Share

KABANATA 1: MORTIMER

Velvet Victoire, the point of view.

Tahimik lang ang biyahe namin papunta sa bagong titirhan namin. Nasa may gasoline station pa kami para magpa-refill ng gas dahil medyo malayo pa raw ang biyahe, sabi ni Tita. I also got out from the car to buy some chips inside the convenience store. 

Mahaba-habang biyahe nga 'to. Naubos ko na yung limang malalaking chips na binili ko bago kami bumiyahe, e. Almost five hours na rin. Nakakapagtaka dahil hindi naman kami usually nagtatravel nang ganito ka layo at ganito ka tagal. 

Bago sila Tita at Tito nakapagpasya na lilipat kami ng bahay, there was a huge fire incident near our home. Sa tapat ng bahay namin, actually. I don't know, I just stare at it for a long time tapos nakita ko nalang na lumalaki na yung usok--which surprised me that I end up calling the near hospital instead of a fire fighter.

That night din ay lumapit sa 'kin si Tita at sinabihan ako na magimpake. It maybe a coincidence or not; I still don't get it why we had to leave gayong plano ko pa namang magpa enroll na for my last semester. I was also looking forward for the graduation and get that degree pero sinabi nila sa 'kin noong kagabing 'yon na sa bagong lilipatan nalang namin ako magtatapos.

"Tito Mig, malayo pa po ba?" tanong ko kay tito Miguel na siyang nagdadrive patungo sa destinasyon namin. Kakabalik ko lang galing sa store. Isa lang ang binili kong chips at isang pack ng biscuit at tatlong maiinom na softdrinks para sa kanilang dalawa.

"Malayo pa, Vel," sagot ni tita Aivy na syang nakaupo sa passenger's seat sa tabi ni tito Miguel. 

"Matulog ka nalang muna d'yan, hija. Gigisingin ka nalang namin pag nakarating na tayo doon," tito Miguel said while looking at me through his rearview mirror.

Bumuntong hininga ako saka isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. I closed my eyes at sinubukang matulog. Good thing, madali lang akong binisita ng antok.

༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊

Napadilat ako ng mata ko dahil sa ingay na nasa labas. Sinilip ko ang bintana at nakita kong busy sina Tita sa pag labas ng mga gamit mula sa kotse. Kaya tinanggal ko kaagad ang seatbelt at lumabas para na rin tumulong.

Hindi man lang ako ginising para man lang mabilis ang pagtransfer namin ng mga gamit sa loob ng bagong titirhan namin.

Kinuha ko mula sa likod ng pick-up truck ang box na naglalamang mga personal na gamit ko. Pinatungan ko 'yon ng box na pang disenyo para mabawasan nang kaunti yung mga kahon sa labas. Pinasok ko 'yon sa bahay at gano'n nalang ang mangha ko sa itsura ng disenyo ng kabuuan ng bahay.

Medyo malaki ang bahay, two-storey house and made of almost wood. Hindi na nakakapagtaka pa dahil puros naman kahoy ang nasa paligid. It's a gothic style, too. May triangle shape na bubong at yung kahoy na dingding ay nagiging vintage brown na. 

I sighed bago pumasok sa loob. Hindi din masyadong maaliwalas dahil natatakpan ng malalaki at makakapal na kurtina ang mga bintana.

Sa right side ko, may hagdanan na pa-spiral na gawa pa rin sa kahoy. It must be through the second floor. Kaya tinahak ko 'yon at bumungad sa 'kin ang maluwag na hallway. Sa unang pintuan o kuwarto pa lang ay may nakalagay na Velvet na nakasabit na gawa sa kahoy. Didn't know they already planned our move here, huh.

Pagpasok ko ay may nakita akong queen-sized bed. The whole room seems cleaned already. May malinis na bedsheet at unan na rin na nakapatong. Mukhang bago rin yung makapal na kurtina sa bintana. Though I don't like the overall look of my room.

