INICIAR SESIÓN(mature content)CLOVETT SALMIGAN JASPER POV:"Wow! tanging nasabi ko sa nakikita kong magandang tanawin sa paligid.Nasa exclusive kami na bahay niya sa Maynila, sa Tagaytay mismo. Isa ito sa mga bahay na binili ng asawa ko. Exclusive lang talaga sa mga barkada nila.Kaya may nakita rin akong mga bata na naglalaro sa labas habang pinapakila naman ako ni Carlos sa mga kaibigan niya kahapon pagkarating namin.Galing kami ng Boracay dahil doon namin naisipang maghoneymoon. Nakauwi na sina mommy at daddy sa bahay at kapag patuloy ang therapy ni dad ay may posibilidad na babalik siya sa dati.Walang nagbago, nung nalaman namin ang katotohanan tungkol sa totoong buhay namin ng asawa ko ay hindi ko na pinalitan ang apelyido naming dalawa. Mananatili akong Salmigan at Jasper naman si Carlos, ang mahal ko.Nasa bahay na sa Negros nakatira si daddy Hardin, pero minsan umuuwi pa rin sa kanilang bahay. Daddy ang tawag ko dahil nasanay na rin nung nagkunwari pa sila dati ni Carlos para lang magi
CARLOS JASPER JR POV:Iniwan ko muna ang asawa ko sa kwarto namin dahil mahimbing pa itong natutulog. May pupuntahan lang ako kaya nauna akong lumabas patungo sa garden sa likod.Bago kami aalis ng mahal ko sa honeymoon namin ay dapat ayusin na namin ang mga dapat ayusin tungkol sa pamilya namin.Pagkarating ko nang garden ay hindi na ako nahirapang hanapin ang taong gusto kong makita at makausap dahil sa ingay pa lang ng gunting na ginagamit nito pang tabas ng damo.Napansin niya yata ang yapak ko kaya tumigil siya sa ginagawa at tiningala ako. Tumayo siya ng tuwid at ngumiti, "ikaw pala yan iho? May kailangan ka ba?" Tanong niya habang tinatanggal ang kanyang sumbrero. Tinititigan ko siya at nakikita ko na ang mga kumu-kulubot na mukha dahil sa babad sa init ng araw, dahil sa hilig niya sa pagga-garden. Dati nung bata pa ako, naitanong ko pa sa kanya kung bakit mahilig siya sa mga halaman at ang sabi niya na iyon daw ang favorite na ginagawa ng kanyang asawa na mahilig sa mga pana
Tumango-tango si mommy Ellie, "I know.. I know my dear. Your dad and I loved each other pero hindi kami matatanggap ng pamilya niya unless kung may makita sila na nagkaroon kami ng anak, kaya inilihim namin sa lola at lolo mo na hindi ako magkakaroon ng anak kahit kailan, unless kung gagamit kami ng ibang procedure, pero dahil sa alanganin na kaya naghanap na lang kami ng anak na pwede ma adopt and the good thing ay may nahanap si daddy mo. Dahil kakamatay lang ng asawa ni kuya Hardin at hindi niya na ka–" " Wha… what.. what? What did you say, mom? Sinong Hardin?" naguguluhang tanong ng asawa ko. Binalingan ko ang ginang, hinawakan ang kamay ng asawa ko at hinaplos ang palad nito. "Yes anak, ang ama mo ay hindi si Dante kundi ang matagal na nilang haciendero na matagal na ring kaibigan ng daddy mo. Si manong Hardin." "Mommy? Daddy?" umiiling ang asawa ko. At ako? Ito at gulat na gulat sa rebelasyon ng mag-asawa. Kaya pala noong unang kita ko sa kanilang dalawa ay parang magkahawig
CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: "Totoong anak kita Clovett," lahat kami na nasa kwarto ng ospital ay napasinghap dahil sa sinabi ni daddy Dante. "Patawarin mo ako, patawarin niyo ako ng mama mo, nagkamali ako, patawarin mo ako anak, patawad–" "Dad, no way! Bawiin niyo po ang sinabi mo. Hindi mo anak si Clovett, ako lang po ang anak niyo, paano po nangyari yon? H-hindi ko matanggap dad, please mahal ko ang asawa ko, ang asawa ko dad. Hinding-hindi ko matanggap na magkapatid kami, unless kung papayag siya na kami pa rin hanggang dulo, wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao!" hinawakan ko ang balikat ni Carlos para huminahon siya at makinig muna sa sasabihin ng kanyang daddy. Hawak na ni daddy ang resulta ng DNA test na isinasikaso agad niya nung nagising siya. Wala si mama dahil ayaw niyang makita ang taong sumira ng buhay n'ya. Ito lagi niyang sinasabi. Ang nasa kwarto lang ay kaming mag-asawa at si mommy na nasa gilid lang ng kama kung nasaan si da–daddy Dant
CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Nagising ako na may humahalik sa pisngi ko. Napangiti ako dahil familiar na amoy at pagdampi ng kanyang palad sa balat ko ang nararamdaman ko. Ang asawa ko ito malamang. Mas lalo akong napangisi ng haplusin niya ang tiyan ko. Pero agad ding nangunot ang noo ko na may naalala. Agad kong idinilat ang mga mata at doon pa lang siya tumigil sa kakahalik sa akin. Nakadagan pero hindi naman nilagay ang buong bigat sa katawan ko. "Carlos?" "Good morning…good morning my wife! Good morning, little miss. Good morning baby na nasa tummy ni mommy. Gutom na ba ang dalawang baby ko? Nakaready na ang pagkain natin, iaakyat ko na lang dito para dito na lang natin kakainin sa kwarto?" ngumiti ako at tumango. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinatakan siya ng halik sa mga labi habang titig na titig siya sa akin. "Good morning my husband! Natulog ka ba? Bakit may itim na itong mga mata mo? Binabantayan mo lang ba ako palagi habang natutulog? Gandang-ganda ka na naman
CARLOS JASPER JR POV: "AHHHHH!!!!!" "Pre, huminahon ka!" Bigla kong nilingon ang kaibigan. "Huminahon? Pare! Narinig mo ba yon? Narinig mo ba!? Ako at ang mahal ko pare, iisa ang ama! Alam mo ba yung pakiramdam na maririnig mo yun sa maraming tao na… na… pinakasalan ko ang kadugo ko, kadugo ko pareng Vincent!" sinipa ko ang bakanteng balde na naroon sa garden namin. Umalis ako, iniwan ko ang mahal ko. Nasasaktan ako, hindi ko matanggap kung ano man ang narinig ko sa sinabi ng mama niya. "Sa dami-daming tao, bakit siya pa? Ahhh.. shit. Damn it." "Bakit hindi tayo bumalik doon at magtanong ulit, baka alam ng mommy at lalo na ang daddy mo kung bakit o paano nangyari? " bumaling ako kay Vincent dahil sa sinabi niya. "Paano kung tama? Paano ko haharapin yun, pre? Kasal na kami at sobrang mahal ko siya pare, sobra-sobra. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, pero paano kung nasusuka ang mahal ko ngayong nalaman niya na magkapatid kami, hindi lang kami kasal lang pare, we're







