Share

Chapter 11

ARAW ng Sabado, kapwa walang trabaho ang mag-asawa. Nagpunta sila sa bahay ng mga magulang ni William kasama ang kanilang dalawang anak. Nakatira ang mga magulang ni William sa San Pedro City, Laguna. Nais lamang nilang bisitahin ang mga ito dahil matagal na rin noong huli silang bumisita.

Dahil wala rin namang gagawin si Manang Neneng sa bahay ng mag-asawa, nagpaalam din siya kay Gianna na umuwi na muna ng probinsiya upang kamustahin ang pamilya niya.

"Good thing you thought about this, hon," nakangiting sabi ni William kay Gianna. "Miss ko na sila," dagdag pa niya na ang tinutukoy ang kaniyang mga magulang. Dinugtungan pa ni William ang kaniyang sinabi ngunit sa isip niya lamang ito. "Baka magpunta na naman sa bahay natin 'yong Diana na 'yon at kung ano pa ang gawin," aniya sa isip.

"Miss ko na rin sila kaya mas mabuti na rin ito. Maybe next time, we'll visit my parents naman?" suhestiyon ni Diana sa asawa niyang nagmamaneho ng kotse.

Sumulyap naman si William kay Gianna. "Sure."

Dum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
si diana na ang naging asawa ni william
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status