Share

Aliyah

“So, sino ang gusto mo sa kanila?” tanong ni Joker sa kaibigang si Julian na nasa harapan niya’t kinikilatis ang detalye ng mga babae na ipangba-blindate niya rito. Sakto lang  ang request ng kaniyang kaibigan dahil may nakalatag na naman ang kaniyang mama para nga sa kaniya, ang tatlong babae na ibinibida niya kay Julian ay para naman talaga sa kaniya. 

“Tignan na lang natin lahat,” ani Julian.

“Wooh! Sigurado ka, pre?” sulyap ni Joker sa kaibigan. Nasa locker tapat sila ng kanilang mga lockers. Si Julian ay kinukuha ang kaniyang spare rubber shoes habang siya naman ay inilalagay ay inilalagay ang ilang paperworks na gawa niya na para pa naman mamayang hapon na pasok nila.

“Oo naman,” gano’n katipid na sumagot si Julian.

Ngunit ang kanilang tahimik na pag-uusap ay biglang napuno ng ingay ng magkaroon ng komosyon sa paligid. Ilang babaeng Bucian ang papalapit sa kanila habang nakangiting nagbubulungan.

“Ano’ng mayro’n?” maang na tanong ni Julian.

“Naku! Hindi mo alam? Poging pogi na naman ata sila sa akin, pre.” 

“Ewan ko sa ‘yo,” napapailing pa na sagot ni Julian.

Ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ni Joker na dahil sa kaibigan kung bakit nagkagulo bigla ang mga babae na ‘yon sa malapit nila. Dahil maging siya ay nagulat sa biglang transformation ng kaibigan. Ang dating mukhang weirdo at para bang manyakis na kaibigan ngayon ay may karisma na pagdating sa babae. Bigla na lang nitong binago ang kaniyang gupit at padadala ng damit. Naging mas maangas ang datingan niya na para bang isang action star kung maglakad at magsalita. 

“Ba’t di tayo dumaan sa Arts Studio? Baka naroon si Alice-” hindi na natapos ni Joker ang sinasabi ng biglang bumaba sii Julian sa hagdan imbes na dumiretso patungo sa Department nila.

“Hoy! Pre sa’n ka pupunta?” sigaw ni Joker.

“Mauna ka na, may kailangan akong puntahan.”

Samantala, sa sasakyan kung saan lulan ang mag-inang Hesusa at Harold ay nagkakaroon ng munting argumento ang dalawa patugkol sa motor na hinihinigi ni Julian sa madrasta. Balak na ibigay iyon ni Hesusa sa sampid na anak, kapalit ng pagsunod nito sa nais niya. No’ng unang nagtaka siya kung bakit ito humingi ng gano’n na hindi naman ginagawa ni Julian kahit na kailan. 

Kaya nagkaroon ng haka-haka sa isipan ni Hesusa na baka nakakahalata na si Julian at maisipan na baliktarin siya sa harapan ng ama nila, na siya namang hindi niya hahayaan na mangyari.

“Ibibigay mo talaga ‘yon sa kaniya, ma?” labis ang pagtutol sa boses ni Harold. Sa ina niya siya sumabay ng sasakyan dahil gusto nga niyang salungatin ang nais nito.

“Oo, para na rin sa ikabubuti niyo ni Terra,” anito. Seryoso lang ang ekspresyon sa mukha ni Hesusa. Diretsa siyang nakatingin sa unahan kung saan kita niya ang ilang pagdaan at pagbalik ng mga estudyante sa skwelahan ni Harold. 

“Ikabubuti?” naguguluhan na tanong ni Harold.

“Oo, kaya hangga’t hindi ka pa nakakaalis papuntang abroad for your Schooling mas maigi na makinig ka sa ‘kin. You have to be the successor of your father, be good Harold, that’s the only thing na magaggawa mo para tulungan ako.” Isang pagtapik sa balikat ang ibinigay ni Hesusa sa anak. 

Napakataas ng pangarap niya para sa mga anak kaya kahit na ano ay gagawin niya para lang maisakatuparan iyon, na kahit buhay pa ang kapalit.

“Bakit Ma, ano ba kasi ang dahilan bakit masiyado mong pinoprotektahan ang presensiya ni Julian sa mata ni Papa? Siya ba ang paborito ni papa, huh?”

Hindi na sinagot pa ni Hesusa ang tanong na iyon ni Harold, isang tinging puno nang takot na lang ang naisukli niya kapalit niyon. 

Ang pangalan ni Julian ang isa sa nagpapababa ng kapangyarihan ni Hesusa bilang isang Kordal. Kung wala ito ay mas magiging magaan ang buhay niya. Sa kaniya’y kahit isa man lang sa nakatataas na Kordal ang mawala ay tiyak na magkakaroon na siya ng daan patungo sa posisyon na nais niya. 

Either ang asawa niya o ang anak nito na si Julian.

Tinatahak ni Julian ang daan patungo sa Medical Building, ang dahilan, hindi rin niya sigurado. Mayroong mainit na komosyon sa bawat paghakbang niya ng kaniyang paa. Ilang BUcian ang napapatingin sa kaniyang gawi at tila kinikilig sa kaniyang presensiya, hindi na siya nagtaka dahil iyon naman ang kaniyang balak. 

Mats matikas na ang kaniyang lakad a tindig na isang buong gabi iyang pinag-ensayuhan. Ang ilang beses na pakikipagtalo niya sa sarili ay nagbunga rin ng positibo kinaumagahan. Balak niyang magkaroon ng lugar sa taon na ito, gusto niyang makilala bilang isang Kordal nakatulad nina Harold at Terra, ang Kordal na may mataas na antas pagdating sa negosyo at katayuan sa buhay.

