Mag-log inC4
Kaagad na inilayo ni Tanner ang kanyang labi sa labi ni Everlee, ayaw niyang isipin ng babae na sinasamantala siya nito. Alam niya ang kalagayan ni Everlee, kahit masama ang ugali nito babae pa rin siya, at hindi na muna ito papatulan, iiwasan niya hangga’t kaya niyang iwasan ang babae. Kaagad siyang lumabas sa kwarto ni Everlee, at nagtungo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang tapusin ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon para makauwi na siya at harapin ang buhay na meron siya.
— — —
Nagising si Everlee, at hinanap si Tanner, dahil ito ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng malay. Ngunit hindi niya ito nakita. Kaagad siyang tumawag sa baba at si Manang ang nakasagot. Pinaakyat niya ito.
Isang katok ang narinig ni Everlee mula sa kanyang pintuan.
“Pasok,” saad niya.
“May kailangan ka, ma’am?” tanong ni Manang.
“Manang, si Tanner?” tanong niya.
“Parang nakita kong pumasok sa kanyang kwarto kanina,” sagot ni Manang.
“Pakisabi po may lakad kami,” utos niya.
“Sige po, saaabihin ko po,” at nagpaalam na ang matanda para puntahan si Tanner.
Kaagad namang nagtungo ang matanda sa kwarto ni Tanner, at kaagad niya itong nakita na nag-e-exercise sa loob.
“Tanner, pinasasabi ni Ma’am Everlee na may lakad daw kayo,” saad ng matanda.
“Ha? Bakit ako?” tanong ni Tanner kay Manang.
“Iyan ang utos niya sa akin,” sagot lang ni Manang kay Tanner.
“Sige kamu, Manang, hihintayin ko siya sa may sasakyan,” sang-ayon na lang ni Tanner habang naiiling, kung ano na naman ang plano ng anak ng kanyang amo. Kaagad siyang nagbihis ng simple lang dahil driver lang naman siya ng masungit na anak ng kanyang pinagsisilbihang matanda. Pagkatapos niyang nagbihis ay kaagad na siyang nagtungo sa sasakyan na kanilang gagamitin. Habang nasa loob na siya ng sasakyan at hinihintay ang pagbaba ni Everlee ay may tinawagan muna siya. Hindi na niya namalayan na dumating na pala si Everlee.
“Hindi mo ba ako pagbubuksan?” taas kilay na tanong ni Everlee.
“Wala ka bang kamay?” inis na sagot ni Tanner kay Everlee.
“Tandaan mo kung ano ka rito sa bahay na ito!” galit na sabi ni Everlee, at siya na rin ang nagbukas ng pinto, dahil hindi talaga siya pinagbuksan ni Tanner ng pinto ng sasakyan.
“Saan tayo pupunta?” seryosong tanong ni Tanner, dahil hindi niya talaga dapat gawain ang ipagmaneho ang babaeng ito. Sinabi naman kaagad ni Everlee kung saan sila pupunta. Alam niya ang lugar na iyon kaya hindi na siya nagsalita pa no’ng sinabi na nito. Tahimik silang parehas sa loob ng sasakyan nang biglang masalita si Everlee.
“Ganito ba talaga ang amoy ng sasakyan?” naiiritang tanong ni Everlee.
“Naamoy mo naman pala bakit mo pa tatanungin, una hindi sa akin ang sasakyan, pangalawa hindi ako driver at pangatlo janitor ako,” pabalagbag na sagot ni Tanner sa kaartehan ng babae.
“Wala ka na talagang matinong sagot?!” galit na saad ni Everlee. Hindi na sumagot si Tanner pa dahil alam niyang hahaba lang ang usapan at maririndi lang siya sa bunganga ni Everlee, dahil kung gaano ito ka ganda, kabaliktaran sa ugali nito. Nakarating na sila sa lugar na kanilang pupuntahan.
“Samahan mo ako,” mahinang wika ni Everlee kay Tanner.
“Himala, may ganito pa lang side ang babaeng ito…” sa isip ni Tanner.
