagat kaya naman beer ang masarap na inumin sa mga oras na ‘yon, pero dahil wala ay wala na rin siyang magagawa.
“So, ano ang tunay na nangyari, pre?” tanong ni Joker sabay abot sa kaniya ng energy drink na kulay berde. Mabilis na tumalima si Joker ng tawagan siya ng kaibigan at sabihing magjam sila. Hindi naman rin hassle para sa kaniya dahil may sarili na siyang motor na puwedeng angkasan. Iyon lang dahil papuslit niya lang na nailabas ‘yon na walang consent ng kaniyang ina.
“Wala naman,” matipid na naging sagot ni Julian.
“Diyos ko naman Julian, pinagdrive mo ako papunta rito para lang sa wala?”
Hindi nakasagot si Julian sa tinurang iyon ng kaibgan, imbes ay lumagok siya ng nasa boteng energy drink na nakatungo sa dalampasigan. Madilim na rin, maraming tao sa paligid ng sikat na pasyalang madalas niyang puntahanan kapag gusto niyang mag-isip-isip. Biglaan lang din ang pagpuntang ito kayang naman hindi s’ya nakapagdala ng jacket pananggalang sa lamig.
“Binasted ka na ni Alice, no?” biglang tanong ni Joker na ikinatigil niya.
“Sabi ko naman kasi sa’yo ayusin mo, ‘di ba?” Humarap si Joker sa kaniya’t nagsimulang magsermon. Kung ano-ano na ang sinasabi nito patungkol sa mga suggestions niya kung ano ang dapat na gawin para tumaas daw ang pogi points niya kay Alice. Ganito nga siya noon pa man, na siyang nakalimutan na ni Julian simula ng maghiwalay ang landas namin bilang magkaibigan.
Heto na naman siya sa realizations sa buhay niya, mga maling desisyon na nagawa at kung ano-ano pa.
“Ano, kinabisado mo na ba ‘yong tula na ibinigay ko sa ‘yo?”
“Hindi. Hindi ko na kailangan no’n.”
“Ano? At bakit ba kasi? Alam mo bang halos mabiyak na ang ulo ko kakaisip ng mga salita na aayon sa tula na gusto mo? Tapos ay di mo lang pala gagamitin?” todo-todo ang pagrereklamo ni Joker sa kaibigan niya. Hindi ito makapaniwala na sa unang pagkakataon ay para itong susuko sa kaniyang buhay ng dahil lang sa babae.
“Hindi na nga kasi kailangan no’n, kasi ititigil ko na ang panliigaw kay Alice,” diretsa na niyang sinabi kay Joker na halatang ikinagulat nito.
“Pero bakit nga?”
Ilang segundo munang napatingin si Julian sa kaniyang kaibigan, iniisip niya rin kung sasabihin ba niya rito ang tunay na dahilan. Pero tiyak na hindi naman ito maniniwala sa kaniya, baka nga tawanan pa siya nito.
“Basta. Hindi ka rin naman maniniwala kapag sinabi ko sa ‘yo. Kaya manahimik ka na lang.”
“Aray! Grabe kailan ka pa naging harsh, pre?” Nagkunwari pa si Joker na animo’y nasasaktan talaga, may paghawak pa sa may dibdib kung nasaan nakatapat a ng puso niya.
Lumalim bigla ang pagkakaisip ni Julian, noon ay isang hamak na loner lang siya sa tabi ni Joker. Hindi sumasagot kahit na natatapakan na ang pagkatao niya, simpleng ngiti lang, at simpleng pananamit. Hindi marunong lumaban para sa sarili niya, sunud-sunuran sa gusto ng nakakarami para sa kaniya. Para siyang de-susi na robot na kikilos sa mga utos mula sa kaniyang amo, na siyang labis na naging pagkakamali niya.
“Tama, hindi na dapat ako maging katulad ng dati, kailangan ko ng evolution.”
“Eh?” natameme si Joker sa tinurang iyon ng kaibigan. Hindi niya rin maintindihan si Julian simula ng dinaanan niya ito sa bahay nila ng umaga na iyon. Tila ito naging ibang tao sa paningin niya.
“Joker, hanapan mo ‘ko ng blind date.”