Kinapa ni Julian ang isang pirasong papel na mula sa kaniyang bulsa. Pagbukas ng kaniyang locker ay bumungad sa kaniya ‘yon sa ibabaw ng kaniyang mga gamit. Kung hindi siya nagkakamali ay nabubuksan ng kung sino ang kaniyang locker, dahil hindi lang nito basta isinusuksok ang sulat mula sa maliit na siwang sa gilid ng locker. 

Pero isang katanungang ang biglang sumulpot sa utak niya. Saan niya balak na pumunta? 

“Tama, sa CCTV room, tiyak na makikita ko kung sino ang naglalagay ng sulat sa locker ko,” aniya sa sarili ngunit bigla rin na  naputol iyon ng maisip niya na hindi pa nga pala ganoon ka hi-tech ang panahon na ito. 

“Sa guard, pwede siguro akong magtanong,” dugtong niya pa. Pero maging ‘yon ay hindi naging magandang suhestiyon sa nais niyang gawin. 

Naisapo na lang niya ang palad sa kaniyang mukha habang iginagalaw ang leeg pakaliwa’t kanan. 

“Ang hirap pala kapag ganito,” aniya pang muli. 

Minabuti niyang bumalik na lang patungo sa kanilang silid dahil tiyak na niyang wala naman siyang mapapala sa naiisipang gawin. Gusto niyang malaman kung sino ang misteryosong tao, pero wala siyang maayos na plano. 

Ngunit sa isang kisapmata ni Julian ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo sa kaniya. Pagtalikod niya kasi upang tahaking muli ang daan na pinanggalingan ay isang babae ang nabundol niya. Parehas silang hindi nakatingin ng maayos sa kanilang dinaraanan kaya gano’n. Dala ng instinct ni Julian ay hinuli niya sa mga palad ang baywang ng babaeng muntikan nang bumagsak sa harapan. Hindi niya inaasahan na magagawa niya ‘yon dahil una’y never pa siya nagkaroon ng interaction sa ibang babae maliban kay Alice. Buong buhay niya’y hindi siya nangtangka na mapatitig o mapahawak sa iba nang ganito sa nangyayari ngayon. 

Ang babae naman ay hindi rin makakilos sa nangyari, maging ito’y hindi rin akalain na magkakaroon siya ng tsansa na makalapit kay Julian, at sa gano’ng pagkakataon pa kung kailan ay nagmamadali siya. Kuminang ang mga mata ng babae ng maaniag ang magadang mata ni Julian. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano kataas ang ilong nito.

“Nagpagupit ata siya?” naitanong nito sa sarili.

“Ayos ka lang, Miss?” 

Natauhan na si Julian sa nanagyari dahil na rin sa pagkagulo ng ilang estudyante sa kanilang paligid. Pinagtitinginan na sila.

“Ah, O-o, a-ayos lang a-ako. Salamat.” Inayos niya ang pagkakalukot ng kaniyang damit. Ang babae’y hindi makatingin ng maayos kay Julian, ramdam nito ang pag-iinit ng kaniyang pisngi kaya  agad niya ‘yong iniwas.

“Good. Sige, maiwan na kita.”

“Teka lang.”

Natigilan si Julian sa mainit na sensasyon ng pagkakdikit ng palad nito sa kaniyang braso kaya naman muli siyang napatingin sa babae at pahapyaw na napangiti.

“Bakit? Kilala mo ba ‘ko?”

“Ah, ano kasi…”

Naghihintay si Julian sa magiging tugon sa kaniya ng babae ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kaniya na animo pa’y naiilang sa kaniyang presensiya.

“Miss?”

“Ano, anak ako ng driver niyo,” anito na ikinapaningkit ng mata ni Julian. “Aliyah,” dugtong niya.

Hindi nakikilala ni Julian ang pangalan na ibinigay nito sa kaniya, mas lalong hindi niya alam na may anak pala ang driver nila na sa eskwelahan din na ito nag-aaral.

“Sinong driver? Pasensiya na, hindi lang kasi isa ang driver namin.”

“Nardo ang pangalan ng papa ko, nagkita na tayo dati noong 16th birthday mo-”

Napatango naman kaagaad si Julian nang marinig na si Mang Nardo ang tinutukoy nitong ama, nagkakaroon na siya ng interes sa sinasabi nito ng biglang tumunog ang kaniyang telepono at magregister sa screen ag pangalan ng kaniyang madrasta.

Pinutol na ri niya tangkang pagkukwento ng babae upang sagutin ang tawag na nareceive. Nais ng ina na makipagkita sa kaniya para sa hinihiling niyang motor. Kaya naman isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Julian, hindi niya lubos akalain na mapapasunod niya ang madrasta sa pinakaunang pagkakataon.

Nagpaalam na siya sa babae at sinabing sa susunod na lang sila mag-usap. Hindi na siya nagdalawag isip pa’t dumiretso ng hagdan paibaba ngg building. Samantala ang maganda at simpleng babae ay naiwang medyo dismayado, subalit sa loob niyang sumasabog ang nakakatuwang pangyayari sa pagitan nilang dalawa. 

Dahil sa matagal na panahong pagtanaw niya kay Julian mula sa malayo, ngayon ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na makita ito ng malapitan.

“Nagustuhan kaya niya ang iniregalo ko sa kaniiya?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status