Share

CHAPTER 04

MABILIS ang ginawa kong paghakbang palabas ng building na 'yun, ayaw ko nang bumalik sa lugar na 'to lalo na kapag naiisip ko na nandito siya. Nang makita ko na ang pick up ni Pio ay agad na akong sumakay doon at pabagsak ko pang sinarado ang pinto noon.

"Anong nangyari?" agad na tanong ni Pio sa akin at base sa tono ng pananalita niya ay mukhang nakikibalita siya sa naging pag-uusap ko sa Attorney sa loob.

Hindi niya alam na wala akong matinong Attorney na napala doon.

"Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo, gusto ko nang umuwi," mahinang sagot ko sa kaniya at iniwas ko na lang ang paningin ko para hindi niya makita ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

Buti na lang at hindi na siya nangulit pa.

Walang salita na pinaandar niya na nga ang sasakyan habang ako naman ay sa labas lang ng bintana nakatingin.

Ako nga pala si Analeigh Devon but you can call me Leigh for short . 25 years old na ako at mag isa na lang ako sa buhay ko ngayon dahil both parents ko ay patay na. 'Yung Mother ko, matagal ng patay, before mag-college pa lang ako habang 'yung Father ko naman ay last year lang namatay.

At sa pagbalik ko sa probinsiya namin nang mawala siya ay doon ko pa lang nalaman na iniwan niya pala sa akin ang walang katapusan niyang utang kay Mrs. Cruz kung saan gusto nitong kunin ang lupa bilang kabayaran.

'Yun ang dahilan kung bakit kailangan kong humanap ng magaling na abogado para ipaglaban ang lupa na 'yun dahil mahalaga 'yun para sa akin-- ngunit sa kasamaang palad ay sa isang walang kwentang abogado pa ako napaharap kung saan walang ibang ginawa kundi ang isipin ang pang sarili niya lang na pangangailangan. Hindi naman ako galit sa kaniya dahil sa katunayan nga ay siya dapat ang magalit sa akin dahil sa ginawa kong pang iiwan noon. Bigla akong nawala ng parang bula pero kung ako naman ang papipiliin ay hindi ko 'yun gustong gawin.

Pero huli na ang lahat, nagawa ko na at matagal na panahon na 'yun kaya hindi ko na mababago pa ang tungkol du'n. Nagkalayo na kami ng mahigit limang taon at hindi na namin maibabalik 'yung mga panahon na 'yun at saka mga bata pa naman kami noon.

'Yung tipong puro sarili lang namin ang iniisip namin. Walang masyadong problema. Ganun!

Madami nang nagbago sa aming dalawa.

Madami nang nagbago sa akin pero mas madaming nagbago sa kaniya.

Successful na siya at alam kong nakuha niya 'yun sa sarili niyang sikap. Eversince naman kasi ay hindi siya umaasa sa mga magulang niya... at masaya ako dahil doon. Gwapo pa rin siya, I mean— mas lalo siyang naging magandang lalaki at maganda pa rin ang pangangatawan niya tulad ng dati. Kaya nga hindi ko maiwasan na hindi siya titigan kanina.

Bakit ko naman kasi hindi siya tititigan?

Matagal na panahon ko siyang hindi nakita at gaya nang sinabi ko ay hindi ko talaga inasahan na makikita ko siya do'n. Ilang beses na kasi akong bumabalik sa firm na 'yun, kung hindi ako nagkakamali ay pangtalong beses na 'yung kanina at never ko naman siyang nakita doon dati kaya nabigla talaga ako.

Masaya naman ako nang makita ko siya pero hindi nga lang ganon kasaya dahil napansin ko  na ang laki nang pinagbago niya. Sa postura pa lang niya... sa mga damit na sinusuot, sa ugali at sa pananalita.

To the point na nasabi niya sa akin ang tungkol sa BAGAY na 'yun.

Inaamin ko naman na may nangyari na sa amin nu'ng mga panahon na magkasama pa kaming dalawa, siya ang unang lalaki sa buhay ko. Sa kanya ko naranasan ang lahat ng una sa akin kaya siguro 'yun ang naging dahilan kung bakit naging mahirap para sa akin ang kalimutan siya.

           HINDI ko napansin na nakatulog pala ako sa sobrang pag iisip ko sa kaniya sa buong biyahe namin ni Pio pabalik dito sa probinsya kaya naman nagising na lang ako nang tuluyan na kaming makarating.

Mabilis akong pinagbuksan ni Pio ng pinto ng sasakyan at nang makababa na ako ay nagkaharap kaming dalawa.

"Okay ka lang ba talaga Leigh? May nangyari bang hindi maganda kanina?" nag aalalang tanong niya pa sa akin habang diretso lang siya na nakatingin sa mga mata ko.

Mabilis ko naman 'yung iniwasan at saka maglalakad na sana palayo sa kaniya at para makapasok sa bahay kaya lang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko dahilan kung bakit napatigil ako. "Hindi ko maiwasan na hindi ka isipin kung ganyan ang ikinikilos mo? Hindi pa rin ba tinanggap nu'ng abogado 'yung kaso mo? I told you, hindi mo naman kailangan na ipaglaban ang lupang 'to, sumama ka na lang sa akin." sabi niya pa at dahan-dahan niya akong pinaharap sa kaniya.

Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at para bang nagmamakaawa na ang ekspresyon niya ngayon. Mabilis naman akong umiling sa kaniya bilang pag tanggi.

"I'm sorry pero hindi ko kayang talikuran ang lupang 'to. Hindi gano'n 'yun gano'n kadali Pio. Kailangan kong mag isip ngayon, kailangan kong mapag-isa. Kaya umalis ka na, please," mahinang sabi ko at ako na mismo ang nag tanggal ng mga kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

Nakatitig lang siya sa akin ng mga ilang segundo hanggang sa hindi nagtagal ay dahan-dahan na siyang tumango bilang pagsang-ayon. Tuluyan na siyang tumalikod sa akin at sumakay sa pick up niya. Hindi ko naman na hinintay pa na makaalis siya at pumasok na ako sa loob ng bahay at kinandado pa 'yun.

Pabagsak akong umupo sa bangko dito sa harapan ng lamesa at napasabunot pa ako sa sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mahalaga ang lupa na 'to para sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko na nga ba itong isuko na lang kay Mrs. Cruz at sumama kay Pio. Well, hindi ko siya boyfriend pero matagal na siyang nanliligaw sa akin at magkaibigan din naman kami. Kung sakaling sasama ako sa kaniya, alam kong maibibigay naman niya ang lahat nang pangangailangan ko sa buhay kahit na hindi naman siya ganon kayaman.

Magkakaroon kami ng simpleng buhay pero 'yun nga ba talaga ang gusto kong mangyari?

Alam ko naman at alam niya na wala talaga akong espesyal na pagtingin sa kanya at nilinaw ko na 'yun matagal na sa pagitan namin. Pero alam ko rin naman na kapag nagkagipitan na dito sa lupa ay handa akong sumama sa kaniya at kalimutan na ang lahat.

'Yun ang iniisip ko noon-- hindi lang ako sure kung 'yun pa rin ba ang iniisip ko ngayon lalo na at nakita ko na ulit si Wayne.

Hindi ko naman itatanggi sa sarili ko na mahal ko pa rin si Wayne. Kaya lang-- gaya nang sinabi ko ay hindi na tulad ng dati ang lahat. Gulong gulo na talaga ang isip ko.

Natatakot din ako na baka 'yung dahilan ng pag alis ko dati ang maging dahilan ulit para masaktan ako sa pangalawang pagkakataon. At hindi ko na kakayanin na maranasan ko ulit 'yun. Not in the second time around, kaya hangga't kayo ko-- I will never let myself to be involve in his life AGAIN!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status