LOGINTiningnan muna niya sa mirror ang dalaga bago niya pinatakbo ang sasakyan. Napangiti siya ng bahagya ng makita niya ang mukha nito. Tahimik lang ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Green. Nanuna ng bumaba si Everlee, hinayaan naman ni Tanner ang dalaga, ano bang pakialam niya sa babae. Pero nakita niya itong bumalik at lumapit sa kanya.
"Hoy! Ingatan mo ang mga gamit ko, ayaw kong mawala ang mga mamahalin kong gamit," ani Everlee kay Tanner.
"Anong pakialam ko sa mga gamit mo, alangan mag lipstick ako?!" inis na sagot ni Tanner.
"Sinasabi ko lang," ani Everlee saka na niya tinalikuran si Tanner.
"Manang ikaw na lang po magbaba ng mga gamit niya, may gagawin lang ako," ani Tanner sa matanda. Saka pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi niya gawain ang gawaing iyon kaya bahala sila.
"Sige, kami ng bahala." sagot naman ni Manang.
Inis na inis na ibinagsak ni Tanner ang kanyang katawan sa kanyang kama sa inis niya sa anak ng kanyang amo. Ngayon pa lang ay alam na niyang hindi sila magkakasundo nito. Pero gagawin niya ang kanyang gagawin sa pamamahay na iyon. Itinuloy nito ang pag-e-exercise para mawala ang kanyang inis. Pagkatapos noon ay naligo na rin siya para pumunta na ng kusina para kumain. Gabi na rin kasi kaya wala na siyang gagawin pagkatapos ng kanyang gawain except na lang kung kailangan siya ng matanda para ipagmaneho siya nito.
"Tanner, nakapagluto na kami, kumain ka na. Mauna ka na kumain, dahil pagsisilbihan pa namin ang anak ni sir," ani Manang.
"Sige po, manang," ani Tanner at kumuha na siya ng makakain niya. Alam niyang mag-iiba na ang routine nila dahil may pagsisilbihan na ang mga kasama niya sa bahay. Sanay na kasi si Tanner na kasama niyang kumakain ang mga kasambahay sa mansion na iyon. May sarili silang kusina kung saan sila kumakain. Pagakatapos kumain ni Tanner ay nagpahangin muna siya sa may garden kung saan doon siya palagi nagpapahangin pagakatapos niyang kumain. Nagulat na lang siya na may biglang gumalaw sa may swimming pool. Nakita niya roon ang anak ng kanyang amo.
"Hoy! manyakis bakit nandito ka!" sigaw nito sa kanya.
"Anong alam ko na nandiyan ka pala!" ani Tanner na seryoso ang mukha. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natawag na manyakis.
"Umalis ka riyan kung ayaw mong isumbong kita kay daddy para palayasin ka!" inis na saad ni Everlee kay Tanner.
"Pasalamat ka kailangan ko ang trabahong ito kung hindi binalibag na kita sa kaartehan mo!" sambit ni Tanner saka siya tumalikod at pumunta na sa kanyang room.
Nakita niyang maraming text messages ang kanyang phone, dahil iniwan niya ito kaninang kumain siya. Nang mabasa niya ang mga messages ng kanyang pinsan ay kaagad niya itong tinawagan.
"Mabuti naman at tumawag ka," sagot kaagad ng pinsan ni Tanner.
"Kumain ako kanina at iniwan ko ang phone ko." ani Tanner.
"Nabasa mo namam siguro ang mga message ko," wika ng pinsan nito.
"Oo. Nabasa ko, ise-send ko sayo ang mga kailangan mo, at hintayin mo ang tawag ng taong tutulong sayo," ani Tanner.
"E, kung bumalik ka na kaya rito?" saad ng pinsan nito.
"E, kung batukan kita riyan ng maalala mo ang ginagawa ko," ani Tanner.
"Ako na naiipit ha?" reklamo ng pinsan nito.
"Mas maiipit ka sa akin kung panay ka reklamo," ani Tanner.
"Sige na wala ka talagang kuwentang kausap!" sabi ng pinsan nito.
"Magtino ka na kung ayaw mong ipatapon kita sa ibang bansa!" banta ni Tanner saka niya pinatay ang linya.
Hihiga na sana si Tanner ng nag-ring ulit ang kanyang phone ng tingnan niya ito ay walang iba kundi si Mr. Green, kunot noo niya itong sinagot.
"Yes, sir?" tanong niya kaagad.
"Umalis na ang driver ko, ikaw na muna ang magiging driver ni Everlee ngayong gabi," utos ng matanda sa kanya.
