Share

CHAPTER 47

     KAHIT anong pilit na isantabi ni Milagros ang kaniyang konsensiya ay hindi niya iyon magawa. Oo, tinutulungan niya si Monica sa pagtatago ng bangkay ng taong aksidente nitong napatay ngunit sa loob niya ay umiiyak siya at nagdurusa.

Alam niya sa sarili na hindi na siya makakabalik pa sa dating siya. Alam niya na hinding-hindi na magiging malinis ang tingin niya sa kaniyang sarili matapos ang pangyayaring iyon.

Paano pa niya yayakapin at hahalikan si Martin gayong meron siyang maitim na sikretong itinatago mula rito? Magagawa pa ba niyang turuan ng magandang asal ang magiging anak niya? Magiging magandang ehemplo pa ba siya sa mga ito? Hindi na niya alam ang mga sagot sa tanong niyang iyon na gumugulo sa kaniyang isipan.

“And we’re done!”

Napapitlag si Milagros mula sa pagkakatulala nang marinig niya ang boses ni Monica. Nagawa na pala nitong takpan ulit ang balon.

Kanina, matapo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status