Sa gulat ay naibuga ni Joker ang likido na laman ng kaniyang bibig, hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ng kaibigan kaya naman hinarap niya ito, hinawakan sa balikat at saka sinalat ang noo.
“Wala ka namang sakit. . .” ani Joker. “Kaya sige akong bahala,” dugtong pa ni Joker nang nakangiti.
Ang totoo’y ayaw din naman talaga ni Joker kay Alice para sa kaniyang kaibigan lalo pa’t alam niyang pinaglalaruan lang naman siya nito.
…
Maagang nag-asikaso si Julian kinaumagahan, balak niyang hindi sumabay sa kotse na maghahatid sa kanilang tatlo sa eskwelahan. Ayaw rin niyang istorbohin si Joker lalo’t pa-hatinggabi na silang nakauwi kagabi. Hindi sila lasing sa inumin pero sa kaka-joyride naman sa motor nito sila tila nalasing. Panigurado niyang nalantakan ng sermon si Joker mula sa ina nito na masiyadong pinapaalagahan ang image para sa mga tao.
Anak lang naman si Joker ng Governor sa kanilang bayan kaya gano’n. Kaya naman kung nais nitong lumabas ay pupuslit pa siya mula sa mga guards na nagbabantay sa paikot ng kanilang manisyon, maliban na lang din kung isinalang na naman nito ang pangalan niya sa mga magulang para lang makuha ang kaniyang kalayaan.
Magco-commute na lang siya paglabas sa subdivision nila.
Nauna si Julian na pumuwesto sa hapagkainan, ngunit ilang segundo lang din ay nariyan na rin ang kaniyang madrasta at dalawang kapatid. Magiliw siyang binati ni Terra saka tumabi sa kaniya habang tahimik lang na pumuwesto ang dalawa pang pigura na dumating upang kumain.
“Wow, parang nagbago ang aura mo kuya,” masayang pagpuna ni Terra sa bagong stilo ng gupit ng panganay na kapatid.
Kagabi bago sila tuluyang umuwi ni Joker ay nadaanan nila isang barber shop kaya naman inaya niya itong magpagupit. Mula sa may kakapalan niyang buhok ay pinalinis niya ang gilid niyon at pinabawasan ng kaunti sa itaas na bahagi. Iyon ang stilo ng gupit na paborito niya sa panahong 2023. Sa panahon na kinaroroonan niya kasi’y pang-emo style pa ang uso na gupit.
“Bagay ba?” tanong ni Julian kay Terra.
“Oo naman kuya, bagay na bagay sa ‘yo. Mas lalo kang pumogi sa ganiyang gupit mo. Tiyak na sasagutin ka na agad no’n ni Alice,” nakangiti pa si Terra na animo’y kinikilig sa sinabi nito.
Natawa ng bahagya si Julian sa tinuran na ‘yon ni Terra, sabay sabing hindi naman na niya itutuloy ang panliligaw kay Alice dahil may iba na siyang natitipuhan. Na inaasahan ni Julian na sasalungatin ni Harold.
“Ano Julian? So, pinapaasa mo lang ‘yong tao?” nakakgulat ang naging sagot na ‘yon ni Harold na maging ang ina nito ay napatingin din sa gawi nito.
“Bakit naman parang galit ka Harold?”
“Ano bang balak mo, huh? Magpapaiyak ka lang ng babae na walang kamalay-malay?” napakataas pa rin ng tono ni Harold kahit na sinaway na siya ng kapatid na babae.
Hindi maipaliwanag ni Julian ang kakaibang reaksyon na ‘yon ni Harold, ngayon niya mas napatunayan na siya ang salarin sa pagkakalapit nila ni Alice.
“Napaka-epic naman ng reaksiyon mo Harold, ‘wag mo naman sanang masyadong ipahalata na nasisira ang mga plano mong pagmamanipula sa buhay ko. ‘Wag kang mag-alala dahil simula ngayon ako na ang bahala sa kung sino ang gugustuhin ko, hindi mo kailangang magtulak ng babae para sa ‘kin.”
“Baliw ka ba? Ano naman ‘yang mga sinasabi mo?”
