LOGIN“Daddy!”
Tumakbo si Azi papalapit sa lalaking kararating lang. Sa itsura nito ay mukhang galing pa ito sa trabaho at dumeretso lang rito. Muntikan ko ng makalimutan na siya ang pinunta ko rito, pero ngayong nasa harapan ko na siya ay muli na naman akong nilalamon ng kaba. “Sage,” ang mahinhin na sambit ng babaeng ngayon ay abot-langit na ang ngiti. “Penelope,” ang banggit ng lalaki sa pangalan nito matapos buhatin si Azi. Dumako rin ang tingin niya sa akin na agad kong ikinaiwas. “Sa bahay ka na sana dumeretso. Sinusundo ko lang si Azi,” si Penelope. Halos mapairap ako dahil sa pagiging two faced niya pero dahil sa mariin na tingin sa akin ni Sage na tila nagtatanong ang mga mata ay pinigilan ko ang sarili. “You are here,” ang pagkausap sa akin ni Sage na ikinabaling ko sa kaniya. “Binili po ako ni teacher ng ice cream!” si Azi. “Ah! Yes, siya ang nakakita kay Azi. Sobrang thankful nga ako nung tumawag siya sa bahay. Sobrang nag-aalala talaga ako kanina,” ang madramang sabi ni Penelope na halos ikangiwi ko. Anong problema ng babaeng ‘to at biglang bait-baitan na ngayon? “Thank you… Miss Dela Merced.” Muling nagtagpo ang tingin naming dalawa. Bahagya akong ngumiti. “Nagkataon lang na nasa lugar ako. Pero, mauuna na rin ako tutal ay nandito na rin naman kayo.” “Ihahatid ka na namin,” ang agad na alok ni Sage na hindi bumibitiw sa pagkakatitig sa akin. Napaawang naman ang bibig ko bago maalala na siya nga pala ang pakay ko kaya ako nandito. “Yeah, we can drop you off,” pagsingit ni Penelope sa usapan. Binalingan naman siya ni Sage. “It's fine, Pen, kami na lang ni Azi ang maghahatid sa kaniya.” “But–” “Your Mom already called me. They're waiting for you.” Gusto pa sanang umangal ni Penelope pero sumuko na lang din siya. Sa sasakyan kami ni Sage sumakay, sa likod na kami pumwesto ni Azi na agad nakatulog dahil siguro sa sobrang pag-iyak kanina. Imbis din na ihatid na ako ay inaya pa muna ako ni Sage na maghapunan sa kanila na hindi ko naman tinanggihan dahil gusto ko rin siyang makausap. “What brings you here?” ang pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan namin sa loob ng sasakyan. Marahas akong napalunok para i-compose ang sarili. “Gusto kitang makausap,” ang deretso ko ng sabi. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula sa salamin. “Alam kong alam mo na kung bakit kita gustong makausap,” ang dugtong ko na saglit niya namang ikinatahimik “Sakto pala dahil gusto rin kitang makausap.” Ako naman ang napatingin sa kaniya. Gusto kong magtanong kung anong gusto niyang pag-usapan pero nakuha na ng malaking gate a harapan namin ang atensyon ko. Pagkapasok sa gate ay ang malawak na lupain at mala-mansyong bahay naman ang sumalubong sa amin. Nang huminto ang sasakyan ay kinuha sa akin ni Sage si Azi na tulog pa rin at saglit na nagpaalam para ibababa muna ang anak sa kuwarto nito. Habang okupado naman ang atensyon ko sa kalilibot ng tingin sa loob ng mansyon ng i-assist ako ng isang tauhan doon papunta sa dining area na halos malaki pa sa salas ng bahay namin. “Bakit hindi ka pa kumakain?” ang boses na iyon ni Sage ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nakabalik na siya at naupo sa katapat kong upuan. Ine-expect niya ba na kakain ako mag-isa pagkatapos niya akong ayain dito maghapunan? Lalo na at parang nasa last supper ako sa dami ng nakahaing pagkain at laki ng lamesa. “Bakit gusto mo akong makausap?” ang pag-iiba ko sa usapan bago ko pa iyon makalimutan dahil sa mukhang masasarap na pagkain na nakahain. “Eat first before I tell you.” “No,” agad kong angal. “Puwede bang pag-usapan na natin habang kumakain.” Saglit niya akong tiningnan bago bahagyang tumango habang nakangisi. “Kung ‘yan ang gusto mo,” ang sagot nito bago lagyan ng pagkain ang plato ko na saglit kong ikinatingin sa kaniya bago magpasalamat. “Pero bago