MasukHindi gumalaw si Cindy sa kinatatayuan at nanatiling nakatitig kay Casper, malalim ang kanyang iniisip kung papaano ba kunin ang loob ng lalaki. Ayaw niyang tantanan ito kung aagawin man lang din siya ng kanyang ibang kapatid.
Sa labis niyang pagtitig, hindi niya namalayan na nakalapit ulit si Casper at tinapik nito ang kanyang noo para magising siya sa reyalidad.
“At kailan ka pa naging bossing dito para pangunahan mo ako sa gagawin ko??” Tanong ni Casper.
Hindi agad nakasagot si Cindy, nag-iisip pa ng palusot. “N-ngayon lang naman.”
Napailing si Casper at nilampasan siya habang inaayos ang necktie. “Umalis ka na may meeting pa ako.” Pangtataboy niya.
***
Makalipas ang kalahating oras, pumasok si Casper sa conference room at napansin niya ang mga bulung-bulungan sa paligid.
Narinig pa niya ang isang empleyado na bulong-bulong, “Si CEO Graham may girlfriend na! At hindi lang basta-basta—si Cindy Mendez pa mismo! Ang reyna ng showbiz!”
****
Samantala, sa ibang lugar.
“Nasaan si Damien?” Inis na tanong ni Cindy.
“Nasa Amerika na ‘yun.”
“Ibigay mo sa’kin ang address niya. Hindi pa ako tapos maghiganti.”
Napabuntong-hininga ang kaibigan niyang si Maricel. “Ang dapat mong asikasuhin ngayon ay ang mana ng tatay mo, hindi ang pakikipagtalo sa isang bobong katulad ni Damien Legaspi.”
“Maricel, hindi ko papalampasin ang ginawa niya. Ginawa niya akong katatawanan!” Nanginig sa galit si Cindy sa tuwing naaalala ito.
“At anong plano mo ngayon??” Tanong pa ng kaibigan.
“Gusto kong uminom.” Walang ganang sagot ni Cindy.
Nanlaki ang mata ni Maricel, “Na naman?? Wala ka na ba talagang ibang balak gawin kung hindi mag-inom?? Tapos magigising ka na naman sa piling ng ex-boyfriend mo? Mygosh, Cindy!”
Napatigil si Cindy at natakot na mangyari ulit ‘yun. “Alam mo, mas okay na lang yatang umuwi nalang.”
***
Pag-uwi sa mansyon, katatapos lang maligo ni Cindy nang tumawag ang inang si Francesca.
“Kumusta usapan niyo ni Casper?”
“Ewan. Hindi ko siya makausap ng matino.”
“Cindy, gawin mo ang lahat! Kung ayaw mong pulutin nalang tayo sa basurahan. Unahan mo na si Derek o baka mauna niyang kunin ang loob ni Casper.”
Napahinga nang malalim si Cindy. “Hindi mo alam kung gaano kahirap kausap ang lalaking ‘yon.”
“Kung hindi mo siya kayang harap-harapan, landiin mo nalang.”
Namilog ang mga mata ni Cindy. “No way! Mommy, malandi ako pero hindi ko kayang gawin sa lalaking tulad ni Casper na alagad ni Taning!”
Sandaling natahimik si Francesca. “Huwag kang mag-inarte, kung paiiralin mo ang pride mo, papaano nalang ang yaman ng ama mo??”
Napabuntong-hininga si Cindy sa hindi mabilang na beses. “Mom, hindi pa patay si Dad pero bakit lahat kayo natataranta na sa maiiwan niyang yaman??”
***
Kinabukasan. Habang tinitingnan ni Cindy ang kanyang social circle, nakita niyang may bagong update ang mga kaibigan niyang kilalang mayayaman. Ito ang mabilis na source ng chismis at impormasyon. Makalipas ang ilang minuto, dumating siya sa isang high-end golf course, at nakasuot ng sumbrero.
Sa gilid ng golf course, nakatayo si Marcus, pinapanood si Casper na nagpapraktis. Ang bawat palo nito sa bola ay eksakto, walang sablay.
“Kalat na kalat na sa social media na may ‘something’ kayo ni Cindy Mendez,” komento ni Marcus.
