Nasa loob ng opisina si Casper kung saan nakaupo siya sa swivel chair habang pinapanood ang tanawin sa labas ng glass wall. Mula sa top floor araw-araw niyang nakikita ang galaw ng mundo. Kung papaano ma-stuck sa traffic ang mga sasakyan sa kalsada, ang lumilipad na eroplano sa himpapawid at ang bundok na kung saan nagtatago ang araw sa pagsapit ng hapon.
Sa sobrang ganda ng building niya, minsan may mga producer ang gusting magshooting dito pero dahil mahal ang presyong hinihingi ni Casper, hindi nalang nila itinutuloy.
Narinig naman ni Casper ang tunog ng takong mula sa likuran at iginulong niya ang swivel niya paharap at nasurpresa siya na makita ang babaeng nakasuot ng itim na fitted dress.
Namangha siya sa paraan ng pananamit nito na halatang sosyalin at makikita ang maganda at inosente niyang mukha na kumuha ng maraming atensyon sa industriya ng pag-arte.
“What are you doing here, Cindy Mendez??”
“I need some help.” Malamig na sabi ni Cindy.
Tumaas ang kilay ni Casper habang itinatabi ang kanyang baso ng kape, “Hmm, sabi ko na nga ba. Kawawa ka naman.”
“Magbabayad naman ako huwag kang mag-alala.” Taas noo siyang tiningnan ni Cindy.
“Talaga? Sigurado kang kaya mong magbayad ng malaking halaga bawat oras?” Panghahamon pa ni Casper.
Alam naman ni Cindy na mahal ang hinihingi ng lalaking ito. ‘Hindi lang pala siya kupal, gahaman pa.” Isip niya.
“Kung iniisip mong gahaman ako Cindy, then maghanap ka ng cheap na abogado.” Aniya.
Nagitla si Cindy kung papaano nito nagagawang mabasa ang kanyang iniisip.
“Casper, seryoso ako. Tanngapin mo ang alok ko.”
Minasahe ni Casper ang baba tsaka umiling, “Sorry but no.”
Napalunok ng laway si Cindy, alam niyang magmamatigas ito. “At bakit??”
“Baka mamaya katawan mo lang ang ibayad mo sa’kin.” Sarkastiko niya pang sabi.
Hindi kinaya ni Cindy ang pasmadong bibig nito, kung pwede niya lang itong suntukin, gagawin niya pero kinalma niya ang sarili. “Casper, parang wala naman tayong pinagsamahan. Ba’t sobrang lupit mo sa’kin. Hindi ko nga sinadya na mangyari ‘yun sa’tin.”
Sumandal si Casper sa kinauupuan at pinaglalaruan ang hawak na ballpen, “Cindy, hindi mo ako maloloko. Matapos mo akong gamitin kagabi, gagamitin mo naman ako para sa sarili mong interes. Hindi mo ako madadala sa pag-arte mo.”
Konti nalang ay mauubusan na ng pasensya si Cindy, sinusubukan talaga siya ng lalaki. “Masama ang ugali ko Casper pero hindi naman ako ganoon na manggagamit ng tao. At hindi ako umaarte, kailangan ko ng tulong mo.”
Natawa bigla si Casper sa inisip at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa, “Kung desperado ka, maghubad ka nga tulad ng ginagawa mo sa palabas.”
Matapos niya ‘yung sabihin, umusok na ang ilong ni Cindy sa galit at deretso niyang kinuha ang baso ng kape at sinaboy sa suot nitong putting polo.
“How dare you!” Sigaw niya.
Napatayo naman si Casper dahil mainit pa ang kape at agad niyang hinubad ang polo.
“Cindy!”
Namula ang mukha ni Casper sa galit at bago pa siya makakilos, agad na tumakas si Cindy.
Kaso hindi mabuksan ni Cindy ang pinto dahil automatic itong lock kaya nag-panic na siya ngayon.
Sa isang iglap, hinila siya ni Casper papalapit sa bisig nito at napalunok siyang makita ang maganda nitong pangangatawan. Para siyang nanghina sa kung gaano kalapit ang kanilang katawan,
“Ang lakas ng loob mong sabuyan ako ng kape.” Mahinang usak ni Casper. Matalim ang titig nito na para siyang kakainin ng buo.
Nanginig naman si Cindy na hindi alam kung anong sasabihin. Maling-mali ang ginawa niyang pag-atake at nakalimutan niyang salbahe itong si Casper at maari siya nitong ipakatay kung gugustuhin niya man.
Biglang naalala ni Cindy ang mga naririnig niyang balita na may mga taong nasangkot sa mga kasong hinawakan ni Casper at ang ilan sa mga ‘yun ay nabalitaang hindi na muling nakita, ang iba ay natagpuang walang buhay.
Habang pinagmamasdan ni Cindy ang mukha nito, alam niyang hindi ito ganoon kasama tulad ng iniisip niya, ramdam niya ‘yun pero hindi na rin siya sigurado dahil hindi niya na ito lubusang kilala.
“I-I’m sorry..” Mahinang sambit ni Cindy.
Nanatiling seryoso ang mukha ni Casper at hinigpitan nito ang hawak sa kanyang beywang, “Anong gusto mo? Ulitin ko ang nangyari kagabi, hmm??”
Namutla si Cindy, “H-hindi!” Agad siyang tumanggi.
Inalis niya rin ang pagkakahawak nito at inayos ang suot na damit. Napabuntong-hininga siya at sinapo ang mukha habang napapaisip kung sino pa ba ang maari niyang lapitan dahil walang balak si Casper na tulungan siya,
“Casper, kung ayaw mong tanggapin ang kaso ko, then don’t! Hindi naman kita pinipilit. Makakahanap pa naman ako ng ibang magaling na abogado. Baka inaakala mong nag-iisa ka lang. Tsaka huwag kang mag-alala, bibilhan kita ng bagong polo bilang kabayaran sa nagawa ko kanina.” Bakas ang pagka-plastik sa kanyang boses.
Nagsalubong ang mga kilay ni Casper, "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" malamig na tanong ni Casper.
"Marami akong pera. Sa tingin mo ba hindi ako makakahanap ng matinong abogado?"
"Talaga?" Nagliwanag ang kanyang tingin, ngunit hindi ito nangahulugan ng kasiyahan.
"Oo, at hindi ko man lang ipapakain sa’yo ang pera ko," ganting sagot ni Cindy, nakataas ang kilay.
Ngumisi si Casper, ngunit may kasamang bahid ng panunuya. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at pinunasan ang bahid ng kape sa leeg niya, tila hindi apektado sa nangyari.
"Gusto mo bang itaboy na kita palabas?"
Kumunot ang noo ni Cindy. Mas mabuti na ngang umalis siya para hindi na gumastos pa.
Pagbukas niya ng pinto, kasabay naman nitong pagbukas ay ang pagdating ng assistant ni Casper na si Lyle. Halata ang gulat sa mukha ng binata nang makita ang amo na walang suot na pang-itaas at kasama pa ang isang babaeng namumukhaan niya sa napapanood na drama sa telebisyon.
"Sir Graham, may gustong makipagkita sa inyo. Si Mr. Derek Mendez."
Napanganga si Cindy. Si Derek ay ang kanyang step-brother mula sa ibang asawa ng kanyang ama. At alam niyang hindi maganda ito kung makuha nito si Casper bilang abogado, tiyak na talo siya.
Kung sakaling manalo sila, makokontrol nila ang yaman ng ama at kaunting porsyento lang ang mapupunta sa kanya. Siya at ng ina niya ang kawawa tsaka pangatlong pamilya lang din sila ng ama, pero sila ang nanatili sa tabi nito kaya ipaglalaban niya ang para sa kanila.
Bago pa makasagot si Casper sa secretary, biglang sumabat si Cindy. “Hindi! Huwag mo siyang papasukin!” Pigil niya tsaka agad na hinarangan ang pinto.
