Share

Chapter 3

Penulis: Artemia
last update Tanggal publikasi: 2026-08-23 08:30:54

Kung nakatutunaw lang ang tingin ay kanina pa siguro nalusaw ang papeles ng bahay at lupa namin sa harapan ko. Pagkatapos ng nalaman ko sa nightclub ay halos hindi ako patulugin ng pag-iisip ng mga sagot sa tanong kung bakit iyon ginawa ni Sage. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako tinutulungan?

Nagtatalo ang isip ko sa kung dapat kong gawin gayong alam na nito ang isa sa pinakatatago ko.

“Walang mangyayari kung hindi ko siya pupuntahan,” ang tuluyang pagsuko ko bago tumayo sa aking upuan.

Kung alam na niya lahat ng dahilan kaya ako nasa nightclub ng gabing iyon ano pa bang ikahihiya ko?

Ang totoo ay nang gabing iyon ang unang araw ko sa club matapos kong pumayag na maging dancer doon para mabayaran at makuha agad ang titulo ng bahay at lupa ng bahay namin, na isinanla ng madrasta kong iniwan na kami pagkatapos maospital ni Papa. Iyon na lang choice na mayroon ako para hindi mawala ang nag-iisang alaala na mayroon ako sa mga magulang ko.

Nasa ospital pa rin si Papa at halos bago lang ako sa pinapasukan na eskwelahan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera gayong binabalak ng ibenta ng manager sa iba ang titulo namin kaya ako nakipagkasundo sa kaniya. Pero, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari pagkatapos ng isang gabi ko roon.

Masaya ako na nabawi na ang titulo ng bahay namin pero hindi ako masaya na nabawi ko ‘yon gamit ang pera ng iba.

“Tama ba ang address na nakuha ko?” ang tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang maps sa ‘king cellphone. “Mukhang naliligaw na ‘ata ako—”

Naputol ako sa pagsasalita ng may biglang bumangga sa akin dahilan para mapaupo ako sa kalsada.

“Aray ko! Ano bang—Azi?” ang tanong ko sa batang ngayon ay nakasalampak din sa lapag at mukhang nagpipigil ng iyak. “Jusko po, Azi, ikaw nga! Anong ginagawa mo rito? Nasaktan ka ba?”

Agad ko siyang nilapitan at ng makilala niya ako ay tuluyan na siyang umiyak. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya tinulungan ko muna siyang makatayo pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Napapalingon na rin maging ang mga taong nadaraanan kami.

“May masakit ba sa ‘yo? Ituro mo kay teacher para makita natin,” ang pag-aalo ko sa kaniya habang sinisipat kung may sugat ba siya sa katawan.

“I… I don't want…”

“You don't want? Ang alin, Azi?”

“...tita Penelope…hik… to be my mom!” ang humihikbing pagpapatuloy niya

Napatikom naman ang bibig ko ng ma-realize na iba ang dahilan ng pag-iyak niya. Inalo ko na lang siya hanggang sa tumahan siya. Inaya ko rin siya sa malapit na parke para mapahupa ang pag-iyak niya dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga taong nakakakita sa amin.

“Okay ka na ba?” ang tanong ko sa kaniya ng bilhan ko siya ng ice cream. “Ihahatid na kita pagtapos mo kumain, okay?”

“Pero andoon pa po si tita Penelope. I don't want to see her,” ang nakangusong angal niya na ikinangiwi ko.

“Pero kailangan mong umuwi kasi paniguradong nag-aalala na sila sa ‘yo. Gusto mo bang mag-alala sila?” Marahan siyang umiling na ikinangiti ko. “Uuwi na tayo pagkatapos mo d'yan para hindi sila mag-alala.”

Tumawag na rin ako sa bahay nila para ipaalam na kasama ko si Azi. Babae ang sumagot at mukhang iyon ang tinutukoy niyang tita Penelope. Ang kuwento ni Azi ay sinabi ng babae na kapag ikinasal na sila ng Daddy niya ay magiging mommy niya na ito. Pero mukhang hindi gusto ng bata ang ideya na ‘yon o mismong ang babae.

Wala naman ako sa posisyon na manghimasok kaya tahimik lang akong nakinig sa kaniya. Ang iniisip ko lang ay kung bakit nasa club noong gabing iyon si Sage kung may girlfriend na pala siya?

“Teacher!”

“Hm? Tapos ka na ba? Ready ka na umuwi?”

Umiling siya bago saglit akong titigan. “Puwede bang ikaw na lang po ang mommy ko?”

Napaawang naman ang bibig ko habang pinuproseso ang sinabi niya. Sa itsura niya ngayon ay mukhang seryoso siya sa tanong niya. Napangiti naman ako dahil halos ng mga estudyante ko ay tinatanong iyon sa akin.

“Azi!”