Sa left side, makikita mo dito ang isang malaking cabinet na may double-door at mga drawer. It's made of plywood.

Pinatong ko ang kahon na naglalaman ng konting gamit ko tsaka binuksan. Nandito 'yung mga diaries ko, mga pictures with my highschool friends, mga gifts na hindi ko nabubuksan, accessories and other personal belongings ko.

Napahinto ako sa paghalungkat nang madinig ko ang pagbukas ng cabinet. It made a squeaking noise. Biglang tumayo ang balahibo sa batok ko dahil do'n dahil first of all, nasa baba sila Tita na tiyak na kasalukuyang iniisang pinasok ang mga kahon.

Dahan dahan kong hinarap ang kabinet and saw it half open. Kumunot ang noo ko habang papalapit ako. Nanginginig ang kamay ko habang unti-unti kong hinawakan ang handle nito. Hindi pa ako nakahawak ay may biglang sumulpot at tumakbo palabas. It caused me to scream pero agad din akong napailing at natawa sa sarili ko.

It's just a rat.

Binuksan ko ang kabinet nang tuluyan. Pero laking gulat ko dahil may necklace na nakabitin sa hook na probably for my hanger. It has a huge pendant that is probably made of emerald stone na may halong red gemstone--na, err, fake maybe.

Tinitigan ko lang 'yon hanggang sa may napansin akong nakaukit sa frame nito. Inilapit ko ang pendant sa mukha ko para mabasa ko 'yung maliit na text sa frame.

Velvet Victoire.

I frowned. Si Tita talaga, mahilig magpa-surprise. Sinuot ko nalang 'yon at itinago sa loob ng t-shirt ko.

No wonder, mahilig talaga si tita Aivy sa mga pendants, lalo na 'yung pocket watch. Every birthday niya ay wala na akong ibang maisip na regalo sa kaniya kundi puros pendant lang. Sometimes, mahilig din siyang mangolekta ng mga stones. How weird.

"Velvet! Dinner's ready!" sigaw ni tita mula sa ibaba. Napangiti nalang ako habang sinarado ko 'yung cabinet at tumakbo palabas ng kwarto, papunta sa hapag-kainan.

"Grabe 'yung pasabog mo tita, ha?" Hinalikan ko siya sa pisngi pati na rin kay Tito. Pagupo ko, nakakunot 'yung noo ko ni tita Aivy na para bang walang ginawa. Sus! Pa-inosente pa.

"Pasabog?" tanong niya.

Hindi ko muna siya pinansin at nilantak agad 'yung mga pagkain. Ang bilis naman ata nilang makasettle ng mga kahon dito sa loob? Kanina lang nasa sampung malalaking box pa 'yon, ah.

"You surprised me with your gift," dinilaan ko ang kamay ko dahil hindi na ako nag-bother na gamitin ang mga utensils.

"Gift?" 

I frowned. Pamaang-maangan pa, alam ko naman na siya ang nagbigay sa pendant.

Umiling nalang ako sabay kaway sa kamay ko. "Don't mind it. Kumain nalang po tayo."

Matapos naming kumain, ako na 'yung nag-volunteer na maghugas ng mga pinggan. Hindi naman sila umangal dahil kailangan pa raw nilang ayusin ang kwarto nila. Ako naman, bahala na muna kung nakatambak pa 'yung mga gamit ko doon sa itaas.

Bukas ko nalang siguro 'yun i-make over ang kwarto ko. Papalitan ko din ng bed sheets na mas comportable sa akin tapos pipinturahan ko pa ng kulay asul o violet.

Sinet-up ko muna yung cellphone ko para sa patugtugin ang paborito kong playlist. So while washing the dishes, sinasabayan ko ang lyrics ng mga kantang naka-shuffle.

"Let your smile light up the sky. Keep your spirit soaring high~" kanta ko.

Natigilan lamang ako dahil may nahulog na plastic bowl sa aparador kung saan inilagay ang mga kitchen utensils.

