ALIYAH Mabilis tumahimik ang paligid nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan ni Sir Caleb. Alas siete na ng gabi ngayon, mula kaninang tanghali ay magkasama na kami. Akala ko ay dito siya matutulog ngayong gabi, pero may emergency sa kumpanya nila kaya kinailangan niyang magpunta roon ngayon. Baka raw sa mansyon na lang siya matulog dahil ang bilin niya sa akin ay magpahinga lang daw ako rito, ayaw niya raw na kapag umuwi siya ng madaling araw ay madistorbo niya ang tulog ko. Sa akin ay okay lang naman kung maputol ang tulog ko mamaya, at least siya ang makasasama ko. Kaso hindi ko na rin siya pinigilan sa nais niya dahil ayoko nang mas sanayin ang sarili ko na palagi nang ganito ang lahat sa amin ni Sir Caleb. Masaya na akong pinahahalagahan niya na ako bilang babae— hindi lang bilang babae niya. Kaya kahit walang katiyakan kung ano ba talaga kami sa isa’t isa ay okay ako, basta sa mga sandaling ito ay masaya na akong malaman na hindi siya galit sa akin. Nang masiguradong n
ALIYAH Tahimik ang buong paligid na aking nadaraanan papuntang karinderya, naglalakad lang ako dahil maaga pa naman. Six o’clock pa lamang ng umaga, ngayon ang araw na naisipan kong bumalik sa trabaho. Medyo humupa na naman ang pagkalat ng pangalan ko sa publiko, e. Kumpara noong unang mga linggo ay mas hindi ko na nakikita ang pangalan ko sa mga TV station, kaya nang mapapayag ko si Sir Caleb na bumalik na ako sa normal kong buhay bilang empleyado ni Ma’am Lucy ay narito na ako naglalakad. Aminado akong nag-aalangan pa rin. Kahapon ko pa tinitext si Jacob para magtanong kung good mood ba si Madam na makausap ko ngayon, kaso wala akong nakuhang sagot sa kaniya, e. Kaya ngayon na wala akong kasiguraduhan kung may trabaho pa akong babalikan ay nandito pa rin ako at susubok. Saka nakamimiss din maging tauhan ni Ma’am Lucy, no. Kahit si Jacob lang ang maituturing kong kaibigan sa trabaho ay komportable na rin naman ako sa pagsusungit sa akin nila Lebby kung minsan. Wala na naman akong
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang