Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-11-21 23:41:16

Galit na galit si Everlee nang pumasok ito sa loob ng kanilang mansyon.

“Nakita kaya niya ako kagabi sa hotel?” sa isip ni Everlee ng makapasok na siya sa kanyang kwarto. Kaagad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa loob ng banyo. Galit siya sa kanyang sarili, dahil pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang iniingatan kapag kasal na sila ng kanyang fiance. Pero mahal niya si Hace kaya masaya na rin siya at ito ang nakauna sa kanya. Nagbabad muna siya sa malamig na tubig at nag-isip kung ano ang kanyang gagawin sa susunod.

— — —

Nang nakapasok na si Tanner sa kanyang kwarto ay kaagad niyang tiningnan ang kanyang pisngi na sinampal ni Everlee kanina, sa lakas pa naman kaya namula ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng sampal sa babaeng hindi pa niya talaga totoong kilala.

“Gusto mo talaga ng laro, Everlee, puwes pagbibigyan kita,” nakangising ani ni Tanner habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Isasama niya si Everlee sa kanyang mga plano. Alam niyang tuso ang anak ng kanyang amo kaya dapat mag-iingat talaga siya. Habang nagpapahinga siya ay nag-ring ang kanyang phone, at iyon ay ang kanyang among si Mr. Green, kaagad niya itong sinagot at may pinag-uutos ito sa kanya.

“Yes, sir, masusunod po,” sagot nito sa kanyang amo. Kaagad siyang lumabas sa kanyang kwarto at kaagad nagtungo sa loob ng mansyon para puntahan ang kanyang amo.

“Anong ginagawa mo rito? Di’ba ang mga janitor ay naglilinis lang?” taas kilay na tanong ni Everlee kay Tanner ng nakasalubong niya ito.

“Hindi ikaw ang pakay ko rito, kaya pwede ba, kung gusto mong igalang kita, ayusin mo pagsasalita mo?” inis na saad ni Tanner kay Everlee, dahil iba talaga ang tabas ng dila ng babae.

“Wala kang pakialam kung paano kita tratuhin, dahil tauhan ka lang sa pamamahay namin!” madiin na sambit ni Everlee.

Nailing na lang si Tanner sabay alis sa harapan ni Everlee dahil wala siyang balak makipagtalo sa babaeng ubod ng pangit ang ugali.

“Tanner, dito ka na pala, pakidala ang sulat na ito sa address na nakalagay dito. At bumalik ka pagkatapos,” utos ni Mr. Green kay Tanner.

“Sige po, sir.” At kaagad nitong kinuha ang isang envelope at nagpaalam na itong umalis. Habang naglalakad palayo si Tanner at tanaw iyon ni Everlee. Kahit sinong babae ay talagang mapapatingin sa pangangatawan ni Tanner, wala ka ng hahanapin pa. Aaminin man at sa hindi, talagang complete package si Tanner kaya nga lang ay pobre ito. Kaya naiiling na lang ulit si Everlee.

— — —

Habang nasa sasakyan si Tanner ay napapatingin siya kung ano ang nasa loob ng envelope na kanyang ihahatid. Makakakuha kaya siya ng ebidenysa sa laman nito? Pero hindi niya ito pwedeng buksan, alam niyang darating din ang panahon na malalaman niyan ang lahat. At ma-solve ang kasong binigay sa kanya. Sa ngayon ay hahayaan muna niyang magtiwala ng buo sa kanya si Mr. Green, bago niya simulan ang kanyang mga plano laban dito at sa pamilya ng matanda. Tinawagan niya muna ang kanyang pinsan bago siya tuluyang pumunta sa kanyang pupuntahan.

“Aba! Mabuti naman at nagparamdam ka na ulit,” wika ng kanyang pinsan na nasa kabilang linya.

“Gago! Malamang busy ako,” sagot ni Tanner.

“Ikaw busy? Saan?” sunod-sunod na tanong ng kanyang pinsan.

“Basta, siya nga pala may ipapagawa ako sa’yo,” ani Tanner sa pinsan at sinabi nito ang buong detalye.

“Kung ikaw na lang kaya gumawa, umuwi ka na baka wala ka ring mapapala riyan,” wika ng kanyang pinsan.

“Sundin mo na lang lahat ng mga sinabi ko,” ani Tanner saka pinatay na nito ang linya.