Tumigil saglit si Casper. “Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘may something’?”
“Ibig sabihin, dati kayong magka-relasyon.”
Matagal nang magkaibigan sina Casper at Marcus. Hindi na nila kailangang mag-usap nang matagal para basahin ang iniisip ng isa’t isa. Si Casper, isang lalaking laging tahimik at hindi nagpapakita ng emosyon, ay bihirang magtapat ng nararamdaman.
Kaya nang hindi ito sumagot, umiling si Marcus. “Bakit si Cindy Mendez pa? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, siya pa talaga ang pinili mo? Eh, sobrang ma-issue ng artistang ‘yun.”
Ngumisi si Casper at muling pumalo ng bola. Pasok na naman. “I can't explain it, Marcus. Pero siya ang naghahabol sa’kin. Maganda nga kaso timang.”
Matagal na nilang alam kung gaano kagaling si Cindy. Matalino, maganda, mataas ang EQ, mahusay makitungo sa tao, at minana ang pagiging tuso ng ama nito.
“Yeah, she’s indeed great pero I can’t handle her attitude. She’s so fake”
“Tsk, ako ma-attitude at fake??”
Natigilan ang dalawang lalaki at napalingon. Nakita nila ang seksing babae na naka-baseball cap at nakapameywang na tumingin sa kanila.
“Speaking of the devil.” Ani ni Casper at pinunasan ang pawis sa noo. “At pati rito, sinusundan mo ako? Cindy, pwede na kitang gawing aso ko.”
Pagkarinig nito, natawa nang malakas si Marcus at sinamaan siya ng tingin ni Cindy.
“At nagsama na naman ang dalawang kupal.”
Kasabay nito, nagitla si Marcus sa tinawag nito, “Anong sabi ni Cindy??” Inis niyang tanong.
“Bingi ka ba?? Isa ka ring kupal!”
Sandali siyang nag-isip kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya inasahan na maririnig niya ang ganitong kabastus magsalita si Cindy na kilalang anghel sa mundo ng showbiz.
“And oh, hindi ako naparito para sundan ka Casper, hindi mo naman pag-aari ‘tong lugar.”
“Talaga? Oh, baka hinahanap mo na naman ako at gusto mong lasingin ako ulit.” Hambog na sabi ni Casper.
Natawa ng sarkastiko si Cindy tsaka tiningnan siya ng nakakaloko, “Anong hahanapin ko eh parang hindi nga ako na-sartisfy sa kama.”
Matapos niyang sabihin ‘yun, agad na ibinato ni Casper ang golf stick sa tabi at agad na sinugod si Cindy at hinila ang braso nito at isinandal sa malapit na pader.
“Ulitin mo ang sinabi mo?” bulong niya, malalim ang boses.
Kumislot ang labi ni Cindy at iniling ang ulo. “Ano nga ulit ‘yung sinabi ko?”
“Cindy…” anas ni Casper, nagpipigil ng inis.
“Hmm?”
Ibinaba bigla ni Cindy ang kamay niya sa bewang ni Casper, dahan-dahang hinimas ito at sinimulang ipasok ang kamay sa loob ng pantalon nito—pero bago pa niya magawa, mabilis itong hinawakan ni Casper, pinipigilan siya.
Napatingin si Cindy sa mukha nito. Hindi pantay ang paghinga ni Casper, parang pinipilit pigilan ang sarili.
Kahit walang makeup, hindi maikakaila ang kagandahan ni Cindy Mendez. Ang simpleng ganda niya ay mas lalo pang nagpapatingkad sa alindog niya.
Isang tingin pa lang, matutukso na ang kalalakihan.
Dumausdos ang isa pang kamay ni Cindy, hinaplos ang leeg ni Casper, dumaan sa Adam’s apple nito, saka siya ngumiti nang matamis. “Attorney. Graham, gusto ko ng lalaking magaling—”
Bigla siyang lumapit sa tenga ni Casper at bumulong, “—sa kama.”
Hindi naman makapaniwala si Marcus sa nasaksihan niya. Siya ba talaga si Cindy Mendez?
“Ano, aalis na ba ako?” tanong ni Cindy, nag-aabang ng sagot.
