Share

CHAPTER FIFTY

SA pagwa-walk out ni Vivian ay dinala lang naman siya ng paa papunta sa gubat kung saan naroon ang ilog na inaagusan ng talon.

Muli siyang naupo sa nakausling bato, pinakatitigan niya ang repleksyon niya mula roon. Mapait siyang napangiti habang nakatitig sa mukha.

"Oo nasa akin na ang mukha mo Kendra, nasanay na ang mga bata sa akin. Heto nabigyan ko pa ng anak si Timothy pero ikaw pa rin ang hinahanap niya! Ano bang meron sa iyo na wala ako!" naghihinakit niyang hinagpis sa kinauupuan.

Doon niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit niya ng mga sandaling iyon, umiyak siya ng umiyak kahit hindi naman niya ng iyon gawain dati.

"Napapagod ka na ba sa sitwasyon mo?" Isang tinig ang narinig niya buhat sa may likuran niya ng lingunin niya kung sino iyon walang iba kung 'di si Selena o sabihin ang dating siya.

"Bakit ka nandito?" Bumangon ang galit niya sa babaeng nasa harapan niya. Lalo ito ang dahilan kung bakit sila may sigalot ngayon ni Timothy.

"Bakit... bawal na ba akong pumasyal dito, gay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status