— — —

LUMIPAS ANG TATLONG BUWAN…

Nalalaman ni Tanner na buntis si Everlee, dahil narinig niya ito sa mga kasambahay sa mansyon. Nagulat si Mr. Green sa nalaman dahil wala pa iyon sa plano. Kaya niya pinauwi si Everlee rito sa bansa para ilipat sa kanya ang pamamahala ng kanilang kumpanya. Tahimik lang si Tanner sa kanyang nalaman at nagkunwaring wala muna siyang alam. Dahil alam naman niyang kaaway niya lagi si Everlee. Susubukan niyang iwasan ito dahil nagdadalang tao ito, baka kapag patulan pa niya ito ay may mangyaring masama at siya pa ang sisihin ng kanyang ama at ng fiance nito.

Habang nag-aayos siya ng mga halaman ay may isang sasakyan ang pumasok sa gate. Kaagad niyang nakita ang bodyguard ng fiance ni Everlee, natatandaan niya ito noong sinundo niya si Everlee sa airport. Kasama niya ang fiance nito. May mga dala dala itong flowers at prutas at tiyak niyang para iyon kay Everleee.

“Psst! Buhatin mo mga itong mga prutas at ipasok mo sa loob,” utos ng fiance ni Everlee kay Tanner nang makita sita.

“May bodyguard ka, bakit ako pa?” matigas na sambit ni Tanner, dahil hindi niya gawain iyon.

“Bakit tauhan ka lang dito, ah, at tandaan mo magiging amo mo na rin ako kapag kasal na kami ni Everlee,” saad nito.

“At iyon ay kung ikakasal kayo,” mahinamg sambi ni Tanner.

“Anong sabi mo?” tanong ni Hace. 

“May narinig ka ba?” pabalang na sagot ni Tanner.

“Gawin mo na ang pinag-uutos ko,” galit na utos ni Hace kay Tanner.

“Bro! Mas mahalaga pa itong mga bulaklak na dinidiligan ko, kaysa sa mga prutas na bitbit mo,” nakangising saad ni Tanner sabay talikod sa mga ito. Susugurin na sana siya ng mga bodyguard ni Hace ng pinigilan nito ni Hace.

“May araw ka rin sa akin, at sisiguraduhin kong maging impyerno ang buhay mo rito,” sambit ni Hace habang nakatingin kay Tanner na papalayo. Pumasok na sila sa loob at sinalubong sila kaagad ni Everlee nang makita ito at humalik pa sa pisngi. Wala ang amo ni Everlee sa mansyon kaya nakakuha kaagad ng time si Hace na pag-usapan nila ang kanilang kasal bago pa man manganak si Everlee, ngunit ang sagot ni Everlee ay saka na nila pag-usapan kapag nakapag-isip isip na siya. Biglang kumunot ang noo ni Hace sa sagot ni Everlee.

“Hindi ako papayag na hindi tayo makasal bago lumabas ang anak natin,” wika ni Hance.

“Gaya ng sabi ko sayo, pag-iisipan ko muna,” ani Everlee. Sa sinabing iyon ni Everlee ay biglang nag-iba ang mood ni Hace kaya nagpaalam na itong aalis na at nagkunwaring may business meeting ito. Hindi siya papayag na hindi sila maikasal sa lalong madaling panahon dahil masisira ang kanyang plano, at kaunti na lang ang panahon.

— —

Kitang-kita naman ni Tanner na masama ang mukha ni Hace bago sumakay sa kanyang sasakyan. Alam niyang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Pangiti-ngiti na lang siya at alam niyang siya ang magtatagumpay at hindi ang Hace na iyon! Habang nakatingin si Tanner sa papalayong sasakyan ni Hace ay nagulat na lang siyang may biglang tumawag sa pangalan niya.

“Hoy, halika ka nga rito!” sigaw ng isang babae.

“Ito na naman tayo!” Napakamot ng ulo si Tanner ng makita si Everlee na tinatawag siya. Hindi pa halata ang tiyan nito.

“Yes, may kailangan ka?” tanong kaagad ni Tanner.

“Akyatan mo ako ng manga!” utos ni Everlee.

“Ha? Ako ba?” tanong ni Tanner, paniniguro niya.

“Eh, malamang, ikaw, sino pa nga ba!” inis na sagot nito.

“E, bakit ako? Bakit hindi ‘yung mokong mong boyfriend ang pinaakyat mo bago umalis?” tanong ni Tanner.

