Share

CHAPTER 05

Napatingin na lang ako sa mga canned beer na ipinatong ng kaibigan ko na si Catleya dito sa lamesa na pinag uupuan ko at saka mabilis ko yung kinuha at binuksan.

"Oh ayan, kung wala ka lang malaking problema-- na'ko, sinisigurado ko sa'yo na hindi mo ko maaakit na uminom." sabi niya sa akin at tuluyan na rin siyang umupo sa harapan ko at kumuha rin ng sarili niyang beer.

Siya nga pala si Catleya Santa Mesa, isa siya sa kaibigan ko dito sa probinsya at sa katunayan nga ay nu'ng bumalik lang ako dito ay doon na lang ulit kami nagkita pero hindi naman kami nawalan ng koneksyon kaya matibay pa rin ang samahan namin.

Isa siyang guro sa elementarya dito sa lugar namin kaya naman nag dadalawang isip din siya nang akitin ko siyang uminom. Syempre, may iniingatan pa rin siyang pangalan.

"Buti na lang din at sabado bukas kaya wala akong pasok sa school." pagdudugdong na sabi pa niya.

Uminom na lang ako at halos mangalahati na 'yung beer ko nang hindi ko namamalayan. Lumipas ang ilang segundo ay naramdaman kong nakatingin lang siya sa akin kaya hindi ko na siya binatuhan pa nang tingin dahil alam ko na kung ano ang iniisip niya.

Baka naaawa siya sa kalagayan ko.

"Ayoko namang pangunahan ka, kaya lang kasi ang mga abogado talaga ngayon sa siyudad ay talagang mga mukhang pera. Hindi ka nila mai- entertain kung wala kang maibibigay sa kanila." malumanay na wika niya sa akin ng may pag aalala.

Napa- buntong hininga naman ako.

Na ikwento ko na kasi sa kaniya 'yung nangyari kanina-- pero ang totoo ay hindi naman talaga 'yun ang problema ko kaya ako nag akit na mag inom kundi ang pagkikita namin ni Wayne.

At hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba kay Catleya ang tungkol do'n, syempre kilala niya si Wayne.

"Alam mo kasi Leigh, ito ay opinyon ko lang naman huh. Pero, nasa tamang edad ka na. Bente singko ka na at normal lang na mag asawa ka na sa ganyang edad mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yung inaalok ni Pio sa'yo? Matagal na panahon na rin naman siyang nag hahabol sa'yo at maraming beses niya na ring napatunayan ang pagmamahal niya." sabi pa niya.

Dahil doon kaya binatuhan ko na siyang nang seryosong tingin at saka ako nagsalita, "Hindi ko iiwan ang lupang toh Catleya. Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga sa akin 'to, "malumanay na wika ko sa kaniya.

"Sige, doon na tayo sa mahalaga nga ito sa'yo. Kaya lang, mamumulubi ka naman at mai-stress sa pag iisip kung saan ka kukuha nang malaking pera para mabayaran 'yung abogado na gusto mong hahawak ng kaso mo." sabi pa niya.

Dahil doon kaya napa inom na naman ako ng alak ko.

Kung kanina ay si Wayne lang ang pino-problema ko-- ngayon naman ay dumagdag na rin ang tunay kong problema which is itong lupa nga.

Hayyys.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Pero tutal, nag uusap na rin naman kami ni Catleya ng mga seryosong bagay-- siguro dapat sabihin ko na rin sa kaniya 'yung problema ko, guro siya kaya alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon ko. At saka, wala rin naman akong balak na sabihin sa kaniya ang lahat nang pinag-usapan namin lalo na 'yung tungkol sa kabastusan na sinabi ng lalaking 'yun.

"Ang totoo kasi niyan-" pa unang sabi ko at uminom na lang ulit ako ng beer bago ko siya binatuhan nang tingin kung saan nakatingin din siya sa akin na para bang handa nang makinig. "Nakita ko si Wayne kanina," pagtutuloy na wika ko at mahahalata agad ang pagkahina ng boses ko.

Muntikan pang masamid si Catleya dahil sinabi ko ang nakakagulat na balitang 'yun habang umiinom siya ng beer niya. Hindi ko na lang siya pinansin pero alam kong gulat na gulat na ngayon ang ekspresyon niya.

"W- Wayne? You mean, y-your ex? " 

Hindi makapaniwala na tanong niya.

"Yeah. Siya 'yung abogado na nakaharap ko kanina," pagbibigay impormasyon ko pa sa nangyari.

"So, isa na pala siyang ganap na abogado ngayon." Wika niya at tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Hindi lang basta-bastang abogado,  dahil lumabas mismo sa bibig niya na isa siya sa PINAKAMAGALING na abogado ng bansa," I said at muli kong ininom ang natitirang alak sa canned beer ko at saka nagbukas ulit ng panibago.

"Galit ba siya sa'yo?  Nagpaliwanag ka ba kung bakit ka umalis? Sinabi mo ba ang dahilan?" Sunod-sunod na tanong niya at dahil doon kaya hindi ko maiwasan na mai-angat ang gilid ng labi ko.

"He never asked,  like-- he doesn't care at all," sagot ko at nasasaktan talaga ako sa fact na 'yun.

Kita ko naman sa mga mata niya kanina na parang nasasaktan siya pero 'yung fact na hindi siya nagtanong, alam ko na agad na wala na siyang pakialam pa.

"At isa pa, kahit naman magtanong siya-- wala rin naman akong balak na sagutin 'yun," dagdag na sagot ko pa.

"Ano? Bakit? May karapatan siyang malaman." Wika pa niya.

"You're right. May karapatan siyang malaman pero wala na rin naman say-say pa 'yun. Umalis ako at iniwan siya ng walang paalam. 5 years... and I think saying the reason why is just nonsense. Kitang-kita ng dalawang mata ko kanina ang laki nang pinagbago niya, kung dati mahirap na siyang abutin pwes ngayon, mas lalo ng mahirap kasi mas tumaas pa siya. And people like him--" I hang my words and shrug my head. "Nonsense lang." pagtutuloy ko pa.

Uminom na lang ulit ako ng alak ko.

"Ano nga ulit full name nu'ng ex mo? Dahil kung talagang magaling siya then dapat kilala ko siya." Wika ni Catleya makalipas ang ilang segundo na katahimikan sa pagitan namin.

"Wayne,  Wayne Harden Ferrer. "

Napansin ko ang awtomatikong paglaki ng mata niya pati na rin ang pagtakip ng kamay niya sa bibig niya.

Gulat na gulat?

"Oh my god! As in OH MY GOD?!" gulat na gulat na wika niya.

"Ano ba? Bakit?!"tanong ko kasi hindi na rin ako makatiis na magtanong.

"Girl, panalo ang kaso mo kapag siya ang naging abogado mo." Paunang wika niya na para bang siguradong-sigurado siya. "Mahina man ang laban mo o hindi, tiyak na panalo ka." Dagdag na saad niya pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status