Kapuwa kami napalingon ni Azi sa boses na iyon. Agad kong natanaw ang isang balingkinitang babae na malalaki ang hakbang na papunta ang puwesto namin. Tumayo naman ako para salubungin ito.

“Good afternoon, kayo siguro ang—”

“Where have you been! Mababaliw na ako sa kahahanap sa ‘yo!” ang pagkausap ng babae kay Azi na agad namang nagtago sa likod ko. Doon pa lang siya napaangat ng tingin sa akin. “And who are you?”

Muli kong kinompose ang sarili bago bahagyang ngumiti. “Home room teacher ako ni Azrielle, ako ‘yung tumawag kanina sa bahay nila.”

Mula sa mapamintas na tingin ay biglang umamo ang mukha nito at pilit na ngumiti sa akin.

“O right! Thank you so much. Pasensya na at naabala ka pa ni Azi. Sakit talaga sa ulo ang mga bata ngayon,” ang sabi niya bago balingan si Azrielle. “Come on, Azi, umuwi na tayo. Pauwi na ang daddy mo, you don't want him to get worried.”

Imbis na sumagot ay lalong nagtago lang si Azi sa likod ko na ikinasama ng tingin sa kaniya ng babae sa harapan namin.

“Azrielle!”

Agad akong humarang sa kaniya dahil sa pagsigaw niyang iyon na maging ako ay nabigla.

“Excuse me, Ma’am, hindi niyo kailangang magtaas ng boses sa bata lalo at nasa public place tayo.” Ang matalim na tingin niya ay agad na bumaling sa akin. “Ako na lang ang kakausap kay Azi.”

Narinig ko ang inis na pagbuntong hininga nito. “Now I know kung bakit tumitigas ang ulo ng mga bata. Masyadong bini-baby ng mga teacher.”

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Excuse me?”

Hindi niya ako sinagot at deretsong hinawakan si Azrielle sa braso.

“You're coming with me sa ayaw mo man at gusto,” ang sambit nito na ikinapiglas ng bata. Agad ko naman siyang inawat.

“No! I don't want to! Ayoko sa ‘yo!”

“Ma’am, ako na lang ang mag-uuwi sa kaniya para hindi na kayo mahirapan—”

Tinabig niya ako. “Ako na! Ako ang guardian niya kaya ako ang mag-uuwi sa kaniya!”

Lalo namang nagwala si Azrielle na muling nagsimulang umiyak na nakakapit sa akin. Magsasalita pa sana ako ng kapuwa kaming matigilan dahil sa isang pamilyar na boses ng lalaki na kahit hindi ko lingunin ay kilala ko na.

“Azrielle!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Yza D. C
ay ano ba yannnn Penelope!
goodnovel comment avatar
BITUING GRACIA'S
kainis naman ang penelope na yan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 36

    Third Person's POV Ginugol ni Hera ang maghapon niya sa kwarto ng ama kasama ang anak na si Azi at kaibigan na si Vanessa. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kwarto sa pangunguna ni Vanessa pero sa kabila no'n ay hindi pa rin mapigilan ni Hera na maging balisa at isipin ang naging engkwentro sa kaniyang madrasta sa parking lot ng ospital. Nang tumawag na sa kaniya ang mother-in-law niya para sunduin si Azrielle ay doon lang sila nagpaalam sa kaniyang ama. Hindi pa nga sana gustong umalis ng anak niya pero ayaw rin naman nitong paghintayin ang kaniyang mommy-lola. "You again," si Serina kay Vanessa ng sunduin na nito ang apong si Azrielle. "Good evening din sa 'yo Mrs. Villaruel," ang malawak na ngiting bati naman ni Vanessa na ikinaismid ng babae bago bumaling kay Hera na tila disappointed na makitang ito ang kaibigan niya ang kasama nila buong maghapon. "Kanina ko pa dapat sinundo ang apo ko at baka kung ano na ang natutuhan sa kaibigan mo." Ambang sasagot sana si Hera pe

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 35

    35. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad bago malalim na bumuntong hininga para kahit paano ay maalis ang barang nararamdaman sa lalamunan dahil sa pagpigil sa naipon ko ng emosyon. Narinig ko naman ang marahang yabag na papalapit sa akin. Hindi agad ako bumaling sa kaniya dahil kino-compose ko pa ang sarili. “You can use this.” Napabaling ako sa panyo niyang nakalahad sa akin. Pilit ngumiti ako bago magtaas ng tingin kay Tristan. Tuluyan ng nagtagpo ang mga tingin namin at hindi ko alam kung bakit puno ng pag-aalala ang tingin niya. “Salamat, pero ayos na ako.” Marahan lang din siyang napangiti bago bawiin ang kamay na may hawak ng panyo. “Uhm… sorry, saktong kalalabas ko lang ng kotse ng—” “It’s fine. Public place naman ‘to. Ako nga dapat ang humihingi ng dispensa dahil sa nakita mo.” I smiled in disbelief. “Tingin ko dapat na akong mahiya na palagi mo akong nakikita sa ganitong sitwasyon—I mean na umiiyak.” “Wala namang dapat ikahiya sa pag-iyak. Kahit ako umii

