Share

Kabanata 32.1

Hindi alam ni Prinsipe Aldrick kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga naging pasabog ng ina. Sa lahat ng puwede na sumambulat sa kan'ya, iyon pang lubos na hindi niya inaasahan.

Kapatid niya si Colton Mijares. Kapatid niya ang lalaki sa ina. Hindi niya alam kung paano nangyari ang mga bagay na iyon. Ang sabi lamang ng kan’yang ina ay malalaman niya ang buong katotohanan sa muli na pagbabalik nila sa Pilipinas.

Ngayon ay naiintindihan na ni Aldrick ang dahilan sa matindi na kagustuhan ng ina na makauwi siya rito. Tama nga ang kan'yang ina, ang bagay na isasambulat niya ay hindi basta-basta na puwede lamang na idaan sa telepono.

Gusto maawa ni Aldrick sa ina dahil sa nakikita niya ang sakit at pighati na nararamdaman nito. Gusto niya na damayan ang reyna sa paghihirap ng puso nito sa mga katotohanan na itinago at ngayon ay lumalabas.

Pero paano niya iyon gagawin? Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa pagkakataon na ito. Hindi niya alam kung paano rin tatanggap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status