Narinig niya ang sarkastikong boses ni Marcus at hindi ito nagustuhan. “Cindy, kung tinawag mo akong kupal, ikaw naman pala itong malandi.”
Tinapunan siya ng tingin ni Cindy at pinandilatan, “Huwag ka ngang makisali, Marcus.”
Napangiwi si Marcus. “Ikaw ‘tong nakikisali sa usapan ng iba.”
Samantala, patuloy ang mahigpit na hawak ni Casper sa bewang ni Cindy, tila nais siyang durugin. “Akala mo ba, makukuha mo ang tulong ko sa kaso mo sa ganitong paraan?”
“Sinusubukan ko naman, hindi ba?” bulong ni Cindy, nakangiti. “Kung hindi mo gusto ang ganitong paraan, puwede akong gumamit ng iba.”
“Ano pa ang ibang paraan? Gusto kong makita.” Dumilim ang tingin ni Casper. “Marunong ka bang sumayaw, Miss Mendez?”
Muling nagbalik ang afternoon coffee service ni Cindy matapos itong matigil nang halos kalahating buwan. Para sa mga tao sa law firm, para silang highschool sweethearts, pero wala silang kaalam-alam na tinatapon ni Casper ang kape o binigay kay Secretary Mark o kay Lyle. Natatakot kasi siya na baka may lason ito, o hindi gayuma.Pagbalik ni Casper sa opisina, gaya ng inaasahan, nadatnan niya roon si Cindy."Hindi ka pa rin sumusuko?"Nagsusulat si Cindy sa isang A4 na papel. Nang marinig ang sinabi ni Casper, ngumiti siya at sumagot, "Huwag mo akong galitin."Sinulyapan siya ni Attorney Graham at nagtanong, "Ano ang sinusulat mo?""May partnership kami sa isang brand at plano naming mag-organize ng group buy para sa mga babaeng abogado dito sa law firm ninyo.""Sayang at hindi naging purchasing agent si Miss Cindy.""Kung para lang kay Attorney Graham, handa akong gawin."Mahilig si Cindy magsalita ng kung anu-ano. Pagkatapos niyang magsulat, ibinaba niya ang ballpen ni Casper sa mes
Bumalik naman si Cindy sa variety show kung saan ginanap sa malaking club ni Marcus. Noong nakaraan ay nakipag-boxing pa siya sa isang lalaki na agad niyang ipinatumba kaya siya nag-viral.Pero iba ang twist ngayon. Pagkabukas ng blind box, may kalahating oras ang lahat para humanap ng mentor at matuto."Simulan na ang bunutan.""Si Cindy na ang mauna! Bagong balik lang siya mula sa injury, kaya siya nalang," sabi ng katunggali niyang si Katie, sabay atras nang may tusong ngiti. Hindi siya tanga. Kung sino ang unang bubunot, parang ipinapadala na rin agad para maging test subject."Wow, Katie, ang bait mo naman. Naiiyak ako sa tuwa, gusto ko tuloy maging stepmother ka," biro ni Cindy na kunwari’y sobra ang pasasalamat, may luha pa sa mata nang tumingin kay Katie.Ang galing ng acting—sobrang totoo ang dating.Napangiwi si Katie. Ang plastik na bulaklak na ‘to, sobrang galing magpanggap."Miss Cindy, anong brand ng plastic bag gamit mo? Ang dami nitong laman.""Maski plastic bag, hindi
"Anong nangyari sa mukha mo, Ate Cindy? Para kang sinampal ng pitong demonyo," biro ni Summer nang lumabas siya mula sa kusina, may dalang prutas.Nakita niya si Cindy na nakaupo sa harap ng floor-to-ceiling window, pulang-pula ang pisngi."Anong tinitingnan mo d'yan?!" singhal ni Cindy.Umubo si Summer sabay abot ng prutas. "Ate, ano ba sinabi ni Attorney Graham sa’yo? Namula pati tenga mo, baka hinalikan ka na naman."Naiinis pa si Cindy sa kanya dahil binuko pa siyang gustong putulin ang ari ni Casper. Hinampas niya ang sarili niyang ulo at tiningnan si Summer nang masama."Sabi ko bantayan mo si Marina! Ano na ang balita?""May nakilala siyang ilang tao kahapon, pero hindi sila kapatid mo," sagot ni Summer.Ayaw na ayaw na ni Cindy marinig ang salitang kapatid. Dahil sa kanila, nagkagulo ang buhay niya at ilang beses na rin siyang muntik mawalan ng hininga. Tigok na sana ang matandang ‘yon ng sampung libong beses."Sino sila?""Mga barkadang hindi maganda ang reputasyon," tugon ni