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 34

    "Tita Daniela..." ang mahinang bulong ko sa sarili. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Alam na ba niyang nandito si Papa kaya siya nandito? Marahas akong napalunok habang mahigpit ang kapit sa kamay ni Azrielle na lito rin na tinitingnan ang babae sa harapan namin. "Do you know her Mommy?" si Azi dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni tita Daniela. "P-Pumasok na tayo." Agad akong humakbang para maglakad papasok sa ospital. Gusto ko ng makaalis doon at magpanggap na hindi siya kilala. "Mommy? Bakit mommy ang tawag sa 'yo ng batang kasama mo?" ang dinig kong pahabol na tanong niya sa akin. Nagtuloy-tuloy naman ako sa paglalakad na para bang walang narinig. "Mommy, she's talking to you." Maliit na ngumiti lang ako kay Azi dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang sitwasyon. "Hera! Bakit tinatalikuran mo na ako kinakausap pa kita. Ang tagal na rin nating hindi nagkita—Hera!" Napahinto ako sa paglalakad maging si Azi nang hablutin niya

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 33

    33. “I did not call you to hear other man’s name.”Mariin akong napapikit habang dinadaga ang dibdib. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.“Ngayon hindi mo na ako gustong makausap? Did I disappoint you dahil hindi ako ang inaasahan mong tumawag?” muling seryosong hirit nito na agad kong ikinasagot.“Sorry. I mean, hindi sa gano’n. Ang akala ko kasi…” Hindi ko matapos ang sasabihin ko nanatili namang saglit na tahimik si Sage sa kabilang linya bago magsalita muli na agad kong kinataranta.“Can we do a video call?”“Ha? Bakit–I mean, ngayon na?”“Of course.”Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at lalong nataranta dahil sa biglaan niyang pag-switch sa video call gayong hindi ako nakasuot ng disente ngayon. Naka-night spaghetti dress lang ako at walang suot na bra kahit na hindi naman niya ako makikita ng buo ay naiilang pa rin ako. “Ahem! Bakit biglang gusto mo ng video call?” ang naiilang na tanong ko matapos i-accept ang video call nito.Napataas ang isang kilay ni Sage na hindi ko m

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 32

    32.“Maybe, she's like that because Sage is not here to monitor her,” si Penelope. “I heard nga rin na wala ka rito sa nung inatake si Azi, buti na lang dumating si tita dito. Is that what a real mother do? Kasi kung, oo, kawawa nga ang mag-ama mo.”Napaigting ang panga ko dahil sa mga pinagsasabi ni Penelope. Pinipigilan ko ang sarili na sagutin siya dahil ayokong gumawa ng gulo at patulan siya sa harapan ni Azi at tita Serina.Imbis na balingan siya ay naglakad ako palapit kay tita para bumeso.“Hello po, tita. Thank you po pala sa paglabas kay Azi. Dito na rin po kayo mag-dinner, magluluto po ako.”Mataman niya akong tiningnan at ambang sasagot na sana nang kapwa kami mapabaling kina Azrielle dahil sa boses nito.“Hindi po kami kawawa ni Daddy because Mommy Hera always cooked delicious food for us! She love me and daddy so much, so, stop being mean to her, tita Pen, that’s bad!”Napaawang naman ang bibi ni Penelope sa pagkabigla. Tumingin pa siya sa gawi namin ni tita na tila ay na

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 31

    31.Gaya ng sinabi ni Sage ay umalis din siya nang sumunod na araw pagkatapos magising ni Azrielle. Medyo naging pahirapan pa nga ang pag-alis niya dahil hindi mapigilan ni Azi na umiyak mabuti na lang napatahan at nakumbinsi ko siya na babalik din agad ang ama kahit na halos isang buwan itong mawawala.Mas lalo kong naintindihan kung bakit nasasabi ni Sage na hindi niya maalagaan nang maayos ang anak niya dahil ilang beses din siyang halos wala sa mansyon kada taon. Naiintindihan ko rin ang marahil attachment issues ni Azi sa magulang niya at pananabik na mabigyan ng atensyon ng ama o kahit nung maging mommy na niya ako.Lalo akong nakumbinsi ng mga realizations na iyon na mag-resign na sa trabaho. Tutal ay para na rin namang trabaho ang pinirmahan kong kontrata kay Sage. Tingin ko rin ay ito ang mas makabubuti sa sitwasyon ko ngayon.“What? Nagpasa ka na ng resignation?” si Vanessa habang may fries pa sa bibig.“Yep. Magrerender na ako for a month or less, they are already finding s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status