ko sabihin ang pakay ko, sabihin mo muna ang iyo. What do you wish to discuss with me, Miss Dela Merced?” Napatikhim ako dahil sa pagtawag niya sa akin. “Hera na lang. You can call me Hera.” “Hera,” ang pag-ulit niya sa pangalan ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naramdaman ko ang paglakbay ng kilabot sa katawan ko. “You can call me Sage, then.” Marahan akong tumango bago muling tumikhim habang mariin ang tingin sa kaniya na tahimik lang na kumakain. “Narinig kong binayaran mo ang pagkakautang ko sa club,” ang panimula ko na saglit niyang ikinatigil. “Bakit? I mean, para saan? Hindi mo naman ako ganoon kakilala. Oo, may nangyari sa atin ng gabing ‘yon pero sapat na ba ‘yon para bayaran mo ang utang ko?” Ibinaba niya ang kubyertos at deretso akong tiningnan. “So, you remember?” Saglit akong natigilan. “That's not my point, Mr. Villaruel.” “Call me Sage,” ang pagtatama niya sa akin bago sumandal sa upuan. “At kung tinatanong mo kung bakit ginawa ko ‘yon. Hindi ko rin alam. Isipin na lang natin na paraan ko ‘yon para makabawi sa ‘yo sa pag-iwan mo sa akin sa club.” Hindi makapaniwalang napaawang ang labi ko. “So, you are doing this para makabawi sa akin? Para sa ‘yo na ako ngayon may utang?” “Not necessarily.” “You're unbelievable!” ang bulaslas ko. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” Saglit siyang natahimik at seryoso akong tinitigan. “I need your help, Hera.” Kumalabog ang dibdib ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila masama ang kutob ko sa susunod niyang sasabihin. “Ano namang tingin mo ang maitutulong ko sa ‘yo?” “I need you to be my son's mother.”Third Person's POV Ginugol ni Hera ang maghapon niya sa kwarto ng ama kasama ang anak na si Azi at kaibigan na si Vanessa. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kwarto sa pangunguna ni Vanessa pero sa kabila no'n ay hindi pa rin mapigilan ni Hera na maging balisa at isipin ang naging engkwentro sa kaniyang madrasta sa parking lot ng ospital. Nang tumawag na sa kaniya ang mother-in-law niya para sunduin si Azrielle ay doon lang sila nagpaalam sa kaniyang ama. Hindi pa nga sana gustong umalis ng anak niya pero ayaw rin naman nitong paghintayin ang kaniyang mommy-lola. "You again," si Serina kay Vanessa ng sunduin na nito ang apong si Azrielle. "Good evening din sa 'yo Mrs. Villaruel," ang malawak na ngiting bati naman ni Vanessa na ikinaismid ng babae bago bumaling kay Hera na tila disappointed na makitang ito ang kaibigan niya ang kasama nila buong maghapon. "Kanina ko pa dapat sinundo ang apo ko at baka kung ano na ang natutuhan sa kaibigan mo." Ambang sasagot sana si Hera pe
35. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad bago malalim na bumuntong hininga para kahit paano ay maalis ang barang nararamdaman sa lalamunan dahil sa pagpigil sa naipon ko ng emosyon. Narinig ko naman ang marahang yabag na papalapit sa akin. Hindi agad ako bumaling sa kaniya dahil kino-compose ko pa ang sarili. “You can use this.” Napabaling ako sa panyo niyang nakalahad sa akin. Pilit ngumiti ako bago magtaas ng tingin kay Tristan. Tuluyan ng nagtagpo ang mga tingin namin at hindi ko alam kung bakit puno ng pag-aalala ang tingin niya. “Salamat, pero ayos na ako.” Marahan lang din siyang napangiti bago bawiin ang kamay na may hawak ng panyo. “Uhm… sorry, saktong kalalabas ko lang ng kotse ng—” “It’s fine. Public place naman ‘to. Ako nga dapat ang humihingi ng dispensa dahil sa nakita mo.” I smiled in disbelief. “Tingin ko dapat na akong mahiya na palagi mo akong nakikita sa ganitong sitwasyon—I mean na umiiyak.” “Wala namang dapat ikahiya sa pag-iyak. Kahit ako umii