“Bukod sa gusto kong magkaroon ng sariling buhay ay gusto ko lang namang ipamukha sa mga taong nagmamataas kung saan ang boundary nila. Ikaw, gusto mo bang malaman kung hanggang saan lang ang puwede mong maapakan sa pagkatao ko?” Puno ng lakas ng loob si Julian, sa kaniya’y ito na ang araw para maging isang malayang Julian Kordal.
Napaigik ng bahagya sii Harold sabay ang pagtaas ng kanang kiay nito sa kaniya. “‘Wag mo kong tinatakot, mas mataas ang lebel ko sa ‘yo, nandito ka lang.
Ipinadyak-padyak ni Harold ang paa niya sa sahig, itinuturo kay Julian na siyang parte lamang ng lupang inaapakan nito.
“Siguro nga’y oo, pero hindi na ngayon. Ipapakita ko sa inyo kung saan dapat ako nararapat.”
“Julian!”
May kaunting panlilisik ang mata na inabutan ng tingin ni Julian ang madrasta na nasa tono ang otoridad nang tawagin siya. Alam na niya kung bakit, ayaw nitong napapailaliman ang kaniyang anak- tunay na anak. Ngayon na pa halos nilagyan ni Julian ng laman ang kaniyang mga sinabi ay tiyak na kung ano-ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya.
“Pagkatapos mo riyan ay magpunta ka muna sa Opisina ko, may kailangan akong sabihin-”
“Tungkol sa pag-uwi ni papa? Balak niyong isama ako sa pagsalubong sa kaniya sa airport? Ayoko,” sagot ni Julian kasunod ang pagsubo ng pagkain sa kaniyang bibig. Sa asal niya ngayo’y tila siya isang rebellious son sa kaniyang pamilya, nawala ang pagiging good boy at shy attitude sa kaniya. Hindi nga pala nawala, dahil sadyang inalis na niya ‘yon.
“Ano’ng sabi mo?” nag-uumigting ang leeg ni Hesusa sa isainagot sa kaniyang iyon ng stepson. Ni minsan ay hindi siya nito sinuway sa kahit na ano pang sabihin niya.
“Ayoko,” anito sabay tapon ng tingin kay Hesusa. “Ba’t ‘di natin hayaang malaman ni Papa ang nangyayari sa bahay niya kapag wala siya.” ngayon ay sumilay na ang nakakalokong ngiti sa labi ni Julian, tiyak siyang makukuha niya ang gusto sooner or later.
“Hindi ako nakikipaglokohan sa ‘yo, Julian-”
“And so do I, stepmon,” pag e-english ni Julian sa harap nila na ikinagulat ni Terra dahil ni minsan ay hindi naman niya narinig ang kuya na naging Englishero. Tanging ang Kuya Harold niya lang naman ang malimit na gumamit ng wikang ‘yon.
“O kaya naman, kung ayos lang sa inyo’y bilhan niyo na lang ako ng Motor, kapalit no’n ay susundin ko ang gusto niyong mangyari.”
Mas lalong ikinagimbal ni Harold ang mga sinasabing ‘yon ni Julian. Sa isip niya’y siya nga ay hindi pinakikinggan ng ina na bilhan ng motor ay siya pa kaya? Naningkit ng bahagya ang mata ng lalaki’t sumandig sa kinauupuan na nang-uuyam sa kaniya.
“Pero kung ayaw niyo, ayos lang, gawan niyo na lang ng paraan kapag naabutan ng papa na wala ako pagdating niya. Alam niyo naman kung gaano ako kamahal ng Papa. Isang salita ko lang ay tiyak na paniniwalaan niya,” dugtong niya pa. Tama naman ‘yon, kung noon lang sana ay nagsalita na siya sa harapan ng papa niya ay baka iba ang naging takbo ng buhay niya. Kung sinabi lang niya noon na gusto niya ring mag-aral sa ibang bansa at hindi nagpadala sa utos ng kaniyang stepmother ay baka siya pa ang nagpatakbo ng kanilang Kumpaniya.
Namayani ang ilang segundong katahimikan bago nagsalitang muli si Hesusa.
“Sige, Motor lang ba ang gusto mo?”
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