"Ok, sir," ani Tanner sabay patay ng linya. Sa inis ni Tanner dahil late na, nasuntok nito ang kanyang unan. Hindi na siya nagbihis pa, nagsuot na lang siya ng jacket saka lumabas at kinuha ang sasakyan.
"Wala ka bang ibang masusuot at talagang ganyan ang mga suot mo?" tanong ni Everlee na naghihintay na pala sa kanya.
"Marami akong damit, pero lahat parehas at dito ako kumportable," seryosong sagot ni Tanner, dahil inis pa rin siya.
"Ito ang address!" padabog na ibinigay ni Everlee ang kanyang phone at tiningnan naman ni Tanner saka na niya pinaandar ang sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.
"Hoy, dahan-dahan dahil ayaw ko pang mamatay," ani Everlee.
"Isang hoy pa, pati kaluluwa mo lilipad sa kaartehan mo," ani Tanner.
"Kung gusto mong magpakamatay huwag mo akong idamay!" ani Everlee.
"Kung gusto mo ring lumandi, huwag mo akong idamay ng mga ganitong oras," mahinang sambit ni Tanner.
"Anong sabi mo?" tanong ni Everlee.
Sa inis ni Tanner ay hindi na siya nagsalita pa at mabilis pa ring pinatakbo ang sasakyan para makarating na sa pupuntahan nila. Nakarating kaagad sila at sinalubong sila ng boyfriend ni Everlee.
Isang kilalang club iyon sa lugar at alam na alam ni Tanner ang club na iyon.
"Mauna ka ng umuwi magpapahatid na lang ako mamaya," ani Everlee kay Tanner. Tumango lang si Tanner. Hindi na siya nagsalita pa sumakay na siya sa sasakyang dala niya ngunit hindi muna siya umalis, dahil may kausap pa siya sa phone.
"Saang hotel ka?" tanong ni Tanner sa kausap.
Sinabi naman nito ang address at kaagad namang pumunta si Tanner, dahil sa pag-aalala nito sa kausap malapit lang ang sinabing hotel nito kaya madali lang siyang nakarating. Mga ilang minuto lang ay narating din ni Tanner ang lugar, dahil gabi na at walang traffic sa daan. Pumunta kaagad siya sa elevator para puntahan ang kausap niya kanina. Nakailang katok muna siya bago siya pinagbukasan ng pinto. Kagaad siyang niyakap ng makita siya.
"Are you okay?" tanong kaagad ni Tanner.
"Hindi," sagot ng babae at umiiyak ito.
"Ok, calm down, nandito ako makikinig ako sa'yo," ani Tanner. Nagkwento naman ang babae sa kanya at halos gusto manuntok ni Tanner sa mga oras na iyon, siya ang nasaktan sa nangyari para sa babae. Matagal din silang nag-usap halos isang oras, sinamahan niya muna ito hanggang sa kumalma na ang kanyang isip, sinamahan rin niyang uminom ito, pero hindi siya uminom ng marami, tamang kwentuhan lang para sa kanya. Nagpaalam muna ang babae na maghilamos lang muna. Iniwan naman nito ang kanyang phone. Nang makita niyang umilaw ang phone nito kaya tiningnan niya, laking gulat niya ng makita niya sa screen ang wallpaper at ang kasama nitong lalaki. Mas lalong nang-init ang dugo ni Tanner sa nakita.
Gabi na rin at medyo ok na rin ang babaeng kasama niya kaya nagpaalam na rin siya rito. Habang naglalakad siya sa corridor papuntang elevator ay bigla niyang nakita si Everlee at ang lalaking kasama nito ay ang lalaking sumundo sa airport noon. Alam niyang parehas na lasing ang dalawa. Walang mga kasamang bodyguard ang lalaki, pumasok ito sa isang room. Alam na niya ang mangyayari at wala siyang pakialam doon. Dumiretso na siya sa elevator.
-- -- -- --
Kinabukasan naunang nagising si Everlee, at pakiramdam niya ang bigat ng kanyang pakiramdam. Nakiramdam siya, alam niyang naisuko na niya ang kanyang iniingatan, ang masama lang hindi pa sila kasal. Pero mahal nila ang isa't isa kaya ok lang sa kanya. Nauna na siyang umalis sa hotel, dahil tiyak na hinahanap na siya ng kanyang ama.
-- -- --
Hindi naman mawala sa isip ni Tanner ang nangyari kagabi at sa kanyang nakita at nalaman. Pero wala siyang magagawa. Patapos na siyang maglinis ng mga sasakyan nang may taxing dumating, nakita niyang bumaba si Everlee sa sasakyan. Masama ang tingin nito sa kanya.
"Hoy! Huwag na huwag mong sabihin kay dad, kung saan mo ako hinatid kagabi," utos ni Everlee kay Tanner.
"Saan, ang hindi ko sasabihin ang sa club or ang sa hotel?" ani Tanner na may galit sa boses nito. Nagulat naman ni Everlee sa narinig.
"Anong hotel na pinagsasabi mo?!" galit na tanong nito.
"Huwag mo akong subukan!" madiin na sambit ni Tanner.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Tanner mula kay Everlee na kinagulat ng lalaki.
C4Kaagad na inilayo ni Tanner ang kanyang labi sa labi ni Everlee, ayaw niyang isipin ng babae na sinasamantala siya nito. Alam niya ang kalagayan ni Everlee, kahit masama ang ugali nito babae pa rin siya, at hindi na muna ito papatulan, iiwasan niya hangga’t kaya niyang iwasan ang babae. Kaagad siyang lumabas sa kwarto ni Everlee, at nagtungo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang tapusin ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon para makauwi na siya at harapin ang buhay na meron siya.— — —Nagising si Everlee, at hinanap si Tanner, dahil ito ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng malay. Ngunit hindi niya ito nakita. Kaagad siyang tumawag sa baba at si Manang ang nakasagot. Pinaakyat niya ito.Isang katok ang narinig ni Everlee mula sa kanyang pintuan.“Pasok,” saad niya.“May kailangan ka, ma’am?” tanong ni Manang.“Manang, si Tanner?” tanong niya.“Parang nakita kong pumasok sa kanyang kwarto kanina,” sagot ni Manang.“Pakisabi po may lakad kami,” utos niya.“Sige po,
Galit na galit si Everlee nang pumasok ito sa loob ng kanilang mansyon.“Nakita kaya niya ako kagabi sa hotel?” sa isip ni Everlee ng makapasok na siya sa kanyang kwarto. Kaagad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa loob ng banyo. Galit siya sa kanyang sarili, dahil pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang iniingatan kapag kasal na sila ng kanyang fiance. Pero mahal niya si Hace kaya masaya na rin siya at ito ang nakauna sa kanya. Nagbabad muna siya sa malamig na tubig at nag-isip kung ano ang kanyang gagawin sa susunod.— — —Nang nakapasok na si Tanner sa kanyang kwarto ay kaagad niyang tiningnan ang kanyang pisngi na sinampal ni Everlee kanina, sa lakas pa naman kaya namula ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng sampal sa babaeng hindi pa niya talaga totoong kilala.“Gusto mo talaga ng laro, Everlee, puwes pagbibigyan kita,” nakangising ani ni Tanner habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Isasama niya si Everlee sa kanyang mga plano
Tiningnan muna niya sa mirror ang dalaga bago niya pinatakbo ang sasakyan. Napangiti siya ng bahagya ng makita niya ang mukha nito. Tahimik lang ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Green. Nanuna ng bumaba si Everlee, hinayaan naman ni Tanner ang dalaga, ano bang pakialam niya sa babae. Pero nakita niya itong bumalik at lumapit sa kanya."Hoy! Ingatan mo ang mga gamit ko, ayaw kong mawala ang mga mamahalin kong gamit," ani Everlee kay Tanner."Anong pakialam ko sa mga gamit mo, alangan mag lipstick ako?!" inis na sagot ni Tanner."Sinasabi ko lang," ani Everlee saka na niya tinalikuran si Tanner."Manang ikaw na lang po magbaba ng mga gamit niya, may gagawin lang ako," ani Tanner sa matanda. Saka pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi niya gawain ang gawaing iyon kaya bahala sila."Sige, kami ng bahala." sagot naman ni Manang.Inis na inis na ibinagsak ni Tanner ang kanyang katawan sa kanyang kama sa inis niya sa anak ng kanyang amo. Ngayon pa lang ay alam na
C1"Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong ni Mr. Green kay Tanner."Yes, sir," tipid na sagot ni Tanner sa amo."Good," wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya rito."May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" tanong ni Tanner sa boss nito."Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko," pahabol ni Mr. Green."Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili."Oo, bakit may iba pa bang tao rito? Bukod sa ikaw at ako," sagot ni Mr. Green."Ah sige po," magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito."Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo," sabi ni Mr. Green saka tumalikod si Tanner.Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya,