Kumunot ang noo ko habang kinuha ang bowl sa sahig saka hinugasan 'yon at binalik sa aparador. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman nakabukas ang aparador kanina. Masyado naman atang papansin 'to at kailangan pang buksan ang lock para ihulog 'to.

Pinilig ko na lamang ang ulo ko to shove away the scary thoughts. Grr, ako pa naman mag-isa dito sa baba dahil nasa kuwarto na nila si Tita Aivy at Tito Miguel.

Natigilan ulit ako at ngayon ay parang nagkarera ang puso ko dahil sa lakas ng pintig. I heard someone giggling near me. Naramdaman ko pa ang hininga niya kaya agad akong lumingon sa likod. Nothing suspicious.

Napailing ulit ako at nagpatuloy sa paghugas.

Ano ba naman 'yon. Mukhang pinapatulog na ako ng kung sinumang engkanto na 'yan. O baka sa sobrang ingay ko kakakanta dito ay pinapatahimik ako sa pamamagitan ng pagtakot sa 'kin. Infairness tumalab, ha. Natatakot na ako.

Dinalian ko na ang paghugas ng pinggan, pinatuyo 'yon at inilagay sa aparador at inilock.

Hindi na ako magtatagal dito sa 'baba. May kailangan pa akong gagawin sa kwarto ko--

"Son of a cow!" Napahawak ako sa dibdib ko pagkalingon ko sa likod. Napasandal pa ako sa counter at kasabay nito ang pag-hulog ng baso, causing it to break into pieces.

"Shh..." Hindi bumubuka ang bibig niya habang nakataas pa ang hintuturo sa kaniyang labi.

Nakakatakot siya tingnan, lalo na 'yung mga mata niya na parang sinilihan sa sobrang pula. Hindi na ako makaatras pa dahil nakasandal ako ngayon dito sa counter.

"Sino ka?" lakas loob kong tanong sa kaniya. Jesus, he looks scarier than I thought!

"Hindi mo ako naalala?" Gumalaw na ang bibig niya, it means nakakapagsalita na siya.

Holy gulay, ba't hindi bumubuka ang bibig niya kanina? Baka nagiimagine lang ako kanina dahil sa nangyari.

Umiling ako sa kaniya para sagutin ang tanong niya. Mas lalo pa siyang lumapit at hinawakan ang balikat ko.

"I'm Drew Mortimer, don't you still remember me? O baka nagpapanggap ka lang na hindi mo ako nakilala?" tumawa siya nang malakas. "Dito ka lang pala matatagpuan, malapit lang sa amin."

He locked his eyes to mine kaya mas lalo akong natakot. Hindi ako makagalaw, hindi rin ako makapagsalita at lalong hindi ko maiwasan ang titig niya. Parang naka-glue ang lahat ng katawan ko into one place.

"Drew!" 

Nakahinga ako nang maluwag dahil biglang nawala sa paningin ko ang lalake. Paglingin ko sa gilid, nando'n na siya sa sahig at umuubo ng dugo. Napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita ko ang isa pang lalake na nakatitig nang masama sa lalake na Drew ata pangalan.

"Kahit kailan, basag trip ka talaga, kuya Jake."

Para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil biglang tumingin sa akin ang lalake at naging maamo ang mukha niya, 'di gaya kanina na parang sasabog na sa galit.

"Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ng bagong dating na lalaki. Akmang hawakan niya ako sa kamay pero mabilis ko itong iniwasan.

Tumango nalang ako at kasabay noon ang paglingon ulit niya kay Drew na ngayon ay nakatayo na. He wiped off the blood from the edge of his lip.

Sino ba 'to sila at anong ginagawa nila sa pamamahay namin?!

author's note: Hi! Please be aware for the changing of POVs especially that I wrote this draft waaaay too long ago thus it was during my jeje-era and changing-of-pov-characters-era. Peace be with me, please enjoy reading my masterpiece.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status