Nagkatinginan ang assistant at si Casper.
Napakamot ang assistant, tila hindi alam kung ano ang sasabihin. "Uh… Sir Graham—"
"Hindi ka ba nakikinig?? Sabi ko huwag mo siyang papasukin!” Dikta pa ni Cindy.
Natakot ang assistant nang padabog siya nitong sinarhan ng pinto kaya wala itong nagawa.
Pagharap niya, nakita niya si Casper, nakatayo sa harap ng aparador, tahimik siyang pinapanood. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang bagong polo, habang inaayos niya ang manggas nito.
Kitang-kita ang mapanuyang ngiti sa mukha niya.
"Ano hindi ka ba aalis at papanoorin lang ako dito?" tanong niya na puno ng pang-aasar.
“Tyler...” sigaw ni Casper sa galit, na agad na nakatawag pansin sa mga pulis na kasama niya.Nang makita ni Tyler at ng kanyang mga tauhan na paparating na si Casper, agad niyang inalis ang suot niyang coat at ibinalot ito kay Cindy na nanginginig sa takot.Upang hindi siya mapahiya sa harap ng publiko. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, baka nambola pa si Cindy kay Casper. Pero ngayon, tulala at natakot siya kay Casper.Bumagsak ang baston, at bigla na lamang lumabas ang dugo mula sa balikat ng lalaki.Sa isang iglap, bumagsak ang baston na may bilis, bangis, at walang pag-aatubili, na parang hindi binibigyan ng pagkakataon ang sinuman na lumaban.Ito ba talaga ang lalaking sinasabi ng iba? Ang lalaking kayang gumawa ng kabutihan at kasamaan?Isang abogado na gamit ang katalinuhan ay paulit-ulit na sinusubok ang hangganan ng batas?Ganito ba talaga nabuo ang pagkatao ni Casper Graham?“Lintik!” sigaw ni Tyler nang makita ang lalaking halos hindi na gumagalaw sa sahig.“Casper,
Akala ng mga tao sa labas ay matinong abogado si Casper, pero sa mga nakakakilala sa kanya, alam nilang isa siyang tuso at delikadong tao. Sa bakuran ng isang abandonadong pabrika, isang balde ng tubig ang ibinuhos sa katawan ni Cindy Mendez para siya’y magising.Nagising siyang inuubo, luminga-linga sa paligid at sa isip ay minumura si Casper at ang buong pamilya nito.Kung hindi lang sana siya pinatulan ng gagong si Casper, hindi sana siya nainis at napilitang maglakad-lakad, tapos bigla na lang siyang dinukot?"Uy, gising na siya?" sabi ng dalawang manyakis na nakaupo sa tapat ni Cindy habang halos tumulo ang laway sa pagkakatitig sa mapuputi niyang hita."Ano bang gusto niyong mangyari?""Kinidnap ka namin para sa pera, pero ngayon... gusto pa namin ng dagdag," sabay turo ng isa sa kanyang dibdib.Napatingin si Cindy sa suot niyang V-neck. Kasalanan talaga 'yon ng matandang gagong si Casper. Kung hindi niya lang sana balak akitin ito, hindi sana siya nagsuot ng damit na halos kita
Maririnig ang malakas na ubo ni Cindy Mendez sa ilalim ng parking lot. Hayop talaga si Casper. Sinakal pa siya gamit ang sigarilyo.Hawak ni Cindy ang dibdib niya, sabay turo kay Casper habang matagal siyang umuubo, hindi makapagsalita.“Casper... tarantado ka! Papatayin mo ba ako sa asthma...”Umurong ng isang hakbang si Casper habang hawak-hawak pa rin ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya, maayos ang itsura habang pinapanood si Cindy na halos hindi na makatayo sa pag-ubo.Para bang isang diyos na nakatingin sa isang taong nasa bingit ng kamatayan.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng matalik niyang kaibigan, “Ano bang nagustuhan mo sa kapitalistang galing sa maliit na pamilya?”“Hitsura ba? O katawan?”“Sa mga tulad ni Casper, hindi kayang buuin ng pera ang kaluluwa niya. Sa halip, mas lalo lang siyang nagiging tuso at masama.”“Cindy, kung ako sayo umatras ka na habang may oras pa.”Pinunasan ni Cindy ang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. “Umatras nga ako dahil a