Sumunod na lang si Tanner sa babae. Hanggang sa makarating sila sa loob isang clinic at alam ni Tanner na para iyon sa mga buntis.
“Hi, ma’am, sir,” bati ng staff sa loob ng clinic. Kinausap naman ng staff si Everlee, habang umupo lang si Tanner sa may waiting area. Pumasok na si Everlee sa isang kwarto nang biglang tawagin ng isang staff si Tanner.
“Sir, hindi niyo po ba sasamahan ang misis niyo sa loob?” tanong ng staff. Nagulat naman sina Tanner at Everlee sa sinabi ng staff.
“Hindi ko siya asawa,” mabilis na saad ni Tanner. Saka siya tiningnan ni Everlee sabay pasok nang tuluyan sa loob. Habang nakaupo pa rin si Tanner, hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kaba ng kanyang dibdib noong sinabi ng staff. Pero binalewala lang niya iyon, dahil hindi naman talaga siya ang asawa nito.
Dahil hindi naman katagalan ang check up ni Everlee kaya hindi naman nainip si Tanner. Maraming mga buntis na kasama ang kanilang mga asawa, pero itong si Everlee ay hindi kasama ang ama ng bata.
Panakaw naman ang sulyap ni Tanner kay Everlee, ramdam niyang hindi naman talaga masama ang ugali ng babae, baka sinusumpong lang talaga ito. Hindi pa siya nagkaka-girlfriend kaya hindi niya alam kung ano ang ugali ng mga babae. Matapos kumain ni Everlee ay nagyaya itong mag-shopping sila. Hinayaan na lang ni Tanner at pinagbigyan ang gusto ni Everlee.
“Samahan mo lang ako babayaran ko ang araw na ito,” ani Everlee. Habang nasa loob sila ng shopping mall ay nakasunod lang si Tanner kay Everlee, nasa baby section sila tumitingin si Everlee ng mga gamit ng baby, kahit hindi pa niya alam kung anong gender ng kanyang baby.
“Ang swerte naman ng asawa ni sir, parang halos ng hahanapin ng isang babae nasa kanya na,” wika ng isang staff doon na kinikilig.
Narinig naman ni Everlee ang usapan ng dalawa, alam niyang si Tanner ang tinutukoy ng dalawa. Aminin man niya’t sa hindi, complete package na talaga si Tanner kahit mahirap nga lang ito. Habang naglalakad naman si Tanner ay may pumukaw sa kanyang paningin, alam niyang hindi siya nagkakamali. Si Hace iyong may kasamang buntis na babae!
“Hace!!”
“Hace!” tawag ng babae kay Hace na kasama nito. Napalingon naman si Everlee nang marinig niya ang pangalan ni Hace.
Kaagad namang lumapit si Tanner kay Everlee para mawala sa isipan nito ang narinig.
“May napili ka na?” tanong ni Tanner kay Everlee kaya nawala na sa isip nito ang kanyang narinig.
“Wala pa tumitingin lang ako, para kapag hindi na busy si Hace ay magpapasama ako mamili rito,” sagot ni Everlee kay Tanner.
“Okay, sige,” tipid na sagot ni Tanner. Alam niyang hindi siya nagkakamali sa kanyang nakita, at aalamin niya ang pagkatao ng lalaking iyon. Sa isip niya.
“Tara na umuwi na tayo pagod na ako,” ani Everlee. Medyo maselan ang kanyang pagbubuntis sabi ng Doctor nito kanina kaya kailangan niyang magpahinga at huwag magpapagod.
— —
Pagkarting nila sa bahay ay kaagad na tumawag si Tanner sa kanyang kaibigan at may inuutos ito. Napakuyom ang kanyang mga palad sa nakita kanina. Ayaw muna niyang ipaalam kay Everlee hangga’t wala siyang matibay na ebidensya para sa mokong na fiancée nito.
“Alamin mo lahat at balitaan mo kaagad ako,” ani Tanner sa kausap sa kabilang linya.