"Tita Daniela..." ang mahinang bulong ko sa sarili. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Alam na ba niyang nandito si Papa kaya siya nandito? Marahas akong napalunok habang mahigpit ang kapit sa kamay ni Azrielle na lito rin na tinitingnan ang babae sa harapan namin. "Do you know her Mommy?" si Azi dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni tita Daniela. "P-Pumasok na tayo." Agad akong humakbang para maglakad papasok sa ospital. Gusto ko ng makaalis doon at magpanggap na hindi siya kilala. "Mommy? Bakit mommy ang tawag sa 'yo ng batang kasama mo?" ang dinig kong pahabol na tanong niya sa akin. Nagtuloy-tuloy naman ako sa paglalakad na para bang walang narinig. "Mommy, she's talking to you." Maliit na ngumiti lang ako kay Azi dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang sitwasyon. "Hera! Bakit tinatalikuran mo na ako kinakausap pa kita. Ang tagal na rin nating hindi nagkita—Hera!" Napahinto ako sa paglalakad maging si Azi nang hablutin niya
33. “I did not call you to hear other man’s name.”Mariin akong napapikit habang dinadaga ang dibdib. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.“Ngayon hindi mo na ako gustong makausap? Did I disappoint you dahil hindi ako ang inaasahan mong tumawag?” muling seryosong hirit nito na agad kong ikinasagot.“Sorry. I mean, hindi sa gano’n. Ang akala ko kasi…” Hindi ko matapos ang sasabihin ko nanatili namang saglit na tahimik si Sage sa kabilang linya bago magsalita muli na agad kong kinataranta.“Can we do a video call?”“Ha? Bakit–I mean, ngayon na?”“Of course.”Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at lalong nataranta dahil sa biglaan niyang pag-switch sa video call gayong hindi ako nakasuot ng disente ngayon. Naka-night spaghetti dress lang ako at walang suot na bra kahit na hindi naman niya ako makikita ng buo ay naiilang pa rin ako. “Ahem! Bakit biglang gusto mo ng video call?” ang naiilang na tanong ko matapos i-accept ang video call nito.Napataas ang isang kilay ni Sage na hindi ko m
32.“Maybe, she's like that because Sage is not here to monitor her,” si Penelope. “I heard nga rin na wala ka rito sa nung inatake si Azi, buti na lang dumating si tita dito. Is that what a real mother do? Kasi kung, oo, kawawa nga ang mag-ama mo.”Napaigting ang panga ko dahil sa mga pinagsasabi ni Penelope. Pinipigilan ko ang sarili na sagutin siya dahil ayokong gumawa ng gulo at patulan siya sa harapan ni Azi at tita Serina.Imbis na balingan siya ay naglakad ako palapit kay tita para bumeso.“Hello po, tita. Thank you po pala sa paglabas kay Azi. Dito na rin po kayo mag-dinner, magluluto po ako.”Mataman niya akong tiningnan at ambang sasagot na sana nang kapwa kami mapabaling kina Azrielle dahil sa boses nito.“Hindi po kami kawawa ni Daddy because Mommy Hera always cooked delicious food for us! She love me and daddy so much, so, stop being mean to her, tita Pen, that’s bad!”Napaawang naman ang bibi ni Penelope sa pagkabigla. Tumingin pa siya sa gawi namin ni tita na tila ay na
31.Gaya ng sinabi ni Sage ay umalis din siya nang sumunod na araw pagkatapos magising ni Azrielle. Medyo naging pahirapan pa nga ang pag-alis niya dahil hindi mapigilan ni Azi na umiyak mabuti na lang napatahan at nakumbinsi ko siya na babalik din agad ang ama kahit na halos isang buwan itong mawawala.Mas lalo kong naintindihan kung bakit nasasabi ni Sage na hindi niya maalagaan nang maayos ang anak niya dahil ilang beses din siyang halos wala sa mansyon kada taon. Naiintindihan ko rin ang marahil attachment issues ni Azi sa magulang niya at pananabik na mabigyan ng atensyon ng ama o kahit nung maging mommy na niya ako.Lalo akong nakumbinsi ng mga realizations na iyon na mag-resign na sa trabaho. Tutal ay para na rin namang trabaho ang pinirmahan kong kontrata kay Sage. Tingin ko rin ay ito ang mas makabubuti sa sitwasyon ko ngayon.“What? Nagpasa ka na ng resignation?” si Vanessa habang may fries pa sa bibig.“Yep. Magrerender na ako for a month or less, they are already finding s