Ang dahilan kung bakit narito ngayon si Casper ay dahil may usapan sila ni Derek. Pero malinaw na hindi matutuloy ang usapan ngayon."Hoy, tara na! Pasabay naman...""Cindy..." Papasakay na sana si Cindy sa sasakyan ni Casper. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat pero hindi pa siya nakakapasok.Isang babaeng nakapula ang dahan-dahang lumapit sa may elevator. "Itinago mo ba ang tatay mo?""Oh, Jessica, dapat may ebidensya ka bago ka magsalita! Hindi ba’t paninirang-puri na ‘yan?" Umayos ng tayo si Cindy at ngumiti nang bahagya habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Jessica.Si Jessica ang orihinal na asawa ng kuya niyang si Derek. Pagkatapos ng tatlong beses na pag-aasawa at pakikipaghiwalay ni Derek, napagtanto niyang mas madali niyang napapaikot ang una niyang asawa, kaya nagsama ulit sila.Nabubuhay siya sa kaligayahang may magagandang babae sa paligid at may masarap na kama't pamilya sa kanyang pagbabalik. Isa itong uri ng buhay na kaiinggitan ng maraming lalaki. Pero nana
Pagkauwi ni Cindy sa bahay, hindi pa man siya nakakaupo ay tumawag na agad si Maricel.“May pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa grand hotel bukas ng gabi. Pinapaalala ng nanay mo na siguraduhin mong makakarating ka sa oras.”Binuksan ni Cindy ang gripo at naghugas ng kamay. “Malapit nang mamatay si Dad, tapos ganyan pa rin ang iniintindi niya?”Sagot ni Maricel, “Tanungin mo ang nanay mo.”Hindi talaga maiintindihan ng mga taong tulad nila ang takbo ng pag-iisip ng mga mayayaman.Ang nanay ni Cindy, si Francesca, ay isang tipikal na donyang mayaman noong dekada nobenta. Sabihin mo nang may estilo siya, medyo. Sabihin mo ring wala siyang utak, hindi rin naman totoo. Wala itong kakayahang kumayod pero one hundred percent na magaling pagdating sa pakikisalamuha.May nagsasabi sa mga sosyal na lupon sa bayan na si Francesca ay isinilang para suportahan ng mga lalaki. Simple lang ang mga pangarap at layunin niya sa buha na kaya niyang kontrolin ang mga lalaki, at sa pamamagitan ng mga i
Binuhusan ni Tyler ng tubig ang baso at iniabot ito kay Cindy na nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang humila ng upuan at naupo sa harap nito nang seryoso.“Hindi ko alam kung dapat bang sabihing masuwerte ka o malas. Mas gusto ko pang sabihing masuwerte ka! Ilang beses ka na bang napadpad dito ngayong linggo? Tatlong beses na yata. Pero ang malas mo pa rin! Sa bawat pagkakataon, may humahabol sa’yo at kami ang laging sumasalo.”“Sa totoo lang, parang ikaw na ang naging mascot ng grupo namin. Yung mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero yung iba, iniisip na ginagamit mo lang ang koneksyon natin bilang kaklase para bigyan ako ng magandang record.”Tiningnan siya ng masama ng babae, “Tyler, alam mo ba kung bakit hindi kita gusto?”“Bakit?”“Kasi ang ingay ng bunganga mo.”Hindi nagpaapekto si Tyler, pinagtawanan niya pa ito, “Sabihin mo na lang kung gusto mong sampalin ako para makabawi ka naman.”“Kapag hindi tinanggap ni Casper ang kaso mo, at namatay ang tatay mo, sigurado