Share

Chapter Twenty-Five: Dinner Time

ALIYAH

Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko.

Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal.

Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status