Pagkatapos magsalita ni Cindy nang buong kumpiyansa, nagsimulang gumulong sa sahig ang mga tao at nagmakaawa.Mabilis na tumingin si Cindy kay Casper. Itinaas ni Casper ang mga mata niya."Tama ang sinabi niya, Ma’am. Hindi iniutos ni Sir Derek na saktan ka namin. Ang bilin lang niya ay bantayan kung sino ang nakakasalamuha mo at alamin kung saan mo itinago ang matanda. Wala nang iba pa.""Magaling ka ring magsalita," malamig na sagot ni Casper bago tumingin kay Secretary Mark at utusang paalisin ang mga tao.Sandaling natahimik ang sala ng villa. Nakatayo si Casper sa harap ni Cindy, isang kamay sa bulsa, nakayuko habang tinititigan siya."Kamusta ang paa mo?""Kung talagang gusto mong malaman, Attorney Graham, yumuko ka at tingnan mo," sagot ni Cindy. Hindi niya tatanggapin ang pagpapaalala lang; dapat ay lumuhod siya sa harap niya."Gusto mo ba akong dilaan?" tugon ni Casper na may mapanuksong ngiti.Nang bahagyang itaas ni Cindy ang balakang, alam na agad ni Casper na may balak it
Nang marinig ni Casper ang apelyidong na Mendez, kusa niyang naisip na si Cindy iyon.Ngunit nang lumapit ang tao, doon lang niya napagtanto na si Derek Mendez pala."Boss Mendez, ano ito?""Narito ako para makipag-usap tungkol sa kooperasyon kay Attorney Graham," nakasandal si Derek sa upuan at tinitigan siya nang may kumpiyansa.Bahagyang tumaas ang kilay ni Casper, at hindi na nagpaligoy-ligoy si Derek. Inilapag niya ang cellphone sa harapan ni Casper. Ang unang headline sa internet ay tungkol sa mainit na balita: “Si Cindy Mendez, nahuling may kasamang boyfriend sa kanyang pribadong tirahan kagabi.”"Hindi ba’t naputol na ang negosasyon mo at ni Cindy?""Pagod na makisama sa isang maselang dalaga na tulad ni Cindy. Kung ipipilit mo na kumuha ng kliyente, maaari ba akong isaalang-alang?""Nang kinuha mo Attorney Graham ang kaso ni Cindy, kailangan niyang makipag-ayos hindi lang sa pera kundi pati sa relasyon. Pero noong kinuha niya ang kaso ko, diretsuhan lang tayo, pera lang ang u
"Parang sabi sa internet, magaling daw siyang mag-deliver ng linya. Hindi man lang humihinga kapag mahahaba ang monologue niya.""Doc, sino ba yung lalaking yon kanina? Ang gwapo niya, di ba? At sobrang maginoo pa." tanong ng isang nurse.Dumating si Maricel nang marinig ang balita at nagmamadali papunta sa ospital para tingnan ang kaibigan."Cindy!" sigaw niya paglapit."Hoy, babae! Nasugatan ka ba?" dali-dali niyang sinuri si Cindy. Nakita ni Casper ang pagkabalisa ni Maricel at naglabas lang ng isang salita: "Paa."Huminga nang maluwag si Maricel. "Buti na lang hindi sa mukha. Kung pati mukha mo nasira, hindi ka na makaka-shooting at baka pati pagkain hindi mo na kayang bilhin."Inismaran siya ni Cindy. "Hay, salamat nalang at niligtas ka ni Attorney Graham."Nang marinig ni Cindy ang pasasalamat ni Maricel kay Casper, itinuro niya ito gamit ang natitirang lakas. Matagal siyang nanginginig. Bigla na lang bumagsak ang kamay niya at nawalan ng malay."Doc..." bulong ng isa.***Gabi