“Asahan mo wala pang isang linggo nasa sa’yo na ang lahat ng inuuutos mo,” sagot ng kanyang kausap. Nagpaalam na si Tanner sa kausap at ibinaba na nito ang linya.
— —
“Dad, maghihintay lang kayo at sisiguraduhin kong maikasal kami sa lalong madaling panahon bago pa tayo bumagsak,” ani Hace sa ama.
“Siguraduhin mo lang, dahil hindi ako papayag na mapupunta lang sa wala ang lahat!” galit na wika ng ama nito.
— —
Nagpaalam naman si Tanner sa matandang amo na mag-halfday lang ngayon dahil may dadalawin lang itong kamag-anak na may sakit. Pinayagan naman siya ng matanda. Kaya umalis kaagad si Tanner, dahil may importante siyang lakad ngayom at iyon ay hindi niya pwedeng iasa kahit kanino, nagmamadali siyang umalis dahil may sundo siya sa may kanto.
“Sir, nasa likod na ang mga gamit mo,” sabi ng driver nito.
“Good, diretso na tayo sa usapan,” ani Tanner at nagbihis na ito sa loob ng sasakyan. Pagkatapos nitong nagbihis ay binasa na kaagad niya ang mga documents na nasa folder. Napangiti siya nang bahagya ng makita nito ang isang folder na unti-unti ng bumabagsak ang company.
“Sir, nasa isang folder ang pinapaimbestigahan mo,” wika ng driver nito.
“Thanks,” sagot lang ni Tanner.
Kaagad silang nakarating sa lugar kung saan sila pupunta. Siya na lang ang hinihintay ng lahat para mag-umpisa na.
— —
Gabi na ng nagising si Everlee, kaya siya na pang mismo ang gumawa ng kanyang makakain.
— —
Kinabukasan maagang nagising si Tanner, para magdilig ng halaman sanay na siyang magdamit ng fit at short, tuwing nagdidilig siya. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman. Hindi niya alam na may mga mata pa lang nakatingin sa kanya sa taas.
“Akala mo naman hindi janitor,” sa isip isip ni Everlee habang nakatingin kay Tanner mula sa itaas. Hindi alam ni Everlee, kung bakit twing may cravings siya ay gusto niyang si Tanner ang kasama niyang bumili or kasama. Instead na si Hace na ama ng kanyang dinadala. Ngayon ay balak niya ulit lumabas at kumain. Tumawag siya sa baba para sabihin kay Tanner na may lakad sila at magbihis na.
“Ako na naman?” tanong ni Tanner kay Manang na siyang inutusan ulit ni Everlee.
“Ewan, iyan ang sabi, hayaan mo na at buntis baka ikaw pinaglilihian,” pang-aasar ni manang kay Tanner.
“Hay, sige manang, susunod na ako,” sang-ayon na lang ni Tanner.
— —
Nasa isang sikat na kainan silang dalawa, masagana ang kain ni Everlee, samantalang siya kape lang. Hinayaan lang niya ang babae na kumain kung ano ang gusto nito, nang may biglang lumapit sa kanilang dalawa.
“Sir Tanner?” saad ng lalaki na lumapit sa kanilang dalawa.
“Sir?” gulat na tanong ni Everlee.
Kaagad namang hinila ni Tanner ang lakaki palayo kay Everlee at kinausap niya ito, at sinamahan pa niya itong lumabas ng kainan. Papasok na sana si Tanner saka loob nang makita niyang pababa ng sasakyan si Hace kasama ang mga tauhan nito.
“Wow! Ang liit talaga ng mundo akalain mong dito pa tayo magkikita,” pang-iiinis na saad ni Hace kay Tanner.
“Oo nga ang liit ng mundo, pagkakaalam ko busy ka kaya hindi mo masamahan ang mag-ina mo! Oh, wait baka busy ka sa iba! At ito tatandaan mo, lumayo-layo ka sa akin, kung ayaw mong gumapang!” banta ni Tanner kay Hace.
“At sino ka para pagbantaan ako! tandaan mo magiging asawa ko na si Everlee at magiging boss mo na ako!” patuloy ni Hace.