“Eh, sa gusto ko ikaw ang kumuha at hindi siya!” sagot nito. Tatalikod na sana si Everlee dahil sa inis nito kay Tanner ng bigla na lang itong nahilo. Mabuti na lang at nasalo kaagad ni Tanner ito. Kaagad niyang binuhat papasok sa kwarto nito. Ngayon lang siya nakapasok sa kwarto ni Everlee. Dahan-dahan niya itong nilapag sa malambot nitong kama. Akma na siyang aalis sana para tawagin si manang ng bigla siyang hilahin ni Everlee at hindi niya na i-balance ang kanyang sarili at napadapa siya rito at saktong nagkadikit ang kanilang mga labi…..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The JANITOR’S Secret    Chapter 4

    C4Kaagad na inilayo ni Tanner ang kanyang labi sa labi ni Everlee, ayaw niyang isipin ng babae na sinasamantala siya nito. Alam niya ang kalagayan ni Everlee, kahit masama ang ugali nito babae pa rin siya, at hindi na muna ito papatulan, iiwasan niya hangga’t kaya niyang iwasan ang babae. Kaagad siyang lumabas sa kwarto ni Everlee, at nagtungo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang tapusin ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon para makauwi na siya at harapin ang buhay na meron siya.— — —Nagising si Everlee, at hinanap si Tanner, dahil ito ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng malay. Ngunit hindi niya ito nakita. Kaagad siyang tumawag sa baba at si Manang ang nakasagot. Pinaakyat niya ito.Isang katok ang narinig ni Everlee mula sa kanyang pintuan.“Pasok,” saad niya.“May kailangan ka, ma’am?” tanong ni Manang.“Manang, si Tanner?” tanong niya.“Parang nakita kong pumasok sa kanyang kwarto kanina,” sagot ni Manang.“Pakisabi po may lakad kami,” utos niya.“Sige po,

  • The JANITOR’S Secret    Chapter 3

    Galit na galit si Everlee nang pumasok ito sa loob ng kanilang mansyon.“Nakita kaya niya ako kagabi sa hotel?” sa isip ni Everlee ng makapasok na siya sa kanyang kwarto. Kaagad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa loob ng banyo. Galit siya sa kanyang sarili, dahil pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang iniingatan kapag kasal na sila ng kanyang fiance. Pero mahal niya si Hace kaya masaya na rin siya at ito ang nakauna sa kanya. Nagbabad muna siya sa malamig na tubig at nag-isip kung ano ang kanyang gagawin sa susunod.— — —Nang nakapasok na si Tanner sa kanyang kwarto ay kaagad niyang tiningnan ang kanyang pisngi na sinampal ni Everlee kanina, sa lakas pa naman kaya namula ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng sampal sa babaeng hindi pa niya talaga totoong kilala.“Gusto mo talaga ng laro, Everlee, puwes pagbibigyan kita,” nakangising ani ni Tanner habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Isasama niya si Everlee sa kanyang mga plano

  • The JANITOR’S Secret    Chapter 2

    Tiningnan muna niya sa mirror ang dalaga bago niya pinatakbo ang sasakyan. Napangiti siya ng bahagya ng makita niya ang mukha nito. Tahimik lang ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Green. Nanuna ng bumaba si Everlee, hinayaan naman ni Tanner ang dalaga, ano bang pakialam niya sa babae. Pero nakita niya itong bumalik at lumapit sa kanya."Hoy! Ingatan mo ang mga gamit ko, ayaw kong mawala ang mga mamahalin kong gamit," ani Everlee kay Tanner."Anong pakialam ko sa mga gamit mo, alangan mag lipstick ako?!" inis na sagot ni Tanner."Sinasabi ko lang," ani Everlee saka na niya tinalikuran si Tanner."Manang ikaw na lang po magbaba ng mga gamit niya, may gagawin lang ako," ani Tanner sa matanda. Saka pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi niya gawain ang gawaing iyon kaya bahala sila."Sige, kami ng bahala." sagot naman ni Manang.Inis na inis na ibinagsak ni Tanner ang kanyang katawan sa kanyang kama sa inis niya sa anak ng kanyang amo. Ngayon pa lang ay alam na

  • The JANITOR’S Secret    Chapter 1

    C1"Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong ni Mr. Green kay Tanner."Yes, sir," tipid na sagot ni Tanner sa amo."Good," wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya rito."May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" tanong ni Tanner sa boss nito."Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko," pahabol ni Mr. Green."Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili."Oo, bakit may iba pa bang tao rito? Bukod sa ikaw at ako," sagot ni Mr. Green."Ah sige po," magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito."Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo," sabi ni Mr. Green saka tumalikod si Tanner.Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status