Share

Kabanata 18

Hindi mapakali si Colton Mijares sa kan’yang condo. Kanina pa siya aligaga dahil ngayon ang ikalawang araw buhat nang magpakuha sila ng DNA test ni Cole. Ngayon ang nakatakda na araw ng paglalabas ng resulta ng paternity test nila.

Hinihintay niya ang pagdating ni Miguel na siyang kumuha ng resulta. Nakakailang tawag na siya sa kaibigan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag kaya’t lalo siya na kinakabahan.

Kahit alam niya sa kaibuturan ng puso niya na anak niya si Cole ay gusto niya pa rin na makita ito na nakasulat sa dokumento. Gusto niya na may patunay siya na siya mismo ang ama ng bata.

Muli siya na napasulyap sa bata na ngayon ay mahimbing na naman ang tulog. Kahit nasa may sala lamang at sa couch lang nakahiga ay mukhang sarap na sarap ang tulog ng kan'yang anak.

“Konting sandali na lamang, Cole. But I know deep down that you are mine. You are my son.” Masuyo pa na hinaplos ni Colton ang ulo ng anak.

Kahit na naging mahirap ang mga nagdaan na araw buhat nang malaman niya ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status