“Kung iyan ay mangyayari!” taas-kilay na saad ni Tanner.
“Ako ang ama ng dinadala niya kaya magiging asawa ko na siya!” galit na saad ni Hace.
“Ikaw nga ba ang ama?!”
C4Kaagad na inilayo ni Tanner ang kanyang labi sa labi ni Everlee, ayaw niyang isipin ng babae na sinasamantala siya nito. Alam niya ang kalagayan ni Everlee, kahit masama ang ugali nito babae pa rin siya, at hindi na muna ito papatulan, iiwasan niya hangga’t kaya niyang iwasan ang babae. Kaagad siyang lumabas sa kwarto ni Everlee, at nagtungo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang tapusin ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon para makauwi na siya at harapin ang buhay na meron siya.— — —Nagising si Everlee, at hinanap si Tanner, dahil ito ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng malay. Ngunit hindi niya ito nakita. Kaagad siyang tumawag sa baba at si Manang ang nakasagot. Pinaakyat niya ito.Isang katok ang narinig ni Everlee mula sa kanyang pintuan.“Pasok,” saad niya.“May kailangan ka, ma’am?” tanong ni Manang.“Manang, si Tanner?” tanong niya.“Parang nakita kong pumasok sa kanyang kwarto kanina,” sagot ni Manang.“Pakisabi po may lakad kami,” utos niya.“Sige po,
Galit na galit si Everlee nang pumasok ito sa loob ng kanilang mansyon.“Nakita kaya niya ako kagabi sa hotel?” sa isip ni Everlee ng makapasok na siya sa kanyang kwarto. Kaagad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa loob ng banyo. Galit siya sa kanyang sarili, dahil pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang iniingatan kapag kasal na sila ng kanyang fiance. Pero mahal niya si Hace kaya masaya na rin siya at ito ang nakauna sa kanya. Nagbabad muna siya sa malamig na tubig at nag-isip kung ano ang kanyang gagawin sa susunod.— — —Nang nakapasok na si Tanner sa kanyang kwarto ay kaagad niyang tiningnan ang kanyang pisngi na sinampal ni Everlee kanina, sa lakas pa naman kaya namula ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng sampal sa babaeng hindi pa niya talaga totoong kilala.“Gusto mo talaga ng laro, Everlee, puwes pagbibigyan kita,” nakangising ani ni Tanner habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Isasama niya si Everlee sa kanyang mga plano
Tiningnan muna niya sa mirror ang dalaga bago niya pinatakbo ang sasakyan. Napangiti siya ng bahagya ng makita niya ang mukha nito. Tahimik lang ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Green. Nanuna ng bumaba si Everlee, hinayaan naman ni Tanner ang dalaga, ano bang pakialam niya sa babae. Pero nakita niya itong bumalik at lumapit sa kanya."Hoy! Ingatan mo ang mga gamit ko, ayaw kong mawala ang mga mamahalin kong gamit," ani Everlee kay Tanner."Anong pakialam ko sa mga gamit mo, alangan mag lipstick ako?!" inis na sagot ni Tanner."Sinasabi ko lang," ani Everlee saka na niya tinalikuran si Tanner."Manang ikaw na lang po magbaba ng mga gamit niya, may gagawin lang ako," ani Tanner sa matanda. Saka pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi niya gawain ang gawaing iyon kaya bahala sila."Sige, kami ng bahala." sagot naman ni Manang.Inis na inis na ibinagsak ni Tanner ang kanyang katawan sa kanyang kama sa inis niya sa anak ng kanyang amo. Ngayon pa lang ay alam na
C1"Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong ni Mr. Green kay Tanner."Yes, sir," tipid na sagot ni Tanner sa amo."Good," wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya rito."May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" tanong ni Tanner sa boss nito."Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko," pahabol ni Mr. Green."Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili."Oo, bakit may iba pa bang tao rito? Bukod sa ikaw at ako," sagot ni Mr. Green."Ah sige po," magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito."Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo," sabi ni Mr. Green saka tumalikod si Tanner.Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya,







